Share

3. TWH

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

DARK ROMANCEđź–¤

(This story is TRAPPED SERIES#1.)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

[Pamela]

BUMUGA siya ng hangin habang nakatingin sa mataas na gusali na nasa harapan na pagmamay-ari ni Alaric. Sa sobrang taas nito ay tila nalula pa siya.

Nagmamadali siyang pumasok sa building pero agad din hinarang ng receptionist.

"Ma'am, may schedule ho ba kayo kay Mr. Martin?" Magalang na tanong ng babae sa kanya.

Umiling siya. "Wala po eh."

"I'm sorry ma'am, pero hindi ho kayo maaaring pumasok."

Gano'n?!

Napaisip siya. "Pwede ba na pakisabi na...na..."

Paano ba 'to?

"Pakisabi nandito ang m-mapapangasawa niya." Alanganin na sabi niya. Hindi naman niya gusto na sabihin iyon, pero paano naman siya makakapasok, di'ba?

Nawala ang ngiti ng babae sa labi. Nagdududa na ngayon ang tingin nito sa kanya at talagang nagtagal pa ang tingin nito sa flat niyang dibdib!

"Miss, pakisabi na dali at wag ka ng tumingin sa dibdib ko dahil flat talaga 'yan! Di na 'yan tutubo at tanggap ko na! Kaya tigilan mo ang dibdib ko!" Iniinis siya ng babaeng ito! Mapanlait kung tumingin, palibhasa biniyayaan!

Hindi parin nawawala ang duda sa mata nito bago damputin ang telepono.

"Hello, pakisabi kay Sir na may babae dito na nangangarap na mapapangasawa niya."

Whaaat?! Nangangarap daw!

"Miss, ano ang full name mo?" Nakataas na ang kilay na tanong ng babae.

"Pagkinasal na kami ni kuya-I mean ni Alaric, ipapatapon kita sa ibang planeta. Tandaan mo 'yan." Pananakot niya rito, pero syempre biro lang naman 'yon. Hindi naman na sila magkikita after nito dahil walang kasalanan na magaganap. "Pakisabi, Pamela Obrid."

Nakita niya kung paano namutla ang babae matapos ang ilang minuto na pakikipag-usap sa telepono.

Bago sumakay ng elevator ay lumingon siya rito at ngumiti ng nakakaloko, kaya naman lalo itong namutla habang nakatingin sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang matawa.

Nang makarating sa palapag kung nasaan si Alaric ay nagmamadali siyang naglakad papasok ng opisina nito. Hindi na siya kumatok at diretso na pumasok.

"Kuya Alaric!" Malakas na tawag niya. "Sinabi ko naman sayo di'ba, na ayaw kong magpakasal sayo-"

Natigil siya sa pagsasalita. Shit, nakakahiya! Hindi lang si Alaric ang tao sa opisina! Napakadaming hot papa! Mabilis na binilang ng mga mata niya ang mga naggagwapuhang lalaki sa loob ng opisina ni Alaric.

Anim!

Tumikhim siya. Bumalik ang inis niya ng maalala ang tungkol sa kasal.

"Kuya Alaric, mag-usap tayo mamaya. Marami akong gustong sabihin sayo." Mahinahon ang boses na sabi pero nanggagalaiti na ang dibdib niya.

Ngumiti ang isang lalaki sa kanya kaya ngumiti din siya rito. Mga gwapo talaga!

"Leave us..."

Tumingin siya kay Alaric na madilim na ang mukha. Nakita niya kung paano ngumisi ang ilan sa mga lalaki.

Hinawakan ng lalaki na ngumiti sa kanya kanina ang kamay niya at hahalikan sana. "Bye miss beautiful-fuck!" Binato ito ni Alaric ng ashtray pero nasalo nito 'yon gamit ang kamay. Tumatawa na lumabas ito ng makita kung gaano kadilim ang mukha ni Alaric.

"Ikakasal ka na tapos nagagawa mo pa makipagngitian sa iba." Pabagsak na naupo ito swivel chair. Madilim parin ang mukha nito.

"Kuya Alaric, umatras ka sa kasal." Walang paligoy-ligoy na sabi niya rito. Hindi na siya umupo at tinukod nalang ang dalawang kamay sa mesa nito.

Tinaasan siya nito ng kilay.

"Seryoso? Tataasan mo lang ako ng kilay?" Hindi makapaniwala na tanong niya. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.

"What should I do then?" Sumandal ito sa swivel chair nito at matiim siyang tiningnan.

"Umatras ka nga sa kasal-"

"Bakit ko gagawin iyon?" Dumampot ito ng kaha ng sigarilyo at nagsindi ng isa. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya. "Bakit hindi tayo pwede na magpakasal?" Umupo ito sa mesa paharap sa kanya.

"Kasi-ano ba! Wag mo nga ako bugahan ng usok! Ang bastos mo naman!" Angil niya. Paano ba naman ay binugahan siya ng usok! "Ano bang trip 'yan!" Maubo-ubo na lumayo siya rito. Inis na tiningnan niya ito ng marinig na tinawanan pa siya nito.

