Share

Chapter 3

"Look at him!" Sinundan ng tingin ni Patricia ang direksyong tinitingnan ng kaibigang si Gehlee. "He's so hot, Pat!" Muntik na siyang mahirinan nang mapagsino ang lalaking tinutukoy nito.

The man is no other than Casper Wales!

Mukhang may importante ring lunch meeting si Casper sa mga naka-coat and tie na tatlong lalaki sa mesang ino-okupa ng mga ito. Malayo kaysa karamihan ang mesa ng grupo nito. Gayunma'y hindi pa rin ito nakaligtas sa mapagmasid na mga mata ng kanyang kaibigan. Kunsabagay ay parte iyon ng trabaho ni Gehlee bilang isang talent scout. 

At kahit mukhang balewala na sa lalaki ang namagitan sa kanila ng gabing iyon ay hindi niya pa rin maalis sa sarili ang makaramdam ng pagkailang kapag nakikita ito.

It was her first time, after all. She let a total stranger popped her cherry. What could he possibly be thinking of her after that night? Binigyan siya ng tapang ng alkohol ng gabing iyon. Ngunit pagkatapos na maghulas ang tama ng alak ay lumipad na rin ang tapang niya na harapin ang kunsekuwensya ng kanyang kapusukan.

Mabuti na lamang at hindi siya fertile ng gabing iyon. At wala ring sakit ang lalaking nakatalik niya kaya walang naging mabigat na repercussions ang namagitan sa kanila.

"Do you think papayag siya kung aalukin ko siyang maging modelo? I think puwedeng-puwede siya sa men's underwear. With a face like that, I bet he's got a gorgeous bod. I could almost picture him in a Calvin Klein underwear. Or better yet, without anything at all."

Tukso namang malinaw na gumuhit sa imagination ni Patricia ang larawang iginuhit ng kaibigan. Ipinilig niya ang ulo at dagling itinaboy ang kaakit-akit na imahe.

Tila iyon masamang espiritu na pinilit niyang itaboy sa isipan.

"He's rich, I don't think he'll need an extra cash to fatten his already fat bank account," aniya na lang sa kaibigan.

"You know him?"

"He's friends with Ian Villapondo," tipid na sagot ni Patricia sa kaibigan. 

"I want to meet him! Ipakilala mo ako sa kanya!"

Namilog ang mga mata ni Patricia sa sinabi ng kausap. No. Absolutely not!

"Hindi kami close," mabilis niyang sagot at sunod-sunod na umiling.

"You're not strangers, either. I really want to meet him—and I mean, up close and personal. Ano ang malay natin, mapapayag ko siyang mag-modelo?"

Umiling siya.

"As you can see, they're still talking. At mukhang napaka-importante ng pinag-uusapan nila na maaaring tumagal pa ng ilang oras. I don't think I can wait that long since I'm also meeting a very important client after lunch—"

"No, you're wrong. Look at him, tumingin siya rito!"

Pakiramdam ni Patricia ay bigla siyang nanigas sa kanyang kinauupuan. Not now, please?

"I think his meeting is already finished."

Shoot!

"Gosh, I think he recognized you, Pat!"

Malapit ng mag-palpitate si Patricia sa kinauupuan habang ang kaibigan naman niya ay parang sinisilihang bulate ang puwetan. She tried to relax.

Kunwari'y wala siyang narinig na ipinagpatuloy lang ang pagkain. Pero ang totoo ay para siyang kumakain ng kusot.

"Oh, my God, oh, my God! I think he's heading this way," impit na tili ni Gehlee at niyugyog pa siya.

Tingin kasi ito nang tingin sa direksyon ni Casper kaya siguro akala ay pinag-uusapan nila ito. At hindi niya gustong i-entertain sa utak niya na iniisip ng lalaking iyon na ikinukuwento niya sa kaibigan ang intimate moment na pinagsaluhan nila ng gabing iyon!

Kung puwede lamang hilinging maglaho ng mga sandaling iyon ay hiniling niya na.

"Hello?"

Parang tumigil saglit ang pintig ng puso ni Patricia. At kahit mabigat ang loob ay napilitan siyang mag-angat ng tingin.

"Uhm, hi. Mr. Wales, right?"

She saw something flashed in his eyes after she said that. Kung nagulat ito, nainis o naguluhan sa inasal niya ay hindi siya sigurado. Mukhang mahusay itong magkubli ng iniisip nito.

"And you're Patricia right?" tugon nito sa halos kapareho niyang tono. "I thought I knew you from somewhere."

Posible nga kayang hindi na rin siya nito matandaan pagkatapos ng gabing iyon? O tulad niya ay nagkukunwari lamang ito?

Binalewala na lang niya iyon at sinulyapan ang alumpihit na kaibigan.

"By the way, this is my friend, Gehlee. She's a talent scout."

Mabilis na naglahad ng kamay ang kaibigan niya.

"Casper Wales," nakangiting sabi nito sa kaibigan niya nang tanggapin ang pakikipagkamay ni Gehlee.

"Goodness. Even your teeth are perfect."

