Share

Chapter 4

"That's how one night stand works," inis na sagot ni Patricia sa nakatungangang si Casper. Talagang hininto pa nito ang sasakyan sa isang parking lot para marinig ang magiging sagot niya.

Mahinang natawa si Casper. Hindi niya alam kung anong nakakatawa sa sagot niya. Tama naman ang sagot niya, hindi ba?

Ganon ang mga napapanood niya. Wala man siyang karanasan sa one night stand ay alam naman niyang walang string attachment iyon. Pagkatapos niyo paligayahin ang isa't-isa at makuha ang mga gusto ay tapos na kung anong meron sa inyo.

Natakot din siya na kung ito ang maunang magising ay wala na ito sa tabi niya. Mas masakit iyon sa ego niya dahil siya ang babae. Kaya hindi na siya nakapag-isip pa kung anong dapat gawin ng umagang iyon pagmulat ng kanyang mga mata kundi ang umalis bago ito magising.

"Do you expect me na gigising ka at makikita mo ako sa tabi mo habang nakangiti? O kaya naman ay nakayakap sayo at inaamoy ka?" sarkastiko niyang tanong, dahilan kung bakita natahimik si Casper at napatitig sa kanya.

He clenched his jaw and looked at her in a serious manner. "You're a virgin."

Napakurap si Patricia. Right, she was a virgin that night.

"You gave your virginity to someone... na hindi mo lubusang kilala, at parang wala lamang iyon sayo?"

Umiwas siya ng tingin kay Casper at pinaglaruan ang mga kamay. She's nervous, hindi niya alam kung saan at kung bakit. "Hindi na ako bata, Casper. Alam ko kung anong ginagawa ko, pwede ba? Kahit anong gusto kong gawin ay wala ka kayo roon. I'm an adult and this is life. The hell I care kung anong sabihin ng iba?"

"Why you do that?"

Nagtatalo ang isip niya kung sasabihin ba ang reason kay Casper o hindi. Hindi niya binigay ang virginity niya kay Luke na kasama siya sa loob ng tatlong taon, pero ganon niya kadali ibinigay kay Casper? Ano na lang ang iisipin ni Casper sa kanya?

Humugot siya nang malalim na hininga bago muling bumaling kay Casper. "Kung alam mo bang virgin ako ng gabing yun, papayag ka pa rin ba?"

"No," direktang sagot nito. "You deserve to give your first to someone... not to me."

Parang hinaplos ang puso niya sa sinabi nito. She find it hot and attractive.

"But I like what we did." Kahit siya ay nagulat sa mga salitang lumabas sa sarili niyang bibig. Hindi siya lasing ngayon! Hindi siya nakainom! Pero ano ba ang mga sinasabi niya?

Ramdam niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Kung pwede lang siya kainin ng lupa ngayon ay magpapakain siya sa sobrang kahihiyan.

Natawa si Casper at inalis ang suot na seatbelt. "Behind your innocent face is something, Patricia. You're something." Inilapit nito ang mukha sa kanya at napaatras naman siya pero wala siyang aatrasan. "I still remember how you moan when I kissed you that night..."

Napalunok si Patricia. Nakagat niya ang ibabang labi at tumingin sa ibaba, pero marahang hinawakan ni Casper ang pisngi niya para magtama ang mga paningin nila.

"Your lips, your smooth hair... everything about you, Patricia... I can still remember all."

Gusto na himatayin ni Patricia sa mga naririnig niya. The Casper 20 minutes ago is not longer existing. Ang Casper na kaharap niya ngayon ay ang extranghero na nakilala niya one year ago sa club.

"Patricia," he called her name softly.

Parang nalulunod na siya sa mga titig nito.

"I wanna kiss you."

Tanging tango lang ang naging sagot niya. Hindi niya kaya pa na magsalita.

Casper smirked at her. Inalalayan nito ang batok niya bago siya nito siniil ng halik. Tila uhaw na uhaw si Casper, ayaw mawalay ang labi niya sa labi nito at walang ibang magawa si Patricia kundi ang sabayan ito. Parang bumalik ang lahat ng nangyari ng gabing iyon. Ganito rin siya halikan ni Casper noon.

Nang huminto si Casper ay naghahabol hininga si Patricia, pero walang pakundangan siyang hinila ni Casper at pinaupo sa mga hita nito at muling itinuloy ang pagbalik sa kanya.

Gumapang ang mga kamay ni Casper papunta sa loob ng suot niyang blouse, ngunit sabay silang napahinto at Napatingin sa dashboard ng sasakyan ng mag-ring doon ang cellphone.

"Fuck..." mahinang mura ni Casper at dinampot ang cellphone.

Inayos ni Patricia ang buhok niya at akmang aalis sa mga hita ni Casper, pero hinila siya nito para manatili room habang may kausap sa kabilang linya.

"Ako na naman ba ang maglilinis ng kalat niya, Ma?" Hindi man naririnig ni Patricia ang sinabi ng kausap ni Casper ay alam niyang hindi nagustuhan ni Casper kung anong sinabi ng kausap. "Parati na lang ako! Hindi titino yan kung parati mo na lang kinukunsinti!"

Padabog na ibinababa ni Casper ang cellphone sa dashboard at inis na ipinikit ang mga mata. Pinagmasdan naman ni Patricia ang mukha nito. Mula sa noo, mga pilik, ilong at pisngi nito pababa sa labi. Napakaperpekto ng hugis nito, para itong isang Greek God mula sa Mt. Olympus na bumaba rito sa lupa.

Nang magmulat si Casper ay at hinawi nito ang mga takas niyang buhok. "Can I see you later?"

Awtomatikong tumango si Patricia. It was an instant. "Are you going somewhere?"

"I need to go home."

She faked a smile. "I'll just take a cab, then."

"No, I'll bring you home. I'll go to after to see you."

This is not a one night stand anymore. Pero hindi alam ni Patricia kung anong meron sa kanila ni Casper. And this is bad...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status