PRESENT DAY
“HULI na po ito sir,” anang boy kay Fritz na ang tinutukoy ay malaking kahon na ang laman ay mga sapatos.
“Sige,” aniyang tinanguan lang ito saka na nagdayal sa hawak niyang telepono.
Habang pinakikinggan ang pagtunog ng linya, napangiti siya nang mapagmasdan ang two-storey house na ipinatayo niya kung saan overlooking ang Taal Lake. Dalawang linggo narin ang nakalipas mula nang matapos iyon at dahil abala sa trabaho ay hindi niya masyadong naasikaso ang paglilipat.
Sa edad na twenty five, siya ang kasalukuyan at pinakabatang Vice President ng malaking construction company na pinapasukan. Isang taon narin ang nakalipas mula nang tanggapin niya ang posisyong iyon. Nanggaling siya sa isang kilalang kompanya rin sa Maynila. At dahil nga sa mabilis siyang nakagawa ng pangalan sa larangang kanyang pinili ay hindi iilang kompanya narin ang nag-alok sa kanya ng malaking sahod kapalit ang kanyang serbisyo.
Matagal na niyang pangarap ang makabili ng lote sa Tagaytay. At iyon ang isa sa napakaraming dahilan ng pagsisikap niya. Kaya nang ialok sa kanya ang posisyon ng nag-resign na VP ay walang pagdadalawang isip niya iyong tinanggap. Pakunswelo narin dahil hindi time consuming ang pag-uwi at pag-pasok sa trabaho dahil nasa Tagaytay City mismo ang nilipatang trabaho. Hindi iyon malayo sa bahay niya ngayon.
At least when the time comes, wala akong ipinangako sa’yong hindi ko ginawa. Kahit sinasabi nilang maling mabuhay sa nakaraan, I say different. Kasi doon ako naging masaya, at doon ako humuhugot ng pag-asang makakasama rin kita, someday.
Nang walang sumagot sa kabilang linya ay minabuti niyang putulin nalang iyon. Tinatawagan niya ang pmangkin ni Manang Ruping. Ang matandang kasama niya sa bahay. Saka pagkatapos nilapitan ang driver ng closed van na siyang naghatid ng mga gamit niya doon sa Tagaytay.
“Salamat, sa uulitin ho Mang Kanor,” aniya sabay abot ng bills rito.
Nakangiting tumango ang may edad ng lalaki. “Oo naman, aba eh napakaganda pala nitong bahay mo. Ibig sabihin ba niyan mag-aasawa kana?” sa huli nitong sinabi ay napalapad ang kanyang ngiti.
Pag-aari ni Mang Kanor ang van na ginamit nito sa paghahakot ng mga gamit niya mula sa inupahan niyang apartment sa Maynila. Bukod doon ay may sarili rin itong taxi. Naging pasahero siya ng matanda noon, nakapalagayan niya ito ng loob. At dahil nga wala pa siyang sariling kotse noon at madalas siyang umuwi ng late dahil sa pag-o-overtime, minabuti niyang kontratahin ang matanda. Doon na nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.
“Darating ho tayo diyan Mang Kanor,” natatawa niyang sagot. Paano ba niya sasabihing ang babaeng gusto niyang makasama at itira sa bahay na iyon ay pitong taon ng kasal at posibleng may anak narin ngayon?
*****
SEVEN DAYS LATER
“TAMA na please nasasaktan ako,” pagmamakaawa ni Julia sa asawang si Jason na mahigpit ang pagkakasabunot sa mahaba niyang buhok.
“Malandi ka, ni hindi mo ako binigyan ng kahihiyan. Bakit? Dahil ba baog ako? Dahil hindi kita mabigyan ng anak?” sa halip ay iyon ang isinagot nito saka siya kinaladkad papasok ng kabahayan at paakyat sa kanilang silid.
Nahimasmasan ng kaunti ang anit niya nang ibinalya siya ni Jason papasok ng kwarto. Pero malakas siyang napasigaw nang tumama sa tagiliran ng tokador ang kanyang noo. Napahawak siya doon saka nakapa ang tumutulong dugo mula sa sugat.
“W-Wala akong ginagawang masama, kinausap lang niya ako!” dahil sa galit ay malakas niyang sigaw habang iniinda ang sugat sa noo.
