Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang isang linggong sinabi ni Knight ay lumagpas ng isang buwan. At sa loob ng mga paahong yun wala akong natanggap na kahit ano mula sa kanya.Ni hi o hello wala. Kahit tuldok man lang wala. Hindi ko na alam kung ano na ang iisipin ko. Sa mga araw na lumilipas pabago-bago ang emosyon ko. Na kahit ako hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Bigla nalang akong naiyak, nalulungkot. Ni hindi na ako makapag-focus sa pag-aaral ko. Wala akong ibang masabihan. Ilang beses kong sinubukang tawagan si Knight pero hindi ko siya makontak. Wala kong ibang mapagtanungan. Yung mga kaibigan niya ay hindi ko na rin nakikita. Nahihiya naman akong magtanong kay Kuya Joe at bako kung ano ang isipin niya. Baka malaman niya pa na buntis ako at si Knight ang ama, magkakagulo pa. Hindi ko rin makausap si Kuya Sandro ng matagalan. Nagkakaroon ng problema sa airlines at ayoko ng dumagdag pa. Si Mommy naman ay palaging tahimik. Hindi ko alam ang nangyayari pero palagi silang nagt
Para akong sinampal sa sinabi niya. Pakiramdam ko nabibingi ako at namamanhid ang pisngi ko. Hindi ako nakapagsalita agad. Klarong-klaro sa pandinig ko ang sinabi niya pero ayaw ito e-proseso ng utak ko. Yung puso ko parang lalabas na sa aking dibdib sa sobrang lakas ng tibok nito. Pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman ko. Tumingin ako sa mga mata niya. Hinihintay kong bawiin niya ang sinabi niya pero hindi nangyari yun. Bagkus nanatiling blangko ang mga tingin nito sa akin. "You are joking right?" sabi ko para pagaanin ang sitwasyon. Inilibot ko pa ang tingin sa buong opisina niya para tingnan baka sakaling may camera na naka set up doon pero wala akong makita. "It's not funny Love. Yan ba ang natutunan mo doon sa convention mo?"Hindi ito sumagot pero nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya. Naiiyak na ako. Ilang beses akong kumurap para pigilan ang mga luha ko. Hindi ako pwedeng panghinaa
Inayos ko ang aking sarili. Sa natitirang lakas ko at kahit durog na durog na ang puso ko taas noo akong naglakad palabas ng opisina niya. It's not my lost. "Miss Sam--""I'm o-okay, Mary. Thanks for letting me in." I managed to say even if my voice broke. I saw that she's teary eyed so I smiled sadly at her. "I have to go."I was really trying my best not to breakdown in front of her but when when she closed our distance and hugged me, I lost it. I cried hard while hugging her. I can't take the pain anymore. It's so painful that I can feel my heart is breaking inside. "It's okay Miss Sam, it's okay. Things will be okay."She was too quick to assist me going to the lift. At nang nasa elevator na kami doon niya ako hinayaang umiyak. I was sobbing hard. Wala na akong pakialam kung nakikita man ako ni Mary sa ganitong kalagayan o kung may nakarinig at nakakita mang ibang tao sa akin. Ang gusto ko lang sa mga oras na to ay makaalis sa lugar na ito at tuluyang malayo sa kanya.I was sha
"Miss Sam, how true that you and Rome are getting married?""Miss Dela Vega, are you back for good?""Samantha! Samantha! Any comment on your boyfriend's cheating issue?"Tumigil ako saglit sa paglalakad para harapin ang grupo ng mga reporters na nag-aabang sa akin sa labas ng airport. Kakarating ko lang galing Paris para bisitahin ang mga magulang ko dito sa Pilipinas. I'm no longer based in the Philippines. Umuuwi lang ako dito kapag nami-miss ko ang pamilya ko at kapag may mga importanteng okasyon lang na hindi ko mahindian.I don't usually do interviews but this time parang feel kong makipagplastikan sa mga tao. Yes! You read it right. I mastered that drama since then. =Four, five, six years perhaps? I don't know. I lost count. I couldn't remember anymore. That's a part of my past that I wouldn't want to be remembered.Tinanggal ko ang shades na suot, umayos ako ng tayo at matamis akong ngumiti sa harap ng camera. I gave them poses enough for them to give me a good write-up para
