Lakat-takbo ang ginawa ko para tahakin ang pintuan palabas ng kusina. Ngunit nang nasa bukana na ‘ko ay nabangga na naman ako kahit wala akong makitang harang. Nang tangkang hahawakan ko na ang espasiyong nasa gitna ng pintuan ay siyang pagsulpot ni Miss Tara sa harap ko.
“Wag mo nang subukang lumabas, Mahal na Prinsesa,” sambit nito habang humihingal.
“A-anong nangyayari, Miss Tara?” tanong ko, pero hindi ito smagot. Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at parang may hinahawakan sa espasyo na nasa gitna ng pintuan, napaatras ako nang may makita akong gumalaw. Nagsalita siya sa ibang lenggwahe.
Parang tubig sa lawa na hinuhulugan ng maliit na bato. Gano’n ang paggalaw nito, kasabay sa paggalaw ay ang paglabas ng kulay bahaghari. Hindi ito tumigil sa paggalaw hanggang sa kinuha ni Miss Tara ang kamay niya sa harang. Oo tama, may harang ang buong bahay.
“A-ano ba talaga ang nangyayari, Miss Tara?” takot kong tanong.
“Nakapasok ang aninong sumusunod sa’ yo.”
Sagot nito sabay na naglaho ito sa harap ko. Nais kong sumigaw sa takot pero pinigilan ko ang sarili at kinalma ang puso ko. Bumalik ako bintana at hinanap si mama sa paligid.
Gano’n na lamang ang gulat ko nang makita ko ang mga ibon na wala ng buhay. Nakahandusay ang mga ito sa lupa. Parang hinigop ang kanilang dugo. Napaisip ako nang maalala ko ang ibong pinagaling ko sa bar.
“Posible kayang kanina pa nasa paligid ang anino?” takot na tanong ko sa sarili.
Patakbo akong umakyat sa taas at tinungo ang balkonahe. Mula roon ay makikita ko ang buong paligid ng likod, pati na rin ang hardin. Nang makarating ako ay agad kong binuksan ang pinto at dumungaw sa baba. Pero isang eksena ang nadatnan ko.
Nakahandusay si Miss Tara sa lupa hinang-hina ito. At si mama naman ay nasa ere, sinasakal ng anino. Napasigaw ako para kunin ang atensyon ng anino. Hindi naman ako nabigo dahil bumagsak si mama sa lupa at nakita kong nakatingin sa akin ang anino.
Base sa porma ng anino ay babae ito at nanlilisik ang mapupula nitong mga mata. Gumalaw ito at dahan-dahan niyang binuka ang bibig. May usok na lumabas at patungo ito sa pwesto ko.
Nang bigla itong napahiyaw sa sakit nang bumalik ang usok sa kanya. Nahilo naman ako at parang mawawalan ng ulirat. Naaninag kong unti-unting naglalaho ang anino, kasabay no’n ay ang dahan-dahang pagkawala ng malay ko.
“Liah!” huling salitang narinig ko.
Nagising na lamang ako nang nakaamoy ako ng isang mabangong lana o oil mint.
“Buti at nagising ka na, anak?” saad ni mama sa tinig na nag-aalala.
“A-anong nangyari, Ma?”
“Nanghina ka nang gamitin mo ang mahika mo sa mangkukulam na ‘yon.” Sabat naman ni Miss Tara.
“Hindi mo pa gamay ang mahika mo, Liah. Kailangan mo nang maraming panahon para ito’y tuluyan mong magamit ng husto.”
“Pa’no siya nakapasok sa kaharian,Tara?” tanong ni mama.
“Dahil sa malapit na ang pagdugo ng buwan at sa palagay ko hindi sa panahon na ito nanggaling ang aninong ‘yon.”
“Ha? A-anong ibig mong sabihin?”
“Sa ngayon wala akong sagot sa mga katanungan, pero kailangan natin paghandaan ang kaarawan ng prinsesa.”
Napahinga na lamang si mama at binaling ang paningin sa akin. “Magpahinga ka na muna, anak.”
