Share

CHAPTER 13

ISANG malakas na hampas ng hangin ang dumampi sa balat ni Hasna. Walang imik niyang pinagmamasdan ang buong sitio ng Perdis. Hinayaan niya lang na guluhin ng hangin ang kaniyang buhok.

Huminga siya nang malalim bago mabilis na hinugot ang kutsilyo mula sa lalagyan nito na nakatali sa kaniyang tagiliran at itinutok ito sa kaniyang gilid. Dahan-dahan niyang binaling ang kaniyang paningin sa gilid kung saan nakatutok ang kutsilyo.

“M-muntik na ‘yon, ah,” kinakabahang sabi ni Almidos. Ibinaba ni Hasna ang kaniyang kutsilyo at muling ibinalik sa lalagyan nito.

“Bakit ba hindi mo na lang ako tinawag o hindi kaya’y malayo pa lang ay nagsalita ka na?” tanong niya sa kaniyang kaibigan.

Nagkibit-balikat lang ito at saka napakamot sa kaniyang batok. “Ang lalim ng iniisip mo. Nakakahiya namang abalahin,” sagot ni Almidos.

“Sus, nahihiya kang abalahin ako o nasisiyahan kang tingnan ako habang nakatulala,” walang ganang sabi ni Hasna bag
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status