Share

CHAPTER 5

       "IKAW na muna ang bahala kay Graciella, Toneth ah? May aasikasuhin lang ako," banayad na bilin ni Sam kay Toneth- ang yaya ng kaniyang anak.

       "Yes po, Ate Sam. Mag-ingat po kayo," anito naman na may ngiti sa labi. 

       Kung pagmamasdan talaga ay hindi mukhang Yaya si Toneth, dahil sa taglay nitong ganda na gustong-gusto niya. Ilang beses na nga niyang inalok ito ng puwesto sa kompanya nila, pero mas pinili nitong maging yaya ni Gracie, bagay na ipinagpasalamat naman niya, dahil kampante siya ritong iwanan ang kaniyang anak. 

        Nginitian niya ito pabalik at sinulyapan pa ng minsan si Graciella na mahimbing pa rin ang tulog nang mga oras na iyon. Marahan siyang lumabas mula sa silid ng anak at bago tumungo sa garahe ay kinuha niya muna ang kaniyang tumbler na may kape. Oh yes, she's a coffee sucker. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya kung hindi siya makakainom ng kape. Anyway, bibili siya ng bagong office table niya ngayong araw, nais niyang palitan na ang luma sa kaniyang opisina. Para naman may bago sa paningin niya kaya naisipan niyang gawin iyon.

        Nang makarating sa mall ay nagmamadali siyang bumaba sa kaniyang kotse, nakulong siya sa traffic kanina at kailangan na niyang magmadali dahil dalawang oras mula ng mga sandaling iyon ay may meeting siya sa isa sa mga target investor niya, hindi siya maaring ma-late roon.

       Habang nagmamadali sa paglalakad ay hinahanap niya ang tali ng kaniyang buhok, dahil nagiging sagabal ito sa kaniyang mukha. Nang bigla na lamang siyang muntik mabuwal dahil sa pagtama niya sa isang malaking bulto. Buti na lamang at nakapag-balance siya kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig.

       Galit na tumingala siya upang pagalitan ang nakabungguhan. "Ganoon na ba ako kaliit para hindi m-" for a moment natigilan si Sam nang makita ang lalaking nasa harapan niya.

       The man in front of her was sinfully gorgeous!  

He has a broad shoulders who seems used to lifting heavy things. He was tall, maybe more than six feet. Basta, all in all ay napaka-gwapo nito. Hindi likas sa kaniya na humanga sa mga lalaking nakikita niya, sadyang ngayon lang. Pero higit na napansin niya ay ang malamig nitong awra, lalo na nang tanggalin nito ang shades na suot, lihim siyang napasinghap nang makita ang mga mata nitong tila mga walang buhay dahil sa sobrang lamig ng pagtitig nito.

       "I never thought we would meet again..." tumigil muna ito sa pagsasalita at nagpakawala ng isang nakakatakot na ngisi. "...sa ganitong tagpo..."

        Parang may kung anong kumalabog sa dibdib ni Samantha nang marinig ang tinig ng lalaki. Tila kumislot ang puso niya, bagay na hindi niya maintindihan.

        "What do you mean? Magkakilala ba tayo? Have we seen each other before?" Kunot noong tanong niya sa lalaking kaharap. Medyo naguluhan kasi siya sa iwinika nito.

         Kita ni Sam nang unti-unting nawala ang ngisi ng lalaki at tumiim ang bagang nito, tila may emosyong pinipigilan na ayaw nitong ipakita. 

        "Never mind." Muling isinuot ng lalaki ang shades at akmang lalampasan siya, ngunit tumigil itong muli nang mapatapat sa kaniya.

        He gave her a stare na tila tutunawin siya anumang sandali.

        "Nice, acting like you don't know me?" Tumawa ito ng pagak, giving her a chill. "I will then introduce myself soon, Samantha Walton." Tsaka na siya nito iniwanan.

        Napanganga si Sam pagbigkas ng lalaki sa kaniyang pangalan. Kilala nga siya nito! Pero siya ay hindi makilala ang cold na lalaking iyon. Nasapo ni Samantha ang noo at nagpakawala ng frustrated na buntong hininga.

  

        "Ang hirap talaga ng may amnesia," naisabulong na lamang niya sa kaniyang sarili. 

*****

        "BAKIT hindi ka pa nagpakilala kanina?"

