Share

9. TWH

[Pamela]

WALA ang asawa niya. Nagpaalam ito sa kanya na aalis para puntahan ang isa sa malapit nitong kaibigan. Gusto man siya nito na isama ay hindi maaari dahil baka magwala daw ang kaibigan nito.

Naalala niya pa ang kaibigan na tinutukoy nito. Ito ang lalaki na nakakatakot ang awra noong kasal nila. Kapansin-pansin kasi ang pilat sa mukha nito at nakakatakot na tingin nito sa lahat. Naalala pa niya na agad na umalis ito ng kasal nila kasama ang isang magandang babae.

"Ma'am, para mawala ang langsa kailangan ho lagyan iyan ng luya." Lumapit si Manang sa kanya at nilagyan ng luya ang niluluto niya na tinola.

"Oo nga po pala, nakalimutan ko." Habang binabalatan ang gulay na sayote ay hindi niya maiwasan na ngumiti pagnaaalala si Alaric.

Nagluluto siya ngayon dahil gusto niya na mas matuto pa. Marunong lang kasi siya magluto pero hindi naman masarap, kaya nga palagi nagrereklamo ang ate Kyle niya pagka-siya ang nakatoka na magluto sa bahay nila.

Hindi niya maiwasan ang malungkot ng maal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status