UMAGANG-UMAGA ay ginising si Hasna nang alingawngaw ng pagpupukpok ng pako mula sa itinatayong bahay sa sitio. Maririnig din ang tilaok ng mga tandang at putak ng inahin na malapit nang mangitlog.
Napabalikwas siya mula sa kaniyang pagkakahiga at antok na antok pang napakamot sa kaniyang ulo. Napasimangot na lamang siya nang marinig ang malakas na pagngawa ng isang bata sa gilid ng kanilang bahay na umaabot sa kaniyang ang ingay sa kaniyang silid.
Napailing-iling na lang si Hasna at napatayo dahil sa inis. Kaagad na lumabas siya sa kaniyang silid at dumiretso sa palikuran para maghilamos at magmumog.
Nang matapos sa pag-aayos ng kaniyang sarili, kaagad siyang naglakad papunta sa mesa para magtimpla ng kape.
“Magandang umaga, Hasna,” bati ng isang babae na kapapasok lang ng bahay at may suot-suot na chaleco.
“Magandang umaga, Kapitana. Nag-almusal ka na po ba?” tanong ni Hasna sa matanda. Tatayo na sana si Hasna para ipaghanda siya ng almusal ngunit hindi natuloy dahil sa isinenyas nito na maupo na lamang siya at ipagpatuloy ang pag-aalmusal.
“Nag-almusal na ako. Sabay kaming nag-almusal ng ninong mo kanina,” wika ni Kapitana Lena. Dahan-dahang umayos sa pagkakaupo si Hasna at napatango-tango na lamang habang ipinagpapatuloy ang pagkakape.
Tahimik na humigop siya ng kape habang pinagmamasdan si Kapitana Lena na kumilos.
Kinuha ni Kapitana ang isang bilao at ang gulay na sitaw na nakalagay sa nakabitin na basket. Naglakad ito palapit sa mesa at hinila ang upuan sa kaharap niyang puwesto. Umupo si Kapitan Lena sa kaharap na upuan ni Hasna at doon nagsimulang putol-putulin ang sitaw.
Si Kapitana Lena na ang tumayong ina ni Hasna magmula nang makuha nila ito sa gitna ng kakahuyan, umiiyak at punong-puno ng putik ang kaniyang kasuotan. Wala namang anak si kapitana kung kaya’t kinupkop niya si Hasna at itinuring na para bang isang tunay na anak.
“Hasna, ano’ng gusto mong luto nito sitaw? Adobo o gata?” tanong ni Kapitana kay Hasna
Napahinto sa paghigop ng kape si Hasna at tila ba napaisip pa ito. Natawa na lamang si Kapitan Lena nang matunghayan ang pag-iisip ng kaniyang anak-anakan.
“Ang hirap naman pumili,” sagot ni Hasna . Sabay silang natawa dahil sa sinabi ni Hasna. “Adobo na nga lang, kapitana,” pahabol na sagot ng dalaga.
Napailing-iling si Kapitana Lena habang patuloy sa pagpuputol-putol ng sitaw.
Natapos nang makapag-almusal si Hasna. Nagpaalam ito na lalabas at may pupuntahan lamang. Nangunot naman ang noo ni Kapitana Lena nang makita ang labit-labit ni Hasna ang isang bag.
“Sandali lang, Hasna, ano’ng gagawin mo sa bag na ‘yan? Saan ka ba pupunta? Sunod-sunod na tanong ni Kapitana Lena kay Hasna. Tumayo ito at naglakad palapit kay Hasna ngunit nang ilang hakbang na lang ang layo niya sa dalaga ay kaagad umurong palabas ng bahay.
“Pakisabi kay ninong, hihiramin ko lang ang mga gamit n’ya,” sigaw ni Hasna. Nakaharap ito sa kaniya. Kumaway-kaway pa ito bago tuluyang siyang tinalikuran. Walang nagawa si Kapitana Lena kung hindi ang bumalik na lamang ang ginagawa at ipaghanda ng makakain ang kaniyang alaga at ang kaniyang asawa na paniguradong kapag umuwi ay gutom na gutom.
Masayang naglalakad si Hasna papunta sa kaniyang binabalak na puntahan. Ang bawat tao na kaniyang makakasalubong ay binabati niya. Patalon-talon pa ito at kung minsan ay nangpipisil ng pisngi lalo na kapag bata ang nasa kaniyang harapan.
“Magandang umaga, Patring, Cyril at Jessica,” bati niya sa tatlong bata na maagang naglalaro sa nakatambak na lupa.
