Share

Chapter 1

"Saludes, Faith Elizabeth. Magna Cum Laude."

Taas-noo akong tumayo sa aking kinauupuan pagkarinig ko sa aking pangalan. Yes, it was me. It was an honored to me going up on stage and receive an award.

Umingay ang paligid dahil sa kaliwa't kanang palakpakan ng mga taong narito sa Auditorium kung saan ginanap ang aming Graduation Ceremony. Ang ilan ay naghihiyawan pa kaya hindi ko mawari kung pagsuporta ba iyon o pang-iinsulto.

Karamihan sa kanila ay kilalang-kilala ako dahil sa mga plates kong pinapasa sa teacher namin. Humahanga raw sila sa akin sa talentong mayroon ako. Bata pa lamang ako pangarap ko ng maging Architect.

Nakikita ko kasi 

Nagbigay ako ng kaunting speech para naman mainspire ang ibang tao.Nakarinig ako ng hiyawan mula sa mga malalapit kong kaibigan ng magsimulang tumulo ang luha ko.

Hinintay ko ng matagal ang pagkakataong ito.Hindi ko inakala na lahat ng hirap,pagod, at stress ay ito na ang kapalit.Proud rin ako sa sarili ko lalo na't hindi talaga naging madali ang college journey ko.

Lahat ng santo yata tinawag ko na para lamang mairaos ko ng mabuti ang pag-aaral ko.Kahit pa man may kaya kami sa buhay ay hindi pa rin iyon naging dahilan para 'di ko seryosohin ang pag-aaral ko.May pangarap sina Mama at Papa sa akin at ganoon rin ako sa kanila.

"Oh,akala ko ba darating ang nobyo mo?" Tanong ni Papa sa akin pagkatapos ng seremonya.

Kaliwa't kanan pa ang nagpapicture sa akin na animo'y isa akong artista.We also took a picture with my parents.My big brother didn't attend my graduation dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Para akong nakakita ng multo pagkarinig sa tanong ni Papa.Nasabi ko kasi sa kanila before kami pumunta rito na aattend iyong boyfriend ko.Nakita ko kung paano sila naexcite pagkasabi ko no'n.Mas excited pa yata silang dalawa na magkaasawa ako.Psh!

"Baka busy kaya hindi nakarating," walang ganang sagot ko.Sinuklay ko ng bahagya ang buhok kong nagulo.

" Ano ba 'yan,palagi nalang hindi sumisipot ang nobyo mo kapag may okasyon.Graduation mo pa naman ngayon,wala manlang kaeffort-effort.Anong klaseng nobyo ba naman 'yan," naiinis na suhestiyon ni Mama.

"Oo nga naman,anak.Kung talagang mahal ka noon,dapat noon pa lang pormal na siyang nagpakilala sa amin.Para sa gayun,makilatis namin kung mapapalayo ka sa disgrasya," komento naman ni Papa.

"Ma,Pa,huwag na muna 'yan ang isipin niyo,okay? Pwede bang icelebrate na lang natin itong graduation ko? Kanina pa ako gutom e,kain na tayo," palusot ko upang malayo sa usapan.

Dinala ako nina Mama sa isang sikat na kainan.Syempre,tutal graduation ko ngayon,inorder ko lahat ng pagkain na gusto ko sa Menu.Wala naman silang nagawa kundi ang pagbigyan ako.

Masaya kaming nagcelebrate ng graduation ko.Kulang nalang ay si Kuya.Hindi ko alam kung saan lumapop ng mundo naroon ang lalaking 'yon. Tsaka lang yata uuwi sa bahay kapag nag-away sila ng asawa niya. Yeah, his married now but still childish.

The next morning ay nagpagawa ng Graduation Party si Mama para sa akin.Umattend ang mga business partners ng parents ko.Karamihan sa mga bisita ay mga kabatchmates ko.Niyaya ko na lahat tutal party ko naman ito.Everyone was enjoying the night.Nasa loob ng bahay ang mga bisita nina Mama samantalang kami ay narito sa labas.

Nagmukha tuloy akong host kakaentertain ng mga bisitang darating.May mga nagbigay rin ng regalo sa akin.Naexcite tuloy akong matapos ang party upang buksan ang mga regalong binigay nila sa akin.

