ISANG putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid dahilan upang mapapitlag at manginig sa takot si Samantha. Kita ng dalawang mata niya ang pagkabasag ng salamin sa gilid ng driver seat at napasigaw nang makita na lamang niyang bumulagta ang isang lalaki na nasa driver seat, dahil sa tama ng baril sa may balikat nito. Patuloy ang malakas na pagsigaw ni Samantha at halos mawalan na siya ng ulirat sa tindi ng takot na kaniyang nararamdaman nang mga sandaling 'yon.
"Mang Narding!" Sigaw niya sa lalaking nakaupo sa driver seat at tila wala ng malay dahil sa tama ng baril.
"Who are you?!" maya-maya pa ay gilalas na tanong ni Samantha, matapos sapilitang binuksan ng isang nakamaskrang lalaki ang pintuan ng sasakyang kinalululanan niya.
Alam ni Samantha, kahit magsisigaw siya ay walang makakarinig sa kaniya. Liblib ang bahaging kinaroroonan nila. Walang masyadong dumadaan na sasakyan. Natatakot siya dahil malaki ang katawan ng lalaki at may dalang baril na lubos na nagpapanginig sa dalaga.
"Sumama ka sa amin at wala ng maraming tanong!" Sabi ng lalaki at hinila siya. Nabitiwan ni Samantha ang hawak na boquet at halos madapa sa pagkakahila ng lalaki sa kaniya.
"Let go of me! Ayokong sumama sainyo!" Sa gitna ng kaba ay pilit na isinigaw pa rin ng dalaga.
Pero tila walang naririnig ang lalaki na hinila lamang siya patungo sa itim na kotse. Nagkakanda-dapa na siya dahil sa haba at bigat ng suot niyang traje de boda.
"Help me!" Sa huling sandali ay isinigaw pa ni Samantha bago siya ipasok sa itim na sasakyan. "Help please!"
***
"HELP!" Bumalikwas ng bangon si Samantha kasabay ng sigaw na iyon. Naliligo siya sa sariling pawis at hinihingal. Nasapo niya ang noo at nakahinga ng maluwag nang madiskubreng panaginip lamang ang lahat ng iyon.
"Nightmare again, mommy?"
Lumipad ang tingin niya sa anak na pupungas-pungas na bumangon. Nagising yata ito sa kaniyang pagsigaw dahil sa masamang panaginip niya.
Marahan siyang napatango at hinaplos ang buhok ng kaniyang anak. "You can sleep again, sweety. I'm okay na."
Umiling si Graciella, marahan nitong inabot ang kaniyang mukha at may pinunasan doon.
"You're not okay, mom. Look, you're crying," inosente nitong sabi.
Wala sa sariling nasalat ni Samantha ang pisngi at tama nga ang kaniyang anak. Umiiyak na naman siya matapos managinip, hindi niya iyon napansin, marahil ay dala-dala pa rin niya ang takot at kaba na nadama niya sa panaginip nang magising siya.
"Natakot lang ang mommy sa kaniyang panaginip. Matulog ka na ulit," aniya sa anak at hinihiga ito, kinumutan at hinaplos-haplos ang buhok upang muli itong makatulog.
"I love you, mommy." Sa inaantok na boses ay nabigkas pa ng kaniyang anak.
Napangiti si Samantha. "I love you too, Graciella. Sleep well..."
Niyakap niya ang anak nang muling mahiga. Pero hindi niya maiwasan na isipin ang panaginip na ilang taon na lamang pabalik-balik sa kaniya. Hindi niya alam kung panaginip lamang iyon o bahagi ito ng kaniyang masamang nakaraan?
"Mang Narding..." naisabulong ni Samantha.
Tuwing binibigkas niya ang pangalan na iyon ay tila pamilyar sa kaniya, pero hindi niya maalala sino iyon at kung ano ang hitsura. Talagang nahihirapan siyang ibalik ang lahat ng kaniyang memorya na nawala daw noong nangyari ang insidente sa kaniyang nakaraan.
Bigla niyang naalalang tawagan si Ren na alam naman niyang gising pa sa mga sandaling iyon, it's 1:30am. Marahan siyang bumangon upang hindi magising ang kaniyang anak, kawawa naman ito dahil lagi na lamang itong nagigising sa tuwing sumisigaw siya mula sa bangungot. Kaya tila nasanay na lamang din ang kaniyang anak sa ganap na iyon.
