Share

CHAPTER 41- DIFFERENCE

Napabuntong-hininga na lamang ako nang mabasa ang text ni Percylla. May out of the country tour daw ito kasama ang isang pang sikat ding photographer.

Just be safe, Percy. Don't be so reckless. Don't be hurt again.

Isa pang singhap ang aking pinakawalan bago nagpasyang bumangon at maligo.

Tinamad din akong pumunta ng DH kaya naman nagluto na lang din ako at mag-isang nag-agahan.

Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng aking cellphone kaya nagmadali akong pumasok ng kwarto at agad na sinagot ang tawag ni Mer.

"Good morning, baby," bungad niyang sabi.

"Good morning, anong problema?"

Hindi naman siya tatawag sa akin kung walang weirdong nangyayari sa buhay niya ngayon.

Narinig ko ang singhap niya na para bang ganun na lang kabigat ang problemang dinadala.

"Punta ka rito sa flat ko."

"Bakit? Anong meron diyan?"

"Tulungan mo akong bantayan si Baby Whyinne. Haduf kasing Kenya, bakit sa akin pa pinaalagaan itong anak niya? Eh sa hindi ako marunong. Mukha ba akong baby sitter, ha? Sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status