Share

Chapter 3

Monday came, maaga akong nagpahatid sa school. Good thing nasa ibang campus na si Ariella kaya hindi na kami magkasabay ngayon sa iisang sasakyan. Dati kasi nung nasa isang campus pa kami, maaga palang bad trip na ako sa kanya. Ewan ko ba kahit na anong pilit ko sa sariling magpakabait sa kanya siya talaga yung nang-dedemonyo sa akin. 

Even if I'm just quiet inside the car, siya talaga yung gumagawa ng paraan para maasar ako sa kanya. At kapag wala naman akong reaksyon lalo itong naiinis sa akin. Kaya nga nung nagcollege na siya para akong nabunutan ng tinik. Pero mas matatahimik siguro ang buhay ko kung matutuloy si Ariella sa ibang bansa. 

Narinig kong nagsasaya ang mga kasambahay kagabi dahil aalis daw si Ariella pagkatapos nitong semester. May modelling offer ata ito sa ibang bansa. Whatever! Wala akong pakialam kung anong pagkakabalahan niya sa buhay basta wag niya din akong pakialaman sa buhay ko.

"Good morning, Addy. How's your sleep?"

Napairap ako sa kawalan ng bumati ang driver/yaya/ tutor/ bodyguard ko sa akin. Bakit ba bumalik na naman ang lalaking 'to? Akala ko nasa military na to, masaya na nga ako at ilang taon siyang nawala pero ngayon bumalik na naman? 

Ang akala ko pa binibisita niya lang ang 'bestfriend' niya nung nakaraan pero heto na naman siya. 

My life is peaceful nung wala siya at mas mabuti pang wala siya. I won't trust him again dahil ang sabi niya sa akin noon hindi niya ako iiwan. Sinabi niya aalagaan niya ako pero anong ginawa niya, bigla na lang siyang nawala ni wala man lang abiso. Tapos ngayon ano susulpot na lang siya ulit?

"How's your sleep baby? Are you still having nightmares?" 

"As if." umirap ako sa kanya. "Don't act like we're close. Hindi na ako ang batang Adrianna na alagain mo. I'm grown up now and stop calling me baby, hindi mo ako anak."

Baka nakalimutan mong ilang taon ka ding nawala at pagbalik mo si Ariellana pala ang bestfriend mo. Hindi man lang ako na-informed. Gusto ko sanang idagdag pero pinili kong wag na lang baka magtutunog ampalaya lang ako.

"May bagong recipe si Kuya Zach mo, pinapasabi niya na ililibre ka daw niya. Gusto mo punta tayo mamaya after your class?"

I didn't talk, I just rolled my eyes at him before I look away. Sa labas ng bintana ako nakatingin. Pupunta ako sa resto ni Kuya Zach pero hindi ako magsasabi sa kanya. I will eat there alone, nagawa ko naman yun nung walang gustong sumama sa akin.

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga pero hindi ko ito pinansin. Ayoko siyang pansinin. Ayoko ng magtiwala ulit kahit kanino. Dahil alam ko namang darating talaga ang araw na walang akong aasahan kundi ang sarili ko. 

"I miss you, Addy."

"Stop!" mabilis kong putol sa kanya. "I don't want to hear anything from you. I don't need your explanation. Keep whatever reason you have to yourself. Tsaka bakit ba bumalik ka pa? Can't you find another job other than this? Yung mas malaki ang sahod at hindi pasaway na katulad ko?"

Tumingin ako sa salamin nagpang-abot ang mga mata namin doon, malungkot siyang ngumiti sa akin. "It's not about the money I'm earning, baby. It's about you. I want to make up for the lost time. Can you give me again another chance." mahinahon niyang sabi pero umiling ako. 

"Babawi ako sayo, namiss kita. Na-miss ko yung pagsusuklay at pagtatali ko sa buhok mo, yung paglalagay ko ng nail polish sa kuko mo, yung make-up2 session nating dalawa, yung swimming lesson natin tsaka yung martial arts class mo. Lahat yun na-miss ko. Ang dami kong na-miss sa yo, Addy. Na-miss kita..."