Nang makatayo at kinuha niya ang cellphone na nasa bedside table at nagtungo sa may bintana ng kanilang kwarto atsaka tinawagan ang lalaki.
"Hey," bungad agad ni Ren sa kaniya.
"Nanaginip na naman ako," imporma niya sa kaibigang agent.
"The same dream? I mean, your same nightmare?"
Bumuntong hininga muna si Sam bago sumagot, "Yeah. Kagaya ng dati, Mang Narding na naman ang binanggit kong pangalan at mga maskaradong lalaki pa rin ang mga nasa panaginip ko," aniya sa lalaki.
Dinig niya ang pagpalatak ni Ren.
"Gaya ng iniisip natin, hindi lamang basta panaginip iyan. May kinalaman iyan sa pagkakadukot mo noon, maybe a part of the scenes back then."
"Yeah, ganoon na rin ang iniisip ko. Hindi mo pa ba talaga nahahanap si Mang Narding kung totong related siya sa amin or nag eexist siya at hindi lamang siya basta panaginip?" Desperada niyang tanong sa lalaki.
"Diyan ako nahihirapan, bumalik din ako sa Sta. Rosa at nagtanong-tanong sa mga taong naroon at mga tauhan ng Hacienda ninyo, pero walang nakakaalam kay Mang Narding or makapagsabi kung naging tauhan niyo ba siya dati." Mahabang pahayag ni Ren sa kaniya.
"Walang makapagsabi o ayaw lang nilang sabihin?" aniya sa lalaki.
"Tila ganoon nga. Tila nabayaran sila upang manahimik at huwag magsalita tungkol sa pagkakadukot mo noon."
Muling napabuntong hininga si Samantha. Paano kung ganoon nga? Ayaw lamang magsalita ng mga taong nakakaalam sa nangyari noon sa kaniya? Nasubukan na niyang itanong kay Doña Thesa kung may naging tauhan ba sila na ang pangalan ay Narding, pero wala daw itong matandaan since ang dami-dami nilang mga tauhan at hindi na nag-abala pa itong alamin ang mga pangalan ng bawat isa.
"S-sige, Ren. Just call me na lang kung sakaling may balita ka na. Thanks."
"Sure, Sam."
Pinatay na niya ang tawag at ibabalik na sana niya sa dating puwesto ang kaniyang cellphone nang mapansin na may nagpadala ng mensahe sa kaniya. Unknown number iyon kaya napakunot ang noo niya. Dahil sa kuryosidad ay tinignan niya ang mensahe.Hi, Miss Walton. See you soon.
-Gareth.
Napanganga si Samantha sa mensahe ng kung sino man iyon. Paano nito nakuha ang private number niya? Lalo na't naging maingat na siya sa mga personal na information niya dahil sa nangyari noon sa kaniya.
Biglang naglaro sa isipan niya ang babaeng unang nagbanggit sa pangalang 'Gareth". May kung anong matinding kuryosidad na naman ang nabuhay sa kalamnan ni Sam.
"Gareth? Sino ka ba Gareth? Bahagi ka ba ng nakaraan ko?" Marahang naibulong ni Sam sa kaniyang sarili, habang napahawak ng mahigpit sa kaniyang cellphone.
Hindi niya alam kung sino o ang mukha sa likod ng pangalan na Gareth, pero isa lang ang nasisiguro ni Samantha, makapangyarihan at maimpluwensiya ito. Hindi maintindihan ni Sam, pero nakaramdam siya ng excitement sa paghaharap nila. Baka kapag nakita niya ito ay may kung anong babalik sa ala-ala niya, upang mabigyang sagot ang mga katanungang naglalaro sa isipan niya.
