Nagmadaling lumabas si Alexandra sa loob ng Exclusive Suite na iyon. Halos itago niya ang kanyang mukha sa mga chambermaid at bellboy na kanyang nakasalubong sa pasilyo ng hotel. Makahulugan ang ngiti ng bumati ang mga ito sa kanya.
“Good morning, Ma’am,” bati ng lalaking nakauniporme ng puti at may puting cap pa ito.
“Good morning,” seryosong bati nito.
Nagmadali siyang pumasok sa elevator. Halos patakbo siya at nagmadaling pumara ng kotse sa labas.
Ni wala siyang maalala. Hindi man lang niya tanda kung sino ang lalaking katabi niya na pinagbigyan niya ng kanyang sarili sa unang pagkakataon.
Nagmadali siyang pumasok sa gate ngunit malakas na sampal ang sumalubong sa kanya pagpasok ng kabahayan.
"Papa, what is that for?"
"Anong problema mo ha?" Hindi na nito itinuloy ang sasabihin. "Nakakahiya ka!" Ipinamukha ni Rico ang litratong kumakalat sa social media.
"Olivia is my bestfriend. Hindi lang po kayo sanay. Hindi naman po kami nag-lips-to-lips, Papa. At saka, hindi naman din po tomboy ang mga taong ganoon. Matalik ko pong kaibigan si Olivia sa Little West.” Hindi umimik si Rico.
"Leave the country today. Ayokong maging usap-usapan ka at pagkaguluhan ng media. Here’s your ticket. Your flight will be this afternoon. Take time to pack up your things. Your grandma will be waiting for you in Brazil."
"Papa..."
"Don’t mess your life, Sandra, just because you hate your mom. I’ll come and meet you there in two days.”
“Just tell me, where she is? Bakit hindi ninyo sinasabi kung sino siya at kung nasaan siya? Ayaw ba niya akong makita?”
Alexandra Parker lived in a broken home. Nagisnan niyang kasama ang kanyang ama at baby pa lang daw siya ng mapawalay siya sa kanyang ina. Iyon lang ang detalyeng alam niya.
“It is not yet the right time.”
“Right time! Right time! Ilang beses ko na rin pong narinig ‘yan sa inyo pero hanggang ngayon…”
Alam naman ni Alexandra na maaaring hindi pa talaga iyon ang tamang panahon upang magkita sila. The right time is God’s time.
Pumasok siya sa loob ng kanyang kuwarto. Halos ibabad niya ang katawan sa bathtub upang linisin ang kanyang katawan ngunit hindi niya lubos maisip kung ano ang nangyari ng nagdaang gabi.
“How could I be so reckless to even give my body to that man? Kung sinuman siyang hayop siya!” Nagsisigaw siya sa loob ng banyo sa sobrang galit. Wala na siyang magawa.
A month ago...
BLUEBIRD PUBLISHING COMPANY
OFFICE OF THE EDITOR-IN-CHIEF
Biglaan ang pagdating ni Mrs. Mona Bluebird sa kanyang opisina nang walang pasabi. Abut-tenga ang ngiti nito sa kanya. Napatayo si Sandra at bumati sa babae. Sampung taon na rin siya sa kompanya kaya ganoon na lang siya ka-close sa babae.
“Good morning, Mrs. Bluebird. Bakit po kayo napasugod? Hindi man lang po ninyo sinabing pupunta kayo ngayon?”
“Do I need to inform you, Ms. Parker?”
“Well, I hope you did, para naman po nakapaghanda ako.”
“Coffee na lang dear.”
Niyaya ni Alexandra ang babae sa sopa. Maya-maya pa ay dumating ang sekretarya nito dala ang dalawang tasa ng kape. Dahan-dahan niyang iniabot ang kape sa babae. Hindi halata sa hitsura nito na Senior citizen na siya.
“Sandra…” sumeryosong bigla ang hitsura nito.
“Yes, Ma’am.”
“I want you to go to Brazil.”
Isang espesyal na assignment ang ibinigay sa kanya. Maglalabas ng isang exclusive collection para sa ika-dalawampung anibersaryo ang kanilang kompanya featuring each branch in different countries worldwide. Mahaba-haba na rin ang nilakbay ng publishing company.
