Share

CHAPTER 3-DEAL

Napapitlag ako nang tumunog ang aking cellphone. Kaagad kong binasa ang text nang makita kong galing iyon kay Froizel.

FROM FROIZEL:

Ito ang contact number ni Lovimer Guieco.

Napangisi ako nang makita ang number. Kaagad kong nai-save iyon.

Lumabas na muna ako ng control room namin at pumasok ng kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama at nakangising nag-type ng message.

TO: LOVIMER GUIECO

HEY! WANNA HANG OUT WITH ME? MEET ME AT LC COFFEE SHOP— WEST TOMORROW @ 5:00 A.M.

Walang pagdadalawang isip na pinindot ko ang send button. Nasanay talaga akong caps lock ang typing ko sa text or chat. Mas komportable ako sa gano'n.

Hinintay ko ang reply nito. Halos ten minutes din siguro akong nakatitig sa screen ng cellphone ko.

FROM LOVIMER GUIECO:

Cha? Ikaw ba 'to? New number mo?

Cha?! So, confirmed nga? May something nga sa kanila ng superstar na 'yon?!

Nag-isip pa muna ako nang isasagot bago nag-reply uli.

TO LOVIMER GUIECO:

BUSY KA BA? AVAILABLE KA BA TOMORROW?

Wala pang isang minuto ay may reply na kaagad ito.

FROM LOVIMER GUIECO:

Hindi naman ako busy bukas dahil wala kaming gig. Available ako tom, kita-kits. Btw, what happened to your typing? Bakit caps lock?

Natawa naman ako sabay iling. Lahat talaga ay napapansin, eh.

TO LOVIMER GUIECO:

AHH, WALA NAMAN. CAPS LOCK PARA DAMA.

Humagalpak pa ako ng tawa bago ipinadala iyon sa kanya. Ngayon pa lang ay naaaliw na ako na akong paglaruan ang isang ito.

FROM LOVIMER GUIECO:

Kahit naman hindi caps lock ay damang-dama pa rin kita, Cha. You know that, right?

Napangiwi pa ako dahil sa naka-wink na emoji. Ang harot din pala ng isang ito. Akala ko pa naman ay... Nevermind.

Sorry ka na lang, Guieco. Hindi ako si Cha mo. Ako si Beatrice Solomon.

FROM LOVIMER GUIECO:

Kita-kits tom. Ingat ka, ha? Goodnight, princess.

Napairap na lang ako nang mabasa iyon. May heart emoticon pa. Ang hilig niyang maglagay ng gano'n.

Princess?! Aish, this jerk! So? Ganito siya ka pa-fall, ha?

Hindi na ako nag-reply dahil mas nadagdagan lang ang inis ko sa huling text nito.

So cringe. He's too much for me to handle.

Itinabi ko na lang ang cellphone ko at pumasok ng shower room. Pagkatapos kong naligo ay pinatuyo ko lang ang buhok ko at natulog na rin.

Pasado alas y kwatro ng umaga ay nag-alarm ang aking cellphone. Kaagad akong bumangon at pumanhik sa mini-gym namin ni Ynna. Magwo-work out muna ako dahil maaga pa naman. Malapit lang din dito ang LC Coffee shop na tinutukoy ko.

Matapos ang 30 minutes ay naligo na rin ako. Sinuri ko kung may text ba si Lovimer pero wala naman.

TO LOVIMER GUIECO:

HEY! GOOD MORNING!

Eksaktong 5:50 a.m ay nagmaneho na ako papuntang coffee shop. Saktong 6:00 a.m ay nasa parking lot na ako.

Walang pagmamadali na bumaba ako ng aking sasakyan at pumasok na ng CS bitbit ang cellphone ko. Paglingon ko sa kaliwang bahagi ay bumungad sa aking paningin ang mukha ng lalaking pakay ko rito. Palihim na nagdiwang ang aking kalooban.

Pag-angat ng tingin nito ay halatang nagulat pa nang makita ako. Umakto rin akong nagulat dahil sa kanyang presensiya.

Tumayo ito at lumapit sa akin. "What are you doing here?" tanong pa niya sa akin. Halata ang pagdududa sa kanyang boses.

Tinaasan ko lang ito ng kilay at inayos ang nakatuping kwelyo ng kanyang polo shirt. Gusto kong matawa dahil sa kanyang naging reaction. Halatang hindi niya alam kung pipigilan o hahayaan na lang ba ako.

