ISANG MALAKAS na paghila ang ginawa ni Hasna upang umabante nang husto ang isang sako ng ipa na kaniyang dala-dala papunta sa lugar kung saan ay madalas siya tumatambay at nagsasanay.Tagaktak ang kaniyang pawis nang makarating sa tapat ng isang malaking puno. Ibinagsak niya ang lubid na kaniyang kinuha sa bodega ng bahay nila at saka inupuan ang sako ng ipa na kaniyang hila-hila. Humahangos itong pinunasan ang kaniyang noo na halos mabasa ng kaniyang mga pawis. "Wews!" Dahan-dahan niyang inabot ang lubid na kaniyang dala at saka itinali ito sa katawan ng sako. Nang maitali ni Hasna ang lubid sa katawan ng sako at masiguradong hindi na ito mahuhulog pa sa oras na isinabit, ibinato niya ang natitirang lubid sa isang malaking sanga ngunit bigo itong maisabit sa braso ng sanga.Walang ibang naisip si Hasna kung hindi akyatin ang puno ngunit bago siya umakyat ay hinila niya muli ang sako at itinapat sa sanga."Ang bigat naman, ay! Dapat pala ay hindi ko ito iniwan sa labas. Sa kaiisip k
HINDI mapakaling naglalakad si Hasna habang nakatingin sa paligid na unti-unti nang nilalamon ng dilim. Hindi niya mawari an gang kaniyan pakiramdam dahil sa magkahalong panggigigil at takot para sa kaniyang mga kasama. “Hasna,” tawag ni Mang Rigor sa kaniya kaya naman nakuha nito ang kaniyang atensyon. Bumaling ang leeg ni Hasna sa direksyon kung saan niya narinig ang tinig ng lalaki. “Mang Rigor,” mahinang sambit niya at saka ito sinalubong. “Wala pa rin ba si Kapitan Klaus?” “Wala pa, kanina ko pa nga siya hinihintay dahil ang ilan sa mga armas ay nasa loob pa ng bahay,” sagot ni Hasna. T umango-tango naman si Mang Rigor at saka napakamot sa kaniyang ulo. “Nakapuwesto na rin naman ang ilang hunters sa mga lugar kung saan sila nakatalaga. Mas maaga namin silang pinapunta sa puwesto dahil mas malaki ang tyansa na hindi alam ng mga taong lobo kung saan sila nakatago,” ani Mang Rigor. “Tama lang ‘yon, Mang Rigor pero hindi ba’t malalakas ang pang-amoy ng mga taong lobo kaya may po
SA TUWING sasapit ang dilim, nagbabadya ang panganib sa paligid. Hindi mo sila makita at hindi mo alam kung kailan sila aatake.Mula sa malayo sila ay nakamasid, ninanamnamn ang iyong halimuyak at kapag hindi nakapagpigil sa tawag ng kanilang kumakalam na sikmura ikaw ay kanilang lalapain hanggang ikaw ay mawalan ng buhay.Humans are just like a livestock for them were they can eat whenever they want and they feel hungry.Sinong mag-aakala na sa modernong panahon na ngayon ay mayroon pa palang katulad nila, namumuhay at tahimik na naghahasik ng lagim, nagbibigay ng takot at pangamba sa kanilang mga naging biktima.Mababalahibong katawan, matatalas na kuko at matutulis na ngipin na kapag bumaon sa iyong balat ay tiyak na ikaw ay papalahaw hanggang sa unti-unti lang mawalan ng boses at hininga.“Hindi ko akalaing sa edad kong ito ay mayroon pang katulad nila, umaaligid at naghihintay ng tiyempo. Hindi ko rin lubos maisip na sila ay namumuhay sa modernong panahon,”“Hindi ako makakapayag
UMAGANG-UMAGA ay ginising si Hasna nang alingawngaw ng pagpupukpok ng pako mula sa itinatayong bahay sa sitio. Maririnig din ang tilaok ng mga tandang at putak ng inahin na malapit nang mangitlog.Napabalikwas siya mula sa kaniyang pagkakahiga at antok na antok pang napakamot sa kaniyang ulo. Napasimangot na lamang siya nang marinig ang malakas na pagngawa ng isang bata sa gilid ng kanilang bahay na umaabot sa kaniyang ang ingay sa kaniyang silid.Napailing-iling na lang si Hasna at napatayo dahil sa inis. Kaagad na lumabas siya sa kaniyang silid at dumiretso sa palikuran para maghilamos at magmumog.Nang matapos sa pag-aayos ng kaniyang sarili, kaagad siyang naglakad papunta sa mesa para magtimpla ng kape.“Magandang umaga, Hasna,” bati ng isang babae na kapapasok lang ng bahay at may suot-suot na chaleco.“Magandang umaga, Kapitana. Nag-almusal ka na po ba?” tanong ni Hasna sa matanda. Tatayo na sana si Hasna para ipaghanda siya ng almusal ngunit hindi natuloy dahil sa isinenyas n