Casper chuckled while Patricia rolled her eyes heavenward. Kung hindi niya kilala ang kaibigan, iisipin niyang nakikipag-flirt ito kay Casper.

"Care to join us?" paanyaya pa ng magaling niyang kaibigan.

Tumingin muna ito sa kanya na tila humihingi ng pahintulot bago sumagot.

"Oh, please. Have a seat," she used her most saccharine smile as she gestured her hand in the vacant seat next to her.

"Thanks." Ipinagpatuloy niya ang pagkain kahit sa totoo lang ay hindi niya na halos malasahan iyon.

"Would you like to order something else?" offer ni Casper.

"No, we're good. I'm about to finish, anyway," tanggi niya.

"How about dessert?"

"I'm on a diet," ani Patricia.

"Ay, ako hindi tatanggi!" wika naman ng kaibigan niya.

No comment na lang si Patricia. At dahil wala naman talaga siyang appointment sa araw na iyon, hindi na lang niya itinuloy ang pag-alis gaya ng nauna niyang plano. Ayaw rin naman niyang isipin ni Casper na iniiwasan niya ito kahit pa nga iyon naman talaga ang totoo.

And despite herself, she couldn't help noticing how good he is in carrying a conversation. Para bang sanay na sanay itong makipag-usap sa iba't ibang klase ng tao. He's not even trying to charm her, nevertheless, she's charmed with every passing minute.

This is crazy...

"So far, ilang isla na ang pag-aari mo?" usisa ng kaibigan niya.

"Yes."

Nakikinig lang siya sa usapan ng mga ito. Kung hindi tanungin ay hindi rin siya masyadong magsasalita.

"I bet you also own a yacht?"

"At least twenty," kaswal na sagot nito.

"Wow. How about a private plane?"

"I own a small plane. It's a necessity whenever I need to travel abroad for a business trip."

"Tama nga ang kaibigan ko," di-kawasa'y sabi ni Gehlee.

Pinanlakihan ito ng mga mata ni Patricia na parang tinatanong kung ano ang ginagawa nito at isinasabit pa siya sa usapan.

"What do you mean by that?"

"That you are filthy rich. Na imposibleng tanggapin mo ang offer ko sakali at alukin kitang maging modelo."

"Ah," parang nangislap sa amusement ang mga mata nito. "What made you think that I'm that rich?"

Nang mapatingin si Patricia kay Casper ay saka lamang niya na-realized na sa kanya naka-direkta ang tanong.

"Well, you're friends with Ian, so I figured hindi nagkakalayo ang inyong mga estado. The Stanford owns a conglomerate."

Casper chuckled. And ridiculously enough, she finds it sexy.

"I wasn't born with a silver spoon like my friends, Patricia," wika ni Casper. "I was just lucky to have an Uncle who raised me like his own son. He was a financial analyst. Itinuro niya sa akin ang lahat ng dapat kong matutunan sa tamang pag-i-invest. From the stock market, bonds and property development."

"Ang galing mo naman!" puno ng paghanga ang mga matang sabi ni Gehlee. "Nakakabilib ang mga taong maituturing na self-made millionaire. Or in this case, I think you are already a self-made billionaire, tama ba ako?"

Casper just laughed. He didn't confirm it nor deny it.

Patricia excused herself para pumunta ng restroom. Pagbalik niya ay nadatnan niyang nagpapalitan ng cellphone number sina Casper at Gehlee.

"Do you need a lift, ladies?"

"May dala akong sariling sasakyan," ani Gehlee at Itinuro pa ang pulang kotse. "Pero si Patricia ay wala. Nasa casa ang car niya."

"Sasabay na lang ako kay Gehlee," maagap na sagot ni Patricia bago pa mag-offer sa kanya si Casper.

"Actually, Pat, baka hindi kita maihatid. Nagpapasundo sa akin si Mama."

She looked at her friend in disbelief. Matapos nitong makipagpalitan ng number kay Casper ay itatapon siya nito kay Casper? "I'll... just take a cab. Maaabala ko pa si Casper—Mr. Wales."

"No. Not at all," mabilis na tugon ni Casper at humarang sa harapan niya.

Parang na-freeze ang ngiti sa mga labi ni Patricia. At kaysa makipagtalo pa, nagpatianod na nga lang siya. Pumayag na siyang magpahatid kay Casper.

"Don't worry, I don't bite," parang nanunuksong sabi ng binata nang ipagbukas siya nito ng pinto sa passenger side ng magara nitong sasakyan.

Isang tipid na ngiti lamang ang nagawa niyang itugon dito. Nang umusad ang sasakyan ay parang nagkaroon ng ati-atihan festival sa loob ng dibdib niya.

Pasimple niyang natampal ang dibdib para lang pakalmahin ito.

"Bakit ka umalis ng hindi man lang nagpaalam that day?"

Napahinto si Patricia at dahan-dahang bumaling kay Casper. So naalala nga siya nito?!

"Bakit umaakto ka na hindi ako kilala?"

"I asked you a question first, Patricia. Bakit umalis ka na lang ng hindi nagpapaalam ng araw na yun?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status