TEN YEARS AGO…
“NAGUSTUHAN mo?” kahit halata kay Sara na tuwang-tuwa ito sa regalo niyang bisikleta ay naisipan paring itanong ni Benjamin. Nasa likuran sila noon ng mansyon.
“T-This is too much!” nabasag ang tinig ni Sara doon.
“Hey! Ano ka ba, binigay ko ito sayo kasi gusto kitang mapasaya” aniyang natatawang hinawakan ang braso ng dalaga saka ito hinila palapit sa kanya. Noon na nga kumawala ang pinipigilan nitong mga luha.
“I-Iyon na nga eh, ang saya-saya ko Benjie. Sobra” anito habang nakangiting binubukalan ng luha ang mga mata.
Noon, sa pinakabanayad na paraan niya hinaplos ang luhaang mukha ng dalaga. “Kung alam mo lang, mas higit pa diyan ang gusto kong ibigay sa’yo” ang makahulugan niyang sabi. Gusto kong ibigay sa’yo ang puso ko, hindi ko lang tiyak kung tatanggapin mo.
SA narinig ay tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Sara saka mahigpit na yumakap
“I’M happy for you. Mabuting tao si Benjamin kaya siguradong hindi ka niya sasaktan” masayang wika ni Roxanne nang araw ng Lunes.“Alam ko, saka nararamdaman ko namang mahal na mahal niya ako” sang-ayon niya.“Sana ganoon ka rin sa kanya. At kung sakali sana ipaglaban mo siya Sara” nakita niyang rumehistro sa mga mata ni Roxanne ang pag-aalala para sa kanyang nobyo.Noon siya nagbaba ng tingin. “Nagkasundo kasi kaming ilihim muna ang relasyon namin” aniyang nag-angat ng ulo pagkatapos.“Nandoon na tayo at iyon naman talaga ang inaasahan ko Sara. Pero alam mong wala namang lihim na hindi nabubunyag di ba? Paano kapag aksidenteng nahuli kayo ng Lolo mo? Alam mo ba kung ano ang pwedeng maging kapalit ng lahat ng ito?”Sa sinabing iyon ng kaibigan niya ay mabilis na nilamon ng pangamba ang kanyang dibdib. “Hindi naman siguro ganoon kasama ang Lolo kasi di ba kaibigan naman niya ang
“TUMAHAN ka na, baka makita ka ng Papa mo, magtataka iyon” alo sa kanya ni Roxanne nang araw na dalawin siya nito sa mansyon. Nasa kwarto niya sila nang mga sandaling iyon kaya hindi niya nakontrol ang sariling emosyon.Ang totoo malaki ang pasalamat niya at dinalaw siya ng kaibigan niya. Tatlong araw narin kasi ang nakalilipas mula nang mangyari ang pagtatalo nilang iyon ng kanyang ama. Kinuha ni Roberto ang kanyang cellphone. Grounded siya dahil sa ginawa niyang pakikipagtalo rito. Kaya hindi na niya nakausap o naitext si Benjamin at maging si Roxanne.“Ayokong umalis dito Roxanne, paano na kami ni Benjie?” aniyang pinahid ang luhaang pisngi.Noon hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay saka iyon pinisil. “Mag-usap kayo, iyon ang mas magandang gawin” suhestiyon ni Roxanne.“Paano? Grounded nga ako ng one week di ba?” hopeless niyang sagot.“Teka, iyon bang cellphone mo naka-off?” na
NAGISING si Sara kinabukasan na kulong ng malalaking bisig ni Benjamin. Napangiti siya saka pinakatitigan ang pinakagwapong mukhang nasilayan niya. At nang mapadako sa mapupulang labi ng binata ang kanyang paningin ay mabilis siyang pinamulahan. Kagabi, nagawang punuan ng mga halik at haplos sa kanya ni Benjamin ang mahabang panahong pagkakawalay nila sa isa’t-isa. Isa iyon sa maraming dahilan kung bakit hindi niya pinagsisisihang ipinagkaloob niya rito ang sarili niya. At kung sakali man halimbawang maibabalik ang virginity niya alam niyang walang pagdadalawang isip niyang ibibigay muli iyon sa binata.“Good morning” nagulat pa si Sara nang marinig ang sinabing iyon ng katabi.Lutang ka kasi kaya hindi mo napansing kanina ka pa niya pinanonood na nakatanga sa kanya. Ang kabilang bahagi ng isip niya.“Good morning” ang napapahiya niyang sabi saka pasimpleng pinakawalan ang sarili mula sa mahigpit na pagkakayakap parin sa kanya ng bi
