Share

4. TWH

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

DARK ROMANCEđź–¤

(This story is TRAPPED SERIES#1.)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

[Pamela]

MATAPOS nilang maikasal ay dinala siya ni Alaric sa napakalaking bahay nito, kung malaki ang bahay nila Alden ay mas malaki ang bahay ni Alaric. Mga apat na beses siguro ang nilaki ng bahay nito kila Alden.

Dalawang linggo na sila kasal. Sa loob ng dalawang linggo na iyon ay wala na si Alaric, umalis ito para asikasuhin ang ilan sa negosyo nito sa ibang bansa.

At dahil do'n ay masaya siya!

Para sa kanya na naikasal sa lalaki na hindi naman niya mahal ay malaking tuwa talaga iyon sa parte niya. Para parin siya walang asawa at magagawa ang lahat ng gusto niya. Kinasal lang sila sa papel at walang bawal o dapat gawin dahil wala naman silang pagmamahal sa isa't isa.

Umiindak ang katawan niya bawat tugtog ng musika. Nasa club sila ngayon ng mga kaibigan niya. Ito ang unang beses na nagpunta siya sa ganito. Kung dati ay tumatanggi siya, hindi na ngayon.

Susulitin niya ang buhay at kalayaan niya mula ngayon. Tutal ay hindi naman siya naikasal sa lalaki na pangarap at mahal niya, bakit siya magpapakabuting asawa, di'ba?

"I told you, Pamela! This is sooo fun!" Ani Vera na kaibigan niya. Nilakasan pa nito ang boses para marinig niya.

"Fun mo mukha mo, Vera! Alam mo na nga na may asawa na iyang si Pamela, niyaya mo pa!" Malakas din ang boses na sabi ni Nikka. Tutol ito sa sumama siya sa mga ito ng niyaya siya ni Vera.

"Masaya kaya!" Tumatawa na binangga niya ang pang-upo ni Nikka kaya gumanti ito sa kanya. Nakisali narin sa kanila si Vera at Yuri, kaya para silang mga bata. Hindi nila kasama si Lira, tumanggi ito na sumama dahil ramdam nito na hindi ito gusto ng mga kaibigan na kasama niya ngayon.

They don't like Lira and she doesn't know why.

"Try this one, Pamela. This is great—"

"Anong great d'yan, Vera? Eh, ang sama kaya ng lasa n'yan!" Nakabusangot na tumingin si Nikka sa alak na inabot ni Vera sa kanya.

"It's great because it's nakakalasing! Di'ba!" Kalog na sabi ni Yuri.

Nag-cheers silang apat at sabay-sabay na tinungga ang alak. Dalawa sila ni Nikka na napangiwi.

"Yawa, ang pait!"

Nagkatawanan sila sa sinabi ni Yuri.

"Hi, there girls!"

Sabay silang napalingon sa lalaki na bumati sa kanila at sabay-sabay din na napa-ohhh.

Ang gwapo kasi. Kung dati ay hindi naman siya mahilig tumingin sa gwapo, syempre hindi na ngayon. Wala na sila ni Alden, at wala naman sila pakialamanan ng asawa niya. Kaya wala naman sigurong masama na makipagkaibigan sa mga gwapo, tulad ng lalaki na narito sa harap nila ngayon.

Ilang beses siyang kumurap. Lasing na siya pero namumukhaan niya ang lalaking ito. Isa ito sa mga kaibigan ni Alaric! Isa ito sa nakita niya noon sa opisina nito.

Nakakapagtaka naman na nakangiti ito ngayon habang nakikipag usap kay Yuri. Sigurado siya na hindi ito ngumiti ng makita niya noon.

Binaling niya sa ibang direksyon ang mukha niya at hinarang ang palad sa mukha para hindi siya nito mamukhaan. Sunod-sunod siya na tumungga ng alak kaya lalo umikot ang kanyang paningin.

Hindi siya tumanggi ng hinila siya uli ni Vera at Nikka sa gitna ng dance floor. Daig pa nila ang wild na babae na nakawala sa hawla at nagsayaw ng nagsayaw. Pinagkaguluhan si Vera ng mga lalaki dahil ito ang 'The most perfect' sa kanilang magkakaibigan.

