Share

Chapter 2

Chapter 2

Tyler's POV

"Congrats, dude! You're finally married!"

Kausap ko ngayon si Xavier habang abala ang mga mata ko sa paghahanap sa asawang bigla na lamang naghalo sa harapan ko.

The party is still on and some of the guests are asking for my wife. I think it would be weird if they can't see us together. When it should be that way.

"What's wrong? You look bother."

"I need to find my wife." I answer Xavier.

Malakas itong tumawa at tinapik ako sa balikat. "Well, good luck, dude. Mukhang pinagpa-praktisan ka nang pagtaguan ng asawa mo."

"Shut up, Xavier." I said gulping the remaining of the wine. My eyes can't still find my wife.

"Isn't it weird?" Tanong ni Xavier habang kumakaway sa bridesmaid na kanina pa nakatingin sa kaniya.

"What?" 

"Is it really possible to fall in love to someone you never meet before?"

"Who's in love?" Sabi ko na siyang ikinataas ang kanang kilay nito at suminghap. 

"Well? Bilang matalik mong kaibigan, ipagdadasal nalang kita. Good luck." Muli ako nitong tinapik sa balikat bago naglaho sa harapan ko. 

Kumindat pa ito sa akin habang hawak sa beywang ang bridesmaid at iminuwestra ang kamay upang paalisin ako. Mahina na lamang akong natawa sa katotohanang kasal na nga talaga ako at sa babaeng hindi ko naman talaga mahal. 

Mabilis kong kinuha ang wine sa mesa at naglakad patungo sa terrace upang lumanghap ng sariwang hangin. I thought for a while that this venue is so damn expensive and so romantic to an extent that I wonder if it's really for us. The newly wed that was not even in love with one another. 

I feel like we're insulting this place.

Bigla na lamang akong napahinto sa pag-iisip ng kung anu-ano ng bigla akong makarinig ng pamilyar na boses. Sinundan ko ito hangggang sa makarating ako sa hallway kung saan naroon ang masungit kong asawa na naglalasing bitbit ang bote ng wine habang nagsasalita ng kung anu-ano.

"I unfortunately married Tyler Grossman!" Sigaw nito pero mabuti nalang at malayo ang lugar na ito sa mga bisita. 

"What do think you're doing?" Tanong ko. 

Tiningnan ako nito ngunit malalaki na ang eyebags nito. What the hell is this girl is doing?

"Oh, my husband! There you are!" Bigla itong yumakap sa akin habang tumatawa na parang nasisiraan ng isip. 

Hinawakan ko ito sa beywang upang hindi matumba ngunit gayon na lamang ang pagkagulat ko ng bigla akong makaramdam ng mainit sa aking leeg at bumaba iyon papunta sa aking dibdib. 

What the hell?

Hindi ko na kailangan sabihin iyon dahil naaamoy ko na ang mabaho nitong suka. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at mabilis na bumulagta sa sahig. 

Nanatili akong nakatayo. It would be embarrassing to go out like this. Anong iisipin ng mga bisita kapag nakita kami sa ganitong kalagayan? Normal ba na maglasing ang bride sa mismong kasal niya? 

"Hey, get up!" Utos ko sa asawa kong hindi na makagalaw sa labis na kalasingan. "Tatayo ka o iiwan kita rito?" Banta ko. Mabilis naman itong gumalaw upang tumayo.

I hear footsteps coming from the other side of the hallway. Nilingon ko iyon only to see Xavier kissing the bridesmaids he just meet earlier. Tinawag ko ito at mabilis na napahinto sa kanilang ginagawa. Mabilis na tumakbo ang babae palayo na parang nahihiya ng makita kami.

"What the hell man?" Angal ni Xavier.

"Shut up. I need your help."

Nanlaki ang mga mata nito ng makita si Daphnee sa sahig. Mahinang natawa si Xavier ngunit tumigil din ng tapunan ko ng masamang tingin. 

"No one has the permission to laugh at my wife. Understand?"

"Ok. Ok. Chill dude." 

"Now get her up. I cannot leave her here to clean up and I also cannot carry her with this mess." Turo ko sa suka na agad ikinangiwi ni Xavier.

"I'll take her to the car."

"Okay, please."

I immediately walk to the bathroom and clean. Naghilamos na rin ako dahil pakiramdam ko sobrang init ng mukha ko na kahit anong oras pa ay sasabog na ang ulo ko. Ano ba itong pinasok ko?

