Share

CHAPTER 6

||A WEEK LATER||

ISANG buntong hininga ang aking pinakawalan habang tinatanggal ang aking relong pambisig. It's just 3 o'clock in the morning and I just came back home after my long week of business trip in Japan. My children is passed asleep and I didn't plan on checking them on their rooms because I might distorb their sleep if I do so. 

After removing my wrist watch I proceeded to the bathroom to have a cold shower so that I could sleep peacefully. Habang nasa ilalim ng malamig na shower ay halos ipukpok ko na ang aking ulo sa kaharap na dingding nang mag-flash na naman sa aking isipang ang pagmumukha ng babaeng iyon. Hindi dapat ako nababaliw, I swore to myself a long time ago that I will never be the same person again because of that bitch but fucking hell, here I am again. Wala na talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang guluhin ang utak ko. Wala akong pakialam kung matagal na siyang patay, it's a good news for me though but after seeing that same face again—in a different person, na-uulol na naman ako. 

Before my intuitive thoughts win and I bang my head in the wall, I finished showering. Kahit pagod sa mahabang biyahe ay binuksan ko na lang ang aking laptop para magtrabaho para wala ng nambubulabog sa utak ko. But then, my phone rang. When I looked at it, it was my loving mother. 

"Yes, mom?" I answered softly. 

"Hey, my son! How was your long week trip? How was the deal? Successful ba?" Her voice were a bit energetic and her background were chaotic. I know what is happening. 

I sigh and shook my head. This woman, really. 

"Yes, mom. It was successful." I said with a small smile on my lips. "Do not party for too late mommy. Be careful always." Pagpapaalala ko sa aking ina nang makarinig ng hiyawan ng mga lalaki't babae. "Seriously, mom?" My face palmed. 

"Shush! Let me be, mi hijo! I'm just doing fun with my friends!" I bet she's pouting now. "Say my regards to my apos, okay? And please asked them if what they want when I come back. Anything, okay? Anything!" Her voice were firm because she knew that I won't gonna ask it because I don't want to spoil them too much. "Bye, bye! See you mi hijo, σ' αγαπώ!" 

"I love you too, mom." 

--- 

||FIRST WEEK|| 

"AYAW ko ng tatamad-tamad! Kapag sinabing bangon, bumangon agad!" Alas kwarto y media ay maingay na ang mayordoma. 

Nandito siya ngayon sa maid's quarter at bitbit ang kanyang pamaypay ay isa-isang pinagpapalo sa puwet ang nakahiga at tulog pang mga kasambahay. Alas tres pa lamang ay gising na ako kaya maaga rin akong gumayak. Naninibago ako kaya ganitong oras akong nagising. 

"Ang tatamad! Sinusuwelduhan kayo para magtrabaho hindi maging buhay prinsesa! Aba, napaka-ilusyunada ninyo naman kung iyon ang iniisip ni'yo! Ha! Mga pagmumukhang 'yan, prinsesa? Hoy! Hindi bagay! Mukha kayong mga inginudngod sa tae ng kalabaw!" Ayaw paawat niyang sermon sa ibang kasambahay na ngayon pa lamang nagsibangon. 

"Psst! Bago ka?" Anang babae sa kaharap kong double deck. 

Tumango ako sabay palakaibigang ngumiti. 

"Ako si Annie!" Aniya at humagikhik dahilan upang lumitaw ang kanyang isang biloy. "Masanay ka na sa talak niya kasi araw-araw 'yan! Walang pinipiling oras! Ganoon talaga kapag matandang dalaga!" Humagikhik ako at nailing na lang sa kanya ngunit sabay ring naitikom ang bibig nang matunog siyang naglakad patungo sa amin. 

"Ikaw! Kibago-bago mo, tsismosa ka na?" Sikmat niya sa akin. "Huwag kang mayabang, hindi porket maaga kang nagising ay ligtas ka na sa akin. Kapag nalaman kong hindi mo nagawa ng maayos ang trabaho mo, ako mismo ang magtatapon ng mga gamit mo sa kangkungan!" Aniya at eksaheradang nagmartsa palayo sa amin. 