“It’s an honor, Mrs. Bluebird,” sagot ni Alexandra.
“Hmmm, Sandra…I also wanted you to meet my son there.” Natigilang bigla si Sandra.
“PO!” Napatakip ng tenga ang babae sa lakas ng boses ng babae sa harapan niya.
“Are you raising your voice at me, Ms. Editor-in-chief?”
“Definitely no, Ma’am.”
Matagal ng binabanggit ni Mona kay Alexandra ang tungkol sa kanyang anak. Ngunit mahigpit niya itong tinutulan. She is a busy woman to even think of dating. All she did her life is work, work and work.
Hindi niya tinanggihan ang trabahong iyon dahil doon siya ipinanganak. Makikilala na rin niya ang kanyang Lola Sonia sa unang pagkakataon. Ilang beses na siyang sinabihan ng ama na magbakasyon upang maisama siya nito sa Brazil.
Dinig ni Alexandra ang katok sa pinto. Bumukas ito.
“Sandra, let’s eat!” Pumasok ang kanyang ama at hinila siya sa kama. Naupo silang mag-ama sa gilid nito.
“Papa…”
“I’m sorry, Anak. Give me some time, okay?” Tumango ang dalaga.
“Actually, I am on-leave for a year. I’ll be leaving in two – days for Brazil. May branch po doon ang Bluebird Publishing and they are sending me for a special assignment.”
“That’s good. Take some fresh air there. Baka doon mo na rin mahanap ang “the one” mo.”
“Papa naman eh!”
Pagkatapos kumain ay pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari ngunit walang rumehistro sa kanyang isipan. It was not her plan to have a one-night stand with a mysterious man. That was a wrong move she made that night.
Tinawagan niya si Olivia upang kumustahin ito. Halatang kagigising lang niya. Tawa ng tawa si Olivia sa kabilang linya.
“How could I be so stupid enough to just jump over that big brown fox on the bed?” Iyon ang sabi niya kay Olivia.
“Hindi kaya, iyon talaga ang pantasya mo sa buhay. Was that even in your bucketlist? To get devirginized by a mysterious man? As in hindi mo kilala?” Sunud-sunod na tanong ng kaibigan.
“Hanggang ngayon nga eh, hindi ako makapaniwala.”
“Hindi ka sumigaw ng rape.”
“E, ‘di pareho kaming naiskandalo. Anyway, I hope you can do something to report all those pictures in the internet. Galit na galit si Papa sa akin. He was thinking na nagrerebelde ako dahil kay Mama.”
“Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng mga litratong iyon. Don’t worry, akong bahala!” pagbabantang sabi nito sa kaibigan.
“Matagal tayong hindi magkikita, Olivia. I’ll miss you. Promise to behave ha!”
“Opo, Ate!”
Besides being a friend, she considered Sandra as her sister. Masasabi niyang totoong kaibigan ang babae sa kabila ng pagiging liberated nito. Hindi naman iyon hadlang upang maging magkaibigan sila.
Gulat na gulat si Chandler ng dumating sa location ang diborsyadong si Mr. Montague Bluebird. May dala itong magandang bouquet ng bulaklak habang kasama ang ilang alalay niya. Kitang-kita niyang nagbulungan pati ang buong staff ng Baron Advertising kasama ang ilang bagito ngunit beteranong photographer ng DreamWorkX Company.Iniabot kay Chandler ang kanyang bathrobe matapos ang pictorial kasama ang dalawang lalaki sa ibaba ng hood ng kotse. Nasa madamong bahagi sila ng burol na iyon with an old cadillac. Walang itatago ang buong katawan ni Chandler ng mga oras na iyon kahit naka-dark glasses pa si Montague. Aliw na aliw siyang pinagmamasdan ang kabuuan ng babae at inaalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi.“Let’s have a break everyone,” sigaw ng kanilang director. Bumaling naman si Felix sa CEO at malugod na inanyayahan siya kanyang kubol ngunit diniretsa niyang ito.“I want to have a heart-to-heart talk with Ms. Mayward. Please!” magalang nitong pakiusap sa hindi pa ganoon ka