“Kailangan natin mag-usap, Mahal na Reyna,” ani ni Miss Tara kay Mama.
Tumingin ako sa salamin at huminga nang malalim. Kinakabahan ako, kahit sarili ko 'tong kaarawan. Namuhay ako, bilang isang normal na tao. At ngayon, nagising ako isang araw at may nakatago palang lihim ang pagkatao ko―ang lahi namin.
Hindi ko lubos maisip na, ang normal kong buhay ay naging isang malaking pala-isipan, hanggang ngayon. We became witch by a curse, innate by a curse. Wala pa rin 'yong sagot.
"You're beautiful as your mother, my princess," may pamilyar na boses ang biglang nagsalita sa likod ko.
"Papa!" sigaw ko. Ngayon okay na ako kahit wala si kuya, kumpleto na rin ang kaarawan ko. Ngumiti ako sa kanya, kamukha ni kuya si papa, gandang mga lalaki.
"Kailan po kayo dumating?" nakangiti kong tanong sa kanya sabay yakap.
"Kanina lang, umuwi talaga ako nang maaga para makahabol sa birthday mo," saad nito. Masaya ako dahil kahit papaano, nandito si papa.
Galing ito sa Italya para sa United Kingdoms' meeting for Royals coming event. The Great Royals Ball, an annual event.
Parang fiesta ng mga Royals, limang araw ito dinadaos. May sports, booths and investment― bla… bla. At huli ay ang royal ball, doon mo minsan makikila ang ‘the one,’ mo.
Noon unang panahon daw, pumipili ang susunod na hari ng kanyang mapapangasawa. Isang tradisyonal na sayaw ang ginagawa. Pero ngayon iba na, dahil kaarawan ko naman ito, kaya walang pagpipili.
"Here's my gift, dumaan ako sa Korea bumisita ako sa lider."
Kahit kailan talaga si papa, mahilig mag-travel kahit na malayo na. Mahilig din ito sa Asian products, kakaiba raw kasi ang mga bagay sa Asya. At mahilig din ito sa kanin, pagkain 'yon ng mga Asyano. Naimpluwensiyahan yata ng lider ng Korea.
"Wow!" I exclaimed. Nang makita ko ang regalo ni papa, isang Jade nacklace.
"One of the two, in the world."
"Eh? Nasaan ang isa, Pa?" Takang tanong ko.
"Hulaan mo?" nakangiti pa ito.
"Ah alam ko, na kay mama?"
Tumawa ito. "You nailed it," nakangiting sabi niya.
"Missed each other?" bigla-bigla na lang sumusulpot si mama.
"Happy birthday anak, oras na. Here's my gift," she hand over her gift. Isang rectangle na box kulay green, with colorful dust. Binuksan ko ito.
"Isang stick?"
"Stick, Ma?" ulit ko pa.
"It's a wand for gracious' sake, Liah, you are so slow!” Reklamo ni mama.
"Oh? Really? I thought sa pelikula ko lang 'to makikita," saad ko pa.
"Whatever, Liah, anyway it will enhance your gifts. Hindi lang 'yan normal na wand, it's the heart of Verona."
Hindi ko ini-expect na ang simpleng kahoy na ito ay ang puso pala ng Verona. Kung saan nagmula ang lahi namin o ang sumpa. Dahil sa pangungulit ko kay mama nasabi niya 'yon sa 'kin.
Pero maingat si Mama sa pagbibigay ng impormasyon. May mga bagay daw na hindi na dapat pag-usapan.
"So ready ka na? Dalaga na baby namin, ah?" Pinukaw ni papa ang pagmumuni-muni ko, habang inaayos ni mama ang buhok ko.
"Uuwi ang kuya mo sa Annual Event, " saad pa ni mama.
"Hindi talaga siya uuwi ngayon? Birthday ko ah," malungkot kong tugon. Alam ko naman na hindi siya makakauwi sa birthday ko. Pero nagtanong pa rin ako, baka lang kasi.
"Your brother is busy," ani ni papa.