        Lumipad ang tingin ni Gareth kay Butler Teddy na nagddrive habang siya ay nasa back seat. Si Tedy ang kaniyang personal butler na mula kay Don Celso. Nasa 50's na ito at matagal ng naninilbihan kay Don Celso. 

       "Does it necessary? Kilala na niya ako Butler Andy. She's just pretending na hindi." Mapapansin ang gigil at tigas sa tinig ni Gareth, kasabay ng pagkuyom ng mga kamao nasa arm rest ng upuan dahil sa hindi matanggap na inakto ni Samantha kanina.

        "That damn woman! After what she did five years ago, ganoon na lamang?" Muling wika ni Gareth na naggagalaiti. 

        "Relax, Mr. Sebastian," pagpapakalma nito sa kaniya. Pero may idinugtong sa sinabi, "Pero paano nga kung hindi naman siya nagpapanggap? Paano kung hindi ka na niya talaga kilala?"

         Tumawa ng pagak si Gareth at tinapik-tapik ang arm rest gamit ang kaniyang hintuturo. "Then, I will make her remember me in a hard way." May banta sa tinig ni Gareth.

        At alam ni Butler Andy na hindi ito nagbibiro. Matagal na niyang kilala si Gareth, mula pa noong kinupkop ito ni Don Celso, kaya alam niya kung nagbibiro ito o hindi at alam niya rin ang kaya nitong gawin. Sa paglipas ng panahon, maihahalintulad si Gareth sa isang maliit at payat na puno na biglang tumayog at tumatatag sa mga unos na pinagdaanan. Masasabi niyang napakalayo na nang narating nito. Sinong mag aakala na ang isang helpless na binata noon ay isa na ngayong business magnate?  Masaya siya para sa alaga, hindi lihim sa kaniya ang mga pinagdaanan nito, lalo na sa babaeng sobra nitong minahal noon at nais nitong gantihan ngayon. Sa dami na ng narating nito, tila isang sugat lamang ng kahapon ang hindi nito kayang paghilumin.

      Ang sugat na dulot ni Samantha Walton. 

       

****

       NAKARATING na ng opisina si Sam, pero hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang lalaking nakabungguhan kanina. Muling nahilot ni Samantha ang sintido at isinubsob ang mukha sa kaniyang office table. Bakit tila biglang ginulo ng estrangherong iyon ang kaniyang sistema?

       "Who are you?!" Frustrated niyang bulong sa sarili.

       Biglang tumunog ang intercom.

       "Yes, Martina?" Aniya sa kaniyang Secretary pag-angat ng kaniyang ulo mula sa pagkakasubsob. 

       "Mr. Martinez cancelled his meeting with you, Ms. Walton," imporma nito sa kaniya.

        Oh, inaasahan na niya iyon, dahil na-late siya ng thirty minutes sa meeting nila ngayon. Mariin siyang napapikit, for sure, wala na itong balak pang makipag meeting sa kaniya forever. Kasalanan naman niya. Hindi niya dapat sisihin ang traffic, right? 

       "Yeah, expect ko na iyon, Martina. Pakihatiran ako ng kape please, I am really exhausted right now."

        "Right away, Ms. Walton."

        "Arrrrgh!" Impit sigaw ni Sam, dahil sa hindi na niya alam ang gagawin upang maiangat pa ang kompanya nila. Pakiramdam niya ay isa siyang malaking failure at alam niyang hindi natutuwa ang ama na nasa kabilang buhay na.

        "Sorry papa!" Bulong niya sa hangin na akala mo naman ay makakarating sa kaniyang ama. 

     

         "Relax yourself, Ms. Walton. Here's your coffee..."

         Napatingin siya kay Martina at nginitian ito. She's been a good supporter eversince.

         "Thank you, Martina."

         Ngumiti ito ng malawak at nag thumbs up sa kaniya, matapos ilapag ang coffee mug sa kaniyang table. 

          "I got you, Ms. Walton!"

           "Thanks again. Dahil diyan, treat kita ng pizza. Order ka na and I'll pay."

           "Oh no, thanks, Ms. Walton. Tsaka na, I'm on my diet pa e, kaya no, no, no! "

           Tinawanan na lamang niya ang kaniyang secretary na may pagka komedyante minsan. Pagkasimsim sa kaniyang kape ay para bagang nawala kahit paano ang kaniyang isipin. 

       

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status