“Magandang umaga, Ate Hasna,” bati naman ni Jessica na hamak na mas matanda kaysa sa dalawang bata sa kasama nito.
Ngumiti si Hasna at isa-isang ginulo ang buhok ng mga bata na siya namang ikinatawa ng mga ito. Nang matapos niyang kulitin ang tatlo, kaagad na naglakad siya papunta sa kaniyang destinasyon.
Sinalubong siya ng makapal na usok mula sa gatong sa kaniyang kanan kung saan doon nagluluto ang si Mang Pedro gamit lamang ang kahoy. Kapansin-pansin ang pagiging abala ng bawat isa kahit na wala namang okasyon o maliit na handaan.
Tulong-tulong ang mga tao sa pagbubuhat ng kani-kanilang sako na naglalaman ng pananim papunta sa kaingin na pinagtataniman ng kanilang pangunahing pinagkukunan ng gulay. Ang iba ay may dala-dalang pala at tabak. Ang iba naman ay nakasuot ng mahahabang manggas na damit ay may dala-dalang timba at kawil na tiyak ay sa dagat ang tungo upang mangawil at maghanap ng lamang dagat.
Dire-diretsong naglakad si Hasna papunta sa kakahuyan na madalas niyang puntahan kung saan doon siya nagsasanay gamit ang mga itinakas niyang sandata kay Kapitan Klaus.
Nang makarating sa masukal na kakahuyan, inilapag niya ang dala-dala niyang bag at kinuha roon ang latigo pati na rin ang apat na kutsilyo na may pare-parehong laki.
Itinabi niya ang bag sa gilid ng isang malaking ugat. Napatingin siya sa isang malaking katawan ng puno kung saan may nakaguhit roon na bilog at ekis sa gitna gamit ang makintab na kristal na bato bilang panulat.
Naglakad palayo si Hasna mula sa target. Nilaro niya ang isang kutsilyo na kaniyang hawak-hawak at saka ito ihinagis. Napailing-iling siya nang tumama ito sa mismong guhit ng bilog at malayo sa ekis o sentro ng bilog.
“Wews, una pa lang naman,” mahinang sabi niya.
Kinuha niya ang isa pang kusilyo sa kaniyang kaliwang kamay at nang mahawakan. Taimtim niyang tinitigan ang ekis sa katawan ng puno. Ang kaniyang kaliwang paa niya ay ihinakbang niya paurong upang ayusin ang kaniyang posisyon.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang kanang kamay habang hawak-hawak ang isang kutsilyo.
“Sentro, Hasna!” bulong niya sa kaniyang sarili habang matatalim ang tingin sa kaniyang puntirya. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa kutsilyo habang pinapakiramdaman ang pintig ng kaniyang pulso. Sa isang iglap, pinakawalan niya ang kutsilyo at tumama ito sa dulong bahagi ng ekis. Napakamot na lamang si Hasna sa kaniyang ulo at muling napailing-iling.
Muli niyang kinuha ang isa pang kutsilyo at inulit-ulit ang kaniyang ginawa hanggang sa mapatama na niya ang kutsilyo sa kaniyang puntirya. Kinuha niya ang mga kutsilyo na nakatarak sa puno at inulit-ulit ang kaniyang ginagawa.
Nang maperpekto ang tamang atake at palaging nasesentro ang kaniyang mga patama sa kaniyang puntirya, sinubukan naman niya ang ibang istilo ng paghagis ng mga patalim.
Kumilos si Hasna na animo’y mayroong kaharap na kalaban, malikot ang kaniyang kilos ngunit kapansin-pansin ang kakaibang galaw bago niya binibitawan ang patalim papunta sa kaniyang puntirya. Umakto si Hasna na para bang mayroong humahabol sa kaniya kung kaya’t tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa salubungin niya ang isang malaking katawan ng puno at sinipa ito dahilan para umikot siya sa ere habang pinakawalan nang sunod-sunod ang mga kutsilyo.
Nakatayong bumagsak sa lupa ang mga paa ni Hasna habang hinahabol ang kaniyang hininga at basang-basa ng pawis ang kaniyang sarili. Napangisi siya nang nakita ang lahat ng kutsilyo na nakatusok sa kaniyang puntirya.
Biglang napalingon sa kaniyang kaliwa si Hasna nang makarinig ng kaluskos. Kaagad niyang kinuha ang mga kutsilyong nakatusok sa katawan ng puno at isinilid sa bag na pinaglalagyan nito kanina. Kinuha niya ang latigong inilapag niya kanina sa lupa at saka umakyat sa puno.