"IKAW na muna ang bahala kay Graciella, Toneth ah? May aasikasuhin lang ako," banayad na bilin ni Sam kay Toneth- ang yaya ng kaniyang anak. "Yes po, Ate Sam. Mag-ingat po kayo," anito naman na may ngiti sa labi. Kung pagmamasdan talaga ay hindi mukhang Yaya si Toneth, dahil sa taglay nitong ganda na gustong-gusto niya. Ilang beses na nga niyang inalok ito ng puwesto sa kompanya nila, pero mas pinili nitong maging yaya ni Gracie, bagay na ipinagpasalamat naman niya, dahil kampante siya ritong iwanan ang kaniyang anak. Nginitian niya ito pabalik at sinulyapan pa ng minsan si Graciella na mahimbing pa rin ang tulog nang mga oras na iyon. Marahan siyang lumabas mula sa silid ng anak at bago tumungo sa garahe ay kinuha niya muna ang kaniyang tumbler na may kape. Oh yes, she's a coffee sucker. Pakiramdam niya ay hindi kumpleto ang araw niya kung hindi siya makakainom ng kape. Anyway, bibili siya ng bagong office table niya ngayong araw, nais niyang palitan na ang
MULA sa pagkakayukyok sa kaniyang mesa, marahang iniangat ni Sam ang ulo nang marinig si Martina sa Intercom. Nakaidlip siya dahil na rin siguro sa pagod these past few days. Bigla tuloy siyang nahiya sa kaniyang sarili, dahil wala sa karakter niya ang mag-idlip idlip sa oras ng trabaho. "Yes, Martina?" "A certain Mr. Sebastian is looking for you, Ms. Walton." Nangunot ang noo ni Sam. He is not familiar, sa pagkakaalam niya ay wala siyang appointment sa Mr. Sebastian na sinasabi nito. "Sebastian? Sebastian who?" "Gareth Sebastian." Biglang tila may lumagabog sa dibdib ni Sam nang marinig ang buong pangalan na iyon. Naroon na naman ang pamilyar na kabang nararamdaman niya sa tuwing maririnig o mababasa ang pangalan na iyon. Anong ginagawa ni Gareth Sebastian sa kaniyang opisina? Napalunok muna nang sunod-sunod si Samantha. She cleared her throat before talking again. "Kindly ask him to set an appointment first, Martina. I am busy
"OPEN naman," naisabulong ni Sam sa sarili nang makapasok sa cafe adriatico. Sino naman kasing mag-aakala na open ito e walang katao-tao at sobrang tahimik ng lugar, mula sa labas hangang sa loob. Iginala pa niya ang paningin at naghahanap ng mapagtatanungan, nang may isang unipormadong lalaki ang lumapit sa kaniya, tila isa itong crew doon, malawak itong ngiti sa mga labi habang papalapit sa kaniya. "Miss Samantha Walton, right?" Tanong nito. Medyo natigilan siya dahil hindi niya expect na alam nito ang pangalan niya. Pero sa huli ay marahan tumango na lamang siya. "Sumunod ho kayo sa akin," anito at nagpatiuna nang maglakad. Tahimik lamang siyang sumunod, habang pasimpleng iginagala ang paningin sa paligid. Wala talagang ibang tao maliban sa kaniya at mangilan-ngilang mga crew na may kanya-kanyang ginagawa. Is it possible that Gareth rented the whole place? Ang tanong ni Sam sa kaniyang isipan. "This is your
"MOMMY!" Kasabay nun ay ang pagsalubong ng yakap ni Graciella sa kaniya. Tila isang mahika ang yakap ng anak, nawala bigla ang bigat at lungkot na dala-dala niya kanina lamang. "It's already 11pm, sweetie. Bakit hindi ka pa natutulog?" Napanguso ang anak. "Hinihintay kita, Mom. I can't sleep e," anito. Napangiti si Sam, naglalambing lamang ang anak kapag ganoon, kaya hindi na niya ito pinagsabihan. Madalang lang naman itong matulog ng late, usually 8pm ay tulog na ito talaga. "Okay, wait mo ako sa room mo. Kakain lang ang mommy at maglilinis ng katawan at tatabihan na kita, okay ba iyon?" Sunod-sunod na tango ang natanggap niya mula kay Gracie at nagtatakbo na ito patungo sa silid nito, sinenyasan naman niya si Tonet upang sundan ito para may kasama ang anak habang wala pa siya. Mukhang wala pa ang stepmother niya at si Carmela, dahil tahimik pa ang mansion. Tila naenjoy ng mga ito ang bakasyon, ah. Nan
