Share

Temporary Wife
Temporary Wife
Author: LoneGeek

Chapter 1

Chapter 1

Daphne's POV

Bumaba ako sa sasakyan habang tanaw mula rito ang malaki naming bahay. Wala parin itong pinagbago magmula ng iwan ko ito limang taon na nakakaraan. Hindi ko inaasahan na makakauwi ako after five long years of living independently and away from my family. 

Kinakabahan ako habang naglalakad papasok sa bahay. Ramdam ko rin sa mga oras na ito ang pagod dahil sa mahabang oras na byahe. Pero ganun paman medyo nakuha ko paring mapangiti ng maalala ang dahilan ng pag uwi ko. Paano ba naman kasi. Sinong mag-aakala na ikakasal na ang ate ko. And as her younger sister I should be there in her most important moment. 

I enter the living room but it's very quiet. Walang tao ni isa. Ni walang sumalubong sa akin. I thought they already know na ngayon ang uwi ko dahil pinaalala ko naman sa kanila. I even texted my sister when I reached the airport. Sumabog ang nakakainis na kaba sa aking dibdib habang mabigat na inaangat ang aking mga paa sa bawat palapag ng hagdan.

I call my mother and she immediately materializes in front of me.

"Daphne, sweetheart." Mabilis akong hinila ni mama palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap.

"Ma? What happen?" Tanong ko habang hawak siya sa magkabilang balikat niya. Pinilig nito ang ulo sa kanan at inalis ang mga kamay ko. Nagpunas si mama ng luha habang naglalakad patungo sa isang kwarto. Kwarto na alam na alam ko kung kanino.

"Anak halika rito. May sasabihin ako sa iyo." Nakalahad ang mga kamay nito sa akin. Lumapit ako dahil sa labis na kuryusidad.

"M-ma, ano po ang problema?" Hindi ako sinagot ni mama at hinila ako papasok sa kwarto.

Dito tumambad sa akin ang magulong kwarto ni ate. May mga nakakalat na damit sa kama at mga papel sa sahig. 

“Tumakas ang ate mo, Daphne. Tinakasan niya ang kasal." Inabot sa akin ni papa ang sulat na para sa akin.

Dear Daphne

         

Patawarin mo ako sa gagawin kong ito. Alam kong bata ka pa at marami ka pang pangarap na gustong marating sa buhay. Hindi ko nakakalimutan ang mga pangarap na iyon at masaya ako dahil kasama ako roon.

Hinihiling ko na sana ligtas kang nakauwi sa bahay. Sana masaya kang sinalubong nina mama at papa. Ngunit sa mga oras na natanggap mo ang sulat na ito ay nasa malayo na ako.

Sana mapatawad mo ako, alam kong kalabisan ngunit nais kong hilingin sayo na palitan ako sa kasal na magaganap. Hindi pa ako handa at hindi ko pa nahahanap ang sarili ko. Gusto ko munang mapag-isa at matuto. Gusto kong gumawa ng desisyon para sa sarili ko sa paraang gusto ko.

Hinihiling ko ang kapatawaran d'yan sa puso mo. 

Nagmamahal, Stephanie.

Mabilis na kumawala ang mga luha sa aking mga mata.

"Anak…" Sambit ni papa sa pangalan ko. Hindi ko kailangang marinig ang sasabihin niya. Alam kong naaayon siya sa nilalaman ng sulat na ito ngunit hindi ako makakapayag.

"What? Seryoso po ba kayo, mama?" Gulat kong tanong sa kanila.

"This is the only way para hindi mawala sa atin ang kompanya. Kapag hindi natuloy ang kasal ay wala na kaming ibang choice kundi ibenta ito sa mga Grossman.”

Alam ko kung gaano kahalaga ang kompanya  kay papa. Dugo't pawis ang pinuhunan ni lolo maitayo lang ito. At hangggang sa huling hininga niya ay hiniling niya kay papa na pangalagaan ito.

"Ma, pa. Pag isipan po natin ito ng mabuti. Huwag po tayong magpadalos dalos sa pagdedesisyon."

"Buo na ang desisyon namin, Daphne. We don't have any choice kundi ipakasal ka kay Tyler Grossman.”

Parang sobrang dali lamang para sa kanila na sabihin iyon dahil hindi naman sila ang papasok sa ganung sitwasyon. Paano naman ako? Paano ko pakikisamahan ang lalaking hindi ko kilala. Pakakasalan ang lalaking hindi ko mahal?

"Pakisamahan mo nalang ng maayos ang mapapangasawa mo, okay? Magiging maayos din ang lahat."

"P-pero—" 

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang tumayo sa papa mula sa pagkakaupo at pinutol ako sa pagsasalita.

"Bukas na ang kasal. We don't have much time for complaints, Daphne. Kung mahal mo ang kapatid mo gagawin mo ito para sa kaniya. Kung hindi mo gagawin ito pare-parehas tayong pupulutin sa kalye!" 

Galit na sumigaw si papa at sinundan naman ito ni mama.

"Anak, parang awa mo na. Ayaw mo namang maghirap tayo diba? At para sa ate mo..."

Parang may kung anong pumiga sa puso ko dahil sa sinabi ni mama. Kasalanan ko na naman ba ito ngayon. Bakit sa tuwing may nangyayari kay ate ako palagi ang sasalo?

"But p-pa—"

"Enough!" 

Marahas na napatingin sa kaniya si mama at hinawakan siya sa bisig. Kumalma rin naman agad ito at mabilis na hinilot ang sentido niya.

