Share

THE LAST WOMAN AT THE BLUEBIRD' S HOUSE
THE LAST WOMAN AT THE BLUEBIRD' S HOUSE
Author: Bb.Taklesa

CHAPTER 1: AN IMPERFECT LOVE STORY

Niluwagan ni Montague ang kanyang necktie pagkalabas ng korte. Nagmadaling nagsipaglabasan ang mga tao doon.

"MONTAGUE!"

Huminto siya ng marinig ang tawag ng pamilyar na boses. Hustong paglingon niya ay sumalubong ang isang malakas at mag-asawang sampal mula kay Stella Alba. " Isinusumpa ko! Hindi ka makakahanap ng babaeng magmamahal sa’yo dahil lang sa batang ninanais mo. Kahit ilang beses kang humingi ng diborsyo, hinding hindi ka magkakaroon ng anak! Tandaan mo 'yan!" Nanggagalaiting sabi ng babae hanggang sa tumulo ang luha nito. "Paghihirapan mo muna ang lahat bago mo makuha ang gusto mo. At hindi lahat ng bagay ay kayang bilhin ng pera mo!"

"Ms. Alba, maaari ka naming ihabla sa ginagawa mo sa aking kliyente." Inawat ni Montague si Atty. Robles.

Hinarap ni Montague ang babae. "Lalaki ako, Stella. Hindi naman talaga ako magkakaanak. Hindi rin ako magbubuntis. Let me correct that. I can buy as many women as I can and make her the queen of my house if she is capable of giving me... even ONE PRECIOUS CHILD FROM MY OWN SEMEN. Unlucky womb of yours who is not worthy of my only heir, and you too banished instantly in my life.... FOREVER!" Walang kagatul-gatol ding tugon ng 39-year-old na lalaki.

"Yeah, iyan lang ang ambag mo sa amin para magkaanak kami but maybe, that baby will never even be born unless you, too experience suffering the way you make us suffer."

"You know, Stella. You are just an ambitious virgo who cannot even prove your womanhood to me, so get lost. Hindi kita kailangan. Tapos na ang papel mo sa buhay ko at para sa akin, wala kang kuwentang babae dahil hindi rin naman mapapakinabangan ang bahay-bata mo." Tiim-bagang na tinitigan ni Stella ang lalaki habang tinalikuran na siya nito. Nanatili siyang nakatayo roon at hindi na pinag-aksayahan ng luha ang nangyari sa maikling pagsasama nila ng lalaking lubos niyang minahal. 

Suki na si Montague Bluebird for announcing his engagement with his girlfriend in public. For several times, people would expect him to be in front of the camera after a few months for breaking the same engagement dahil sa samu’t-saring kadahilanan. Hindi na bago ang balitang divorce sa kanya.

"Sabi ko na nga ba?"

"Hey, what’s wrong with this people? Feeling artista! They have the habit of showing off even their expensive engagement ring but they end not serious with their relationship. So, it’s useless!"

"What’ s wrong with Mr. Bluebird?"

Iyon ang malaking palaisipan sa lahat. Hindi kailanman nalantad sa media ang kahit na isa man sa court proceedings na pinagdaanan niya after his sixth marriage.

"Is he not satisfied?"

"Baka naman maliit ang Bluebird?" Naghagikhikan ang mga nakarinig.

"Maybe, it’s not his inborn pair yet."

 "Amen! Nagsalita na naman si Sister Sandra."

Tawanan ng mga staff sa loob ng Bluebird Publishing Company. Hindi naman maitatago sa simpleng blind item lang ang balita. Kahit hindi pangalanan, alam nilang si Montague Bluebird ang tinutukoy dito. But, not only the breaking up of engagement that slowly disturbed the netizen.

He is being tagged as the man being a divorcee for several times. Among the many engagements ay nauwi naman sa civil rite.  But after 10 months, here he comes the bride and groom, as free as a bird.

"I wouldn’t waste my three-letter word to him kung ganyang klase ng lalaki ang makikilala ko."

"Omg! I’m having a goose bump."

"Hindi niya matitkman ang alindog ng aking kabirhenan dahil wala siyang kuwenta lalaki."

"Sister Sandra, masamang magsalita ng tapos. Baka mamaya..."

Matalim na tingin ang isinukli niya sa lalaki.

"Sinong magkakagusto sa ganyang lalaki? Abah, para lang akong mag-a-apply ng trabaho. Important qualification is being capable of child bearing bago ako pakasalan. Parang kasama ang obygyne na kikilatis sa akin bago ako pumasa sa kanya bilang Mrs. Bluebird. At magiging pang ilang Mrs. Bluebird na ba ako sa listahan niya kung sakali?"

"Huwag ka namang maging harsh kay Mr. Bluebird. At saka Sister Sandra, remember the goods of marriage...ang pinakaunang purpose ng mag-asawa ay magkaroon ng anak."

"If not... filing a divorce is the solution? Hey, I am not going to marry a man who is only after my child. He should first of all going to chase after me. It’s a must to love me first...eternally and forever until death do us part." Gigil na gigil nitong sabi.

“Kailangang matuto ng Theology of the Body para may respeto sa katawan ng mga babae.” Komento pa ng kausap nito.

Samantala, tahimik na sa loob ng sasakyan si Montague at ang kanyang abogado.

“Make all the necessary arrangements for Stella. Siguraduhin mong hindi siya maglalabas ng kahit na anong statement tungkol sa aming paghihiwalay.”

Alam na nang abogado ang gagawin dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-file ng divorce ang mayamang CEO. Tumingin na lang ito sa labas ng salamin habang hinihintay na sagutin ang kanyang tawag sa kabilang linya.

“Howard, let’s meet sometime this evening. Yeah, sa dating tambayan.”

Hindi naman totoong hindi siya nasaktan sa lahat ng hiwalayang nangyari sa kanyang relasyon. He is beginning to blame himself for all of these failures in relationship.

“Divorce again? Montague, kailan ka matututo sa pakikipagrelasyon? Mangingilag ang mga babae sa iyo. Mahihirapan kang humanap ng permanenteng karelasyon kapag ganyan ang trato mo sa mga babae. Para ka lang nagpapalit ng damit. Kapag hindi mo nagustuhan, konting gusot lang, divorce kaagad. Hindi ka ba napapagod?”

Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng kanyang ina. Umaalingawngaw din iyon sa tenga ni Montague. Halos mapabayaan na nga nito ang mga responsibilidad sa kompanya. Balik na naman siya sa pagiging mainitin ang ulo sa loob ng opisina.

“Simple lang naman ang gusto ko… magkaroon ng asawa at anak.” Iyon din ang paulit-ulit niyang sagot sa walang kamatayang tanong sa kanya.

Si Amirah ang masuwerte at kauna-unahan niyang pinakasalan ngunit si Mon ang kanyang hiniwalayan dahil na-realized niyang hindi raw niya mahal ang lalaki.

He had at least 5 engagement which were all broken up after unknown reasons. The public were already puzzled.

Si Pamela ang pangalawa ngunit after 6-months, naghiwalay kaagad sila.

Si Adelaide, si Lorica at si Felicity ay nauwi rin sa hiwalayan.

With Stella, he thought that his relationship with her is exceptional pero hindi pala. Lahat sila ay may kanya-kanyang isyu sa sarili at sa bandang huli, they end up in the court. Pare-pareho silang lumabas na talunan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status