"Tsk. Kung makaasta parang hindi rin sinusuwelduhan, eh!" Irap sa hangin ni Annie nang makaalis na ang mayordoma. "Kaya siguro walang nagkakagusto sa matandang ito kasi matalak! Kung ako ba naman lalaki, hinding-hindi ako mag-aasawa ng kagaya niya!" Aniya sabay tayo at lipat sa akin. "Anong pangalan mo? At ang ganda-ganda mo! Hindi ka nababagay bilang katulong! Ang dapat talaga sa'yo, modelo!" 

Natawa ako. Itong mukhang ito, modelo? Pukpok siguro pasado pa. 

"Malaya, ako si Malaya pero puwede mo akong tawaging Maya." Nakangiti kong inabot sa kanya ang kamay ko upang makipagkamayan sa kanya. "Oo, bago pa lang talaga ako. Ako ang yaya ng mga bata." Imporma ko ngunit ngumiwi si Annie na para bang may naghihintay sa aking panganib. 

"Jusko! Sana talaga kayanin mo ang mga batang iyon! Sobrang lilikot! Kung saan-saan nagpupupunta! Kaunting trivia lang ha, alam mo bang ang madalas na dahilan kaya hindi nakakatagal ang kanilang mga yaya sa kanila ay dahil kinukulong nila sa stuck room? O kaya naman sa cr!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya! "Ito pa! Alam mo bang minsan na rin nilang ikinulong ang kanilang yayang matanda sa banyo? Bawal ang kung sinong pumasok sa kwarto nila, tanging ang yaya lamang nila o kaya si feeling amo kaya nagtagal ng ilang oras ang kawawang yaya roon!" Dalang-dala talaga siya sa pagkukwento dahil tumayo pa at with action na ginawa. 

Lumunok ako. Nag-aalala, hindi malabong hindi nila gawin sa akin iyon. 

"B-baka hindi naman, baka kailangan lang talaga nila ng iintindi sa kanila. Baka kapag may nakakaintindi sa kanila ay magiging mabait din?" Nakangiwi kong sinabi dahil maging ako ay hindi rin sigurado. 

"Sabagay." Aniya at napakamot sa ulong bumalik sa pagkaka-upo sa tabi ko. "Pero alam kong malabo at mahirap! Ikaw ba naman ang magkaroon ng pamilyang sobrang busy, oo at sobrang yaman pero halos wala ng oras para sa kanila. Aanhin naman ang kamayanan kung pagdating sa pamilya ay hindi buo?" Lumungkot bigla ang awra ni Annie. 

Lumunok ako. Bigla ay nagkaroon ng bikig ang aking lalamunan, kaya imbes na sagutin pa siya ay nag-ayos na lamang ako at nagpasya ng pumasok sa kwarto ng mga bata at baka gising na sila. Sinabi rin ng mayordoma na may tutor sila kaya hindi na nila kailangang lumabas ng bahay at pumunta ng Paaralan at makihalo sa ibang mga bata. Bigla ay dumaan ang pait sa aking puso sa isiping iyon. Ngunit kailangan kong isantabi ang kahit anong emosyon na mararamdaman ko dahil isang yaya ang aking papel sa kanila at wala ng iba pa. 

Abala na ang karamihan sa kasama sa bahay kaya ako lang ang naglalakad sa buong second floor patungo sa kwarto ng mga alaga ko, kahapon nang makita ko sila ay sobrang gaan ng puso ko. Kaya lang, inirapan kaagad ako ng isa sa kambal, iyong babae. Ang kanyang buhok ay kulot na wavy at sa tuwing gumagalaw siya o tumatakbo ay sumasabay ang kanyang buhok. Ang lalaki naman ay kulot din ngunit itim lang. Hindi sila gaanong magkasing tangkad dahil mas malaki ang batang lalaki. 

"Hello, good morning." Masuyo akong ngumiti nang buksan ko ng kaunti ang pintuan. 

Si Irie ay gising na at nakaupo na sa kanyang kama. Tulala at tila hinahanap pa ang sarili. Nang makita niya ako ay agad siyang lumundag sa kanyang kama at walang pasabing itinulak ako palabas sabay ng malakas na pagsarado ng pintuan dahilan upang tumama ang noo ko roon. 

"Get out! I don't like you! I don't like anybody!" Aniya at nagsisisigaw. 

Napaawang ang labi ko sa gulat. Hindi ko talaga inasahan ang nangyari. Ngunit imbes na magalit ay sinapo ko na lang ang aking noo at nagpakawala ng buntong hininga, pinapaalalahanan ang sarili na pahabain pa ang pasensya dahil mga bata ito. 

