Share

That Tuesday Night
That Tuesday Night
Author: Yassieebells

Prologue

"Where's the fucking car? Akala ko ba paglabas natin ng building ay nandito na ang sundo natin? E, nasa'n na?" inis na singhal ko  sa aking sekretarya. Narito kami sa tapat ng penthouse ko, hinihintay namin ang service car. Nangangalay na rin ang paa ko lalo na nakasuot ako sandals na medyo malaki ang takong.

Nakita ko kung paano siya yumuko dahil sa pagtataas ko ng boses. Hindi ko na kasi napigilan ang mainis lalo na sobrang init pa ng panahon pati na rin ang ulo ko. Lalo pa akong nag-apoy sa galit ng makalkula sa aking relo kung ilang minuto na kaming nakatayo rito't hinihintay ang aming sundo.

Nang sulyapan ko si Richelle,my secretary, nagdadalawang-isip kung sasagot ba ito o hindi. This is not the first time na pinagtaasan ko siya ng boses.

Inis na inis lang talaga ako dahil naalala ko kung paano niya ako pagmadaliin kanina. At ako naman, para akong bata na sumunod dahil pinaalala sa kanya ni Papa na bawal daw akong malate sa meeting kasama ang mga business partners namin. Wala naman akong choice dahil utos iyon ng tatay ko.

Ayoko sanang pumunta since kakauwi ko lang kagabi galing sa Dubai.Yeah, I went there for some reason. I think,kulang na kulang ako sa tulog.

Dahil sa pagmamadali ko kanina ay simpleng formal dress nalang ang naisuot ko.Hindi ko rin alam kung pantay ang blush on ko sa pisngi. Ponytail nalang rin ang ginawa ko sa bagsak kong buhok since wala na akong oras kanina.Gosh!

At ngayon,heto pa ang maaabutan ko. Sumpa ba ang araw na ito? Umagang-umaga minamalas na ako.Well, not to early dahil around 10am pa lang naman.

Sana lang talaga hindi ako malate,for sure mapapahiya ako sa mga amigo't amiga ni Papa na kilalang mga tao.Well, hindi naman sa pagmamayabang pero kilala rin kaming mga tao rito sa amin. That's true. Duh!

"Maam, pasensiya na po. Nakalimutan ko palang sabihin na may pinasundo si Sir Aldrin kay Mang Berting," kinakabahang pagbabalita ng sekretarya ko sa akin.

Lalo pa akong nakaramdam ng inis. Napahilot ako ng bahagya sa aking sentido. I didn't expect na ganito ang mangyayari sa akin ngayong araw. Gosh! Kung alam ko lang, sana nagcommute nalang ako. But wait, hindi pala ako marunong.

"What?" Bahid sa boses ko ang inis. I choose to calm but I can't control my feelings anymore. Seriously, may jetlag ako tapos ganito lang? What the!

"Sorry po talaga,Maam," usal niya at nakita kong konti nalang ay maiiyak na ito."Hindi na po 'yon mauulit."

Napabuntong-hininga ako. Tutal nandito na ako, wala na akong magagawa. Kahit pa man pagtaasan ko siya ng boses o kaya naman ay sigawan, nangyari na ang dapat na mangyari.

Nagsitayuan naman ang ilang mga kasama namin at tanging ako nalang yata ang hindi. Pakiramdam ko, nakapusan ng lakas itong tuhod ko. May sarili na yatang utak ang mga paa ko at ayaw nilang gumalaw. Shock! Ganito ba ang epekto kapag nakita mo ulit iyong tao na minsan naging parte ng buhay mo?

Nang senyasan ako ni Papa na makipagkamay sa kanyang bisita at nagdadalawang-isip akong tumayo. Hindi naman sa killjoy ako pero hindi ako handa na harapin siya ulit. Kahit na anong paghahanda ay wala akong plano.Teka, bakit ba kinakailangan kong pagplanuhan kung paano ko siya haharapin? Duh! It's been a year after everything about us ended.

Aligaga akong pumaroon sa gawi nila ni Papa.Muntik pa akong nawalan ng balanse dahil sa pagiging aligaga ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Magmumukha akong katawa-tawa ngayon.Aish!

"Hi,Engineer Labaya," peke pa akong ngumiti kahit ang totoo nanginginig na pati bibig ko. Buong katawan ko yata nanginig pagkakita ko sa kanya.

"Hello, Architect Saludes." Iniabot nito ang palad sa harapan ko at tinugon ko naman ito. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya na lalo pang nagpatibok ng todo sa puso ko. Why do I need to feel this?

Gosh! He's here. I can't believe that I'm working with him. Ngayon pa lang kinakabahan na ako. Bakit sa dinami-dami ng engineer na pwedeng mag-apply sa amin ay siya pa ang kinuha nila? 

Ang taong kinalimutan ko sa loob ng limang taon, heto at katrabaho ko na ngayon. Ito ba ang nakatadhana para sa aming dalawa? Taena! Hindi ako handa. Lahat ng alaala ko na kasama siya ay preskong-presko sa utak ko. At hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin sa kanya.

Ako ang unang kumalas sa ginawa naming pakikipagkamay sa isa't isa na animo'y hindi magkakilala at iyon ang unang beses. Hindi ko mawari sa mata nito kung sinusuri niya ang bawat sulok ng mukha ko o ako lang itong assumera. 

Nagpatuloy kami sa meeting pero hindi na gaya kanina na sobrang aktibo ako. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong tumingin sa gawi niya. He was playing a ballpen at his finger. Nakikita ko kung paano siya maging seryoso na para bang walang epekto sa kanyang nakita ulit ako.

He's back. Damn!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status