Share

56. TWH

[Pamela]

NANG magmulat siya ng mata ay agad na kinapa niya ang tiyan. Tila tubig na rumagasa sa isip niya lahat ng nangyari kaya agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot.

Sigurado siya na si Zoren ang nagdala sa kanya sa lugar na ito.

Nanginginig man ang katawan ay pinilit niyang tumayo para alamin kung bukas ang pinto, pero katulad ng inaasahan niya ang nakasara iyon. Hindi naman niya kayang akyatin ang isang maliit na bintana na may kataasan dahil bukod sa mataas iyon ay wala siyang mapatungan dahil tanging kama lang at wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng kwarto.

Nanlulumo na napaupo siya sa kama. Hindi niya alam kung nasaang lugar siya dinala ng baliw na si Zoren. Hindi niya rin alam kung ano na ang kalagayan ni Rob, pero sigurado siya sa isang bagay—hindi maganda ang lagay nito.

Naihilamos niya ang nanginginig na kamay sa mukha. Ano ang plano ni Zoren sa kanya? Balak ba siyang patayin nito? Kung t
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status