"Happy Graduation, Eliza." Bati ni Vince sa akin habang may iniiabot itong paperbag sa akin.Sa kaliwang kamay nito ay nakahawak ng baso ng alak.Hindi ko napansin na narito na pala siya.Well,sa dami ba naman ng bisitang meron kami ngayon siguradong hindi ko na maalala kung sino-sino sila.

"Thank you," I smiled him.Kinuha ko rin ang paperbag na iniaabot nito sa akin.Inilapag ko iyon sa mesa kung saan nakalagay ang mga regalo.

Kinikilig ako dahil iyong crush ko ay nag-effort pa talagang bumili ng regalo para sa akin.Yes,his my ultimate crush kahit noong highschool pa lang ako.Batchmate sila ng Kuya ko at hindi sila ganoon kaclose,magkakilala lang siguro.

Mas matanda siya ng dalawang taon sa akin.I already confess my feelings to him but he rejected me.Pero,masaya ako dahil single pa rin siya hanggang ngayon.Kahit papaano ay mayroon akong konting pag-asa para makuha siya.He is a doctor at bagay na bagay iyon sa kanya.

"What are your plans after your graduation? Are you going to take your board exam?" Tanong ni Vince sa akin.

"Hindi na muna siguro.Kinakailangan ko ng mabusising pagrereview para makapasa." Sagot ko.Konti nalang ay sasabog na ang puso ko sa kilig.

We're in good terms naman kahit nireject niya ako.Hindi ko nga akalain na magiging close kami after noon.Nabuhayan ako at mukhang nakuntento nalang kung ano ang kaya niyang ibigay sa akin ngayon.

"Matalino ka naman,e.Sa pagiging matalino mo hindi na dapat uso ang review review na 'yan," biro nito sa akin kaya sabay kaming natawa.

" Sus, kahit pa man matalino ako sa paningin mo, may kahinaan pa rin ako," asik ko.

Totoo iyon, may mga bagay na sa tingin ko ay mahina ako. Sinasabi nina Mama na hindi ko na kailangang magreview para makapasa sa board exam. Ayokong pakampante lalo na madali akong makalimot. Siguro naimpress ko lang ang ibang tao dahil sa mga plates o design na nakikita nilang ginawa ko.

"Anyway, I'm so proud at you, Eliza." Pagbati nito sa akin na lalo pang nagparamdam sa akin ng kilig. Hindi ko alam kung nararapat ba akong kiligin sa simpleng sinabi niyang iyon. 

Feel ko tuloy ay tumaas lahat ang dugo papunta sa aking pisngi dahil sa sinabi ni Vince. Kung pwede lang sumigaw sa kilig ginawa ko na. Kung pwede lang tumili ginawa ko na rin. Iba ang epekto noon sa akin. Gosh!

"Thank you." Pigil kilig kong wika sa kanya.

Nagkwentuhan pa kami sa ilang mga bagay. Inalam niya kung ano ba daw ang mahirap sa college journey ko. Well, para makasama siya ng matagal, dinamihan ko ng kwento kahit hindi konektado ang sagot ko sa tanong niya. Para-paraan rin ako pag may time. Hahaha!

Around 1AM natapos ang party kaya mahaba-haba ang tulog ko. Nagising ako sa mga sunod-sunod na yabag ng paa sa may hagdanan malapit sa aking kwarto. Damn! Hindi ba nila alam na tulog pa ako?

Dahil naalimpungatan na ako sa ingay ay padabog akong bumangon upang alamin kung kaninong paa ang pinaggagalingan ng ingay na iyon. Pinakaayoko sa lahat ay iyong iniistorbo ang pagtulog ko. Puyat pa naman ako and I need to take some rest.

"Goodmorning, bebegirl," bati ni Kuya Edrian nang pumasok ito sa aking kwarto. Nakadamit pambahay siya kung ilalarawan. Wait, umuwi ba siya kagabi? 

Imbes na masiyahan na makita siya ay kinuha ko ang unan sa akinh kama at hinampas iyon sa kanya. Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagtawa at pilit pa itong umiiwas sa panghahampas na ginagawa ko.

Nakakainis. Halos inumaga na nga ako ng tulog, binulabog pa ako. Parang hindi ako parte ng pamilya, huh!

"Aray naman," reklamo nito sa akin ng tumama ang unan sa kaliwang mata niya. Napasapo siya roon at akon naman ay parang drakula na tumawa.

"You deserve that,jerk!" Nakangising ani ko. " Ganyan ang napapala ng mga taong nang-iistorbo ng tulog."