"Busy saan, Pa?" tanong ko pa.
"Basta hija, wag ka nang magtampo sa kuya mo. Get ready it's your night!" saad ni papa.
Huminga ako nang malailm, this is so amazing! I'm eighteen and still I can't believe na isa akong witch but for sure I will learn something new and help other people by this gift.
“Nasaan na kaya si Elle?” sambit ko.
Matalik kong siyang kaibigan . Siguradong magugulat siya ‘pag nalaman niya na may lahi akong aswang, esti―mangkukulam pala. I stared at the wand it's glazing and shinning like a blood. In an instant blink, naglalaho ito sa paningin ko.
“Saan napunta ‘yon?” takang tanong ko.
“It’s all right, princess”
Napaangat ako ng tingin nang mabosesan ko si Miss Tara.
“Saan po napunta ang wand?”
“Don’t worry. Just get ready”
Magtatanong pa sana ako pero bigla itong naglaho. Hindi ko pa rin lubos na alam ang kasaysayan ng lahi namin. Pero isa lang ang alam ko, I need to prepare myself. Baka, may shocking revelation pang tinatago si mama. Marami pa akong dapat matutunan at dapat na unahin.
“Oh fairy witch,” sambit ng isip ko.
Biglang tumunog 'yong cellphone ko, si kuya. Masigla kong sinagot ito.
"Kuys?" nakangiti kong tanong.
"Happy Birthday, bunso! Sorry I can't go home yet," saad nito.
"Okay lang kuys, basta mag-ingat ka diyan at magpasalubong ka ng Mana Bread."
"Walang problema, mahal na kapatid."
"Natanggap mo ba sulat ni Elle?" tanong ko sa kanya, bigla itong tumahimik.
"Yeah," malamig na tugon niya.
"So, wala ka bang sagot do'n?" tanong ko.
"Uuwi naman ako."
Malamig pa rin ang tugon niya. 'Di ko alam bakit ang lamig-lamig ni kuya. Kapag si Elle na ang topic.
"I need to go na bunso, mag-enjoy ka sa kaarawan mo."
"Okay kuya, ang regalo ko ha? Wag mong kalimutan."
"Naman ikaw pa!" saad nito.
"Ah, kuya?" habol ko sa kanya.
"Yes, bunso?"
"May girlfriend ka na ba d’yan?" tanong ko. Baka kasi hindi niya pinapansin si Elle ay dahil may mahal na itong iba. Kawawa naman best friend ko kung gano’n ang mangyayari.
"What's with the question, Liah?" parang nagalit yata si kuya.
"Just answer me," seryoso kong tugon.
"Wala― wala pa," sabi nito.
"Good! Bye na kuya―love yah!"
"Tsk. Ikaw! Sige na, bye."
At least may chance pa rin si Elle kay kuya.
"Are you done, talking?" tawag pansin ni mama sa akin.
"Yes, Ma."
"Sige, maghanda ka na para sa kaarawan mo," saad niya. Habang hinahanda ang susuotin kong damit. "Okay, Ma, lumabas ba si papa, Ma?"
"Yes, may kailangan pa siyang ayusin sa labas."
My heart is beating fast, ilang minuto na lang kasi magsisimula na ang pagdiriwang ng kaarawan ko.
"Nervous?" puna ni mama.
"Yeah, but I'll be good, Ma."
Sandali pa ay parang natahimik si mama, nag-iba ito ng expresyon.
"May problema po ba, Ma?" alalang tanong ko.
"Something's off."
"Ang alin, Ma?" Tanong ko.
"Never mind. I'll take care of everything," saad nito.
Nagtataka man ako… ay hindi ko na pinilit si mama. Ilan segundo pa ay may kumatok sa pinto, binuksan ito ni mama at niluwa nito si Miss Tara.
"Hi, princess," bati nito
"Hello po," tugon ko. At bumaling na ito kay Mama.
"We need to prepare, Your Highness," saad nito.
"Yeah, I know."