Eh, anong magagawa ko? Napansin kong hindi maganda ang pagtupi ng kwelyo niya, eh. Ang sagwang tingnan. Metikuluso pa naman ako pagdating sa fashion style ng isang tao.

"Relax. Nandito ako para sa coffee at hindi para sa 'yo. Ikaw ba? Bakit nandito ka? Coffee date? With whom? May girlfriend ka na ba?" sunod-sunod kong tanong. Napalunok pa ang loko.

Halatang kinakabahan sa ganitong klase ng usapan. Pinaliit ko pa ang aking mga mata habag nakatingin sa kanya.

Inalis niya ang kamay kong pinaglalaruan ang kwelyo ng kanyang damit. Hindi ko mapigilang matawa.

"What's funny, huh?" asik niya pa sa akin.

Umiling naman ako. "Nothing's funny, Lovimer."

"Pinaglalaruan mo ba ako?"

"I don't know. Hulaan mo. Feeling ko ay may ka-date ka ngayon. Should I say hello to your girlfriend?"

"You don't have to," kaagad niyang sagot. Mas mabilis pa sa hangin iyon.

"Oh, so... You do have a girlfriend, huh? Sino?" nakangisi kong usisa. Napalunok pa uli ang loko.

Akmang magsasalita na ako nang may marinig kaming nagtatawanan habang papasok ng CS. Pareho pa kaming napatingin sa main door.

Bahagyang napaawang ang aking bunganga nang makita si Chariza. Marahil ay staff din nito ang apat na babae na kasama nito.

She's really here? What a coincidence!

"Oh, hey, Lovimer!" kaagad na bati nito sa lalaki.

"Hi, Cha," nakangiti namang sagot ng lalaki. Hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang tingin nila sa isa't-isa. Halata ngang nagkakamabutihan na sila.

Sorry, Lovimer. Hindi ka pa puwedeng maging masaya. Magiging boring ang larong ito kapag nagkatuluyan kayo kaagad.

"Hi, I'm Beatrice," pakilala ko pa sa babae. Parang ngayon lang din nito napansin ang presensiya ko. Mataman na tinitigan pa muna ako nito bago tumugon.

"Oh, hi. Uhm, kilala mo naman ako?" patanong nitong sabi.

Oh, I don't like her. Masyadong assuming.

"Ah, hindi. Ikaw si?"

Halata sa mukha nito na napahiya dahil sa sinabi ko. Sa tingin niya ba ay gano'n ba siya kasakit para makilala ng lahat?

You should be humble, at least.

"Ah, bagong dating lang siya rito sa Pilipinas kaya hindi ka niya kilala, Cha," pansasalba naman ni Lovimer sa dalaga. "She is Chariza Dela Vega," dagdag pa ng pakilala nito.

"Hello, Beatrice. Uhm, kaya pala mukha kang foreigner. Saang bansa ka galing?"

"Galing akong Pilipinas," tugon ko naman. Bakas sa mukha nito ang pagkalito.

Pasimple akong dinikitan ni Lovimer at kinurot sa likuran. Hindi naman iyon masakit pero bahagya akong nagulat kaya napatingala ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Alanganin naman siyang ngumiti sa akin. Halatang kinakabahan sa posible kong maging tugon sa kaniyang ginawa. Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

"Sorry," sabi niya pa at lumayo na sa akin.

Nilapitan niya si Cha at inalalayan papuntang counter. Mula sa aking kinatatayuan ay nakamasid lang ako sa bawat galaw nila.

Hindi na masama na nandito si Chariza. Hindi niya malalaman na ako ang ka-text niya kagabi.

Napakagat ako sa aking labi para pigilang mapangisi. Sakto namang lumingon siya sa akin.

"What do you want?" tanong niya pa. Itinuro ko naman ang aking sarili para siguraduhing kung ako ba ang tinatanong niya. Hindi naman kami close para ilibre niya ako. "Hindi, iyong pader sa likuran mo," sarkastikong sabi niya pa. Inirapan ko na lang siya sabay iling.

Naglakad na rin ako papuntang counter at tumabi kay Chariza. Ngumiti naman sa akin ang lalaking crew.

"As usual, Ma'am Trice?" usisa nito sa akin.

Ngumiti ako sabay tango. Regular customer na ako rito kaya naman alam na alam na nila ang kape ko.