Paglabas ko sa hallway I saw a familiar woman standing while leaning her back on the wall. She was about to light another cigarette but I stop her immediately.

"The hell are you doing her, Natalie?"

"Oh, hell." Mahina nitong sabi. Kumuha ito ng isa pang stick ng sigarilyo at ng makapagsindi ay binuga ang usok sa mukha ko.

"What do you think?"

I grab her wrist and pin her on the wall. Nahulog ang sigarilyo sa sahig at mabilis ko iyong tinapakan at tiningnan si Natalie sa mga mata. 

I press my hand harder into her wrist until she groans in pain.

"Tyler!" Sigaw nito habang kumakawala sa aking kamay ngunit mabilis ko siyang itinulak at isinandal sa pader hangggang sa hindi na siya makagalaw.

"Baliw ka na!"

"What do you want, huh? Bakit ka pa bumalik?" Galit kong tanong sa kaniya habang naiiyak na ito sa higpit ng pagkakahawak ko sa kaniya.

"I just want you to come back. Come back to me, please. Baby, please... I need you." Umiiyak ito saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

I loosen my grip and grab her on the waist. 

"You should go home now, Natalie. Tapos na tayo."

I turned to leave her but she suddenly hugs my waist while kneeling on the floor.

"Don't you love me anymore? I can give whatever you want. You want my body, right? Let's have sex, Tyler. Come on!"

"Shut up, Natalie!"

"Iiwan mo ako pagkatapos mo ako pakinabangan?! Ikinama mo lang pala ako, gago ka!"

I was about to loss my patience and hurt Natalie before my mother came running towards us.

"Sinasabi ko na nga ba. Pakidampot ang babaeng ito." Utos ni mama sa mga bodyguards ng makita sa Natalie.

"Tita, no! Kailangan ko si Tyler. I love him!" Nagpupumiglas si Natalie habang nagmamakaawa kay mama.

"Baliw ka na nga." Sabi ni mama kay Natalie bago ako hinarap upang kausapin.

"Make sure that you cut all connections with that woman dahilnkung hindi masisira ang imahe natin." I immediately nod my head before walking towards the car where my wife is.

Tahimik na ito ngayong natutulog. Sandali kong inayos ang ulo nito at pagkatapos ay nagmaneho papunta sa bago naming bahay na regalo sa amin ng mga magulang niya.

The house is so damn big... And expensive of course. Ito ang bahay na titirahan namin as husband and wife.

Daphne's POV

Binaha na ng pang umagang araw ang buong silid. Maingat kong iminulat ang mga mata ko na sobrang sakit sa hindi ko malamang dahilan. But I can remember that I have been crying last night before I found that goddamn wine.

"Ouch." Mahina kong hinilot ang sentido ko at sumandal sa malambot na unan. Ngunit habang umiikot ang paningin ko ay kaagad ko ring napansin na wala ako sa sarili kong kwarto. Lumingon lingon ako pero biglang sumakit ng sobra ang ulo ko kaya nasapo ko iyon.

"You're awake. Mrs. Grossman." Sabi ng isang boses na naririnig ko mula sa gilid. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako pero hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at tumabad sa akin ang pamilyar na mukha. 

Nasapo ko ulit ang ulo ko dahil sumakit na naman iyon. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga paang naglalakad papunta sa akin.

"Here. Take this medicine." Inabot nito sa akin ang gamot at baso ng tubig bago tumalikod.

"Sandali." Pigil ko sa kaniya. "Anong ginawa mo sa akin, huh?"

"Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sayo?" Sarkastiko nitong tanong.

Napalunok ako ng sunod sunod dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko nagkulay kamatis na ang mga pisngi ko.

"Eh, ano ba dapat?!" Sigaw ko na agad naman niyang sinagot ng malakas na tawa. 

"Kahit asawa kita hindi kita papatulan."

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo! Malay ko bang ginapang mo ako kagabi habang wala akong malay. Mapagsamantala!" Pinagbabato ko siya ng kahit anong mahawakan ko ngunit mabilis din naman itong nakakailag ng walang kahirap hirap.