Umalis si Sandra patungong Brazil na hindi na inaalala ang nangyari sa kanya. Huli na para magsisi. Inisip na lang niyang may mga lalaki pa naman sigurong magmamahal sa kanya kahit hindi siya perpekto ngunit sa kabila noon, mas gusto pa rin niya itong ibigay sa bukod tanging lalaki na mamahalin niya habambuhay. That’s a perfect gift for your husband. “Hindi naman pag-aasawa ang pupuntahan ko sa Brazil. Why bother about it?” sabi ni Sandra sa sarili habang nakatingin sa labas ng eroplano. Makakapal na balumbon na lang ng mga ulap ang kanyang nakikita. Abala na sa loob ng eroplano ang mga crew nito. Ramdam pa rin niya ang pagod at muling bumigat ang talukap ng kanyang mga mata. Hindi niya napigilan ang antok. Humigit kumulang isang araw ang kanilang biyahe kasama ang kanyang ama. Masayang sumalubong ang kanyang lola. Matagal na panahon siyang hindi nakita nito matapos maghiwalay ang kanilang magulang sa cruise ship. “Oh, Sandra. You ‘re such a lovely girl.” Marunong naman ang kanyang
Maagang sinundo si Sandra ng company car upang pumasok sa opisina kinabukasan. Nakita na niya ang lalaki sa clear glass ng kanyang opisina. Maayos ang kanyang pananamit at mukha itong CEO sa halip na isang Editor-in-chief lang. Seryoso siyang nakaupo sa kanyang boss’ chair habang nakaharap sa monitor ng computer. “Mr. Templeton, Miss Alexandra Parker is here,” sabi ng kanyang sekretarya. “Mr. Photographer?” Gulat na gulat si Sandra. Hindi siya maaaring magkamali. “Yes, Miss Alexandra Parker.” “Sino pong photographer ang tinutukoy ninyo?” “I thought… ah, namamalikmata lang siguro ako. I need to change my glasses to contact lenses para mas malinaw ang paningin ko.” Seryoso ang lalaki at hindi man lang ito ngumingiti. Nakipagkamay naman ito sa kanya. Matapos ang konting kuwentuhan sa proyektong kailangan niyang gawin ay nagtungo na siya sa kanyang opisina. Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Mon sa loob ng knayang opisina. Busy siyang nakatingin sa kanya monitor habang kanina pang
Parang nabingi si Sandra sa sinabi ng doctor. Buntis siya. At ang lalaking iyon ang ama. Ngunit sino ang lalaking iyon.“Who the hell is this man para gawin niya ito sa akin?” Unti-unting tumulo ang kanyang luha. Mabilis niya itong pinahid ng bumukas ang pinto at nakita niya si Monarch. “Thank you for sending me here. I am okay now.”Nasa pinto na si Sandra ng bigla siyang tanungin ng lalaki. “Are you married?” ngunit wala siya sa kondisyon para sagutin ang tanong na iyon. Hindi niya kailangan sagutin ang tanong. Nagmadali siyang lumabas ng kuwartong iyon.Sinundan siya ni Monarch sa pasilyo ng clinic na iyon upang komprontahin siya.“Sandra, talk to me!”“NO, I am not married. Kung tatanungin mo kung sino ang ama ng anak ko, WALA! Wala siyang ama dahil hindi ko kilala ang lalaking gumawa nito sa akin.”“Sandra…”“Puwede bang layuan mo ako, Mr. Templeton? Siguro ngayon ay alam mo na kung anong klaseng babae ako. I don’t deserve anyone.”“Nobody deserve to be this way but you still des