"Si Lovimer Guieco ang magbabayad. Hindi ba?" pangugumpirma ko pa sa kanya.

"Yes," tipid niyang sagot sabay tapon ng tingin kay Chariza.

"Thanks."

"Wala bang pila rito?" tanong ni Chariza kay Lovimer. Halatang nagpaparinig sa akin.

"Meron," sagot ko. "Si Lovimer, ako, ikaw at ang mga kasamahan mo. Gano'n dapat kung gusto ninyong sumunod sa pila," nakangiti kong sabi sa babae. Sa ikalawang pagkakataon ay mukhang napahiya ko na naman ito.

"Ano ka ba ni Lovimer?" kaswal nitong usisa pero iba ang sinasabi ng mukha nito. Halatang naaalibadbaran na sa presensiya ko. Wala pa nga akong ginagawa, eh.

"I don't know. Bakit hindi siya ang tanungin mo?"

"She's my friend..."

"You are not my friend and baby... you never were," pilyang sabi ko pa para asarin sila pareho. Kagaya ng inaasahan ko ay nagtagumpay naman ako.

Masama naman ang tingin na ibinigay sa akin ni Lovimer. Tinaasan ko nga lang ito ng kilay. Pakialam ko ba sa nararamdaman nila? Basta ako ay nagsasabi ng totoo.

"Thanks for the coffee, Lov," rinig kong sabi ng babae nang makuha nito ang order.

Love? Endearment na nila 'yon? Wait, sila na ba talaga? I mean, in a relationship na sila? Pero bakit itinatago pa nila?

Hmmm, hayaan niyo akong tulungan kayong mapagtanto ninyo ang halaga ninyo sa isa't-isa.

"Stop flirting with my man. You're not his type," bulong pa ng dalaga sa akin. Puno iyon ng iritasiyon. "Mauna na ako dahil may gig pa ako," dagdag paalam pa nito kay Lovimer at kaagad na lumabas ng CS. Naiwan kaming dalawa na nasa harap pa rin ng counter.

Nanliit ang mga mata ko habang napahalukipkip na lang. Mga babae nga naman. Kahit nagseselos na ay hindi pa rin kayang aminin iyon.

"Flirt? I'm just stating a fact here," sabi ko pa at sinadya ko ring iparinig kay Lovimer iyon.

"Here's your coffee, Ma'am Trice."

"Thank you," tipid kong sabi at nagmadali na ring lumabas ng CS. Kalmado lang akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng aking sasakyan.

"What's your problem?!"

Marahan ko namang nilingon ang lalaking nagsabi niyon. Halata sa pagmumukha nito ang pagkainis.

"Me?" paninigurado ko pa.

"May iba pa ba akong puwedeng makausap bukod sa 'yo, Ms. Solomon?" seryoso niyang asik.

"Oh, I'm sorry, Mr. Guieco. Malay ko bang may third eye ka kaya may iba ka pang nakikita bukod sa akin, 'di ba?" nakangisi ko namang sabi. Pakiramdam ko ay gusto niya na akong saktan.

"Bakit ka ba ganyan?!"

Sa loob-loob ko ay halatang pikon na pikon na ito.

"What do you mean, huh?" maang-maangan kong tanong. "Ano bang ginawa ko sa 'yo? Lahat lang naman ng tanong ng girlfriend mo ay sinagot ko. Masama ba iyon? Eh, sa ating dalawa ay ikaw nga ang nagsinungaling, eh."

Hindi naman siya nakaimik kaagad marahas pa siyang napabuntonghininga.

"Ayaw na kitang makita pa," aniya pa.

Tumawa na talaga ako at matamang tinitigan siya. "Too bad," malambing kong sabi para asarin siya. "Baka bukas ay makita mo na ako sa camp ninyo. Anong gagawin mo?"

Unti-unti namang nanlaki ang kanyang mga mata. Opps! Mali yata ang sinabi kong iyon. Mamaya ay hindi nila ako payagang makasali sa Guieco Clan, eh.

Wrong move, Beatrice.

"Sus, ginoo! Are you trying to flirt with me?" tanong niya naman sa nangungumpirmang tono.

Saglit naman akong natigilan. Hindi ko inaasahan na gano'ng kataga ang lalabas sa kanyang bunganga. Akala ko pa naman ay mas bibigyan niyang pansin ang paninindak ko sa kanya.