"Hey, hindi ko naman sinasadya. Aren't you happy to see me, huh?"

"What do you expect after what you did? You're so annoying,Kuya. Late na natapos ang party kagabi kaya binalak kong matulog ng matagal pero ano lang ang ginawa mo?" Singhal ko sa kanya. Padabog akong naupo sa dulo ng kama ko. 

Nakikita ko pa rin ang pagtawa niya kaya inambangan ko siya ng hampas kaya mabilis itong lumayo sa akin. Sarap niyang hampasin sa mukha. Kakagigil.

"Sorry na," pagpapakyut nito sa harapan ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kinuha ang hawak kong unan upang wala na akong gamitin panghampas sa kanya. Nagtagumpay naman ito sa kanyang balak. Naupo siya sa tabi ko at umakbay sa akin. 

"Tsk! Hindi ka na nga umattend sa graduation ko, ganito pa ang ginawa mo sa akin," nakanguso kong saad. Humalukipkip na ako dahil sa inis na nararamdaman.

"Marami lang akong inasikaso kaya hindi ako nakapunta. Nandito naman ako para----."

"Para istorbohin ang tulog ko, ganoon ba?" Nakataas-kilay kong pamumutol sa sinabi niya. Bigdeal sa akin ang pang-iistorbong ginawa niya. Gawin na niya lahat, dumihan na niya lahat ng plates ko. Ibenta na niya lahat ng bags at damit ko. Parang-awa, huwag lang maistorbo ang tulog ko.

"Luh! Hindi kaya, sa katunayan pumunta ako rito para ipaalam sa iyong nagpagawa ako ng party sa iyo. My friends are coming. You can invite your friends also." Pumorma pa ang kilay nito taas-baba. Sa itsura niya ay halatang nagmamayabang ito sa akin. Wow! Bumabawi.

Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya naman napatingin ako sa kanya na namimilog ang mga mata ko. Tama ba talaga ang narinig ko o baka naman guniguni ko lang iyon?

Seriouly, nagpagawa siya ng party para sa akin? Gosh! I didn't expect this. Ang alam ko na gagawin o ibibigay ni Kuya sa akin ay magbibigay ito ng mga mamamahaling bags o pabango. Mukhang maluwag ang bulsa ng taong ito ngayon. Psh!

"Kuya, prank ba ito?"

"No, bakit naman kita ipraprank? C'mon, Eliza, alam mong hindi ako mahilig sa ganoong gimik." Oo nga pala hindi siya mahilig sa mga prank prank na iyan. Minsan ay masyado siyang seryoso sa mga bagay-bagay. Lalo na siguro noong nag-aaral pa lamang siya sa law school niya. Ayaw na ayaw niyang pinagtrttipan dati dahil stress na stress siya sa pag-aaral.

Tumango-tango ako ng ilang beses at siya naman ay hinihintay ang magiging desisyon ko. 

"Busy pa ako ngayon, Kuya." Usal ko. Hindi naman talaga ako busy, sadyang tinatamad akong umattend ng party na pinagawa niya para sa akin. Katatapos lang ng party na ginawa nina Mama sa akin, may party na naman? 

"Mamayang gabi pa naman. Mga kaibigan ko na ang nag-ayos sa venue. Desisyon mo lang ang hinihintay ko if pupunta ka ba o hindi. Don't worry, mababait naman ang mga friends ko e. Some of them ay nameet mo na, right?" Tanong ni Kuya.

Yeah, ilan sa mga kaibigan niya ay kilala ko na. Hindi naman ganoon karami ang kaibigan niya gaya ko. Hindi aabot sa bente at hindi naman bababa sa sampu. Kadalasan silang tumatambay rito sa bahay noon kaya kabisado ko na kung kanino siya mas close. May mga babae siyang kaibigan at sa pagkakaalam ko, nobya iyon ng mga tropa ni Kuya.

"Gaganapin pa rin ba ang party kahit wala ako?" Tanong ko sa kanya dahil tinatamad talaga akong pumunta. Binabalak ko na kasing matulog at makapagpahinga ng maayos.

"Maybe, bakit, hindi ka pupunta?" This time, tumaas na ang kanyang kilay. Maybe because, hindi niya akalain na ganoon ang itatanong ko.