Hindi na ako muling nagsalita. Nilipat ko ang tingin sa labas. Nothing has changed. The same busy and crowded street. Siguro kong may nadagdag man yun ay ang naglalakihang billboard ng mga artista."Miss Sam, until when are you planning to stay in the island?"Nabaling ang atensyon ko ng magsalita si Pamela. Lumingon pa ito sa akin para hintayin ang sagot ko. I don't stay that long, three days I must say is the longest. But this time I'm planning to stay for a week or two or depende nalang sa mangyayari. I can even stay more. I am planning to spend more time with my family this time. I want to take a break and stay for a while. Matagal na rin akong nawala dito sa Pilipinas. Maraming bagay din akong na-miss. I missed my Kuya Sandro who has been very busy working for the company and fixing all the mess my dad did. Sa isang taon nasa dalawa o tatlong beses lang kaming nagkikita ng personal. We video call a lot but still it's different.I also missed my Dad, the old Samuel Dela Vega. Yu
Present time..."Thank you for coming Sam." Natigil ako sa pagtitingin tingin sa cellphone ko ng pumasok si Mamu sa dressing room. May dala itong bouquet ng bulaklak na alam ko kung kanino galing. I'm on break, may isa pa akong shoot na kailangan tapusin. Pinalabas ko ang make-up artist dahil ayokong may ibang tao dito sa room. Tapos na akong ayusan, hinihintay ko nalang ang tawag nila para mag-resume na kami. "I know it's hard for you to-""I'm fine, Mamu." mabilis kong putol sa kanya. "Please I don't want to talk about it. I came because I need to finish my job. I don't want to be called unprofessional and I don't want to ruin our name in this industry." I said in a serious and formal voice. I'm not in the mood to talk to anyone after my break up. Sumaglit lang talaga ako dahil kailangan kong tapusin ang trabahong to kahit wala ako sa mood. Hindi ko rin naman ito basta nalang tatalikuran. Kahit papano, may pangalan naman akong inaalagaan.But after this I will take a break aga
"Samantha!" A familiar voice calling my name stopped me from walking. "Oh Shit! It's really you! How are you, Babaeng Amazona?"Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko sa babaeng tumawag sa akin ng ganun pero ang bruha, walang hiyang tumawa pa sa akin. "Nothing changed! Years passed but you're still the freak and trouble maker, Samantha Dela Vega. I heard what you did inside gurl. " saka ito yumakap sa akin. "I miss you, Samantha Maldita!"Don't act like we're close, Marjorie. I accepted your apology but it doesn't mean we're friends. I still hate you for pulling my hair." Maldita kong sabi saka nagpatuloy na sa paglakad pero walang hiya naman itong sumunod sa akin. Inangkla pa ang kamay sa braso ko at deadma lang sa pagsusuplada ko sa kanya. The Marjorie I'm talking about is the same Marjorie I fought back then. Nagkita kami three years ago sa Paris. Nagkausap kami at humingi ito ng tawad sa akin. Pinatawad ko na ito at piniling kalimutan kung ano man yung naging hidwaan namin nu
"Ma'am, pinapatanong po ni Sir Sandro if uuwi po ba kayo sa isla ngayon? Tumawag daw kasi si Ma'am Beatrice sa kanya nagtatanong." Nalipat ang tingin ko sa bodyguard na nagtatanong sa akin. Kita ko ang awa sa mga mga mata ni Kuya. Kanina niya pa ako nakikitang umiyak. "Pakisabing hindi ako uuwi ngayon Kuya." Mahinahon kong sagot sa kanya. Tumango ito saka muli akong iniwan.Andito ako ngayon sa sementeryo dinadalaw ang puntod ng anak ko. Pagkatapos kong makausap si Marjorie dito na ako dumiritso. Wala akong ibang maisip na puntahan kundi siya lang. Gusto kong magsumbong sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya ang ginawa nila sa akin. Sobrang sakit at nakakagalit ng mga nalaman ko ngayong araw. Nagkaroon na ng kasagutan ang lahat ng mga tanong ko. Ilang oras na ako dito pero ayaw pa rin paawat ang mga luha ko. Parang walang katapusan na ang pag-uunahan nito sa aking pisngi habang nakatingin ako sa pangalan niyang nakasulat sa lapida.