"What did you say? Flirt? Seryoso ka ba?"

"What do you think?"

"If yes, then I'll be disappointed in you," nadidismaya ko pa kunwaring sabi. "Am I that flirtatious to seduce someone I don't know yet?"

Siya naman itong natigilan. Mas naging seryoso pa ako para konsensiya siya.

"That wasn't very nice to say, Lovimer Guieco," I added, tormenting his conscience. "Pareho lang kayo ng girlfriend mo. Bagay nga kayo," asik ko at inirapan siya.

Akmang papasok na ako nang aking sasakyan nang magsalita siya.

"Come to Guieco Clan camp with my two cousins. Convince them to register their names in our clan."

Napataas-kilay naman ako. "Pagkatapos mo akong insultuhin ay uutusan mo ako? Wow, you're quite something, huh?"

"Hindi kita ininsulto, ha?"

"Sabi mo, eh."

"We need them in our clan right now."

Mukha nga.

Nagkatuosan pa kami ng tingin.

"Ano naman ang makukuha kapag sinunod ko ang sinabi mo?"

"Anything."

"Anything?" usal ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko habang nakikipagtuosan pa rin ng tingin sa kanya.

Aksidenteng napadapo ang tingin ko sa kanyang pinkish lips pero agad kong inalis ang tingin ko doon bago pa niya maisipang inaakit ko siya.

Lakad din makapangbintang ng isang ito, eh. Hindi ko naman talaga siya type.

Naglakad ako papunta sa kanyang kinatatayuan. Tumigil lang ako nang isang dipa na lang ang layo namin sa isa't-isa. Bitbit ko pa rin ang kape ko. Sumimsim din muna ako bago nagsalita.

"How about... Ipasok mo rin ako sa clan ninyo? Ah, I would love that," nakangisi kong sabi.

"What? No..."

"My answer is no as well," kaagad kong sabi.

"As if you can handle that kind of job..."

"What if I can?"

"I'll help you, then. Just come with my cousins."

"Okay. Let's seal the deal?" Iniabot ko pa ang aking kamay. Kaagad niya naman ding tinanggap. Pinisil ko ang kaniyang kamay. Halatang nagulat pa siya sa aking ginawa.

"What are you doing?"

"May isa pa akong kondisyon," sabi ko. Napakunot-noo na talaga siya.

"Ano na naman 'yan?"

Natawa na lang ako at binitiwan na ang kanyang kamay.

"You have to play game with me," mabagal kong sabi habang nang-aakit ang tingin sa kanya. Gusto kong matawa dahil napalunok pa siya.

"I am a busy person. Wala akong oras para makipaglaro o makisabayan sa trip mo, Miss Solomon."

"Miss Solomon, huh?" asik ko naman. Masyadong pormal ang dating. Para bang pinagsasarahan niya ako ng pinto.

"Eh, bakit? Solomon naman talaga ang surename mo, ha? Tsaka, I assume na wala ka pang asawa kaya Miss ka pa."

"How about... Mrs. Guieco. Bagay ba sa akin? What do you think?" nang-aasar kong tanong.

Awtomatikong nandilim naman ang kanyang pagmumukha. He looked so done with me right now. Ang sarap talagang asarin ng mga taong pikon. Nakukuha ko ang reaksiyon na gusto kong makuha.

"Mrs. Guieco? Hindi tayo bagay," tuwid na pangre-reject niya pa sa akin.

"Hindi naman talaga tayo bagay. Diyosa ako at ikaw naman ay... ewan lang kung tao ka ba. Kamukha mo kasi iyong nakakulong sa zoo," bwelta ko naman habang pinipigilang matawa.

"Ewan ko sa 'yo. Sa gwapo kong ito? Inumin mo na 'yang kape mo at lumalamig na 'yan. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo. May Marciella na si Ashmer, just so you know."

"Kasal na ba?"

"Hindi pero..."

"Hindi pa pala, eh," pamumutol ko sa kanyang linya. "See you around! Nice meeting your girlfriend, by the way. Mas maganda pa rin ako kaysa kay Chariza. Choose wisely, Lovimer Guieco," sabi ko pa habang naglalakad papunta sa kotse ko.

Bago ako tuluyang pumasok sa aking kotse ay kinindatan at nag-flying kiss pa ako sa kanya.

Brace yourself, Lovimer Guieco. You might be my next target. Who knows?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status