Napangiti siya ng may lalaki na lumapit sa kanya at nakipagsayaw din. Halos idikit nito ang katawan sa kanya kaya lalo niya pinag-igihan ang pagsayaw at ginilingan ito. Tumalikod siya rito at gumiling. Kumunot ang noo niya ng humawak na ang lalaki sa baiwang niya at hinila siya saka idinikit ang pang-upo niya sa matigas na bagay.

Kahit nahihilo siya ay pilit niya na inalis ang kamay sa iyon sa baiwang niya pero matigas 'yon at mahigpit ang hawak kaya hindi niya naialis iyon.

"Bitaw tukmol!" Tuluyan na siya nagalit ng dinikit na ng lalaking nasa likuran niya ang mukha sa leeg niya.

"Ano ang ginagawa ng asawa ko sa ganitong lugar?"

Nanlaki ang mata niya at pilit na nilingon ang may-ari ng pamilyar na boses na iyon. Hindi nga siya nagkamali.

Si Alaric ang nasa likod niya!

Binitiwan siya nito kaya agad na lumayo siya rito.

"Hey man! Bakit ka nang-aagaw ng chick—" Natigil ang lalaki na kasayaw niya kanina sa pagsasalita ng nilingon ito ni Alaric.

"M-Mr. Martin—"

"This is my woman and she's my wife." Madilim ang mukha na sabi ni Alaric sa namumutla na lalaki.

Saka lang niya napansin na tumigil na pala ang tugtog at lahat ay nakatingin sa kanilang mag-asawa, paglingon niya sa Dj ay katabi na nito ang lalaki na kausap kanina ni Yuri. Nakangisi ito nakatingin sa kanilang mag-asawa.

"Uuwi na tayo." Nauna naglakad si Alaric sa kanya.

Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Sino ba ito? Bakit siya susunod?

"Ayoko pa umuwi." Matigas na tanggi niya. "Hindi ako uuwi dahil lang sinabi mo!"

"Talaga ba, Pam?"

Matapang siya na tumango. "Basta hindi ako uuwi! Bahala ka sa buhay mo!"

ILANG BESES siya umirap kay Alaric na nagmamaneho. Hindi niya alam kung bakit palagi nalang niya kinakain ang mga sinabi niya nitong mga nakaraan dahil sa lalaking ito.

Pauwi na sila ngayon habang lulan ng mamahaling kotse nito. Gusto niya itong awayin dahil sa pagpapa-uwi sa kanya pero hindi niya magawa lalo na ngayon madilim ang mukha nito habang nagmamaneho. Naggagalawan din ang panga nito na para bang kanina pa nagpipigil ng galit.

Iniwas niya ang tingin rito.

Nang makarating sa bahay nito ay agad na lumabas ito ng kotse at pabagsak na isinarado 'yon. Pakiramdam niya tuloy ay lalo siyang nahilo. Lumabas siya ng sasakyan na medyo sumusuray. Oo lasing siya, pero alam pa niya ang ginagawa niya.

Dumiretso siya sa kwarto niya at naligo para mabawasan ang pagkalasing. Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng nakaroba.

"Ano ang ginagawa mo rito? Gabi na saka matutulog na ako. Doon kana sa kwarto mo." Pagtataboy niya kay Alaric. Nakatayo ito sa pinto at nakasandal do'n. Simula ng dalhin siya nito sa bahay nito ay nakiusap siya rito na dapat ay hiwalay sila ng kwarto.

"Bakit nagpupunta ka sa ganoong lugar? May asawa ka na, kaya dapat alam mo ang bawal sa hindi na dapat gawin ng may asawa na tulad mo."

Hindi niya ito sinagot. Antok na siya at gusto na niya matulog. Nahihilo pa siya at nanghihina dala ng alak na nainom niya.

"I want to rest. Bukas na tayo mag-usap." Humikab siya.

"No, let's talk now, Pam."

Inis na tumingin siya rito. "Ano ba ang problema mo, Alaric? Bakit ba nangingialam ka?"

Tumigas ang ekspresyon ng mukha nito. "I'm your husband. I have the right to interfere in your life!"