Kasabay ng kaniyang pag-akyat sa puno ay ang unti-unting nagiging malinaw ang ingay ng mga taong malapit sa kaniyang lugar.
Gamit ang latigo, inilatag niya ito at hinayaang mawala sa pagkakarolyo. Ihinagis niya ito sa matibay na sanga. Hinila-hila niya pa ito at sinigurado na matibay ang pagkakapulupot nito. Nagpalipat-lipat siya sa mga sanga sa pamamagitan ng ng latigo at pagtapak sa matitibag na sanga hanggang sa malapitan niya ang lokasyon ng mga lalaking nangangahoy.
Ang latigo ang naunang matutunan ni Hasna. Sa murang edad ay kaagad na hinasa siya ni Kapitan Klaus. Ang kaniyang pagiging maliit at kabataan ang nagtulak kay Kapitan Klaus na hasain sa ganoong bagay si Hasna.
Sa edad na trese anyos, Malaya nang nagagamit ni Hasna ang kaniyang kakayahan sa paggamit ng latigo ngunit kadalasan sa tuwing siya ay magsasanay ay itinatakas niya ang mga sandata para mayroon siyang magamit at hindi maluma ang kaniyang mga natutunan mula sa kaniyang ninong na nagsilbing kaniyang tagapagsanay at tumayong ama.
“Narinig mo na ba ang balita?” tanong ng isang lalaki na mayroong pasan-pasan na tuyong sanga na napulot sa daan.
“Balita?” nagtatakang tanong ng isang lalaki.
“Narinig ko lang kay Kapitan Klaus kanina na isasama na raw sina Eris at Almidos mamaya sa bayan para hanapin itong mga hayop na naghahasik ng kadiliman sa bayan,” sagot niya sa lalaking hindi pa alam ang balita.
“Si Eris at Almidos lang? Paano naman si Hasna?” tanong pa ng isang lalaki.
Rinig na rinig ni Hasna kung paano humagalpak ang isang lalaki at kitang-kita ng kaniyang dalawang mata kung paano ito umiling-iling habang mapanutyang tumatawa.
“Si Hasna? Baby naman ‘yon ni Kapitan Klaus. Mukhang ayaw n’yang pabahiran ng dugo ang kamay ng kanyang anak-anakan.”
Naikuyom ni Hasna ang kaniyang mga kamay at saka napayuko.
“Kaya nga. Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa rin pumapayag si Kapitan na isabak si Hasna gayong kinakikitaan naman ng potensyal,” wika pa ng isa.
Nagkibit-balikat na lamang ang lalaki at saka nagpatuloy na lamang sa paghahanap ng tuyong kahoy. “Aanhin mo ang ‘yong potensyal kung hindi mo naman nagagamit sa tunay na laban?” wika ng lalaki.
Pabagsak na umupo si Hasna sa malaking sanga at isinandal ang likod sa katawan ng puno. Kinuha niya sa dala niyang bag ang isang sisidlan na naglalaman ng tubig. Mabilis niyang binuksan ito at nilagok ang tubig. Hindi niya alintana kung bumubuhos na ito sa kaniyang bibig at nababasa na ang kaniyang damit. Nang hindi pa nakuntento ibinuhos niya sa kaniyang ulo ang tubig at saka napabuga ng hangin.
Muli niyang isinilid ang ang bote sa bag at saka tumayo. Maangas niyang isinukbit ang bag sa kaniyang balikat at saka lumambitin paibaba sa latigong nakapulupot sa sanga.
“Aanhin mo ang ‘yong potensyal kung hindi mo naman nagagamit sa tunay na laban,” pag-uulit ni Hasna sa huling sinabi ng lalaki. “Tss. Sino bang nagsabi na hindi ko gagamitin at ginagamit?” inis na bulong pa ni Hasna.
Idinaan na lamang ni Hasna ang kaniyang inis sa pagsasanay. Buong hapon siyang nagsanay sa lugar kung saan madalang na puntahan ng mga tao. Hindi siya umuwi at itinuon nalamang ang sarili sa pagsasanay.
