“LAMBUTAN mo kasi ang mga daliri mo,” ang tumatawang saad ni Fritz.
Araw iyon ng Sabado, nagdahilan siya kay Melissa na maglilibot sa mall. Mahigit isang linggo narin silang nagpupunta sa memorial park ng binata. Gaya ng napagkasunduan, naging lihim ang kanilang pagkakaibigan. At kahit hindi niya aminin, totoong mas sweet nga ang friendship nila dahil patago.
Napasimangot siya. Kahit sabihing hindi pa ganoon katagal ang pagkakaibigan nilang dalawa, hindi siya nahihiyang ipakita ang totoong nararamdaman sa binata. Gaya nalang ng pagkainis na nararamdaman niya ngayon.
“Ayoko na nga!” bugnot niyang sagot saka ibinaba sa Bermuda grass ang gitara, tumayo saka sumakay sa sidecar ng traysikel na dala ni Fritz.
Amuse siyang pinagmasdan ng kasama. “Hindi ka matututo kung ganyan ka,” sa kalaunan ay natawa narin ang binata.
Umikot ang mga mata ni Julia saka
GAYA ng inaasahan sumapit ang araw ng pagdating nina Hilda at ng anak nitong si Jason. Sa isang hotel sa bayan nagtuloy ang mga ito na kinatagpo naman nilang magtiya sa isang mamahaling restaurant sa bayan rin mismo.“Sigurado akong magkakasundo kayo, hindi naman nagkakalayo ang agwat ng mga edad ninyong five years,” si Hilda na panay ang sulyap sa kanya ng may paghanga.Nahihiya siyang ngumiti saka muling niyuko ang plato. Mayamaya makalipas ang ilang sandali nang mapuna marahil ni Jason na tapos sa siyang kumain ay niyaya siya nitong sumayaw. Ang totoo wala siya sa mood nang mga sandaling iyon, pero dahil ayaw nga naman niyang ipahiya ang tiyahin ay nagpaunlak siya.“Napaka-tahimik mo,” si Jason nang nasa dance floor na sila.Ngumiti siya sa kasayaw. Nakakapagtakang kahit sabihin pang hawak nito ang isa niyang kamay at hapit ang kanyang baywang ay walang kahit anong kuryent
“ANONG plano mo ngayon?” nang mailipat nila sa ward ng ospital si Melissa ay niyaya siyang magkape ni Fritz sa fastfood restaurant na nasa tapat ng ospital.Nanatili siyang nakayuko para itago sa binata ang pamumuo ng kanyang mga luha. “M-Magpapakasal ako kay J-Jason,” aniyang tuluyan na ngang nabasag ang tinig.Narinig niya ang marahas na hiningang pinakawalan ng binata. “L-Lia, gagawa ako ng paraan. Tutulungan ka namin, makikiusap ako kay tatay. Ayoko lang na isakripisyo mo ang kinabukasan mo sa lalaking hindi mo naman mahal,” sa pagtatama ng mga mata nila, nakita niya ang matinding lungkot sa mga mata ni Fritz. At iyon ang lalong nagpaluha sa kanya.“W-Wala akong ibang option Fritz, at saka malay mo naman, in the end matutunan ko rin siyang mahalin?” kahit alam niyang mahirap, iyon parin ang gusto niyang paniwalaan.Noon ginagap ng binata ang kamay
HULING gabi bago ang pagluwas niya ng Maynila. Dinig niya ang pagtigil sa tapat ng bahay nila ang isang traysikel. Dahil pamilyar sa kanya ang ugong niyon ay mabilis na dinamba ng kaba ang kanyang dibdib saka sumilip sa bintana. Gaya ng inaasahan, si Fritz, napuno ng matinding pananabik ang puso niya pagkakita palang sa binata.Hindi na niya hinintay ang pagkatok ng bagong dating dahil pinagbuksan na niya ito.”F-Fritz?” nasamyo niya agad ang amoy ng alak sa hininga ng binata. “huwag ka na ulit magda-drive nang nakainom ka ha?” sermon pa niya saka ito pinatuloy.Namumungay ang mga mata nitong ngumiti sa kanya si Fritz. “Sounds like a real wife,” ang binatang tumawa ng mahina. “hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na puntahan ka ngayon kundi ako iinom kahit konti lang,” anitong biglang sinaklit ang kanyang baywang kaya siya napayakap rito.