Lumapit siya rito at hinampas ang dibdib nito. "Baka nakakalimutan mo, Alaric. Kasal lang tayo sa papel! It's all your fault that's why Alden and I broke up! Dahil sa 'yo kaya natuloy ang pesteng kasal na ito!" Paninisi pa niya rito.

Kasalanan naman talaga nito ang lahat. May kakayahan ito na pigilan ang kasal sa pagitan nilang dalawa pero wala itong ginawa. Ngayon ay nakatali na sila sa isa't isa na walang pagmamahal.

"Parang lugi ka pa na naikasal ka sa akin, ah." Tumingin si Alaric sa dibdib niya.

Pinamulahan siya ng mukha at inayos ang roba na suot dahil nalihis iyon. Galit na tumingin siya rito. Niyakap niya ang sariling dibdib. Lalo lang siya namula sa hiya ng wala siyang nakapa na mula do'n.

"Tanggapin mo na, Pam. Asawa mo na ako." Tumingin uli ito sa dibdib niya. "Katulad ng pagtanggap ko sayo."

"Parang sinasabi mo na ikaw pa ang lugi, gano'n? Hoy, Alaric, hindi kita pinilit na magpakasal sa akin. Humingi nga ako ng tulong di'ba? Humingi ako ng tulong sayo para hindi matuloy ang kasal na ito. Kaya wag ka umasta na ikaw pa itong nalugi sa ating dalawa!" Nanlalaki ang butas ng ilong niya sa galit rito.

Ang kapal talaga ng lalaking ito!

Nanlaki ang mata niya ng lumapit ito sa kanya at humawak ang dalawa na malaking kamay nito sa baiwang niya. Napalunok siya ng magsimula na humaplos ang kamay ni Alaric do'n.

"Wala naman ako sinabi na lugi ako, Pam. In fact, I really love the situation is."

"L-lumayo ka nga, Alaric." Tila nawalan siya ng lakas itulak siya nito sa ibabaw ng kama. Akmang babangon siya ng umibabaw ito sa kanya para pigilan siya.

Tumingin ito ng seryoso sa mata niya at saka bumaba ang tingin nito sa labi niya. "Naalala ko, hindi pa nga pala tayo nagha-honeymoon—fuck!"

Malakas na sinipa niya ang nasa gitnang bahagi ng hita nito.

"Honeymoon mo mukha mo!"

HABANG kumakain sila ay ramdam niya ang sulyap ni Alaric sa kanya. Nakaramdam siya ng inis na baka sa dibdib na naman niya ito nakatingin. Hindi niya talaga matanggap na may tao na nanlalait sa dibdib niya bukod sa ate Kyle niya.

Nakakaasar!

Natawa siya bigla ng maalala ang mukha ni Alaric kagabi dahil sa pagsipa niya. Buti nga sa kanya. Naisip niya pa talaga ang honeymoon, samantalang alam naman nito na hindi tama na naikasal sila.

"Iwasan mo na ang kausapin si Alden, Pam. Sundin mo ang utos ko sayo."

Inis na bumaling siya rito. "At bakit naman? It's Alden, Alaric. He's your brother —"

"And he's your ex! And supposed to be your groom!" Galit na sabi nito sa kanya.

Masyadong madilim ang mukha ni Alaric kaya hindi na siya nagsalita pa. Hindi niya alam kung bakit ba ganito ang akto nito. Dapat ay wala silang pakialam sa isa't isa.

NAGKAKATAWANAN sila magkakaibigan ng makita niya si Alden sa kalayuan. Siniko siya ni Yuri at nginuso ang dati niyang nobyo.

"Kausapin mo, baka may last message para sayo." Ani Yuri.

Lumunok siya. Hindi niya alam kung dapat pa nga ba sila na mag-usap na dalawa. Nitong mga nakaraan kasi ay hindi na niya naiisip si Alden. Tanggap na niya na wala na talaga sila.

"I agree. Go Pamela and talk to him. It should be the last time na mag uusap kayo. Kahit pa kapatid siya ng asawa mo, he's still your ex." Ani Vera.