Hindi ko gets ang pinag-uusapan nila. May diin kasi sa pagkasinabi ni Miss Tara, na 'prepare'.
-Witch in the Palace
***
Flowers blooms and fades, feelings are fogs lingering for a while. Leave you like a sunset on the horizon. Holdingon to the rays, yet filling you the hopes that never come. But I saw this light in the darkness. I see you. Hindi ko mabitawan ang libro na 'to.Parang nasasaktan ako para sa author na sumulat nito, parang naririnig ko siyang umiiyak. Tumingin ako sa relos na nakasabit sa pader. “Damn! Oras na pala!” bulalas ko. Tumingin muna ko sa salamin at binubusisi ko kung may mali pa sa mukha ko. “Okay, maayos na lahat.” Nakangiti kong sabi. Iniwan ako ni mama sa loob dahil gusto niya raw na makita ako pagbukas na pagbukas ng pintuan. "Mama talaga." Lumabas na ako at bababanapatungo sa bulwagan. My heart yearns for calmness,pero mabilis itong tumitibok. Huminga ako nan
Patuloy ang kasiyahan sa bulwagan ng palasyo habang kami ni Elle ay nasa hardin pa rin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naging maalinsangan ang hangin at hindi ako mapakali. May na aamoy din kaming hindi maganda sa ilong. Ang mga dahon sa mga puno ay naglagasan, napatayo na rin si Elle dahil sa lakas ng hangin na parang may bagyong parating, mas lalong dumilim ang paligid. Patay sindi rin ng mga ilaw. At ang buwan ay nagkukulay dugo na. “L-liah, anoang bagayna―‘yan?”utal na tinuro ni Elle ang nakikita niya sa taas. “H-hindi ko rin alam, Elle.” Naestatwa kami sa amin kinatatayuan nang mapansin namin na ang mga dahon at mga bulaklak ay biglang nalanta na walang dahilan. Kahit na ang damo ay nawalan ng kulay. Pero ang pinagtataka ko, tanging ang gintong carnation ang natirang sariwa.
"Letsgo,Elle, kailangan nanatin makaalis." Hinila ko ang kamay niya at dinala siya sa dulo ng harang. Humakbang kami palabas sa malaking transparent bowl.Parang bubbled ito, na limilikopsabuonghardin. Pagkalabas ay nakita namin na normal anglahat. Ni hindi nila napansin na nagkakagulo na sa loob ng garden.Kahit na ang mga bantay na malapit sa hardin. Muli akong lumingon sa hardin, namangha ako kasi ang tahimik at mapayapa ito. Hindi talaga nakikita ang magulo at delikadong sitwasyonsa loob. Ilan sandaling paglalakad ay narating namin ang likod ng bulwagan. Do’n kami dumaan, tinahak namin ang mabatong daan. Pagpasok namin ay dumeretso na kami sa taas. “Liah! Naka-lock 'yong pintuan,”sigaw ni Elle. Door open! Just a thought of it ayagad na bumukas ang pintuan,parang nagug
Kinaumagahan, naramdaman kong may nakadagan sa baywang ko at parang may insektong bumubulong nang malakas sa tainga ko. Nakakairita dahil sa tunog nitong parang bubuyog. Pagmulat ko nakita ko si Elle, sarap na sarap sa pagkakahiga sa kama ko. Nakaharap siya mismo sa mukha ko. “Aish! Babaeng ‘to,” saad ko. Inangat ko ang kanyang mahabang biyas para makalaya ang katawan ko. Nakanganga ang baliw kong kaibigan at ang lakas pang humilik. Nang tumingin ako sa orasan ay nagulat ako kasi tanghali na pala. “Elle, gising! Gising!” niyugyog ko siya pero tulog mantika ito. Naisipan kong maligo muna. Excitedna akong pumasok sa secret campus. Sabi ni mama do'n daw nagtra-traning ang mga bagong witch. Nakakapanibago ang buhay ko ngayon, at kailangan kong masanay. “Augh! Aray!” bigla kong d***g. Pumasok ang bula ng sabon sa mata ko. Agad ko n
“What are you doing, Your Highness?” tanong ni Leo, sa seryosong boses nito, pero kita sa mukha nito na pinipigilan ang tawa. Si Miss Tara, naman ay playing safe. “A-ah, eh, can you explain it to me?” tanong ko. “It’s a magical palace, princess,” saad ni Miss Tara. “Ah, okay, I j-just can’t believe it. W-well anything is possible in this world,” ani ko sa nahihiyang tinig. Ngumiti silang dalawa at nasilayan ko ang magagandang ngiti ni Leo. “Well, I’ll show you the hall of Royalties,” ani ni Miss Tara. Si Leo naman ay bumalik sa kanyang seryosong mukha. Mas lalo itong naging attractive sa akin. “Chill ka lang, Liah,” ani ngisip ko. Nagpatuloy kami sa paggala sa bulwagan hanggang sa nakarating kami sa isang kwarto. Pagpasok namin ay agad ko na ginala ang paningin ko.