"Kuya, wala kasi ako sa mood ngayon,e. Naappreciate ko naman ang effort mo na gawan ako ng party pero kasi kulang ako sa tulog. I badly need to take some rest. I hope you understand that."

Akala ko pagkatapos nang graduation ko ay makakapagpahinga na ako. Hindi ko akalain na kaliwa't kanang celebration pala ang magaganap. Well, naiintindihan ko naman sina Mama kung bakit ganoon sila. Bilang mga magulang ay talagang proud sila sa achievement ko lalo na matagal nilang hinintay ang pagkakataong ito.

"Well, kung talagang pagod ka, you can take some rest." Hinaplos nito ang buhok ko. Dahil narelax ako sa ginawa niya ay isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Katabi ko siya at umakbay ito sa akin.

"Thanks for understanding, Kuya."

"No worries," usal niya." Sayang, in-invite ko pa naman si Doc. Vincent."

Mabilis akong umalis sa pagkakasandal sa kanya after kong marinig ang kanyang sinabi. Tama ba ang narinig ko? Si Vince inimbitahan ni Kuya sa party? Shocks! Kung ganoon ay aattend ako. Nandoon pala siya, sino ba naman ako para mag-inarte.

"Nakalimutan kong sabihin na I'm feeling well pala. Anong oras 'yong party at saan ang venue?" 

Nakita ko kung paano tumaas ang kilay ni Kuya sa sinabi ko. Nagtaka siya kung bakit ganoon kabilis magbago ang isip ko. Duh! Nandoon si Vince kaya aattend ako para bakuran siya. Mamaya targetin siya ng mga malalanding babae doon edi talo na naman ako.

Pinisil ni Kuya ang ilong ko kaya napaungol ako sa sakit. Malakas ang pagpisil na ginawa niya kaya umaray ako.

"Ouch!" Reklamo ko habang nakahawak na sa aking ilong. Hinaplos ko ito dahil humapdi bigla. Hinampas ko si Kuya dahil sa inis.

"Tsk! Si Vincent lang pala ang makakapagpapayag sa'yong umattend ng party, ha." Asar nito sa akin. He laughed so hard.

I rolled my eyes after I hear thosr fucking laughed. Inis na inis pa naman ako sa tawa ni Kuya. Hindi sa mga hurtful words ka niya masasaktan kundi sa tawa niya mismong nakakaasar.

"I'm feeling well naman talaga, Kuya." Asik ko kahit ang totoo palusot ko lang 'yon kanina. Nawala bigla ang antok at inis ko pagkarinig ng pangalan ni Vince.

"Oo, noong binanggit ko na in-invite ko 'yong doktor na ultimate crush mo." Sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko. May kiliti ako roon kaya kinailangan ko pa siyang hampasin para tumigil ito.

"Inlove na inlove lang talaga ako kay Vince kaya gagawin ko lahat para mapansin niya ako." Mayabang na wika ko.

Narinig ko nalang ang sunod-sunod na paghalakhak ni Kuya na animo'y nang-aasar ng sobra. Sinimangutan ko ito. Gustong-gusto niyang inaasar ako lalo na at alam niyang patay na patay ako kay Vince na ultimate crush ko.

Marami pang asar ang natanggap ko kay kuya after mapagdesisyunan na ipagtabuyan na ito. Baka kung ano pa ang masabi niya sa akin at mapikon ako. Pikon ba naman ako sa mga bagay na may kinalaman kay Vince. Ayoko lang na pinagtritripan kami ng crush ko. Alam ko naman na ipapamukha lang ng Kuya ko na hindi ako papatulan ni Vince.

Nasabi ko naman sa kanya ang tungkol sa boyfriend ko. Boyfriend na wala naman talaga. Kahit pa man ganoon kami kaclose ni Kuya, bihira lang ako magsabi ng sikreto sa kanya. Naalala ko noon na ibinuking niya ako kina Mama kaya ayoko lang maulit at nag-iingat ako ngayon. Masyadong personal ang sikreto ko ngayon baka madissappoint sina Mama.

After kumain ng breakfast, naligo na ako at bumalik sa kama ko. Wala akong alam gawin ngayon kundi bumawi ng tulog. Isang gabi lang ako nagpuyat, pakiramdam ko isang buwan akong hindi natulog. Gosh!

