Share

TDR-8

"Doc Reagan?" gulat na bati ni Aeris sa lalaki.

"I thought you're going out with Hale?" tanong nito sa kanya. Agad namang narinig ni Hale ang doktor at lumapit dito.

"Doc Reagan!" masayang bati nito sa doktor saka lumapit sa kaniya. Dito pa lamang napansin ni Reagan ang bata kaya naman masaya niya rin itong sinalubong.

"As you see, we got a little bit problem so I went back here," nahihiya namang sagot ni Aeris. Hindi niya inaasahan na dito pala pupunta ang doktor. Inaya pa naman niya ito kanina at napahiya ng kaunti.

"Little bit? Just a little bit?" biglang singit naman ni Myrna na nasa tabi ni Reagan. Galit na tiniklop nito ang kanina pang galit na galit na ipinapaypay na pamaypay saka lumapit kay Aeris.

Hawak nito ang pamaypay sa kanang kamay habang isang coffee naman sa kaliwa. Mukhang init na init na rin ito dahil sa tagal ng paghihintay sa kanila.

"Myrna," sambit niya habang nakatingin dito.

"No Aeris...this is not a little problem. Didn't you notice that you made a mess?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status