"Shut up!" malakas kong sigaw sa kanya. "You don't miss anything! Sinasabi mo  lang yan para maniwala ako ulit sayo. Pwes sinasabi ko, kailanman hindi na ako maniniwala sayo. Parehas lang naman kayong lahat, sa una lang kayo mabait sa akin. Kalaunan mare-realize niyo rin na ayaw niyo sa akin, ayaw niyo akong maging kasama. Kaya nga umalis ka ng hindi nagpapaalam diba?"

"No Addy, it's not like that." mahinahon niyang sabi sa akin. "There are things I need to do that time but I can't explain to you. You're too young to absorb my problems that's why I spared you."

"Stop this bullshit Mr. Montenegro, I'm not that stupid Adrianna anymore. Hindi na ako ang Adrianna na pabigat sayo. I'm seventeen now, I can do things on my own."

Pagkahinto ng sasakyan sa campus, mabilis akong bumaba. Pabalibag kong sinara ang pintuan at wala akong pakialam kong masira ito. I'm so annoyed, first day of the week pa lang sira na ang mood ko. 

Umupo muna ako sa isa sa mga bench para pakalmahin ang aking sarili. Ayokong baka sa iba ko maibunton ang init ng ulo ko. I need to calm down, I need to relax myself. Nang kumalma na ako saka pa ako tumayo at naglakad papunta sa classroom ko.

"Good morning AA." 

Kahit hindi ko man lingunin kung sino ang tumawag sa akin nun kilala ko na ito. Ang walang kasawa-sawang nagpapapansin sa akin. Si Lewis Alden  Serrano, kaklase ko. LA ang tawag ko sa kanya dahil nahahabaan ako sa pangalan niya. 

Maaga palang maaliwalas na ang mukha nito. Pero in fairness naman dito kay LA laging ganito ang aura niya, magaan at palakaibigan. Kaya nga maraming nagkakagusto sa kanya na naging dahilan naman kung bakit madaming inis sa akin. 

Palagi ko nga itong pinapalayo sa akin pero sunod-parin ng sunod. I don't want to be accused as boyfriend stealer. Sure I'm rude and mean but being called a bitch and a boyfriend grabber is not my thing. Anong akala nila sa akin takot maubusan ng lalaki? Like hello, I'm still young for that, kaka-seventeen ko nga lang e. 

Ewan ko ba dito kay LA, aware naman siya na maraming nagkakagusto sa kanya pero panay pa rin ang lapit niya sa akin. Parehas lang sila ni Donna kahit tinataboy ko na  pinagsisiksikan pa rin ang sarili nila. Hindi naman ako mabait sa kanila, mas lamang pa nga ang mga araw na tinarayan ko silang dalawa. And speaking of  Donna-the annoying miss orange, maaga pa lang ay may nakabaon na itong ngiti para sa akin. 

Ngiting nakakairita.

"Averleigh, my beautiful friend, magandang morning. Anong spelling ng orange?" nang-aasar niyang tanong sa akin. Maybe he heard someone laughing when he called me that time.

"Ugh! Shut up!" 

Imbes na ngumiti, simangot ang naging sagot ko sa kanila. Nilagpasan ko sila saka dumiritso na ako sa room namin. Nilagay ko ang bag sa upuan ko tsaka yumukyok ako. Naramdaman ko ang paglagay ni Donna ng bag niya sa kanan ko at ganun din si LA sa kaliwang side ko.

"Averleigh balita ko may bago tayong teacher ngayon. Pero temporary lang naman daw isang linggo lang ata." maaga pa lang nagdadaldal na naman si Donna. Saan niya naman kaya nakalap ang balitang ito?

"Ang sabi nang grupo nina Tricia, gwapo daw ang temporary teacher natin. Nakita daw nila sa faculty room kaninang umaga." dagdag niya pa.

Hindi ako sumagot kinuha ko ang notes ko last week para magbasa at baka biglang mag-quiz ang bagong teacher. Ganun pa naman ang pauso ng mga yun, nagpapa-quiz agad kahit hindi pa nakapag-lecture. Tsaka wala akong pakialam kung gwapo o hindi, dahil hindi yun ang ipinunta ko dito. Gusto kong magtapos para makahanap ako ng trabaho at makaalis na ako sa bahay ng mga Martinez.