I was holding my cellphone while surfing at my social media account. Tutal wala naman akong boyfriend, tamang scroll lang ang ginagawa ko. Nagscroll ako hanggang sa mabored ako. Wala naman akong inaasahan na magmemessage sa akin. Tanging si Freda lang naman ang nagpapaingay sa messenger ko. And besides, sanay na ako roon. 

Nagpagulong- gulong ako sa aking kama. Sobrang tahimik ng kwarto ko at tanging tunog ng orasan ang makikinig. Wala sina Mama dahil may inasikaso silang dalawa ni Papa. At kung ano man iyon ay hindi ko na alam. Hindi naman ako iyong tipo ng anak na mangingialam sa problema ng magulang ko. Tsaka lang ako mangingialam kapag sinali ako. Well, my parents need a privacy also.

Napatakip ako sa aking mukha nang mabasa ang reply ni Freda sa chat ko kanina sa kanya. As usual, nakatanggap na naman ako ng asar mula sa kanya. Sa kanya ko lang sinabi ang tungkol sa pagpapanggap kong mayroon akong boyfriend. I trust her a lot at siya lang ang alam kong makakatulong sa problema ko. Suki siya sa mga dating app kaya sakto na sa kanya ang humingi ng tulong. Alam ko naman na hindi niya ako ibubuking e. Hello, lahat na yata ng sikreto na hindi ko masabi kina Mama ay alam niya. Well, that's true. Ganoon kalaki ang tiwala ko kay Freda.

Inutusan ko siyang maghanap ng lalaki na sa dating app na magpapanggap bilang boyfriend ko. Wala akong masyadong kilala na guy dahil hindi ako ganoon kainteresado na kumilala ng ibang tao. To be honest, mapili ako sa mga taong kinakaibigan ko. 

She replied that her gonna find a guy for me. Para daw matapos na ang problema ko. Nasubukan ko na rin makipagflirt sa mga dating app. Nakikipagmeet pa ako kung kinakailangan. Syempre, kikilatisin ko rin ang mga lalaking nilalandi ko. Hindi ako iyong tipo ng babae na kapag gwapo ay kaagad ng sasama.

Hindi na rin yata mabilang kung ilang lalaki na ang nalandi ko sa dating app. Naenjoy ko naman but hindi ko maintindihan kung bakit inaayawan nila ako after how many days. Hindi naman ako tanga para hindi sila mahalata. They want my body. Yeah, halos lahat ng lalaki sa dating app iyon ang hiniling sa akin. Matino akong babae kaya imbes na pagbigyan sila, binabalewala ko nalang. Kinakailangan kong magdoble ingat lalo sa panahon ngayon. Nagkalat na ang mga masasamang tao sa ilang sulok ng mundo.

After ng chikahan namin ni Freda, naghanda na ako ng susuotin ko mamayang gabi sa party na ginawa ni Kuya para sa akin. I need to be extra presentable lalo na invited iyong ultimate crush kong si Vince. Hindi naman siguro masama kung igrab ko ang opportunity na ito para landiin siya. Since, the party that he'll going to attend is for me. 

Inihanda ko ang medyo galante kong damit na iniregalo noon ni Mama sa akin. Isang beses ko palang ito nagagamit kaya naisipan kong ito ang isuot ko mamaya. Marami ang nagsabi noon na nakakaagaw atensyon ang pagsusuot ko sa damit na iyon. Syempre, para mapansin ako ni Vince, iyon ang isusuot ko.

Napatigil ako sa paghahanda ng susuotin ko mamayang gabi nang tumunog ang aking selpon na nakalagay sa may side table ko. Ibinaba ko muna ang hawak kong high heel since pumipili ako ng susuotin kong sapatos. Kailangan kong tignan kung saan nababagay na sapatos ang dress na iyon.

Kuya texted me about the time and venue of the party tonight. At hindi lang iyon, halos mag-usok ang ilong ko sa inis dahil sa huling sinabi niya.

Kuya:

Kindly invite your boyfriend. I want to meet him.

Taena! Wala nga akong boyfriend.

Gosh! Bakit ba pare-parehas sila nina Papa na excited mameet ang boyfriend ko? Ganoon na rin ba sila kaexcited na mag-asawa ako at magkaroon ng pamilya? This is so pathetic.

Napabuntong-hininga ako ng malalim tsaka padabog na umupo sa dulo ng aking kama. I was holding my phone while my eyes still looking at the message I'ved receive from Kuya. Seriously? He just said that I gonna invite my boylets? 

Sino naman ang ipapakilala ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status