Share

TDS-4

Maagang nagising si Aeris kasabay ng pagkatok ng kung sino sa labas ng pinto. Napahikab muna siya saka pupungas pungas na naglakad papalapit sa pinto. Ngunit pababa pa lamang siya ng hagdan ay bigla na lamang siyang ginulat ng anak sa likuran. 

"Mommy!" malakas na sigaw ni Hale. 

"Ay susmaryosep!" gulat niyang tugon saka napamulat. Napatingin pa siya sa anak ngunit ganun na lamang ang gulat niya ng hindi siya nito pansinin at nagpatuloy lamang pababa ng hagdan. 

"Hale, be careful!" paalala niya dito nang tumakbo ang bata pababa. Ngunit hindi siya nito pinansin bagkus ay masayang nagpatuloy si Hale sa pagtakbo. 

Napangiti na lamang tuloy si Aeris sa anak. Ilang araw na ang nakalipas noong huling bisita nila kay Doc. Iyon ay noong inatake si Hale. At mukhang nitong mga nakaraang araw naman ay stable na muli ang kalagayan ng kanyang anak. 

Gayunpaman ay alam niyang nararapat pa rin ang pag iingat, dahil mahirap na kung magkasakit ulit ito. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad hanggang sa makita ang anak na may dalang isang malaking box. 

"What is that, Hale?" tanong niya dito saka naglakad palapit sa anak. Napakunot naman agad ang noo niya nang makita ang tatak nito. Hindi niya inaasahan na maaga ang regalo ng kanyang magulang para sa anak. 

"A gift from Lolo and Lola!!" masayang sigaw ng bata na may kasama pang pagtili. Kitang kita sa mga mata ng bata ang tuwa habang pinipigilan ang sarili na mapangiti. 

Wala pang isang minuto ay tuluyan nang nabuksan ni Hale ang box na naglalaman ng isang cute pink guitar. 

"A guitar! I love it!" mabilis na niyakap ni Hale ang guitar saka napapikit sa tuwa. Habang si Aeris naman ay hindi na lang rin maiwasang mapangiti habang tinitingnan ang anak. 

Mukhang inaasahan na nga ng anak ang maagang regalo mula sa kanyang lola niya. Nasa ibang bansa kasi ang mga ito at kung minsan ay mas sila pa ang excited sa b-day ni Hale. 

"Mommy, can I play with this today?" Hale asked her mom while her eyes were twinkling. 

Hindi naman nakaligtas si Aeris sa napaka cute nitong tingin sa kaniya kaya napabuntong na lamang siya. 

"But!" pahabol niya pa nang makita ang anak na tuwang tuwa sa naging sagot niya. 

"You'll take a bath as soon as possible. May lakad tayo today, remember?" she tried to let Hale remember. Ngunit hindi siya sinagot ng bata bagkus ay napangiti na lamang ito sabay tumakbo paakyat. 

"I'm going to ligo na mommy!" malakas na sigaw ni Hale habang yakap yakap ang hawak nitong gitara. Napangiti na lamang si Aeris saka nagtungo sa kusina upang mag asikaso naman ng agahan nila. 

Ilang oras pa ang nakalipas bago sila matapos sa pag aayos ng sarili, ay nagtungo na sila sa garahe upang sumakay sa sasakyan. Nasa back seat si Hale habang driver naman si Aeris. Una nilang pinuntahan ay ang mall. 

Magpapagupit rin kasi ng buhok si Aeris dahil masyado na siyang nangangati sa dami ng split ends sa dulo ng mga hibla nito. Pagkatapos nito ay saka naman siya inaya ni Hale sa isang kainan malapit sa pinuntahan nila kanina. Mukhang nagutom ang bata kahit na wala naman itong ginawa sa buong oras na nasa parlor sila. 

Habang kumakain ay nanlaki na lamang ang mata ni Aeris nang mapansin ang lalaking papasok sa parehong food chain. May kasama itong matangkad na babae habang masayang nagkwekwentuhan. 

Hindi naman ito agad nakita ni Hale dahil nakatalikod siya sa direksyon nito. Agad na napaiwas ng tingin si Aeris bago pa man sila magtagpo ng tingin. 