“Aba’t de-pu-- kang babae ka, mangangatwiran ka pa!” nang humakbang si Jason ay mabilis siyang naalarma kaya agad siyang kumilos at sinipa ang pagitan ng mga hita ng asawa.
Natumba ito at sunod-sunod ang ginawang pagmumura habang namimilipit sa sakit.
Unti-unti na siyang nakakaramdam ng pagkahilo. Pero dahil alam niyang hindi birong gulpi ang aabutin niya kapag hinayaan niyang makalapit sa kanya ang asawa ay tumayo siya saka dinampot ang bag niyang bumalandra kanina sa sahig. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay naramdaman na niya ang kamay ni Jason na humawak sa binti niya. Napasigaw siya sa takot kaya nanginginig niyang magkakasunod na inihampas rito ang hawak na bag. Nang makawala ay walang pagdadalawang isip siyang nagtatakbo palabas ng silid.
Iyon ang unang pagkakataong lumaban siya kay Jason at malaki ang posibilidad na mapahamak siya or worst mapatay ng asawa kapag hinayaan niya itong makalapit muli sa kanya. Sa labas ng gate ay mabilis siyang nakapara ng taxi.
“Hija anong nangyari sa iyo?” ang nag-aalalang tanong ng driver nang makita ang ayos niya sabay abot sa kanya ng panyo.
Nahihilo niyang isinandal ang ulo sa headrest ng upuan. “Dalhin po ninyo ako sa ospital please?” iyon lang at naramdaman na niya ang mabilis sa pagtakbo ng sasakyan bago siya tuluyang nawalan ng malay.
*****
EMERGENCY room ng isang pribadong ospital ang nagisingan ni Julia. Ilang sandali mula sa kurtinang nagsisilbing partisyon niyon ay sumilip ang isang nurse. “Hi, gising na pala kayo,” anitong lumapit sa kanya ng nakangiti.
“Nasaan iyong nagdala sa akin dito?” tanong niya saka napapikit nang maramdaman ang bahagyang pagkirot ng kanyang sugat.
“Lumabas lang ho sandali para kumain, ay heto na pala siya,” nang mapuna ang nakasilip na lalaking may edad na. “excuse me po.”
“Kumusta ang pakiramdam mo hija?” mabait nitong tanong sa kanya. “tawagin mo nalang akong Mang Kanor, ikaw anong pangalan mo?” magkasunod nitong tanong.
Tinitigan niya ang mukha ng matanda.“J-Julia po,” maikli niyang sagot.
Ngumiti ang matanda. “Napakagandang pangalan, ang sabi ng doctor pwede ka ng lumabas, saan kita pwedeng ihatid?”
Mabilis na nag-init ang mga mata niya sa tanong na iyon. “H-Hindi ko po alam,” aniyang tuluyan na ngang napaluha.
“Wala kang matutuluyan, ganoon ba ang ibig mong sabihin?” mababa ang tinig na tanong ni Mang Kanor.
Tumango siya saka nagpahid ng mga luha. Pagkatapos ay minabuting ikuwento na sa matanda ang lahat ng nangyari. Mataman itong nakinig sa kanya at sa pagkakatitig niya sa mukha nito ay nabanaag niya ang matinding pagkahabag sa mga mata ng matanda.
“Gusto ko ho sanang magpatulong sa inyo sa paghahanap ng matutuluyan. Malayo dito sa Maynila, malayo sa asawa ko,” aniyang hindi napigilan ang takot sa tinig.
Ngumiti ng makahulugan si Mang Kanor. “Walang problema, pero yaman rin lang na inilahad mo sa akin ang lahat ng nangyari, sa tingin ko mas mainam kung ilalapit mo sa mga pulis ang tungkol dito,” suhestiyon ng matanda.
“Mayaman po ang asawa ko Mang Kanor, kaya niyang paikutin ang batas,” aniya.
Matagal na talaga niyang plano na ilapit sa mga pulis ang tungkol sa pananakit sa kanya ni Jason. Pero nanaig sa kanya ang nararamdamang pagmamahal para sa asawa. Parang hindi niya kayang makita itong nagdurusa sa loob ng bilangguan. Bukod parin sa totoong napakayaman nito at afford magbayad ng isang mahusay na abogado. At hindi niya kaya iyon.
