Share

Chapter 3- Unexpected revelation

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Danica habang hinihintay na sagutin ng asawa niya ang kaniyang tawag through video call. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay kaya paulit-ulit niya iyong pinagkiskis. Napakagat-labi siya nang sa wakas ay nag-flash sa screen ng kaniyang laptop ang mukha ng asawa.

“Hon!” malapad ang ngiting bulalas ni Franco. “I’m sorry, I was in the shower.”

Franco was just wearing a towel around his waist. Danica can only imagine what’s behind that towel. “I miss you.” Iyon ang unang lumabas sa kaniyang bibig.

“I know,” tugon ni Franco. “But don’t worry, after my commitments here, susunod na ako sa iyo riyan.”

“I have semi-good news for you,” wika ni Danica. She couldn’t hold it anymore.

Kumunot ang noo ni Franco. “Semi? Bakit semi?” natatawang wika niya.

“Hindi pa kasi siya totally good news. Pero hindi ko kasi kayang hindi sabihin sa iyo. Hindi ako makakatulog kapag sinarili ko lang.”

“What is it then?”

“Nakahanap na ako ng surrogate.”

Napanganga si Franco. “Sino? Nasaan siya?” aniya.

Napabuntong-hininga si Danica. “Hindi pa siya pumapayag. Pag-iisipan niya pa lang.” Kitang-kita niya ang disappointment sa mukha ng asawa. “But she’ll eventually say yes. Don’t worry.”

“How did you know that she’d say yes?”

“Because she’s my best friend.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Franco. “Sino? I know you have a lot of friends, but you never told me you have a best friend,” aniya.

“Kapag nag-yes siya, you will meet her.”

“What if she says no?”

Muling napabuntong-hininga si Danica. “Please, tulungan mo na lang akong magdasal na mag-yes siya. When I saw her, I realized wala na akong ibang gustong magdala ng magiging anak natin kundi siya. She holds a very special place in my heart, Hon. I grew up with her. I went to school with her. My world almost shattered when we got separated.

“Kung hindi ko lang piniling maging mabuting anak kaysa maging mabuting kaibigan noon, baka naglayas na ako para lang makasama ang best friend ko. But I was too young and naive. At ngayon na nagkita na kami ulit, hindi ko na sasayangin ang chance na mas maging malalim pa ang connection namin. She’s gonna carry our baby. No one else will. I’m gonna make sure of that.”

Franco nodded. “Don’t stress yourself out, Hon. I will pray with you, okay? If she is fit and she qualifies for a surrogate, wala na tayong magiging problema.”

Sa sinabi ng asawa ay natigilan si Danica. Napaisip siya. Kung sakaling pumayag si Cleo, sigurado na bang qualified ito para maging surrogate? What if virgin pa ito?

Natakpan niya ang bibig. Nakalimutan niyang hindi lang basta-basta ang pagkuha ng surrogate. Una sa lahat, kailangang nakapagbuntis na at nakapanganak ang isang babae para maging isang surrogate.

She ended the call with her husband without saying goodbye. Dali-dali siyang nagbihis upang kitain muli si Cleo.

“AKALA KO BA sa susunod na araw pa tayo magkikita,” nakangiting tanong ni Cleo pagkakita niya kay Danica.

“Na-miss ko lang kaagad ang best friend ko. Hindi pa tayo nakakapag-bonding, eh,” tugon ni Danica. “Pero hindi iyon ang dahilan ng pakikipagkita ko sa iyo.”

Bumagsak ang sulok ng mga labi ni Cleo. “Kung tungkol doon sa pagiging surrogate ko, hindi ko pa napag-iisipan,” tugon niya.

“It’s okay. Katulad ng sinabi ko, you can take your time. I just want to ask you something.”

“Ano?”

Napalunok si Danica. Alam niyang nakakailang na tanong ang itatanong niya sa kaibigan. “Are you a virgin?”

“Ha?” Nagsalubong ang mga kilay ni Cleo.

“I’m sorry. Importante lang kasing malaman ko.”

“Kailangan ba talagang malaman mo iyon?”

Tumango si Danica. “A virgin can’t be a surrogate,” tugon niya. She sighed. “Please say that you’re not a virgin anymore.”

Nagbaba ng tingin si Cleo. “Marami na ang nangyari sa buhay ko simula nang umalis kayo,” tugon niya. “Hindi na ako birhen, Danica. At hindi lang ako basta hindi na birhen, nagkaroon ako ng anak. Pero nawala siya sa akin dahil hindi ko nakayang ipagamot siya noong nagkasakit siya. Isang linggo ko lang siyang nakasama.”

Nalaglag ang panga ni Danica sa rebelasyon ng kaibigan. Para bang napakabilis ng pangyayari. Hindi niya naihanda ang sarili sa mga nalaman. “N-nagkaroon ka ng anak?” hindi makapaniwalang ulit niya sa winika ng kaibigan.

“Mahabang kwento. Hangga’t maaari ayaw ko nang alalahanin pa dahil iyon ang pinakamasalimuot na parte ng buhay ko,” tugon ni Cleo. “Ginagawa ko na lang ang lahat para magpatuloy sa buhay para na lang kay Cherry dahil kailangan niya pa ako.”

“I’m sorry about what happened. I didn’t mean to be insensitive, Cleo,” senserong wika ni Danica.

“Iyan ang dahilan kaya hindi madali para sa akin na tanggapin ang alok mo. Gustong-gusto kitang tulungan, pero hindi ko alam kung kaya ko. Tatlong taon na ring wala ang anak ko, pero iyong sakit sariwa pa rin.”

“I understand,” tumatangong wika ni Cleo. She sighed. “Hindi na kita pipilitin, Cleo. Kung hindi mo talaga kaya, maghahanap na lang ako ng ibang surrogate. Kahit naman hindi ikaw ang magdala ng magiging anak namin ni Franco, magkaibigan pa rin naman tayo. If ever, kukunin na lang kitang ninang. Kahit ikaw lang mag-isa, sapat na. Gusto kong ituring kang ina ng magiging anak ko.”

Nangilid ang mga luha ni Cleo. Ngumiti siya at lumapit sa kaibigan. Niyakap niya ito. “Salamat sa pag-unawa sa akin, Danica,” wika niya. “Oo, kahit hindi ako ang magdala at magluwal sa anak mo, ako ang magiging pangalawang ina niya. Mamahalin ko siya na parang akin. Mamahalin ko siya na kagaya ng pagmamahal na ibibigay ko sana sa anak ko kung nabubuhay lamang siya.”

Bumagsak ang mga luha ni Danica sa narinig. “Finding you and reconnecting with you again is the best decision I’ve ever made in my life. I love you, Cleo! Mula noon, hanggang ngayon, ikaw ang nag-iisang best friend ko. At simula ngayon, walang sino man ang makakapag-break pa ng friendship natin. Ipaglalaban na kita,” wika niya. “You’re the best sister I never had.”

Ngumiti si Cleo. “Masaya akong hindi mo ako nakalimutan at bumalik ka,” aniya. “Excited na akong makita ang inaanak ko.”

Natawa si Danica. Nagbitaw sila sa pagkakayakap. Pinahid niya ang kaniyang mga luha. “Maghahanap muna ako ng surrogate,” aniya.

"Oo nga naman." Sabay silang natawa at muling nagyakap.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status