"Wala kang comment Leigh? Gwapo daw si Sir."

"Mas gwapo pa sa akin?" si LA ang sumagot.

Umangat ang isang kilay ko tsaka nilingon si LA. Ang aga palang mukhang may bagyo ng paparating sa lakas ng hangin ni LA. Nakangiti pa ang kumag sa akin, nagpapa-cute pero inirapan ko siya at muling binalik ang tingin sa mga notes ko. 

"Gwapo ka Lewis pero iba din daw ang kagwapuha ni Sir. Tingnan lang natin mamaya kung sinong lalamang sa inyo."  Humagikhik pa si Donna, kinikilig. Naiinis ako at nagdadaldalan pa silang dalawa kahit nasa gitna nila ako. Paano ako makapag-concentrate kung parang armalite ang bunganga ni Donna sa kadaldalan niya?

"Alam mo parang nakita ko na yun si Sir dati. Naalala mo ba yung sinasabi kong lalaking may dalang milktea?" dinig kong abi nung isang kaklase ko na nasa aking likuran.

"Yung sinasabi mong kuya janitor doon sa arki building?" sagot naman nung isa.

"Lewis, naalala mo yung naging coach niyo sa basketball dati?" hindi pa ito nakuntento at kinalabit pa talaga si LA para humarap sa kanya. "Siya daw ang bagong temporary teacher natin, one week siyang reliever ni Ma'am Castro. " 

Natigil ako sa pagbabasa saglit dahil hinihintay ko ang sagot ni LA.

"Ah, si coach G? Teacher din pala siya? Magaling yun tsaka matalino medyo striktong lang sa training namin pero mabait." sagot ni LA sa kaklase  namin.

Anong klaseng teacher ba itong papalit kay Ma'am Castro? Ang daming raket ah, from milktea boy, kuyang janitor, basketball coach and now teacher real quick? Ilang pamilya ba ang binubuhay ni Sir at mukhang ang dami niyang sidejobs?

'Ge magchismisan muna kayo dyan, labas muna ako, ang iingay parang ngayon lang nagkaroon ng reliever na guro? Excited lang?

Sa kabilang door ako dumaan. Pupunta muna ako saglit sa cafeteria, o di kaya sa washroom. Makalabas lang at ng mapahinga naman tong tenga ko sa ingay sa loob ng klase. Hindi na ako nagpaalam kay LA at Donna at tiyak sasama na naman ang mga 'to pero hindi pa nga ako nakalayo tinawag na ako ni LA.

"AA, saan ka? Sama ako my loves." habol niya sa akin pero hanggang pintuan lang ito ng tinaas ko ang middle finger ko sa kanya.

" Ano ka anak ko? " bulung-bulung ko pa sa nanlalaking mata ni LA. May tinuturo ito sa likod ko pero inirapan ko lang siya. "Gago! My loves your face. Ulol mo!

"What's that Miss Martinez?" a baritone voice stopped me. Naiwan ang kamay kong nakataas sa ere dahil pakiramadam ko sobrang lapit ng boses nung lalaki na nasa aking likuran. 

"Lower your hand." utos niya sa akin. Hindi ako makalingon dahil pakiramdam ko nanigas ako sa aking kinatatayuan. May mga studyante na ring nakasilip sa may bintana, nagbubulung-bulungan na ang mga 'to. 

"I said lower it, do you want me to report you to the principal?" ulit niya ng hindi ako gumalaw.  Pagtingin ko kay LA wala na ito sa kinatatayuan niya kanina. Mabilis kong binaba ang kamay ko pero hindi pa rin ako nakatingin kung sino man ang nagsasalita sa likuran ko. 

"Why are you raising your middle finger to him?" he asked, this time mas malapit na siya sa akin. Pamilyar yung amoy at boses niya, parang amoy ni gorilla. Pero hindi ako makalingon sa gawi ng lalaking nagsasalita dahil pakiramdam ko sobrang lapit niya sa akin. 

"Don't do it again or else I'll be the one to punish you." bulong niya sa akin. 

Kailangang ibulong talaga?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status