Kinaumagahan, naramdaman kong may nakadagan sa baywang ko at parang may insektong bumubulong nang malakas sa tainga ko. Nakakairita dahil sa tunog nitong parang bubuyog. Pagmulat ko nakita ko si Elle, sarap na sarap sa pagkakahiga sa kama ko. Nakaharap siya mismo sa mukha ko.
“Aish! Babaeng ‘to,” saad ko.
Inangat ko ang kanyang mahabang biyas para makalaya ang katawan ko. Nakanganga ang baliw kong kaibigan at ang lakas pang humilik. Nang tumingin ako sa orasan ay nagulat ako kasi tanghali na pala.
“Elle, gising! Gising!” niyugyog ko siya pero tulog mantika ito. Naisipan kong maligo muna.
Excited na akong pumasok sa secret campus. Sabi ni mama do'n daw nagtra-traning ang mga bagong witch. Nakakapanibago ang buhay ko ngayon, at kailangan kong masanay.
“Augh! Aray!” bigla kong d***g.
Pumasok ang bula ng sabon sa mata ko. Agad ko naman itong binuhusan ng tubig at tinapos ko na ang paliligo ko at lumabas na. Napansin kong wala na si Elle sa kama.
“Nasaan na ang baliw na ‘yon?”
Nagbihis na ‘ko at bumaba na sa lanai. Nakita ko silang nag-uusap ni mama, aba nauna na pala siya.
“Oh, bruha kong kaibigan, nandito ka pala,” saad ng kaibigan kong baliw.
“Gising ka na pala, baliw!” ganti ko.
Napailing na lang si mama sa tawagan namin ni Elle. Uupo na nasa ako nang makadama ako ng hindi maganda. Napatingin ako kay mama at nakuha niya agad ang ibig kong sabihin.
“Mga lobo, Ma?” tanong ko kay mama.
“Oo, Liah.”
“Anong nangyayari, Mahal na Reyna?” tanong ni Elle.
“May mga lobo sa timog ng kagubatan ng kaharian,” sagot ni mama.
“Sino sila, Ma at bakit nasa kagubatan natin sila?”
“Ang mga De Arcons. Bahagi sila ng kaharian natin at bahagi tayo ng kaharain nila.”
“Sila ba ang sinasabi mong isa pang kaharian na parti ng Verona?”
“Oo, anak.”
“Pwede ba silang puntahan, Ma?”
“Hindi!” agad na sabi ni mama.
“Bakit, Ma?” nagulat ako sa reaction ni mama.
“Hindi maari, Liah. Basta wag kang magtankang pumunta sa timog ng Verona.”
“Delikado ba sila, Mahal na reyna?” tanong ni Elle.
“Hindi naman pero bawal ang pumasok sa kanilang teritoryo.”
“Okay,” saad ko.
Hindi na namin pinilit si mama na magkwento. Nag-iba ‘yong mood niya nang maramdaman namin ang presensya ng mga lobo. Nang matapos ang almusal namin ay agad na kaming pumasok ni Elle sa paaralan.
“Oh? Ingat ka, bruha,” ani ni Elle. Maghihiwalay na kasi kami ng campus.
“Ikaw rin, baliw!” tugon ko.
Pumasok na si Elle sa main room namin habang ako ay nasa park ng school at hinihintay si Miss Tara. Ilang sandali pa ay may napansin akong babaeng nakapula nakatingin sa akin nang masama. Nakatayo lamang ito sa footwalk at nakamasid lang. Nag-iwas ito ng tingin nang mapansin na nakita ko siya.
Maganda ito at mataas, nakalugay ang malaon nitong buhok. Pero ang pinagtataka ko bakit masama at tingin niya sa akin. Nawala ang attensyion ko sa kanya nang may tumawag sa akin.
“Liah!” napalingon ako sa narinig kong boses.
“Miss Tara!” bulalas ko, lumapit ito sa akin.
“Handa ka na bang pumasok sa UTC?"
Masiglang tanong ni Miss Tara sa 'kin. Mukhang excited din itong turuan ako.
"Opo," nakangiti kong sagot sa kanya.
"Well, then come with me," anyaya niya.
Bago ko ihakbang ang aking mga paa para sundan si Miss Tara, ay lumingon ako sa pwesto ng babae, pero wala ito do’n. Hindi ko naman binigyan ng pansin kasi mararamdaman ko o ni Miss Tara, na masama ito. Pero sa reaksyon ng guro ko parang wala itong nasagap na masamang enerhiya.
Sinundan namin ang trail na nasa likod ng campus namin. Ilan sandaling paglalakad ay nakita ko ang malaking puno. Hitik ito sa bulaklak at berdeng-berde ang mga dahon nito.
"What's this, Miss Tara?" takang tanong ko sa kanya.
“It’s a tree.”
"I know but where’s the campus?" sunod kong tanong.
Nasa masukal na parte na kami ng paaralan, ni isang building wala akong makita. Puno at mga ligaw na mga halaman ang nasa paligid.