panganib sa paligid. Hindi mo sila makita at hindi mo alam kung kailan sila aatake.Mula sa malayo sila ay nakamasid, ninanamnamn ang iyong halimuyak at kapag hindi nakapagpigil sa tawag ng kanilang kumakalam na sikmura ikaw ay kanilang lalapain hanggang ikaw ay mawalan ng buhay.Humans are just like a livestock for them were they can eat whenever they want and they feel hungry.Sinong mag-aakala na sa modernong panahon ngayon ay mayroon pa palang katulad nila, namumuhay at tahimik na naghahasik ng lagim, nagbibigay ng takot at pangamba sa kanilang mga naging biktima.Mababalahibong katawan, matatalas na kuko at matutulis na ngipin na kapag bumaon sa iyong balat ay tiyak na ikaw ay papalahaw hanggang sa unti-unti lang mawalan ng boses at hininga. “Hindi ko akalaing sa edad kong ito ay mayroon pang katulad nila, umaaligid at naghihintay ng tiyempo. Hindi ko rin lubos maisip na sila ay namumuhay sa modernong panahon,” bulong mahinang sambit ni Hasna habang pinagmamasdan ang ilang siyud
NANLILISIK ang kulay asul nilang mga mata, bakalabas ang mahahaba at matutulis na kuko, nakalabas ang mga ngipin habang tumutuloy ang laway at handa nang sugurin sina Eris at Hasna.“Eris, ilayo mo ang babae. Ako na ang bahala rito,” sigaw ni Hasna. Kaagad na hinila ni Eris ang babae palayo sa lugar habang si Hasna ay hinintay na makalapit ang dalawang lalaking nauna sa pagsugod.Sinugod ni Hasna ang dalawa. Akmang kakalmutin siya ng naunang lalaking sumugod, mabuti na lang ay kaagad na napayuko si Hasna at saka ito binigyan ng suntok sa sikmura at nilampasan ito para sugurin naman ang kasunod nitong kasama.Gamit ang kaniyang hawak-hawak na kutsilyo, sinugatan niya ang tagiliran ng taong loob. Nang muling malampasan ni Hasna ang dalawang taong loob kaagad siyang lumingon at mabilis na hinagis ang isang kutsilyo na tumama mismo sa likurang bahagi ng ulo na siyang nagpahinto sa pagkilos nito.Matalim na mga tingin ang itinapon ni Hasna sa taong lubo na kaniyang sinikmuraan. Tila ba lal
PAGKABASAG ng mga gamit ang umalingawngaw sa loob ng silid. Rinig na rinig ng isang bata ang mga nangyayari sa loob ng bahay habang nakatago sa ilalim ng sahig na ginawa ng kaniyang ama. Animo’y alam na alam na ng kaniyang ama ang mangyayari sa kanila kung kaya’t pasimple itong kumikilos na para bang pinaghahandang ang isang trahedya.Tinakpan ng bata ang kaniyang tainga upang hindi marinig ang mga kalabog. Ngunit kahit anong pilit niyang pagtakip ay naririnig pa rin niya ang mga kalabog sa ibabaw. Hindi maiwasang hindi maiyak ng batang babae nang marinig ang pagmamakaawa ng kaniyang ina pati na rin ang pag-iyak ng isang batang babae.Rinig na rinig rin ng batang babae ang pagdaing ng kanyang ama na tila ba nakikipaglaban pa at nagpupumilit pang iligtas ang kaniyang mag-iina. “Sagabal ka sa mga plano ko, Rudeus. Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa mo sa akin at sa mga kasamahan ko. Pinagkatiwalaan kita!” sigaw ng isang lalaki na mayroong malaki at malalim na boses.Mula sa isang
NAGISING na lamang si Hasna dahil sa sikat ng araw na tumama sa kaniyang mukha. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakaupo at nakaunan ang kaniyang ulo sa kuwadernong nasa kaniyang harapan.Naniningkit ang kaniyang mga mata nang bumangon at saka ko ito kinusot-kusot. Nag-unat siya ng kaniyang katawan upang maibsan ang pangangawit ng kaniyang likuran mula sa pagkakatulog.Bigla na lamang siyang napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas at iluwa nito si Kapitan Lena na may dala-dalang walis."Kapitana," tawag ni Hasna sa matanda. Lumingon naman ito sa kaniya at saka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. Itinabi niya ang dust pan at ang kanyiang hawak na walis sa gilid ng pintuan."Akala ko tulog ka pa," wika ni Kapitana Lena. Nangunot ang noo nito nang mapansing magulo ang ibabaw ng mesa ni Hasna at gusot ang mga pahina ng papel sa kuwaderno nito."Sandali nga, nakatulog ka sa mesa mo?" tanong nito kay Hasna.Marahan na tumango si Hasna at dali-daling inayos ang m