"Ah basta umatras ka sa kasal. Hindi tayo pwede magpakasal kasi nga hindi natin mahal ang isa't isa. Pagkakamali lang ang lahat. Ang kailangan lang natin gawin ay ipaliwanag sa kanila ang mga nangyari." Kailangan niya itong makumbinse na tulungan siya.

"Pagkakamali?" Muli itong humithit ng sigarilyo at binuga na naman sa kanya.

Kanda-ubo siya. Kupal talaga!

"Pagkakamali nga, ang kulit mo, paulit-ulit? Pagkakamali kasi wala naman talaga nangyari sa atin."

Natigilan ito. Pinatay ni Alaric ang sigarilyo at tumayo. "Paano mo nga nasabi na walang nangyari?"

Bakit ba kasi kailangan pa nito na magtanong?

"Basta alam ko na wala talagang nangyari-ano bang ginagawa mo?!" Suminghap siya sa gulat ng hilahin siya nito at inupo sa mesa na nakabuka ang dalawang hita. Nakita na tuloy ang panty niya!

Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya saka yumuko at inilapit ang labi sa tainga niya. "Paano kung may nangyari talaga? Hindi mo lang natandaan."

Pilit na itinulak niya ito pero hindi ito natinag. Naiilang na siya sa posisyon nila ngayon! Nanlaki ang mata niya ng hawakan nito ang dalawa niyang hita at mas hinila pa palapit sa katawan nito.

"A-Alaric, ano ba?!" Nakaramdam na siya ng takot sa ginawa nito. Nanlaki ang mata niya ng dumikit na ang gitnang bahagi niya sa matigas at namumukol na nasa pagitan ng mga hita nito.

Sumikdo ang dibdib niya ng sa unang pagkakataon ay nakita niya itong ngumisi sa kanya. "It sounds good kapag hindi mo ako tinatawag na 'kuya', Pam."

"Hindi na talaga kita 'kukuyahin' bwisit ka! Ang bastos mo-ano ba!" Nagsimula na siyang mataranta ng idiin nito ang sarili sa gitna niya. "H-hindi na ako natutuwa, Alaric!" Hindi niya maisara ang mga hita dahil nasa gitna niya ito! Hindi rin siya makagalaw dahil hawak nito ang dalawang hita niya. Nanghihina din ang mga kamay niya sa hindi malaman na dahilan kaya imbis na itulak ito ay nakakapit na 'yon sa dibdib nito!

"Paano mo nga nasabi na walang nangyari sa atin?" Seryoso na ang mukha nito ngayon. "Kumbinsihin mo ako, Pam. Malay mo, pumayag ako sa gusto mo."

Pumikit siya at binasa ang labi. Paano ba sasabihin? Bakit kasi kailangan pa na sabihin at bakit kasi kailangan pa na malaman?!

Lumunok siya saka dumilat. "K-Kasi... mararamdaman ko 'yon." Ayaw niya sana ibuka ang labi. "K-kasi di'ba pag first time, masakit?" Halos bulong lang na sabi niya rito.

Nakakahiya! Ang dami naman kasing tanong ng lalaking ito!

Kinilabutan siya ng nilapit nito ang mukha sa leeg niya. "Sasabihin mo rin naman, pinatagal mo pa."

Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na ito sa harapan niya at muling umupo. Pinunasan niya ang pawis sa noo, pinagpawisan pala siya dahil sa ginawa nito.

Nanggigil siya dahil sa ginawa nito kanina. Bumuga siya ng hangin at pilit na inalis sa isip ang pagkakadikit ng katawan nila. Ang mahalaga sa ngayon ay aatras na ito sa kasal nila.

"A-aalis na ako." Nanginginig ang tuhod niya at halos hindi niya maihakbang ang mga binti.

Inirapan niya ito ng makita na ngumisi ito ng mapansin ang reaksyon ng katawan niya.

"Pagka-atras mo sa kasal, wag ka na magpapakita sa akin! Napakabastos mo!" Hindi talaga niya gusto ang ginawa nito sa kanya. Ramdam parin niya ang matigas na bagay na dinikit nito sa kanya. Kainis talaga!

Habang naglalakad ay yumukod at nakatingin sa kanya ang lahat ng madaanan niya na ikinataka niya.

Ano siya 'Reyna' lang?

Nang madaanan niya ang babae na receptionist ay namumutla parin ito. Kung alam lang nito na hindi na sila magkikita uli. Kahit gigil siya kay Alaric ay hindi niya mapigilan ang matuwa dahil aatras na ito sa kasal nila. Hindi na niya kailangan na magpakasal sa lalaki na hindi naman niya mahal.

Ang kailangan nalang niya na gawin ngayon ay kausapin si Alden para magkabalikan sila. Kailangan na magkaayos sila para matuloy ang kasal nila.