Tumango ang matanda. “Siya sige, tutulungan kita. At kung iyon ang sa tingin mong makabubuti para sa’yo walang problema. Magpahinga kana ulit, mamaya aalis na tayo, may kakausapin lang akong tao,” pagkasabi niyon ay iniwan na siyang muli ng matanda.
“ANO ba ang laman ng kahong ito?” tanong sa kanya ni Manang Ruping dala ang isang kahon na ang laki ay katulad ng shoe box. Nang maalala kung ano ang laman niyon ay nagmamadali niyang kinuha iyon sa matanda.“Mga personal na bagay ho Manang,” aniyang tumawa ng mahina pagkuwan.Nangingiti siyang pinagmasdan ng matanda. “Maghapunan kana,” paalala nito sa kanya.Tumango siya. “Matulog na ho kayo,” aniya sa matanda.Mahigit tatlong taon narin niyang kasama sa bahay si Manang Ruping. Wala rin naman kasing kasama sa buhay ang matanda maliban sa pamangkin nitong babae na nakabukod dahil may sarili nang pamilya.“Hello, Mang Kanor?” bungad niya sa matanda nang tumunog ang kanyang cellphone.“Hijo may gusto sana akong ipakiusap sayo,” ang nasa kabilang linya.Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ang naging pagdamba ng kanyang dibdib dahil sa narinig. D
“ISA nalang lalakad na, o hayan na pala. Dito kana sa likod,” ang traysikel driver kay Fritz.Mula sa pagkaka-angkas sa likuran ng driver ay wala sa loob niyang sinilip ang loob ng traysikel nang mapuna ang paldang pambabae ng unibersidad na pinapasukan niya. Noon lumukso ang puso niya saka awtomatikong napangiti nang makita si Julia. Malayo ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip. At kahit sabihin pang side view lang ng dalaga ang nakikita niya, hindi parin maikakailang napakaganda nito.“Huwag mong masyadong titigan at baka malusaw,” bulong ng driver na kanyang ikinagulat.Siniko niya ito. “Ikaw talaga Manong Ed mamaya marinig ka nakakahiya,” aniyang natatawa.Tumawa ang driver. “Ligawan mo na kasi. Balita ko may inirereto raw sa kanya ang tiyahin niya na anak ng isang mayamang negosyante sa Amerika. Baka maunahan ka,” paalala ni Ed sa mas mah
“OMG!!! Seriously?” ang hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Bessy kinabukasan ng hapon nang puntahan siya nito sa kanila.Pinandilatan niya ng mata ang kaibigang bahagyang nagtaas ng tinig. “Huwag kang maingay!”Nanunuksong dinampot ni Bessy ang baso nito ng juice. Nasa likod-bahay sila noon sa ilalim ng punong mangga. “Tapos sinabihan ka pa ng I love you? Baka naman matagal na siyang may gusto sa’yo?”Pinigil niya ang mapangiti at nagtagumpay naman siya. “Ows?” taas-kilay niyang tanong.Tumango-tango si Bessy. “Anyway, curious lang ako, anong naramdaman mo? Masarap ba ang first kiss?” ang kinikilig na pag-iiba ni Bessy ng usapan.Hindi niya napigilan ang pamulahan sa tanong ng kaibigan lalo nang maalala kung ano ba talaga ang naramdaman niya kagabi nang halikan siya si Fritz.&rdqu
“BAKIT ang aga mo yatang nagising ngayon?” nang datnan siya ng tiyahin niyang nagkakape na umaga ng Sabado sa kusina.“Aalis kasi ako mamaya Tita, tuturuan akong mag-gitara ni Fritz,” walang-gatol niyang sagot saka tumayo para ipagtimpla ng kape si Melissa.“Iyon bang anak ni Amado Lerios?”Tumango siya saka inilapag sa harapan ng tiyahin ang tasa ng kape. “Opo tita, kaklase ko nung elementary. Huwag kang mag-alala tita, mabait si Fritz,” aniya nang mabanaag ang pag-aalala sa mukha ng tiyahin.“May sasabihin ako sa’yo pero sana atin nalang ito,” si Melissa na tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata.Nagsalubong ang mga kilay niya. “A-Ano ho iyon?”Huminga muna ng malalim si Melissa bago nagsalita. “Iyong tiyuhin ni Fritz, si Gardo, pinagtanggakan niyang gahasain noon ang nanay mo.”