“WALA yatang partner itong puso ko eh,” si Julia saka sinulyapan ang hawak na kartolinang pula na ang hugis ay kalahating puso.“Meron iyan, imposibleng wala,” sagot ni Bessy na seatmate at kaibigan niya.Nagkibit-balikat si Julia saka nangalumbaba. Segundo lang ang pagitan nang mula sa kanyang likuran ay naramdamang nakatayo ang kung sino. Lumingon siya, si Fritz na nahihiyang ngumiti sa kanya. Hawak nito ang kulay pula ring kahating puso, iniaabot sa kanya, tinanggap niya iyon. Hindi siya nag-e-expect na mabubuo ang isang puso pero nangyari nga. Noon siya sinimulang tuksuhin ni Bessy na hindi naman niya pinansin.“I-Ikaw ang ka-Valentine ko?” parang hindi makapaniwala niyang bulalas saka tiningala ang kaklaseng nakatayo parin sa kanyang tabi. Sa edad niyang onse, noon lang niya naranasan ang pamulahan. Hindi nagsasalitang tumango si Fritz. Lumapad ang nahihiya parin nitong ngit
PRESENT DAY“HULI na po ito sir,” anang boy kay Fritz na ang tinutukoy ay malaking kahon na ang laman ay mga sapatos.“Sige,” aniyang tinanguan lang ito saka na nagdayal sa hawak niyang telepono.Habang pinakikinggan ang pagtunog ng linya, napangiti siya nang mapagmasdan ang two-storey house na ipinatayo niya kung saan overlooking ang Taal Lake. Dalawang linggo narin ang nakalipas mula nang matapos iyon at dahil abala sa trabaho ay hindi niya masyadong naasikaso ang paglilipat.Sa edad na twenty five, siya ang kasalukuyan at pinakabatang Vice President ng malaking construction company na pinapasukan. Isang taon narin ang nakalipas mula nang tanggapin niya ang posisyong iyon. Nanggaling siya sa isang kilalang kompanya rin sa Maynila. At dahil nga sa mabilis siyang nakagawa ng pangalan sa larangang kanyang pinili ay hindi iilang kompanya narin ang nag-alok sa kanya ng malaking sahod kapalit ang kanya
“ANO ba ang laman ng kahong ito?” tanong sa kanya ni Manang Ruping dala ang isang kahon na ang laki ay katulad ng shoe box. Nang maalala kung ano ang laman niyon ay nagmamadali niyang kinuha iyon sa matanda.“Mga personal na bagay ho Manang,” aniyang tumawa ng mahina pagkuwan.Nangingiti siyang pinagmasdan ng matanda. “Maghapunan kana,” paalala nito sa kanya.Tumango siya. “Matulog na ho kayo,” aniya sa matanda.Mahigit tatlong taon narin niyang kasama sa bahay si Manang Ruping. Wala rin naman kasing kasama sa buhay ang matanda maliban sa pamangkin nitong babae na nakabukod dahil may sarili nang pamilya.“Hello, Mang Kanor?” bungad niya sa matanda nang tumunog ang kanyang cellphone.“Hijo may gusto sana akong ipakiusap sayo,” ang nasa kabilang linya.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ang naging pagdamba ng kanyang dibdib dahil sa narinig. D
“ISA nalang lalakad na, o hayan na pala. Dito kana sa likod,” ang traysikel driver kay Fritz.Mula sa pagkaka-angkas sa likuran ng driver ay wala sa loob niyang sinilip ang loob ng traysikel nang mapuna ang paldang pambabae ng unibersidad na pinapasukan niya. Noon lumukso ang puso niya saka awtomatikong napangiti nang makita si Julia. Malayo ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip. At kahit sabihin pang side view lang ng dalaga ang nakikita niya, hindi parin maikakailang napakaganda nito.“Huwag mong masyadong titigan at baka malusaw,” bulong ng driver na kanyang ikinagulat.Siniko niya ito. “Ikaw talaga Manong Ed mamaya marinig ka nakakahiya,” aniyang natatawa.Tumawa ang driver. “Ligawan mo na kasi. Balita ko may inirereto raw sa kanya ang tiyahin niya na anak ng isang mayamang negosyante sa Amerika. Baka maunahan ka,” paalala ni Ed sa mas mah
“OMG!!! Seriously?” ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Bessy kinabukasan ng hapon nang puntahan siya nito sa kanila.Pinandilatan niya ng mata ang kaibigang bahagyang nagtaas ng tinig. “Huwag kang maingay!”Nanunuksong dinampot ni Bessy ang baso nito ng juice. Nasa likod-bahay sila noon sa ilalim ng punong mangga. “Tapos sinabihan ka pa ng I love you? Baka naman matagal na siyang may gusto sa’yo?”Pinigil niya ang mapangiti at nagtagumpay naman siya. “Ows?” taas-kilay niyang tanong.Tumango-tango si Bessy. “Anyway, curious lang ako, anong naramdaman mo? Masarap ba ang first kiss?” ang kinikilig na pag-iiba ni Bessy ng usapan.Hindi niya napigilan ang pamulahan sa tanong ng kaibigan lalo nang maalala kung ano ba talaga ang naramdaman niya kagabi nang halikan siya si Fritz.&rdqu