"Anak, please." Sabi nito sa nagmamakaawang mga mata.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto ng mga magulang ko. Umalis sina mama at papa at naiwan akong mag-isa sa kwarto. Lumabis ang pagod sa katawan ko dagdag pa ang sakit ng ulo at bigat na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nangyari kung kaya't nakatulog ko ng hindi ko namamalayan. 

Umaga na ng magising ako at pagkamulat palang ng mga mata ko ay mukha na agad ni mama ang nakita ko.

“Tumayo ka na d'yan at maligo. Maya- maya lang ay nandito na ang make-up artist and stylist mo. Pasado alas otso ng umaga magsisimula ang kasal.”

Sumulyap ako sa wall clock at laking gulat ko nalang dahil dalawang oras nalang at magsisimula na ang seremonya.

“Sige po."

Lumabas ako ng kwarto at doon ko lang naalala na wala pa akong kinain simula ng dumating ako kahapon.

Tanging pagsinghap nalang ang nagawa ko at sinunod ang utos ni mama.

Wala ng saysay kung magpapaapekto ako. Tinanggap ko nalang ang katotohanan at pinakasalan si Tyler Grossman. 

“Congratulations, Mrs. Del Mundo." Bati ng mga bisita kay mama.

Subalit parang wala ako sa sariling nakatitig sa singsing na nasa daliri ko habang hinihiling na sana panaginip lamang ito.

"Daphne." Tawag sa akin ni mama. Nakaupo ako sa upuan malayo sa mga bisita. 

"What are you doing here? Entertain your guests ano ka ba naman?" 

"They're not my guests and this is not my wedding. I'm tired I need to rest." I slowly lifted my gown. Turn around but she blocks my way. 

"Wait." 

"Ma, pagod ako."

"Listen to me, Daphne. I know you don't want this wedding. Alam namin pareho ng papa mo na ayaw mong maikasal but for god sake, please, help your sister, okay?"

"Hindi naman kasi ganun kadali ang hinihiling niyo, ma. Kasal po ito at hindi basta bastang bagay na pwedeng paglaruan." 

I don't care kung mapagtaasan ko ng tono si mama. But she needs to understand that I am against this idea.

"So what are you going to do? Run away after this? Dare me but I won't let you do that!"

Nakikita ko na naman ang masamang anyo ni mama tuwing nagagalit siya. 

She presses her long nails into my arms ngunit hindi ko magawang makapagreact dahil nakikita ko mula sa likuran ni mama si Tyler na palapit sa amin. He's expression is curious.

"Is there something wrong?" Malamig ang mata nitong nakatingin sa akin bago lumapit kay mama.

Mabilis namang ng ibang anyo si mama at hinarap si Tyler. Napahawak nalang ako sa braso ko dahil sa sakit.

"No. Nothing. I just want my daughter to enjoy her wedding, you know, inviting her to..."

"Are you okay?" Tanong ni Tyler sa akin.

"I'm fine."

Napipilitang ngumiti si mama sa akin. Ngumisi pa ito bago umalis. 

“Daphne, huh? Not bad." Sabi ni Tyler na nasa likod ko. Hinarap ko ito at nakitang nakapamulsa habang nakasandal sa pader.

Bumaba ang tingin nito sa aking labi at huminto roon ang ilang sandali. At ilang sandali pa ay humakbang ito palapit sa akin na agad kong ikinataranta. Ang kung minamalas ka nga naman… Aksidente kong natapakan ang dulo ang gown ko at bigla ko na lamang naramdaman ang pag-360 ng paligid. Napapikit na lamang ako habang hinihintay na bumagsak ako sa sahig ngunit wala akong naramdaman na masakit sa likod ko. 

But I can smell fresh breath in my face. Vanilla peppermint.

"Hey! Watch your step. I can't believe I married a clumsy woman." Sabi nito habang nakangiti sa akin.

Kaagad akong umalis sa pagkakayakap sa bisig niya at inayos ang gown ko. "T-hank you."

Malakas na tawa lamang ang sinagot niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong nabwusit ng labis. Tinaasan ko ito ng kilay at hinampas sa dibdib.

"Anong nakakatawa?!"

"What the?!"

"I can't believe I married a jerk!" Bulyaw ko rito ngunit mas lalo lang itong tumawa. Nagpupuyos ako sa galit habang may ilang bisitang napapagawi ang tingin sa amin.

"Don't make a scene here." Sumeryoso ang mukha nito at hinawakan ako sa beywang at hinigit palapit sa kaniya. 

Sa sobrang dikit ng mga katawan namin ay naaamoy ko na naman ang mabango niyang hininga. Bumaba ang mukha nito sa aking kanang pisngi at bumulong.

"Umayos ka kung hindi hahalikan kita."

Agad akong natahimik. Batid kong nakatingin lahat ng mga bisita sa amin ngayon. Mula sa isang pares ng kamay ay sumabog ang masigabong palakpakan na agad kong ikinainis.

Ipinilig ko ang ulo ko upang iwasan ang mga mata niya ngunit nang ibalik ko iyon sa dating posisyon ay isang malambot na labi ang sumalubong sa akin. Napapikit na lamang ako habang hindi parin ako nakakawala sa mga bisig ni Tyler. 

"You're acting innocent." Sabi niya nang magkaroon ng pagitan ang mga labi namin. "Still a virgin?" Pilyo nitong tanong dahilan kung bakit naitulak ko siya palayo sa akin.

Namilog ang mga mata ko sa tanong na iyon. Ito ba ang klase ng lalaking pakikisamahan ko? 

Hindi yata ako magtatagal.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status