"Mommy, do you want chicken?" tanong sa kanya ni Hale dahilan upang mapatingin siya sa anak. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na nakatingin na rin pala sa kanya ang lalaki at tinititigan siyang mabuti. 

Nang humarap siya kay Hale ay saka lamang napagtanto nito na siya nga ang taong iyon. Naglakad agad ang lalaki palapit sa kanila. 

"Hello Ms. Aeris, Hale ..."bati niya sa mga ito habang nakangiti. Agad na mapalingon si Hale sa kaniya at sumilay ang ngiti sa mga labi nito. 

"Doc Reagan!!" masayang bati sa kaniya ng bata saka tuluyang humarap sa kaniya. Habang si Aeris naman na may balak pa sanang magtago kanina ay wala nang ibang nagawa kundi ang humarap sa lalaki saka pilit na napangiti. 

"Doc, kayo po pala yan. Hindi ko po alam na pumupunta rin po pala kayo dito," tugon naman ni Aeris saka bahagyang napayuko. May kalayuan naman kasi ang mall na ito sa pinagtatrabahuhan na hospital ng doktor kaya hindi niya inakala na nandito ito. 

"Ah yeah actually I live nearby kaya dito na rin kami nagpunta para makagala si Gab," sagot naman nito saka napatingin sa mga kasamahan na nasa likuran niya. 

Agad na napatingin si Aeris sa babae na nasa likuran ng doktor. Matangkad at maputi ang babae. May suot itong magarang salamin na itim kaya naman hindi niya agad makita ang mga mata nito. Idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nito. 

Napailing na lamang si Aeris sa kanyang isipan. Hindi na nakakapagtaka kung malalaman niyang ito ang bagong nililigawan ng doktor. Idagdag pa na may kasama itong bata. 

Mukhang mas mata ng dalawang taon ang batang si Gab kaysa kay Hale. Nanatiling nakatulala si Gab kay Hale, maliban kasi sa cute ang bata sa kanyang paningin ay hindi rin maiwasang matulala ng batang si Gab kay Hale dahil sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. 

Mukhang hindi maiwasan na Hale na magtampo dahil may ibang batang kasama si Doc Reagan kaya naman ganun na lamang kasama ang tingin niya kay Gab. Gayunpaman ay para namang nabighani ang batang lalaki.

"Ah by the way, Aeris... She's Melissa. Melissa, Aeris," pakilala ni Doc sa kasama. 

"He- hello," bati na lang din ni Aeris dito habang bahagyang napapayuko. 

"Hi! And you must be Hale, am I right?" tanong agad ng babae sa anak niya. 

"She's not interested in me, but with Hale alone," sa isip isip ni Aeris habang nakatingin sa paraan ng pagkurot nito sa pisngi ng kanyang anak. 

Ilang saglit lamang ay inutusan na lang bigla ni Melissa si Reagan. 

"Order ka na Gan, wait ka namin here ni Gab," sambit ni Melissa saka tumabi kay Hale. 

Hindi na nakuha pang makapagprotesta ni Aeris dahil nakaupo na ito, ibig sabihin ay kasabay na nila ito sa pagkain. Napangiti naman si Doc Reagan saka nagtungo na sa counter. 

"Aah yeah, wait here. Gab, wag ka mangaaway kay Hale ah," saway pa nito sa bata bago tuluyang umalis. 

Nang makaalis na ang lalaki ay namayani na ang katahimikan sa kanilang dalawa. Hanggang sa magsalita na ng una si Melissa. 

"So how's Hale? I heard from Gan that she was confined last time, isn't she?" tanong nito sa kanya. 

"Ahh... well, for now, she's stable," sagot niya dito. 

"Good then. You know what, if he's not capable of handling Hale, you're free to contact me anytime. I'm also a doctor, we're classmates during college, I mean Reagan..." sagot nito habang inaayos ang gamit sa upuan. 

"Classmate ni Reagan?" tanong niya sa sarili saka muling pinagmasdan ang babae. 

"So... you're not his girlfriend?" pautal utal pang tanong niya dito. Mukhang hindi naman makapaniwala si Melissa. 

"H- Huh? Seriously? Of course not! Him and me? Yuck! I have husband, you know,"  sagot nito sa kanya sa nandidiring tono. 