Present Day…NAMASA ang mga pisngi ni Julia sa daloy ng mga alaala. Masasabi niyang hindi niya lubusang nakalimutan si Fritz. At sa mga pagkakataong mag-isa siya, lalo na kapag nagkakaroon sila ng problema ni Jason, itinatanong niya sa sarili kung ano kaya ang posibleng buhay niya ngayon sakaling si Fritz ang pinili niya noon.Isang taon matapos ang treatment ni Melissa ay pumanaw rin ang tiyahin niya hindi dahil sa sakit nito kundi sa isang vehicular accident kasama ang biyenan niyang si Hilda. Nang mga panahong iyon kasi ay mag-iisang taon narin silang kasal ni Jason.Maayos pa naman ang pakikitungo sa kanya noon ng asawa. Mabait ito at malambing, kaya masasabi niyang natutunan niya itong mahalin sa paraang alam niya. Nagsimula lang namang magbago si Jason sa kanya nang mapag-alaman nila ang pagiging baog nito.Naging sobrang seloso ito. Sa loob ng mahabang panahon ay tiniis niya ang kalbaryong buhay sa piling ni
GABI nang matapos sila sa pamimili. Nakauwi silang pareho ng pagod, mabuti nalang ipinilit ni Fritz na kumain nalang sila sa labas. Tinawagan kasi ito ni Manang Ruping kanina para magpaalam. Uuwi raw muna ng Maynila ang matanda dahil nagkaroon ng emergency ang pamangkin nitong nanganak na. “Hi,” aniya nang mapagbuksan ang binatang kumatok sa kanyang kwarto. Nakalatag noon sa kama niya ang maraming damit na pinamili ni Fritz para sa kanya. Nakangiting tumuloy ang binata sa kanyang silid, hawak nito ang isang kopita ng alak. “Pampatulog lang,” anito nang makita marahil ang pagsulyap niya doon. “Of course,” aniyang tumawa ng mahina saka kinuha ang isang kulay pulang dress saka iyong ini-hanger. “naririnig ko rin iya kay Jason. Pero madalas iba ang nangyayari kapag naka-inom siya,” mapait niya turan. “Gusto mo bang pag-usapan?” concerned na tanong ng binata. Umiling siya. “Hindi na, gusto kong kalimutan muna ang lahat ng iyon pans
MAGKAKASUNOD na katok ang gumising kay Julia kinabukasan. Pupungas-pugas niyang tinungo ang pintuan, si Fritz. “Hi, naistorbo ba kita? Pasensya kana kailangan eh,” anito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya. “What do you mean?” Tumawa ang binata bago sumagot. “May bisita ka, nasa ibaba kararating lang,” anito. “Sige na hihintayin kana lang namin,” pagkasabi’y iniwan na siya nito. Ginawa lang niyang madali ang pagbibihis at bumaba na siya. At totoong nasorpresa siya nang mapag-alaman kung sino ang bisita niyang sinasabi ni Fritz. Walang iba kundi ang pinsan niyang si Liam at ang matalik na kaibigan niyang si Bessy. “Grabe na-miss kita, kumusta kana? Wala kaming balita sa’yo, mabuti pa itong si Fritz mukhang updated?” matapos ang matagal na kumustahan at yakapan ay bulalas ng kaibigan niya. “M-Maraming nangyari, saka iyon kasi ang gusto ng asawa at tita ko,” sa huling tinuran ay nahihiya siyang nagbaba ng tingin. Tumikhim si Liam sa
KINABUKASAN nagising siyang wala na sa garahe ang kotse ng binata. Malungkot siyang nagbuntong-hininga. Pumasok na ito marahil sa trabaho. Gustuhin man niya itong tawagan pero nagdadalawang isip siya kaya inabala nalang niya ang sarili sa mga gawaing bahay.Una niyang pinasok ang silid ng binata na nakita niyang hindi naman naka-lock. Napangiwi siya saka natawa nang mapasukan iyon. Dahil kung gaano kaayos sa sarili nito ang binata, kabaligtaran niyon ang kalat na nakikita niya sa silid nito. Napangiti pa siya nang mahagip ng paningin niya ang isang lamesang de-tiklop na mukhang ilang taong gulang narin. Hindi iyon bagay sa maderno at magandang silid ng binata pero naisip narin niyang baka may sentimental value iyon kay Fritz kaya iyon naroroon.Sinimulan niya ang paglilinis sa pamamagitan ng pagpapalit ng bedsheet at punda ng unan. Noon niya namataan ang cellphone ni Fritz sa ilalim ng unan nito. Nakita niya ang maraming missed calls at messages sa scr
MAPAIT ang ngiting sumilay sa mga labi ni Fritz nang ibalik sa loob ng kahon ang dalawang piraso ng ginupit na pulang kartolina. Kapag pinagdikit ang mga iyon, nabubuo ang isang perpektong hugis ng puso. Napangiti siya sa alaala. Simula noon ay lihim na niyang hinangaan si Julia. Kaya pati mannerism nito nakabisado niya. Lalo na ang madalas nitong pagsinghot kaya niya sinulatan ng sipon ang desk nito noong grade six sila. Lumuwang ang pagkakangiti niya pagkuwan ay napadako sa sulok ng kanyang kwarto kung saan nakapwesto ang isang lamesang de-tiklop. Sa ilalim ng lamesang iyon niya isinulat ang pangalan ni Julia noong nasa kolehiyo pa siya.Noon na nga tuluyang umagos ang kanyang mga luha. Gusto kitang pigilan pero wala akong karapatan. Ang masakit kahit wala akong karapatan hindi ko parin maawat ang sarili kong mahalin ka?Sa nakalipas na mga araw pinili niyang abalahin ang sarili sa trabaho. Isip niya sa ganoong paraan maiibsan ng kahit kaunti ang sak