Sinunod ni Sandra ang mga sinabi ni Mr.Templeton upang maiwasan nila ang away at diskusyon habang nasa Brazil siya. Ayaw kasi niyang maging usap-usapan sila ng mga staff dahil na rin sa sarili nilang kagagawan. Minsan ay patingin-tingin lang ang mga staff nila pero halata sa mga mata nila na gusto nilang mang-intriga. Mataas lang ang paggalang ng buong department kay Mr. Templeton kaya hindi nila ito nabibiro tungkol sa kanyang personal na buhay. Hindi naman maikakaila sa kilos nang dalawa ang lihim na namamagitan sa kanila. “Ngayon ko lang nakitang uminit ang ulo ni Sir?” “Imagine, I heard that Miss Sandra was sent here to a project. But look at Sir Mon. Siya ‘yung nagpapakapagod sa labas.” Malaki na rin ang tyan ni Sandra. Halos limang buwan na rin. Habang tinitingnan ni Sandra ang selection ng mga litrato ay nag-muscle cramps ang kanyang binti. Napatakbo si Seiji sa opisina ni Mr. Templeton. “Sir Mon, si Ma’am Sandra po!” “What happened?” Nagtinginan ang lahat kung anong nan
PRE-PANDEMIC TIMEIpanema, Rio de Janeiro, BrazilTumagal sa Brazil si Sandra at ang kanyang pamilya. Hindi na mapipigilan ang paglaki ng bata kaya lalong napalapit si Monarch dito. Siyan a halos ang tumayong parang ama nito. Masyado niyang na-spoiled si Alexis Martin. Alam naman ng bata na hindi si Monarch ang ama nito.“Alexis, mommy told you that we are going to the mall to eat and have fun and play but you are not going to buy any toys.”“Minsan lang silang maging bata, Sandra. Pagbigyan mo na.” Ngunit hindi masabi ni Sandra na wala sa budget niya ang pambili ng mamahaling laruan. Marami pa siyang pagkakagastusan.“Come, Alex. Tell Tito Monarch what you like. Let’s buy one toy.”“Only one toy.” Tumango ang lalaki habang karga niya ang dalawang taong gulang na bata. Madaldal na itong magsalita. Aliw na aliw sa kanya si Monarch.“Yes, only one toy.” Nakatingin si Sandra sa kanilang dalawa.“Mon, huwag mo na siyang ibilhan.”“Ako na ang bahala.” Nakahawak si Sandra sa damit ng binata
Marami ang naapektuhan ng dumating ang isang malawakang pandemya. Tuluyang nanatili si Sandra at ang kanyang staff sa Brazil. Halos dalawang taon din bago lumuwag ang sitwasyon maging sa paliparan.Magtatatlong taon na si Alexi ng bumalik ang ama sa Pilipinas.“Sandra, uuwi na pala ako sa Pilipinas. Hanggang kailan ka ba dito?” Marami na siyang napabayaan sa kanyang negosyo sa Pilipinas. Ang ilan sa kanyang restaurant ay bigla niyang naipasara at marami siyang empleyado na nawalan ng trabaho.“Don’t worry, Papa. Pag-uwi namin, magpapaalam na kami ni Sandra. ‘Di ba, Sweetheart?” Ngunit hindi umimik si Sandra.Hindi nila napag-uusapan ang tungkol sa magulang ni Monarch. Hindi rin naman nagtanong si Sandra.“Bakit bigla kang nanahimik?” Umiling ang babae. “Ipapakilala kita kay Mama pag-uwi natin sa Pilipinas. She is excited to see you.”“Alam ba ng mama mo na may anak ako?”“Malalaman niya pag-uwi natin.” Hindi sinasadya ni Sandra ang magdabog. “Galit ka ba?”“Don’t worry about me, Mona
Hindi pinansin ni Montague ang asawa ng pumasok ito sa kanyang opisina. May dala-dala itong pagkain sa kanya. Abut-tenga pa ang ngiti nito sa kanya. Nagbisi-bisihan pa rin siya sa kanyang ginagawa. Marami naman talaga siyang dapat asikasuhin kaya lang mga minor decision lang naman ang ilan kaya mabilis na nagagawaan ng paraan.Iyon ang pinakaunang matindi nilang pagtatalo sa loob ng tatlong taon. Awang – awa naman talaga siya sa kalagayan ng asawa. Naawa rin siya sa anim na babaeng kanyang hiniwalayan. Umiyak din sila at nagmakaawa sa kanya. Hindi lang niya binigyan ng pagkakataon ang mga ito. Pagkatapos niyang mapahiwalay sa mga babae ay nagkaanak din sila sa kani-kanilang mga naging asawa. Ngunit positibo pa rin si Montague na wala sa kanya ang diperensiya.“Honey, huwag ka nang magalit. Bakit ba hindi mo tinatanggap ang tawag ko?” Kumandong si Chandler sa asawa. Nilambing niya ito sa loob ng opisina.“Do something to get Montague’s trust. I’ll assure you. We can get someone to make