“This tree is a portal, a door to the secret campus," sagot ni Miss Tara.
“Cool! Parang enchanted tree," I stated in amazement.
“Anong puno ‘to, miss?” dagdag kong tanong.
“Puno ng acacia, galing pa sa Pilipinas ang mga buto nito.”
“Wow!”
“Hindi pangkaraniwang buto ‘yon, Liah,” saad nito. Ngumiti ako sabay haplos sa puno.
Umusal si Miss Tara ng salamangka at biglang umangat ang kanyang mga paa. Inabot niya ang isang sanga at binali ito.
Namangha ako sa aking nakita, nang biglang nahati ang puno na parang pinto at tumambad sa akin ang isang hallway. Isa lamang itong normal na hallway, tulad sa school. Pumasok kami at napansin ko na may mga locker pa at mga rooms.
Pero walang mga estudyante, at sa dulo ng nito ay may isang bakurbang pintuan na kulay ginto o gawa talaga ito sa ginto.
Ang akala ko papasok ako sa isa sa mga rooms pero hinawakan ni Miss Tara, ang aking kanang kamay at dumeretso kami sa gintong pintuan.
Nang makalapit sa pintuan ay napansin kong hugis bulaklak ito. Teka? Parang carnation ang hugis nito ah? Naalala ko ang nag-iisang gintong carnation sa hardin namin.
“Ah, Miss Tara?”
“Yes, princess?”
“Carnation ba ‘yan?” sabay turo sa pintuan.
“Yes,” tugon nito. Kasabay ng paglapit namin ay siyang pagbukas ng pinto.
Tumambad sa aking harapan ang isang maugat na tulay na punong-puno ng magagandang ligaw na bulaklak, iba-iba rin ang kulay ng mga ito. Isang tulay na gawa mga baging at matitibay na sanga ng puno.
At sa bawat gilid nito ay mga nakahilerang mga puno, na ang mga sanga nito ay nagtatagpo sa gitna na parang nagsisilbing bubong ng tulay. Parang nasa hardin na kagubatan ako, ang ganda ng tanawing nakikita ko.
Humakbang kami at tumawid, nang biglang naglagasan ang mga dahon ng mga puno. Napatingala ako at inangat ang dalawang kamay para saluhin ang mga ito. Pula, dilaw at maliliit na mga dahon.
Nang dumapo ang iilang dahon sa mga palad ko ay naging gintong polbora ang mga ito.
“Teka? Miss Tara, anong nangyayari sa mga dahon?” manghang tanong ko.
“Regalo ng mga diwata sa ‘yo, Mahal na Prinsesa.”
Nagpalinga-linga ako at hinanap ko kung may diwata ba sa paligid.
“Hindi mo sila makikita, Mahal na prinsesa.”
Napahinga na lamang ako nang malalim. May dinukot na telang itim ang guro ko at inabot sa akin.
“Ilagay mo rito ang polborang ginto at magagamit mo ‘yan pagdating ng tamang panahon.”
Namangha naman ako sa mga nasisilayan at nangyayari sa akin. Nang makalagpas kami ng tulay at mga puno. Tumambad naman sa akin ang isang malawak na hardin.
“Wow!” bulalas ko.
Isang paraiso ang nakikita ko, hindi lang ito tulad ng hardin namin sa palasyo. Punong-puno ng mga bulaklak at matataas na puno. May naririnig din akong pag-agos ng tubig.
Luminga-linga ako. Nang sa wakas ay nakita ko ang isang mataas na puno sa dulo ng ilog. At ang nakakamangha, kulay pula ang tubig na patungo sa isang talon.
“Napansin mo ba ang mataas at mapulang puno na nasa gitna ng kagubatan ng Verona, Mahal na Prinsesa?”
“Oo, Miss Tara, kita iyon sa labas ng balkonahe ko.”
“Ito ‘yon.”
“Kaya naman pala natatangi ito sa ibang puno, nakatanim pala ‘to sa isang hiwagang paraiso.”
Magsasalita pa sana si Miss Tara nang may biglang nagsalita.
“Welcome to UTC!” ani ng isang boses lalaki.
Napatulala ako nang lumigon ako sa gawi niya. Mahaba at puti ang buhok nito, nakasuot ito ng pang-duke na damit na kulay puti at ginto. ‘Yong tainga niya ay mahaba at patulis, parang mataas na elf. Yumuko ito sa harap ko habang nilalagay ang dalang ispada sa dibdib.
“Maligayang pagdating, Mahal na Prinsesa,” saad nito, sabay balik sa pagkakatayo nang matuwid.
Ngumiti ako at tinugon ang pagbati niya.
“Salamat―” napatigil ako sa sasabihin dahil hindi ko alam pangalan niya.
“Leo, Duke of Adolfiah, brother of Tamara,” pakilala nito sa kanyang sarili.
Nang tumingin ako kay Miss Tara, ay nagulat ako sa kabuuan nito parang naging diwata ito. Naging katulad siya ng kapatid niya.