“LAMBUTAN mo kasi ang mga daliri mo,” ang tumatawang saad ni Fritz. Araw iyon ng Sabado, nagdahilan siya kay Melissa na maglilibot sa mall. Mahigit isang linggo narin silang nagpupunta sa memorial park ng binata. Gaya ng napagkasunduan, naging lihim ang kanilang pagkakaibigan. At kahit hindi niya aminin, totoong mas sweet nga ang friendship nila dahil patago.Napasimangot siya. Kahit sabihing hindi pa ganoon katagal ang pagkakaibigan nilang dalawa, hindi siya nahihiyang ipakita ang totoong nararamdaman sa binata. Gaya nalang ng pagkainis na nararamdaman niya ngayon.“Ayoko na nga!” bugnot niyang sagot saka ibinaba sa Bermuda grass ang gitara, tumayo saka sumakay sa sidecar ng traysikel na dala ni Fritz.Amuse siyang pinagmasdan ng kasama. “Hindi ka matututo kung ganyan ka,” sa kalaunan ay natawa narin ang binata.Umikot ang mga mata ni Julia saka
GAYA ng inaasahan sumapit ang araw ng pagdating nina Hilda at ng anak nitong si Jason. Sa isang hotel sa bayan nagtuloy ang mga ito na kinatagpo naman nilang magtiya sa isang mamahaling restaurant sa bayan rin mismo.“Sigurado akong magkakasundo kayo, hindi naman nagkakalayo ang agwat ng mga edad ninyong five years,” si Hilda na panay ang sulyap sa kanya ng may paghanga.Nahihiya siyang ngumiti saka muling niyuko ang plato. Mayamaya makalipas ang ilang sandali nang mapuna marahil ni Jason na tapos sa siyang kumain ay niyaya siya nitong sumayaw. Ang totoo wala siya sa mood nang mga sandaling iyon, pero dahil ayaw nga naman niyang ipahiya ang tiyahin ay nagpaunlak siya.“Napaka-tahimik mo,” si Jason nang nasa dance floor na sila.Ngumiti siya sa kasayaw. Nakakapagtakang kahit sabihin pang hawak nito ang isa niyang kamay at hapit ang kanyang baywang ay walang kahit anong kuryent
“ANONG plano mo ngayon?” nang mailipat nila sa ward ng ospital si Melissa ay niyaya siyang magkape ni Fritz sa fastfood restaurant na nasa tapat ng ospital.Nanatili siyang nakayuko para itago sa binata ang pamumuo ng kanyang mga luha. “M-Magpapakasal ako kay J-Jason,” aniyang tuluyan na ngang nabasag ang tinig.Narinig niya ang marahas na hiningang pinakawalan ng binata. “L-Lia, gagawa ako ng paraan. Tutulungan ka namin, makikiusap ako kay tatay. Ayoko lang na isakripisyo mo ang kinabukasan mo sa lalaking hindi mo naman mahal,” sa pagtatama ng mga mata nila, nakita niya ang matinding lungkot sa mga mata ni Fritz. At iyon ang lalong nagpaluha sa kanya.“W-Wala akong ibang option Fritz, at saka malay mo naman, in the end matutunan ko rin siyang mahalin?” kahit alam niyang mahirap, iyon parin ang gusto niyang paniwalaan.Noon ginagap ng binata ang kamay
HULING gabi bago ang pagluwas niya ng Maynila. Dinig niya ang pagtigil sa tapat ng bahay nila ang isang traysikel. Dahil pamilyar sa kanya ang ugong niyon ay mabilis na dinamba ng kaba ang kanyang dibdib saka sumilip sa bintana. Gaya ng inaasahan, si Fritz, napuno ng matinding pananabik ang puso niya pagkakita palang sa binata.Hindi na niya hinintay ang pagkatok ng bagong dating dahil pinagbuksan na niya ito.”F-Fritz?” nasamyo niya agad ang amoy ng alak sa hininga ng binata. “huwag ka na ulit magda-drive nang nakainom ka ha?” sermon pa niya saka ito pinatuloy.Namumungay ang mga mata nitong ngumiti sa kanya si Fritz. “Sounds like a real wife,” ang binatang tumawa ng mahina. “hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na puntahan ka ngayon kundi ako iinom kahit konti lang,” anitong biglang sinaklit ang kanyang baywang kaya siya napayakap rito.