Mag-iisang buwan na pero walang nababanggit ang magulang niya tungkol sa pag-atras ni Alaric sa kasal nila. Nakakapagtaka, dahil sigurado na magbubunganga ang magulang niya o tatadtarin siya ng mura at baka nga saktan pa dahil sa pag-atras ni Alaric sa kasal. Pero hanggang ngayon ay wala parin ginagawa ang magulang niya.

Good mood?

Tumusok siya ng hotdog. Kumunot ang noo niya ng tusukin din ng ate Kyle niya ang hotdog na tinusok niya, dahil sa mapagbigay siya ay tumusok nalang siya ng iba, pero ang walang hiya, kung ano ang tusukin niya ay tinutusok nito!

Inis na tumingin siya rito, pero nginisihan lang siya nito. Bumuga nalang siya ng hangin at hindi na ito pinansin. Pero ng kukuha siya ng itlog ay inagaw nito ang itlog na kukunin niya, gano'n din ang ginawa nito sa mga sumunod.

Tumayo siya at marahas na tumingin rito. Araw-araw nalang ganito pagnasa bahay siya. Wala na itong ginawa kundi ang inisin at galitin siya.

Ininom nalang niya ang tubig na nasa baso niya bago umalis. Pero napahinto siya sa paglalakad ng magsalita ang mama niya.

"Dumating na nga pala ang wedding gown mo kanina, Pamela. Sa isang araw na ang kasal mo kaya wag ka lamon ng lamon para hindi ka manaba-"

"Anooo?!" Malakas na hiyaw niya.

HALOS UMUSOK ang ilong niya habang sakay ng elevator. Hindi umatras sa kasal si Alaric! Kaya pala hindi siya ginisa ng magulang niya dahil hindi pala ito umatras sa kasal.

Ang sinungaling na lalaking 'yon!

Nang makarating sa opisina ni Alaric ay agad na binuksan niya ang pinto no'n. Naabutan niya uli ang mga kaibigan nitong mga gwapo pero wala siyang pakialam.

"Alaric, bakit dumating ang wedding gown na 'yan sa bahay?" Ibinagsak niya sa harap nito ang malaking box na may laman na wedding gown. "Di'ba aatras ka sa kasal? Eh, ano ito?"

"Leave us, fuckers..." Asik ni Alaric sa mga kaibigan. Narinig niya na pinagtawanan si Alaric ng mga kaibigan nito bago umalis.

"Wala ako natandaan na nangako ako na aatras sa kasal, Pam." Ani Alaric sa kanya na may seryosong tingin.

Napamaang siya. "Ang sabi mo sa akin Kumbinsihin kita, kaya nga sinabi ko sayo na... Basta umatras ka na ngayon sa kasal, please..." Pagsusumamo niya rito pero wala itong reaksyon.

"Hindi parin ako magpapakasal sayo-"

"Really? Even if your parents will disown you?" Naghahamon na tanong nito sa kanya.

Napalunok siya. Kahit ano ang mangyari ay hindi siya papayag na makasal rito. Kahit itakwil pa siya ng mga magulang niya ay hindi siya magpapakasal. Kahit na bugbugin pa siya o itapon sa dagat ng mga ito wala na siyang pakialam.

"Hinding-hindi ako magpapakasal sayo kahit itakwil pa ako ng mga magulang ko!"

"YOU MAY NOW KISS THE BRIDE."

Akala niya ay kaya niya na sumuway sa magulang, pero hindi pala. Ngayon ay narito siya sa simbahan at ikinasal na kay Alaric.

Nakangisi na inangat ni Alaric ang belo na tumatakip sa kanyang mukha. Umiiyak siya sa sobrang sama ng loob. Hindi niya matanggap na ikinasal na siya sa lalaki na hindi niya mahal! Pinahid ni Alaric ang luha sa pisngi niya gamit ang hinlalaki nito.

"Sa pisngi ka lang humalik-Uhmmp!" Naghiyawan ang mga kaibigan ni Alaric sa ginawa nito sa kanya. Nilamon lang naman nito ang labi niya!

Inis na tinulak niya ito pero hindi man lang nadala!

Tumikhim ang pari. "Hijo, wala pa kayo sa honeymoon."

Nagtawanan ang ilan sa mga bisita.

Siya ay hindi magawa na ngumiti lalo na ng paglingon niya ay kita niya kung paano dumaan ang sakit sa mukha ni Alden. Lalo lang siya napaiyak.

Wala na talaga silang pag-asa. Talagang hindi na sila pwede na magsama dahil nakatali na siya sa kapatid nito. Nainis siya kay Alaric ng hawakan nito ang mukha niya at saka hinarap rito.

"Stop looking in another man, Pam. You are my wife and you don't have a right to do that now." Madilim ang mukha na sabi ni Alaric sa kanya.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Kung titingnan ay aakalain ng ibang bisita na masaya siya, pero hindi. Umiiyak siya dahil sa lungkot.

Pangarap naman niya na maikasal at naikasal nga siya, ang kaso nga lang ay sa lalaking hindi naman niya mahal. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagpapakasal nila gayong wala naman silang pagmamahal sa isa't isa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ynnej Eam
Hahahahaha pasabisabi pa na hndi magppakasal
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status