Nang lumipas ang limang minuto ay kumatok ako ng tatlong beses saka ko binuksang muli ang pintuan. Medyo may distansya na dahil baka ma-double kill ang aking mala-airport na noo. Malapad na nga, ayaw ko namang magkabukol! Ang pangit kaya tingnan no'n.

"Hello, good morning again!" Malaki ang ngiti kong muling bati sa batang nanlilisik ang mata sa akin. "So you remember me? I am Malaya, your new yaya." Inangat ko pa ang kamay ko para mag-wave ng kaunti pero umirap lamang ang cute na batang ito. 

"Shut up. I don't want you talking, your mouth stinks." Aniya at tinalikuran ako para magtalukbong ng kumot. 

"Mabaho ang bibig ko?" Mahina kong tanong sa sarili at bumuga sa sariling kamay at inamoy iyon. "Hindi naman, ah!" Ngumuso ako. 

Bata talaga.

Ang first day ko ay medyo normal naman. Maliban sa pinagsarhan ako ng gamit ay tinapunan din ako ng quacker oats na almusal nila. Sa mga sumunod na araw ay kung hindi mag-aakyat sa railings ng hagdanan ay pupunta naman sa may backyard kung saan may tree house. Wala akong choice kung hindi ang umakyat. Buti at laking kalye ako, sisiw na lang sa akin ito. 

---

MORNING came and I'm glad that I slept well without thinking anything. I checked my phone when I noticed it was beeping. 

Shalani: 

Hey, my brother-dear! I just wanna inform you that your sweet of a devil twins already has a new babysitter and she already started in Monday. That's all and have a good day. 

I wonder if this nanny of them last until the next days due to what my little devils will do to her. I smirked. 

I shook my head and decided to check my little devils. I missed them so damn much.

As I walked along the hallway of the third floor, I was greeted immediately by our maids who are doing their assigned jobs for that day. 

"Nasa baba po ang mga bata, sir." Ani Mercita, ang mayordoma. 

Isang tipid na tango lamang ang aking itinugon saka dumiretso pababa. Hindi pa man tuluyang nakakababa ay rinig ko na ang ingay. Mas lalong kumunot ang aking noo nang sa gitna ng pagbaba sa second floor ay ang tumakbo kong mga anak. May isang lumambitin pa sa railings na agad namang sinundan ng isang babaeng naka-uniporme, if I am not mistaken, it's their nanny's uniform. 

"Daddy!" They cheered in unison and stopped what they were doing. "You're home, daddy! You're home!" My devil of a princess, Irie run towards me and cling her little arms in my neck that made me chuckled. "Ouchie! Stop pulling me you freaking monster!" Reklamo ni Irie sabay sapok sa noo ng kapatid nang hilahin siya nito para ito naman ang yumakap sa akin. 

"Awiee it hurts!" Isaac whine and he was immediately accompanied by the woman in uniform. 

Nang sandaling magtagpo ang aming mga mata, namilog ang aking mga mata sa gulat at ang aking buong sistema ay nilukob kaagad ng matinding galit. 

"What the fuck are you doing here?" I said with a gritted teeth as I covered my Irie's ears, shockingly, she covered Isaac's ears too. 

--- 

MAGKAHALONG gulat at galit ang aking nakita sa kulay berdeng mga mata. Nais ko mang pantayan ang paraan ng kanyang pagtitig sa akin ay mas pinili kong pakalmahin ang aking sarili at huwag ipahalata ang tunay na nararamdaman. 

"Magandang umaga po, Sir. Ako po si Malaya S-Ruiz po. Ako po ang humalili kay Ate Nila, k-kamag anak niya po ako." Muntik ko ng masapok ang sarili nang mautal pa! 

Ano 'yan, Malaya, hindi keri ang kaguwapuhang taglay ng amo mo? Maghunos dili ka, hoy! Yaya ka lang dito! 

Tumayo siya at kinarga ang dalawang bata na ngayon ay parehong nakakakapit sa leeg ng ama. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, hindi ako nag-iwas ng tingin ay pinanatili ang nakangiti at magaang aura sa kanya. 

"Malaya Ruiz, huh..." Aniyang may tono ng pang-uuyam.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status