panganib sa paligid. Hindi mo sila makita at hindi mo alam kung kailan sila aatake.Mula sa malayo sila ay nakamasid, ninanamnamn ang iyong halimuyak at kapag hindi nakapagpigil sa tawag ng kanilang kumakalam na sikmura ikaw ay kanilang lalapain hanggang ikaw ay mawalan ng buhay.Humans are just like a livestock for them were they can eat whenever they want and they feel hungry.Sinong mag-aakala na sa modernong panahon ngayon ay mayroon pa palang katulad nila, namumuhay at tahimik na naghahasik ng lagim, nagbibigay ng takot at pangamba sa kanilang mga naging biktima.Mababalahibong katawan, matatalas na kuko at matutulis na ngipin na kapag bumaon sa iyong balat ay tiyak na ikaw ay papalahaw hanggang sa unti-unti lang mawalan ng boses at hininga. “Hindi ko akalaing sa edad kong ito ay mayroon pang katulad nila, umaaligid at naghihintay ng tiyempo. Hindi ko rin lubos maisip na sila ay namumuhay sa modernong panahon,” bulong mahinang sambit ni Hasna habang pinagmamasdan ang ilang siyud
NANLILISIK ang kulay asul nilang mga mata, bakalabas ang mahahaba at matutulis na kuko, nakalabas ang mga ngipin habang tumutuloy ang laway at handa nang sugurin sina Eris at Hasna.“Eris, ilayo mo ang babae. Ako na ang bahala rito,” sigaw ni Hasna. Kaagad na hinila ni Eris ang babae palayo sa lugar habang si Hasna ay hinintay na makalapit ang dalawang lalaking nauna sa pagsugod.Sinugod ni Hasna ang dalawa. Akmang kakalmutin siya ng naunang lalaking sumugod, mabuti na lang ay kaagad na napayuko si Hasna at saka ito binigyan ng suntok sa sikmura at nilampasan ito para sugurin naman ang kasunod nitong kasama.Gamit ang kaniyang hawak-hawak na kutsilyo, sinugatan niya ang tagiliran ng taong loob. Nang muling malampasan ni Hasna ang dalawang taong loob kaagad siyang lumingon at mabilis na hinagis ang isang kutsilyo na tumama mismo sa likurang bahagi ng ulo na siyang nagpahinto sa pagkilos nito.Matalim na mga tingin ang itinapon ni Hasna sa taong lubo na kaniyang sinikmuraan. Tila ba lal
PAGKABASAG ng mga gamit ang umalingawngaw sa loob ng silid. Rinig na rinig ng isang bata ang mga nangyayari sa loob ng bahay habang nakatago sa ilalim ng sahig na ginawa ng kaniyang ama. Animo’y alam na alam na ng kaniyang ama ang mangyayari sa kanila kung kaya’t pasimple itong kumikilos na para bang pinaghahandang ang isang trahedya.Tinakpan ng bata ang kaniyang tainga upang hindi marinig ang mga kalabog. Ngunit kahit anong pilit niyang pagtakip ay naririnig pa rin niya ang mga kalabog sa ibabaw. Hindi maiwasang hindi maiyak ng batang babae nang marinig ang pagmamakaawa ng kaniyang ina pati na rin ang pag-iyak ng isang batang babae.Rinig na rinig rin ng batang babae ang pagdaing ng kanyang ama na tila ba nakikipaglaban pa at nagpupumilit pang iligtas ang kaniyang mag-iina. “Sagabal ka sa mga plano ko, Rudeus. Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa akin at sa mga kasamahan ko. Pinagkatiwalaan kita!” sigaw ng isang lalaki na mayroong malaki at malalim na boses.Mula sa isang
NAGISING na lamang si Hasna dahil sa sikat ng araw na tumama sa kaniyang mukha. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakaupo at nakaunan ang kaniyang ulo sa kuwadernong nasa kaniyang harapan.Naniningkit ang kaniyang mga mata nang bumangon at saka ko ito kinusot-kusot. Nag-unat siya ng kaniyang katawan upang maibsan ang pangangawit ng kaniyang likuran mula sa pagkakatulog.Bigla na lamang siyang napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas at iluwa nito si Kapitan Lena na may dala-dalang walis."Kapitana," tawag ni Hasna sa matanda. Lumingon naman ito sa kaniya at saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. Itinabi niya ang dust pan at ang kanyiang hawak na walis sa gilid ng pintuan."Akala ko tulog ka pa," wika ni Kapitana Lena. Nangunot ang noo nito nang mapansing magulo ang ibabaw ng mesa ni Hasna at gusot ang mga pahina ng papel sa kuwaderno nito."Sandali nga, nakatulog ka sa mesa mo?" tanong nito kay Hasna.Marahan na tumango si Hasna at dali-daling inayos ang m