SI GARETH ang bisitang hindi niya inaasahan. Guguluhin na naman ba siya nito? "What are you doing here?" Kinabahang tanong ni Sam sa lalaki at wala sa loob na napatingin sa anak na abala sa pagkain. "Let's talk, Samantha." -Gareth Bakit pakiramdam ni Sam ay isang utos iyon at hindi pakiusap? Napaka-arogante talaga ng lalaking ito. "Sa labas tayo mag-usap. Huwag dito," matigas niyang sabi kay Gareth. Ayaw niya kasing marinig ni Graciella ang kung ano mang pag-uusapan nila ng lalaki. Tiyak kasi na hindi maganda sa pandinig na naman ang idudulog nito. "Let's talk here." Matigas ring pahayag ni Gareth na ikinairita ni Sam. Bahagya pa itong lumapit sa table niya habang nakapamulsa. Napapikit nang mariin si Sam upang pigilin ang inis na nais nang umalagpos. "Who is she?" Biglang napatingin si Sam kay Gareth na ngayon ay malayang pinagmamasdan si Graciella na inosente namang nakatingin dito. Si Marti
"NASAAN tayo?" Medyo kinabahang tanong ni Sam kay Gareth nang pumasok ang sinasakyan nila sa isang napakalawak na solar. Sa hindi kalayuan ay tanaw ni Samantha ang malaking mansion- hindi lang basta malaki iyon, kung hindi sobrang laki. May creamy off-white exterior colors iyon na napakagaan sa paningin. Kung sino man ang nakaisip ng kulay nito ay sadyang napakaganda ng taste. Malapit sa mansion ay isang malawak na hardin na may malaking gazebo na octagonal shape. Mayroon silang gazebo pero hindi ganoon kalaki. Nagliliwag ang buong mansion dahil sa mga ilaw at mas lalong nagdagdag iyon sa ganda nito. "Gareth, dito ka ba nakatira? Bakit dinala mo ako rito?" Usisang muli ni Sam kay Gareth na hindi pa rin kumikibo at tahimik lamang nakatanaw sa labas ng bintana habang palapit ang sasakyan nila sa harap mismo ng mansion. "You'll going to meet your future in laws," kapagdaka ay sagot nito sa seryosong tinig. Napanganga na lamang si Sam sa narinig.
"COME ON." Matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila, iyon ang sinabi ni Gareth at tumayo. Naglakad palabas ng mansion. Sumunod na lamang siya sa lalaki. Dumiretso sila sa sasakyan na nakaabang na roon si Butler Andy at agad silang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Gaya kanina, tahimik lamang sila sa loob hangang makaandar iyon. Lumunok muna si Sam nang makailang ulit bago nagsalita. "P-pasensya ka na, dahil sa akin ay nagkasagutan pa kayo ng kapatid mo," aniya nang hindi na matiis ang katamikan. Mula sa pagkakatingin sa labas ay lumipat ang tingin ni Gareth sa babae. Pinagmasdan siya nito. Hindi maarok ni Sam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng lalaki nang mga sandaling iyon. Wala kasing bahid ng kahit anong emosyon ang mukha nito. Napakagaling nitong mag blank face, hindi gaya niya, masyadong transparent. "Wala silang magagawa kung gusto kong pakasalan ka," marahan nitong bigkas. Hindi agad nakatugon si Sam, n
"ANAK..." Natigil sa paglalakad si Gareth nang tawagin siya ng kaniyang ina na nakaupo sa sala. Kasama nito ang ama niya at si Gail na nakasimangot pa rin hangang ngayon. Bukas na sana siya babalik sa mansion nila at sa kaniyang pad niya siya matutulog- well, lagi naman siya doon natutulog, dahil mas gusto niyang mag-isa. Bumalik lang siya sa mansion to get some things. "Mag-usap tayo, Gareth," muling sabi ng kaniyang ina. Kalmado naman ang mukha nito, ganoon din ang kaniyang ama. Napabuntong hininga si Gareth, parang alam na niya kung ano ang pag uusapan nila. It's about Samantha. Naglakad siya palapit sa mga ito at umupo sa single sofa na naroon. "Sigurado ka na ba sa desiyon mo na, pakasalan si Sam? Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya noon sa'yo?" Panimula ng kaniyang ina. Alam niyang tutol ang mga ito, sapagkat gaya niya, dala-dala niya ang sakit ng nakaraan na si Sam ang dahilan. Isa-isa niyang tinignan ang mga ito