Share

CHAPTER 2: THE WOMAN OF HIS DREAMS

CLUB RAMA KTV BAR

Nakakabingi ang tugtog sa loob ng club. Hinanap kaagad ni Alexandra ang grupo ng kababaihang kanina pang naghihintay sa kanya. Sinalubong siya ng kiss sa labi ni Olivia kasabay ang mahigpit na yakap dahil sa matagal na hindi sila nagkita. She even stuck out her tongue kaya ito napailing. That’s her favorite style.

"How’s my California girl?"

"Still alive and kicking, Honey. Getting ready to get fuck anytime. Kanina pa nga akong naghihintay ng lalaking masisilo ko rito." Naghagikhikan ang dalawa habang nag-iinuman ang mga kasama nila.

Tumingin-tingin sila sa mga kalalakihang naglipana sa lugar. Hindi nila namalayang kanina pang may mga matang nakamasid kay Alexandra.

“Boss, kakaibang babae talaga!” Ikinumpas niya ang kanyang daliri sa bulong ng kanyang kanang kamay na si Bulldog. Pumitik ito at iniabot sa kanya ang baso ng alak. Pinakatitigan ang mukha ng babae sa monitor. He traced his fingers on the screen at bigla siyang pinagpawisan. Ramdam niyang may kakaibang reaksyon ang kanyang alaga sa harap habang tinititigan niya ang babae.

Kalma, diet muna tayo ngayon,” sabi niya sa sarili.

“Another subject? You’re too impulsive. Para ka lang nagwi-window shopping,” bulalas na sabi ng kaibigan.

“Magkukuwarenta ka na. Nakatatlong anak ka na sana. Hindi ‘yung diborsyo ang binibilang mo,” baling niya ng tingin sa lalaking nagsasalita habang hawak ang alak.

“Hindi lang siguro ako masuwerte, Pare.” Tinapik siya ni Howard.

“Hindi pa siguro dumarating ang babaeng nakatadhana para sa iyo. Masyado ka lang nagmamadali. Why not take your time in a relationship?”

Biglang natahimik si Montague.

“Am I cursed?”

“Anong cursed? Eh, mukhang may naispatan na nga eh!”

Nagtawanan ang mga kalalakihan.

Samantala, dumating si Chandler mula pa sa kanyang pictorial. Nakasimangot ito. Pumasok siya sa isang pribadong silid ng KTV Bar. Inagaw niya ang baso ni Sophia at pinaalis niya ito sa kanyang upuan at tinitigan pa siya ng masama. Nilagok niya ang laman nito.

"Mukhang masama ang timplada ng isa dyan ah!" sabi ni Hilary.

"Shut up" tugon nito at inirapan ang kausap.

Hindi naging maganda ang kanyang huling pictorial. Pinagmumukha siyang bayaran ng mga lalaking kapartner niya. Nitong huli ay sinundan siya ng lalaki sa loob ng kanyang dressing room at niyayang mag-quickie sila.

Iyon ang hindi niya nagustuhan kaya siya nag-walk out sa pictorial at dumiretso sa Club Rama KTV Bar.

Lumabas muna siya upang mag-CR ngunit nakita niya si Olivia sa counter, ang dati niyang katunggali sa isang modeling contest.

"Girls just wanna have fun, right?" Kinagat ni Olivia ang punong tenga ng babae bilang pagbati. Kilala naman ni Chandler ang babaeng Lesbiana. They shared the same secret but this time, she rather had a male partner.

"Kung gusto mong ilabas ang init ng katawan mo, huwag sa akin. Nakakadiri! Yuck!" Kinuha nito ang bote ng vodka na hawak ng bar tender. Akala niya ay ihahampas na sa babae.

"Look at this bitch! You’re just a pin girl with almost perfect body. But sooner or later, you'll end up a lonely erotic boudoir subject. Feeling mo, sikat ka na ha! Pagsasawaan ka rin nila kapag wala kang silbi." Hindi nakapagtimpi si Chandler at ibinuhos ang laman ng alak ngunit humarang si Alexandra at halos maligo siya ng vodka. Tumutulo ang alak sa kanyang ulunan. Nagkaroon ng konting komosyon sa pagitan nila ngunit mahinahong lumayo ang dalawa.

Hindi humingi ng sorry si Chandler sa nangyari but Alexandra met her for the first time up close and personal at natigilan siya sa kanyang nakita. There is something strange about her.

“Pasensiya ka na. Lasing na kasi siya.” Ngunit tinalikuran na lang siya ng babae.

Lasing na si Olivia Watson. At medyo nasa hallucinating stage na siya for taking a coke kaya malakas ang loob niyang magsalita kay Chandler.

She’s still a bully.

"I’ll take care of her." Mabilis na umalalay si Milo.

Naupo muna si Alexandra sa loob ng kanilang KTV Room. Dumating ang isang waiter at iniabot sa kanya ang isang baso na may lamang alak.

“Here’s your Martini,” sabi nito.

Kaya siya lumabas upang orderin ang alak sa counter ngunit naiwan na niya ito.

“Sir, naibigay ko na po,” sabi ng waiter sa kabilang linya paglabas nito ng kuwarto. Sinilip muna kung nainom na ba ni Sandra ang alak. Napangiti na lang siya at umalis.

Matagal na siyang nagtataka kumbakit kamukha niya ang sikat na centerfold model na si Chandler Mayward.

“Papa, who is she?” But his papa kept changing the subject. Hindi siya makakuha ng matinong sagot sa kanyang ama.

“Anong nangyari? Nasaan na si Olivia? Umalis lang kayo saglit…may away kaagad?” Nagulat si Sandra. Malalim kasi ang iniisip niya ng biglang dumating ang ibang kaibigan galing sa dance floor.

“Nagkita sila ni Chandler sa labas.”

“Aw!” Napailing na lang si Peppa at Hilary.

Masama ang loob ni Olivia dahil pakiramdam niya ay ginamit lang siya ni Chandler for bringing out the issue about their secret relationship. Matapos lumabas ang blind item na iyon ay nag-break na sila ni Chandler at natalo si Olivia sa contest.

Tumayo si Alexandra matapos inumin ang alak.

“Saan ang punta mo?”

“Lalabas lang ako. I wanna breath some fresh air.” Magpapahangin lang sana si Alexandra ngunit unti-unti niyang naramdamang umiikot ang kanyang paningin. Hindi niya alam kumbakit. Napapilig siya ng ulo at sinikap na makapasok sa loob ng banyo para maghilamos. Hindi niya napansin ang lalaking sumunod sa kanya. Nasalo siya ng lalaki sa kanyang matipunong mga bisig.

“Gotcha! Just the exact vodka I am looking for. You’re so good to taste!" Iyon ang bulong ng malamig na boses sa kanya. Titig na titig ang mala-anghel na mukha ng babaeng iyon.

Nasaksihan niya ang komosyon ng mga kababaihan hindi naman naging dahilan upang huminto ang kasiyahan ng lahat. Tuloy ang sayawan at inuman at sa labas na rin niya itutuloy ang kasiyahang alam niyang makakatighaw sa kanyang uhaw na kaluluwa.

Matagumpay niyang nailabas ang babae sa Exit ng bar. Ipinasok niya ang walang malay na katawan ng babae sa kotse at dumiretso sila sa kanyang sariling hotel suite sa Peninsula Hotel.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status