"Ah... I'm sorry," mabilis na paghingi ng paumanhin ni Aeris dito. 

"It's okay, sinundo lang kasi kami ni Reagan sa airport since kakarating ko lang from England. My husband kasi was there and we just visited him for a month then continue na ulit ako sa work ko here. And ano ka ba! Reagan and I were cousins! " natatawa tawa pa nitong kwento sa kaniya. 

Dahil sa hiya ay napatawa na lang din ng pilit si Aeris. 

"Anyways, I'm glad I already met this gorgeous lady here," sambit nito saka napatingin muli kay Hale. Hinimas pa nito ang buhok ng bata habang pinipigilan ang sarili na kurutin muli ang pisngi nito. 

"Y- yeah..." mahinang sambit na lamang ni Aeris habang si Hale naman ay mahahalatang tuwang tuwa rin dahil may naku-cute- tan sa kaniya. 

"Reagan told me 'bout his special patients sometimes...pero ang palagi niyang nababanggit is Hale. She's a very important patient for Reagan. And I see now why he loves Hale..." komento pa nito. 

"So if he's not taking good care of Hale, just contact me okay?" nakangiting sambit pa nito saka napatingin sa kaniya. 

"Ah-"

Hindi na natapos ni Aeris ang sasabihin nang biglang sumulpot sa kanyang likuran si Reagan. 

"Are you trying to steal my precious patient, Elisa?" tanong nito sa pinsan na sinundan ng tawanan. Maging si Aeris tuloy ay napatawa na lang din. 

Sabay sabay na silang kumain nang dumating na ang order nina Reagan. Habang kumakain ay hindi maiwasang mapatingin ni Aeris kay Dok. Ibang iba ang pormahan nito ngayon. Hindi katulad sa tuwing nakikita niya ito ay palagi itong nakasuot ng puting gown. 

Ngayon kasi ay nakasuot ito ng isang brown shirt na nagpabakat sa matipuno nitong katawan. Kaunti na lang ay mapagkakamalan na itong modelo sa isang magazine. 

Hindi niya na namalayan na napatulala siya dito habang parang tanga na nakangiti. Kung hindi pa siya kalabitin ng anak at hindi pa siya magigising sa reyalidad. 

"Are you okay, Aeris?" nag aalala na tanong ni Doc sa kaniya nang mapansin ang bahagyang pag iling ni Aeris. 

"Ahh...yeah, yeah. May naalala lang, sorry," pagsisinungaling niya dito.

Ngunit mukhang tumalab naman ang palusot niyang iyon kaya ipinagsawalang bahala na lamang nito ang nakita at nagpatuloy na sa pagkain. Habang si Aeris naman ay hindi maiwasang mamula dahil sa kahihiyan. 

Ilang saglit lamang ay nagpaalam na sina Melissa kaya naman nag umpisa na rin si Aeris sa pag aayos ng gamit upang umalis na rin. Ngunit nagulat na lamang siya nang makitang nasa tabi niya pa rin si Doc. Reagan. 

"D- Doc...I thought aalis na kayo?" nahihiyang tanong niya dito. 

"Ah yeah actually may dadaanan pa kasi sila kaya di na siya nagpahatid sa akin papunta sa apartment nila. Kaya nauna na lang din sila sa akin," sagot naman nito sa kaniya. Napatango na lang din tuloy si Aeris. 

"And since I don't have anything to do for today, mind if I join you?" tanong nito sa kanila. 

Hindi na nagawang makapagsalita ni Aeris nang mabilis na yumakap si Hale sa paahan ni Doc. 

"Yes Doc Reagan!!" masayang sagot nito. Sa huli ay wala nang ibang nagawa si Aeris kundi ang maglibot kasama ang dalawa. Una silang pumasok sa arcade, kung minsan pa nga ay sabay na naglalaro ang dalawa. Habang si Aeris naman ay taga hawak lamang ng mga napapanalunan nilang dalawa. 

Makikita ang tuwang tuwa na mukha ni Hale. Para bang hindi ito napapagod habang tumatakbo sa loob ng isang palaruan. Mayroong mga slides at balls na maaaring paglaruan sa loob nito. Nanatili namang nakatingin lamang si Aeris sa mga ito nang biglang lumapit sa kanya si Doc. 

