Share

CHAPTER 2

         "SAMANTHA sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Halata sa boses ni Gareth ang kakaibang kaba. Dalawa lamang sila ni Samantha sa isang tree house na sakop ng Hacienda Walton. Ang hacienda na pagmamay-ari ng pamilya nina Samantha. 

         "Oo, Gareth. Angkinin mo na ako ngayon..." mapang-akit ang tinig ng dalaga, pero hindi maitago ng mga mata nito na tila may bumabagabag dito.

         "P-pero maari naman nating gawin ito pagkatapos ng ating kasal. Ikakasal na tayo sa susunod na linggo," sambit ni Gareth at hinawakan sa kabilang pisngi ang katipan. Ginagalang niya ang dalaga at nais sana niya itong angkinin pagkatapos niya itong iharap sa altar.

         "Please?" May himig pakiusap ang tinig ni Samantha. 

          Lalong may kung anong pagdududang nadama ang binata. Kilala niya ang kasintahan, hindi ito ganoon at masyado itong konserbatibo, ba't ngayon ay tila nagmamadali itong magpa-angkin sa kanya? 

         "Hindi kita maintindi--" naputol ang pagsasalita ni Gareth nang bigla siyang hinalikan ng dalaga.

         Mapaghanap ang halik na iyon na bumuhay sa dugo ni Gareth. Lalaki lamang siya at madaling maakit sa kasintahan, lalo na't napakaganda ni Samantha. Ito na yata ang pinakamagandang dilag na nakilala niya sa lugar na iyon. From her silky tawny hair, soft fair skin and to her round brown eyes that seemed to speak a thousand words. Gareth could drown in those eyes, deeply. He's madly in love with Samantha for almost 3 years now. 

         "Kiss me more, Gareth. Take me, please..." pagsusumamo ni Samantha sa pagitan ng mga mapupusok na halik. Nangunyapit pa ito sa batok ng binata at kapwa sila nabuwal sa papag na naroon sa loob ng malaking tree house.

        Pumaibabaw si Gareth at tuluyan nang natupok ng apoy na sinindihan ng dalaga. Naging mapaghanap ang mga kamay nito sa katawan ng kasintahan at tila bawat daanan ng mga palad nito ay nagliliyab sa init, dahil napapaungol ng paunti-unti si Samantha.

       "Sabihin mo sa akin na ipagpapatuloy ko ang pag-angkin sa'yo..." mahinang bulong ni Gareth sa punong-tenga ng dalaga. Wari'y naghahabol ng hangin dahil sa sensasyong nararamdaman nang mga sandaling iyon. 

        "Take me, Gareth..."

         Naging hudyat iyon upang angkining muli ni Gareth ang mga labi ng dalaga. Isang halik na banayad, mainit at puno ng pagmamahal. Marahang ibinaba ng binata ang zipper na nasa harapan ng damit ni Samantha at pagkaraan ay tumambad doon ang mga malulusog nitong hinaharap na nababalutan ng kakarampot na tela.

        Kung saan-saan na rin napunta ang kamay ng dalaga na wari ay sinusuklian ang kapangahasan ni Gareth. Ilang saglit pa ay kapwa sila'y wala ng saplot, yumakap sa katawan nila ang malamig na panahon pero hindi nila ito alintana, dahil sa init na kanilang pinagsasaluhan. Tila nakikisali ang panahon, ang tila makulimlim na kalangitan kanina ay biglang nagpaulan. Sumabay sa tunog ng patak na ulan ang kanilang mga ungol. 

        "Akin ka lang, Samantha," pagkasambit ni Gareth sa mga katagang iyon ay inangkin niya ang dalaga sa isang banayad na ulos. 

         Napaigtad ang dalaga dahil sa sakit ng kanilang unang pagniniig. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa sakit at mapaluha, pero wala siyang pinagsisisihan dahil ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking mahal niya. Bumagsak ang pagod na katawan ni Gareth sa tabi ni Samantha na nakapikit habang may luhang pumapatak sa mga mata. Nag-alala ang binata. 

         "Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

          Marahang humiling si Sam at yumakap sa binata. "Masaya lang ako, Gareth. Masaya ako na sa'yo ko isinuko ang pagkababae ko..."

          Hinaplos ni Gareth ang buhok ng dalaga. Maging siya ay hindi niya maitatanggi na masaya siya, dahil sa kaniya ipinagkatiwala ni Samantha ang pagkababae nito at siya ang unang lalaki sa buhay ng dalaga and Samantha chose to spend the rest of her life with him. Gareth couldn't ask for more. 

         "Hindi ka na talaga nakapaghintay hangang sa maikasal tayo ha?" biro ni Gareth sa katipan.

          Natawa ang dalaga. "Oo nga e. Hindi na bale, ikakasal naman na tayo, nauna lang ang honeymoon."

          Niyakap ni Gareth si Samantha. Napapikit ang binata at ninamnam ang sandaling katabi ito at ramdam ang init ng katawan nito.

         "SAMANTHA!" sigaw ni Gareth at napabalikwas ng bangon. Dinalaw pala siya ng mga ala-alang iyon sa kaniyang panaginip, mga kaganapang nangyari lamang noong nakaraang linggo. Mga ala-alang habang buhay na yatang mananatili sa kan'yang isipan. Bakit tila napakabilis ng mga pangyayari? Masaya pa lamang sila ni Samantha at ngayon ay wala na sila? 