"Akalain mo 'yon. Iyong lalaki na mahal na mahal mo at pangarap mo na mapangasawa ay ex mo nalang ngayon. Grabe talaga ang twist ng buhay." Napapailing nalang na sabi ni Nikka.

Hindi siya nakapagsalita. Tama ang mga kaibigan niya. Ang lalaki na mahal niya at pinangarap na mapangasawa ay ex nalang niya ngayon. Ang masaklap pa ay ang half-brother nito ang napangasawa niya at nakita nila ang isa't isa ng mga oras na tuluyan na siyang natali sa iba. Tama din na dapat ay hindi na sila muli pa mag-usap at hindi na magkita.

Tumayo siya at lumapit kay Alden. Nakita niya na nanlalalim ang mata nito at nangangayayat din ang pangangatawan nito.

"B-babe... I mean, Pamela..."

Yumuko siya at lumunok. Naiiyak siya dahil aminin man niya o hindi ay nasasaktan siya sa nangyari sa kanilang dalawa.

Sa kinahinatnan ng relasyon nila.

"I-I just want to see your face for the last time, Pamela." Basag ang boses ni Alden. "I really miss you... Hindi ko na kaya, Pamela. It really hurts me like hell."

Tuluyan na siyang naiyak. Masakit parin sa dibdib niya, nilang dalawa. Hindi gano'n kadali na kalimutan ang lahat lalo pa't minahal nila ang isa't isa.

"I'm sorry, Alden. P-pero tulad nga ng sinabi mo... Tapos na tayo. Ito na talaga ang huli na dapat na mag-usap pa tayo because we both know na may asawa na ako. I'm sorry for breaking your heart, Alden. I'm sorry dahil sa akin nasira ang pangarap natin dalawa. I hope someday makahanap ka ng para sayo..."

TUMINGIN siya sa repleksyon sa salamin. Namamaga ang mata niya dahil sa kakaiyak. Pero ito na ang huli dahil tanggap niya na hindi na sila pwede ni Alden.

Tumingin siya kay Lira na namamaga din ang mata na kapapasok lang ng restroom. Nang makita siya nito ay malungkot ngumiti ito sa kanya.

"Broken ka rin?"

Natawa nalang siya sa tanong ni Lira at hindi nalang sumagot. Isa ito sa mga malapit niya kaibigan dito sa unibersidad na pinapasukan niya.

Nagpaalam na siya rito na mauuna na siya. Gagala siya kasama ang iba pang kaibigan. Balak din nila na magpunta ng club pagkatapos gumala.

"Naalala niyo iyong lalaki sa bar na pogi? Nakita ko siya kanina. Baka hinahanap ka, Yuri?"

Lahat sila ay napatingin kay Yuri dahil sa sinabi ni Nikka.

"Tigilan niyo nga ako. Hindi ko type 'yon!" Inis na sabi ni Yuri. Kilala kasi nila ang lalaki na gusto ni Yuri dahil palagi nito iyon kinukwento sa kanila.

Tumingin sa kanya si Vera at may inginuso sa likuran niya. Nang sundan niya iyon ng tingin ay nakita niya si Alaric na nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sa kanya.

Bumuga siya ng hangin bago nagpaalam sa mga kaibigan niya at saka nilapitan si Alaric. Pinagbuksan pa siya ng pinto ng kotse nito kaya agad na sumakay siya. Hindi niya mapigilan ang mapasimangot dahil hindi siya makakasama sa mga kaibigan niya mamaya.

"Masama ang loob mo kasi hindi ka makakasama ngayon kay Alden?" Malamig ang boses na tanong ni Alaric sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Ano daw?

"Sinasabi mo d'yan?"

"I told you to stop talking to Alden, pero hindi ka nakinig. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sabihin mo nga, balak niyo ba magkita ngayon?"

Inis na binalingan niya ito. "Ano? Ano bang sinasabi mo? Kami magkikita? Nag usap lang kami kanina, Alaric. At sa pagkakatanda ko, wala kaming usapan na magkikita kami!"

Kaasar! Bakit ba kailangan niya magpaliwanag rito sa lalaking ito!

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po ...
goodnovel comment avatar
Ynnej Eam
Author maganda po story mo
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Salamat po sa pagbabasa ...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status