"Why? Is there something wrong kung may ginawa nga ako sayo? We're married, right? And part of marriage is the honeymoon so—"

"Walang hiya!" Sigaw ko pa ulit. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin upang sugurin sana siya ngunit bigla ko na lamang napansin na hindi na ito ang suot kong damit kagabi. 

Agad napababa ang tingin ko sa aking harapan at napayakap sa aking dibdib. Lumipat ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nakunot ang noo.

"What now?"

"S-sinong nagbihis sa akin?" 

Biglang gumuhit ang pilyo ngiti sa labi nito. "Me. Your husband. Got problem with that?"

Magsasalita na sana ako ng bigla ako nitong unahan.

"Since we're already here I wanted to set rules that you have to follow inside this house and AS MY WIFE."

Tsk. Bakit naman ako susunod sa kaniya? Bahay niya ba ito?

"Rule number 1: No parties or anything loud. Ayoko ko sa maingay. Kung gusto mong magparty pwede ka sa ibang lugar basta hindi rito." 

Nakinig lang ako habang iniinom ang gamot at pagkatapos ay humiga ulit. 

"Continue, please." Utos ko dahil tumigil ito sa pagsasalita. Siguro iniisip niya na hindi ako interesado.

"Rule number 2: You can use my card for your expenses. Ayokong may masabi ang mga magulang mo."

Napangisi ako dahil doon. Sakto rin naman dahil nga hindi naman ako binigyan ng pera ng mga magulang ko. At kakaunti nalang din ang savings ko.

"But you have to do all the chores in this house. I hate maids. Ayoko ng may kung sinu-sinong gumagalaw dito sa bahay."

"What?! No!"

"As my wife that's your responsibility, Mrs. Grossman. You have to serve me and also respect my decision."

"And what about my decision?"

"What?"

"I don't do household chores. And my decision is... It's better if we are going to hire a maid."

"I don't think that's necessary."

"Yes! It is!"

"And what about you?"

"What about me?"

"Anong gagawin mo rito sa bahay? Uupo ka lang ba maghapon? N*****x and chill. Window shopping pag nabored is that it, Mrs. Grossman?"

"Of course not!" 

"Then do as I say. You can still do whatever you want but you should not put the chores the least priority."

Ano bang pauso nitong Tyler na 'to? Gusto yata akong gawing kasambahay. Pasalamat na lamang siya at masakit ang ulo dahil kung hindi tiyak na hindi rin makakalagpas sa akin 'to.

Napasinghap na lamang ako at mas pinili makinig nalang.

"Rule number 3: Sex is necessary—"

"Objection!" Sobrang nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"What now?"

"Kailangan talaga nasa rules?" 

"Mrs. Grossman. Unless you didn't know, sex is a sign of a healthy married life."

"At saang trivia mo naman napulot iyan? O baka naman gumagawa ka lang ng sarili mong trivia?"

"No. These rules are fixed at hindi na pwedeng palitan so whether you like it or not kailangan mo itong sundin. Am I understood?"

"Sandali, ano 'to? Ginagawa mo akong bata?"

"Cause you're acting like one."

"Excuse me?" Tanong ko. Wala akong naaalalang ginawa ko para masabi niya iyon.

"Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa mo kagabi sa mismong kasal natin? Kung hindi mo naaalala, Mrs. Grossman, pwes, ipapaalala ko sa 'iyo. Sino itong naglasing sa mismong reception ng kasal? Sino itong sinukahan ako at bumulagta nalang sa sahig na walang pakialam kahit nakasuot ng wedding gown? At pati kaibigan ko sinukahan mo rin."

Natahimik ako bigla at doon nagkaroon ng diwa sa akin lahat. Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko dahil lasing na lasing ako kagabi. Nakayuko ako habang nahihiyang tumingin sa asawa ko.

"Kung naalala mo na siguro naman susunod ka na?"

Pero hindi ibig sabihin nun, eh, may karapatan na siyang utos-utusan ako. Asawa niya ako! Katuwang at hindi alila!

"Clean yourself aalis tayo." Tipid nitong sabi.

Aapila na sana ako ngunit wala na ito sa harapan ko. Nakita ko na lamang ang pagsarado ng pinto at kahit habulin ko pa ito ay hindi na ako nito papansin.

Mabilis akong nagtalukbong ng kumot at sumigaw ng buong lakas.

Walang hiya talaga ang Tyler na 'yon! 

Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang ako ang napangasawa niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status