Share

Chapter 18

Para akong sinampal sa sinabi niya. Pakiramdam ko nabibingi ako at namamanhid ang pisngi ko. Hindi ako nakapagsalita agad. Klarong-klaro sa pandinig ko ang sinabi niya pero ayaw ito e-proseso ng utak ko.

Yung puso ko parang lalabas na sa aking dibdib sa sobrang lakas ng tibok nito. Pakiramdam ko nahihirapan akong huminga. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman ko.

Tumingin ako sa mga mata niya. Hinihintay kong bawiin niya ang sinabi niya pero hindi nangyari yun. Bagkus nanatiling blangko ang mga tingin nito sa akin.

"You are joking right?" sabi ko para pagaanin ang sitwasyon. Inilibot ko pa ang tingin sa buong opisina niya para tingnan baka sakaling may camera na naka set up doon pero wala akong makita. "It's not funny Love. Yan ba ang natutunan mo doon sa convention mo?"

Hindi ito sumagot pero nakita ko ang pag-igting ng mga panga niya. Naiiyak na ako. Ilang beses akong kumurap para pigilan ang mga luha ko. Hindi ako pwedeng panghinaa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
oh my!!! skit nmn sa dibdib Ms A..sino kaya may gawa nito Kay sam pra magmukha siya msama sa oaningin ni knight Ms A waaahhhhh
goodnovel comment avatar
NnEhp Atienza
hah,,,sakit sa dibdib,,,,ano b yan knight,,,,update po pls,,,,,
goodnovel comment avatar
Jackielyn P. Deza
more updates
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status