           Hindi napigilan ni Gareth ang mapaluha at sumigid sa dibdib ang pamilyar na sakit na 'yun. Napatingin siya sa mumurahing wrist watch na suot niya at nakitang gabi na. Alas nuebe. Kung gayon ay napakahaba pala ng tulog niya magmula kaninang hapon.

           Nahilamos ni Gareth ang mga palad sa kaniyang mukha at puno ng frustration na nagbuga ng hangin. Maya-maya pa ay may narinig siyang pagsigaw mula sa labas ng kubo. Dali-dali siyang lumabas ng kaniyang silid at tinungo ang labas.

          "Umalis na kayo rito ngayon din! 

           Dinatnan ni Gareth ang sigaw na iyon mula kay Jener Morales- ang lalaking kaagaw niya kay Samantha noon pa man. Kung tutuusin ay walang-wala siyang panama kay Jener. Bukod sa napakatikas nito, pumapangalawang mayaman sa pamilya Walton ang angkan ng mga Morales sa buong bayan ng Sta. Rosa.

           Naglakad si Gareth palapit sa ina na kaharap ni Jener. "Bakit mo kami pinapalayas?" Pagsali ng binata sa usapan.

          "Whoah! Gareth, Gareth..." ulit-ulit na saad nito sa pangalan niya. 

          May nakakainis na ngisi ito sa mga labi. Ngisi na nais sanang burahin ni Gareth sa isang bigwas, ngunit pinigilan niya ang sarili.  

Naikuyom na lamang ni Gareth ang mga kamao at nagtagis ang mga bagang.

        "Bakit mo kami pinapalayas? Sa pagkakaalam ko ay hindi sakop ng angkan mo ang lupang ito. Kay Don Samon Walton ito at ibinigay na sa amin noon pa man," matapang na saad ni Gareth sa kaharap. 

         Biglang humalakhak si Jener at tinignan siya ng may pang-iinsulto. "Pwes, binabawi na ng tagapagmana ng mga Walton ang lupang ito, kaya maari niyo ng lisanin ang lupang ito!"

         Natigilan si Gareth. Hindi ba't ang tagapagmana ng mga Walton ay si Samantha? Si Samantha ang nagpapalayas sa kanila?

        "Tama ka ng iniisip, Gareth. Si Samantha ang nag-utos na paalisin kayo rito." May kakaibang ngisi na naman si Jener sa mga labi.

        "Hindi totoo 'yan. Akala mo ba maniniwala ako sa'yo?" Akmang susugurin na ni Gareth si Jener pero pinigilan siya ng kaniyang ina. 

        "You don't believe me? Oh c'mon man, I'm telling the truth! Nasaan si Samantha? Hindi ba't iniwan ka sa harap ng altar?"

         Pumiglas si Gareth sa pagkakahawak ng kaniyang ina at nang makawala ay sinugod niya si  Jener. Sinuntok niya ito sa panga at bumalandra ito. Muli niya sanang susuntukin ang lalaki pero umawat na ang ama at kapatid niya sa kaniya. 

          Marahang tumayo si Jener. "That was a strong one," usal nito, "hindi naman masakit. Alam mo ano ang masakit? Alam mo ba kung bakit wala si Samantha sa simbahan kanina? Because she chose me." Binigyan siya ng nakakalokong ngiti ni Jener bago tumalikod.

         Ayaw maniwala ni Gareth. Hindi ganoon si Samantha, she was way better than that. 

        "Oh by the way, about the letter she sent you saying that, she cannot make it, I'm the one who wrote it, man." Tsaka na ito tuluyang umalis at lumulan sa magara nitong kotse.

         Tila mas lalong unti-unting gumuho ang mundo ni Gareth. Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay napakatalunan niya at tila pinaglaruan siya ng tadhana at ni Samantha. 

         "A-anak, paano na ngayon? hindi ako makapaniwalang nagawa iyon ni Sam." Halata sa tinig ni Aling Estrella ang lungkot. 

        "Wala tayong magagawa kung pinapaalis na tayo rito, wala na si Don Samon at tapos na ang usapan sa lupang ito." 

         Napatingin siya kay Mang Castor na kalmadong nagsalita. Tama ang ama niya, bukas na bukas din ay kailangan nilang umalis, pero maging siya ay hindi niya alam kung saan sila pupulutin. 

         "Napakasama naman ni Ate Samantha! hindi pa ba siya kuntento sa ginawa niya sa'yo, kuya?" 

         Lumipad ang tingin nila sa bunso nilang si Gail. Halata sa mukha nito ang galit. Gusto man niyang dipensahan si Sam, pero tila wala na siyang lakas upang gawin iyon. Atsaka mayroon pa bang saysay pagkatapos ng lahat? 

        "Aalis muna ho ako," bigla ay paalam ni Gareth makalipas ang ilang minuto. 

        "Gabi na, saan ka naman pupunta?" usisa ni Aling Estrella.

        "Hahanap ho ako ng pwede natin malipatan bukas." Iyon lamang at umalis na siya. Pero hindi niya alam kung saan siya pupunta, kung sino ang lalapitan niya at sino ang tatangap sa kanila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status