"Hey," bati nito sa kaniya habang nakangiti. 

Hindi naman makuhang makaisip ni Aeris ng tamang salita para sumagot nito kaya napangiti na lamang siya. 

Napansin niya agad ang pawis sa katawan ni Doc. Mapapansin ang ilang bahagi ng damit nito na mamasa masa na habang pasimpleng pinupunasan ang pawis sa noo at leeg. Hindi namalayan ni Aeris ang matagal niyang pagtitig dito hanggang sa mapalunok na lamang siya. 

"I didn't expect that she's so active in this kind of plays," sambit ni Doc habang nakatingin sa direksyon ni Hale. Napangiti na lang din tuloy si Aeris sa kaniya. Minsan lang din kasi magkaroon ng kalaro ang bata kaya baka dahil doon ay naganahan ito sa pakikipaglaro. 

Ilang saglit pa ay saka lamang natigil ang bata sa paglalaro. Bagsak ang katawan nito habang nakasakay sa likod ni Doc. Reagan. Nahiya naman si Aeris sa ginawa nito. 

"Uhmm.. I'm sorry Doc. naabala  ka pa, I can carry her naman," sambit ni Aeris at akma na sanang kukunin pabalik si Hale ngunit mas malakas sa kaniya si Doc. 

"No it's okay,"

"But yo- yung pawis niyo... you're also tired playing with Hale. You should take care of yourself too," sincere na sambit niya dito ngunit nakangiti lamang na humarap sa kaniya si Doc. 

"You can wipe my sweat if you want," sambit nito saka bahagyang inilapit ang mukha kay Aeris. 

Ilang segundo pang natulala si Aeris, hindi inaasahan ang sinabi ni Doc. Para siyang sirang recorder na paulit ulit na nagpeplay ang narinig na sinabi nito. Naramdam niya rin ang unti unting pagtaas ng dugo sa kanyang mukha. 

"H- huh?"

"Just kidding," biglang bawi nito sa kaniya saka humiwalay na habang natatawa tawa. 

"We can just take a rest there. I think may bench naman na malapit sa ground floor," sambit nito saka naglakad na ng una. Naiwan naman si Aeris na animo'y tinakasan na ng katauhan dahil sa kilig na nararamdaman. 

Makalipas ang ilang saglit ay nag patuloy na ulit sila sa paglalakad. Pababa na sila ng ground floor nang bigla nilang makasalubong ang taong hindi inaasahan ni Aeris. 

"Aeris?" patanong na bati pa nito sa kaniya. Napakunot ang noo niya noong una ngunit agad ring nawala ang emosyon sa mukha nito nang makilala ang tumawag sa kaniya. Napahinto sa paglalakad ang dalawa. 

"Oh well, well. If it ain't for you, Aeris. Heh! I didn't expect na makakatapak ka pa rin pala sa ganitong mall?" natatawa tawang sambit nito. Hanggang sa mapansin nito si Doc. Reagan na nasa tabi ni Aeris. 

 "Oh dear...why am I so mean to you? Is he your new daddy? Heh!"

"Stop it Myrna," mahinang sambit ni Aeris habang nagpipigil.

"So after Zachery, siya naman? Oh my God!"

"I said, stop it," 

"Aren't you ashamed of yourself? You even get pregnant because you're a b*tch and now you're trying to leech unto someone just because Zachery is an asshole who chooses to leave you and your useless bab-," 

"I said, SHUT THE FUCK UP!!" malakas na sigaw ni Aeris kasabay ng malutong na pagtama ng palad niya sa makapal na mukha ng babaeng kaharap. 

Maging ang mga tao sa paligid ay napatingin sa kanila. Ang iba ay napahinto at napatingin lamang habang ang iba naman ay pasimpleng nagbubulungan. Ilang saglit pa bago mapansin ni Aeris ang pananahimik ng lahat.

Dahan dahan siyang napatingin sa mga ito hanggang sa magtagpo ang paningin nila ni Doc. Reagan. Sa hindi malamang dahilan ay agad siyang kinain ng takot at kaba nang makita ang paraan ng pagtingin nito sa kaniya. 

SAKATACHIBI

Hi! Hope you're all fine and doing great. I will update this hopefully four times a week so please add this to your library now to stay update😏😇

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status