TAHIMIK na sinulyapan ni Eris ang kaibigan na nakaupo sa kaniyang tabi at hindi inaalis ang atensyon nito sa labas ng umaandar na sasakyan. Napahinga nang malalim si Eris na siyang naging dahilan ng paglingon ni Hasna sa kaniya. Napakamot na lamang si Eris sa kaniyang ulo at saka ngumiti. “Ang aga-aga pa para lunurin ka ng mga iniisip mo. Ayos ka lang ba?” tanong ni Eris kay Hasna. Hindi sumagot si Hasna at muling ibinaling ang atensyon nito sa kalsada. Palihim na napangiwi si Eris at ginaya na lamang ang kaibigan sa pagmamasid sa kanilang dinadaanan. “Manong, sa Arson National High School po,” abiso ni Eris sa driver ng tricycle na kanilang sinasakyan. Nakuha ni Eris ang atensyon ni Hasna. Pagbaling niya sa kaniyang kaibigan ay nakatingin na ito sa kaniyang habang nakakunot ang noo nito. “Akala ko ba magliliwaliw? Bakit pupunta tayo sa school?” tanong ni Hasna kay Eris. “Dadaan lang naman tayo, kukuha
TANGHALI na nang makabalik si Eris sa puwesto ni Hasna kung saan matiyagang hinintay siya ng kaibigan. Nangunot ang kaniyang mga mata nang makita si Almidos na nakaupo sa dulo ng upuan habang si Hasna naman ang nasa kabilang dulo nito. “Hey, pasensya na natagalan. Sobrang haba pa naman ng pila. Nakikipag-away na nga ako doon sa mga kasunod ko dahil pasingit nang pasingit,” panimula ni Eris upang kuhanin nag atensyon ng dalawa niyang kaibigan na hindi namalayan ang kaniyang pagdating. Kaagad na tumayo si Hasna at saka lumapit kay Eris. “Ang tagal mo,” reklamo niya kay Eris. “Babalik na kayong sittio?” biglang singit ni Almidos. Tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan at saka lumapit sa dalawang dalaga. “Hindi pa. Kakain lang muna siguro tapos uuwi na rin,” sagot ni Eris. Napatango-tango naman si Almidos bago ngumisi. “Sabay-sabay na tayo,” wika ni Almidos. Pasimpleng umirap si Hasna at saka tinalikuran sina Eris at
TAHIMIK na nakasunod si Hasna sa kaibigang si Eris habang si Almidos ay nasa kaniyang likuran at nakasunod rin sa kaniya. Walang humpay sa kadadaldal sa Eris habang isinasalaysay ang mga nilaro nila sa mall. Si Almidos naman ay paminsan-minsan tumatawa upang tugunan ang mga kuwento ni Eris at mag reklamo mula sa pilahan sa pagkuha ng requirements at sa ticket sa mall. Mahigit bente minutos na silang naglalakad pabalik ng Sitio Perdis. Ang Sitio Perdis ang nagsilbi nilang tahanan sa loob ng ilang taon. Kung susumain ay mahigit kalahating oras ito kung lalakarin. Bihira lang din naman ang mapsok ito ng saksakyan dahil sa kitid at liblib na daanan kung kaya’t sa tuwing may duty ang ilan sa mga head hunters sa kabayanan ay maglalakad muna ito paibaba ng sakayan kung saan doon naghihintay ang isang jeep bilang service nila sa gabi. Mababa na ang sikat ng araw kung kaya’t tamang-tama lang ito para maglakad para kina Eris, Hasna at Almidos. Nagpalipas sil
HINIHINGAL na napahinto sina Almidos at Hasna nang makapasok sa Sitio Perdis. Kitang-kita ng kanilang mga mata kung paano mabilis na kumikilos ang mga residente na para bang sunog na kailangang apulahin. “Ano’ng nangyayari?” tanong ni Almidos sa isang babae na may dala-dalang kaldero. Hindi ito sumagot. Dire-diretso lamang ito naglakad at nilampasan si Hasna. Nanatiling nakatayo sina Almidos at Hasna habang pinagmamasdan ang mga residente na abala sa kabilang mga ginagawa. Kaliwa’t kanan ang kanilang pagmamasid hanggang sa mahagip ng atensyon ni Almidos si Eris. “Eris,” tawag ni Almidos sa dalaga na kaagad namang lumingon sa paligid nang marinig ang kaniyang pangalan. Itinaas ni Almidos ang kaniyang kamay at saka ito iwinagayway upang makita siya nang tuluyan ni Eris. Nang malaman kung nasaang direksyon ang tumawag sa kaniya, kaagad siyang naglakad palapit rito. Lumapit nang bahagya si Hasna kay Almidos habang hindi inaalis a