Ang Corinth, isang bansa na malapit sa kaharian ng Verona. At kasalukuyaan nandito si Lucas para sa kanyang misyon bilang prinsipe ng Asville. Sa kanya nakatoka ang pag-aasikaso ng lupa ng mga mamayanan ng Corinth na nakatira sa Asville. Kabilang na do’n ang lupa nila ni Elle. "Hey!Bro?Uuwi ka raw sa annual event ni'yo?"saad ni Baron, kaibigan ni Lucas. "Yeah, it's a tradition.I need to go home and I miss my sister, Liah and my parents too," saad niya. "Who else?" ngumisi ito,teasinghis friend. "Hmm?Who else?No one―bro, why?" kunot noong tugon ni Luke. “I doubt it.Sa dinarami-ramingmgababaengna-inlove sa'yo dito sa Corinth, ni isa sa kanila hindi mo pinapansin. Ni tingin nga hindi mo matignan. Akala ko tuloy bakla ka," saad ni Baron, sabay tawa. "You jerk! Wa
Malungkot, pero magaan ang loob kong lisanin muna ang kinalakihan kong lugar. Sa bawat hakbang ay dala ko ang lakas ng loob para harapin ang misyon na ito, nang mag-isa. Muli akong tumingin sa likod kumaway si mama at Elle, nang makita nilang lumingon ako. Kinaway ko ang kanang kamay ko na parang natutuwa sabay ngisi. So, this isit!Finally, I’mliving alone. Hope, life would be wonderful there and I’ll take the risk, if trials come my way. Tumalikod na ‘ko at tuluyan nang pumasok sa loob. "Here I come!Kingdom of Tyre!"I exclaimed,sa mahina kong boses. Baka pagkamalan akong baliw. Isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin, nang nakapasok na ako sa loob ng eroplano. “Good morning, ma’am.” Bati ng isang flight attendant. Ngumiti ako pabalik at pumasok na ako nang tuluyan. Nasa second row ‘yong upuan ko. Isang first class seat ang kinuha
Kumakati na ‘yong puwet ko, kaya hindi ko na mapigilan gumalaw. Takte! Naramdaman niya siguro; kaya sumilip ito na parang tanga, “What? Walangtao? Nagpapanggap akong tulog makita lang ang mukha ng babaeng ‘yon,” himutok nito. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang kyut niya talaga parang bata. “Lalapag na ang eroplano pero hindi pa rin bumabalik ang babaeng 'yon. Saan naman ‘yon pumunta?” saad nito. Hindi ko alam pero bakit parang naiinis ito; parang naisahan siya. "Tch. Tumae siguro,"saad niya.I laughed silently. “Kainis!Ano bang pakialam ko sa babaeng 'yon, damn!Hindi ako interesadong makita ang mukha niya, aish! Pero imposebling hindi ko siya makita. This floor is first-classseat. Kaunti lang ang tao rito, baka bumaba ngsecondfloor?Kainis ginayuma yata ako, no’n ah?” Gusto kong matawa nang malakas. Parang bata kasi