“A-anong n-nangyayari M-miss Tara?” utal kong sambit.
“Ang Underground Training Center ay bahagi ng kaharian ng Adolfiah, nasa mababang bahagi ito ng Verona. At kapag nasa kaharian ako ay bumabalik ang tunay kong anyo.”
“Ang galing!” sambit ko. Ang ganda ni Miss Tara.
Ilang sandali pa ay nagtungo kami sa isa pang masukal na kakahuyan. Sa dulo nito ay may isang simpleng kubo na pinalilibutan ng mga gulay at mga maliliit na mga halaman.
“Pasok ka sa bahay namin, Mahal na Prinsesa,” saad ni Miss Tara.
“Ito po ang bahay niyo?” takang tanong ko.
Pero ngiti lang ang sagot si Miss Tara. Isa lang itong typical na kubo, nagtataka lang ako bakit sa kubo sila nakatira. Pagpasok namin ay parang na malikmata ako, sa isang kisap mata ay tumambad sa akin ang isang malaki at malawak na bulwagan.
At sa bandang unahan ay makikita ang isang mahaba at mataas na hagdan na gawa sa purong ginto. Nasa palasyo ako! Lumabas ako para makita kung nasa kubo pa rin ba ako. Paglabas ko ay kubo pa rin ang nakikita ko, sumilip ako sa loob at natanaw ko ang isang magandang bulwagan.
“Anong hiwaga ito?!” bulalas ko.
Napatingin ako sa dalawa kong kasama at nakita kong patawa-tawa si Leo. Takte! Para akong tanga sa harap nila.
-Witch in the Palace
“What are you doing, Your Highness?” tanong ni Leo, sa seryosong boses nito, pero kita sa mukha nito na pinipigilan ang tawa. Si Miss Tara, naman ay playing safe. “A-ah, eh, can you explain it to me?” tanong ko. “It’s a magical palace, princess,” saad ni Miss Tara. “Ah, okay, I j-just can’t believe it. W-well anything is possible in this world,” ani ko sa nahihiyang tinig. Ngumiti silang dalawa at nasilayan ko ang magagandang ngiti ni Leo. “Well, I’ll show you the hall of Royalties,” ani ni Miss Tara. Si Leo naman ay bumalik sa kanyang seryosong mukha. Mas lalo itong naging attractive sa akin. “Chill ka lang, Liah,” ani ngisip ko. Nagpatuloy kami sa paggala sa bulwagan hanggang sa nakarating kami sa isang kwarto. Pagpasok namin ay agad ko na ginala ang paningin ko.
Ang Corinth, isang bansa na malapit sa kaharian ng Verona. At kasalukuyaan nandito si Lucas para sa kanyang misyon bilang prinsipe ng Asville. Sa kanya nakatoka ang pag-aasikaso ng lupa ng mga mamayanan ng Corinth na nakatira sa Asville. Kabilang na do’n ang lupa nila ni Elle. "Hey!Bro?Uuwi ka raw sa annual event ni'yo?"saad ni Baron, kaibigan ni Lucas. "Yeah, it's a tradition.I need to go home and I miss my sister, Liah and my parents too," saad niya. "Who else?" ngumisi ito,teasinghis friend. "Hmm?Who else?No one―bro, why?" kunot noong tugon ni Luke. “I doubt it.Sa dinarami-ramingmgababaengna-inlove sa'yo dito sa Corinth, ni isa sa kanila hindi mo pinapansin. Ni tingin nga hindi mo matignan. Akala ko tuloy bakla ka," saad ni Baron, sabay tawa. "You jerk! Wa
Malungkot, pero magaan ang loob kong lisanin muna ang kinalakihan kong lugar. Sa bawat hakbang ay dala ko ang lakas ng loob para harapin ang misyon na ito, nang mag-isa. Muli akong tumingin sa likod kumaway si mama at Elle, nang makita nilang lumingon ako. Kinaway ko ang kanang kamay ko na parang natutuwa sabay ngisi. So, this isit!Finally, I’mliving alone. Hope, life would be wonderful there and I’ll take the risk, if trials come my way. Tumalikod na ‘ko at tuluyan nang pumasok sa loob. "Here I come!Kingdom of Tyre!"I exclaimed,sa mahina kong boses. Baka pagkamalan akong baliw. Isang magandang ngiti ang sumalubong sa akin, nang nakapasok na ako sa loob ng eroplano. “Good morning, ma’am.” Bati ng isang flight attendant. Ngumiti ako pabalik at pumasok na ako nang tuluyan. Nasa second row ‘yong upuan ko. Isang first class seat ang kinuha
Kumakati na ‘yong puwet ko, kaya hindi ko na mapigilan gumalaw. Takte! Naramdaman niya siguro; kaya sumilip ito na parang tanga, “What? Walangtao? Nagpapanggap akong tulog makita lang ang mukha ng babaeng ‘yon,” himutok nito. Napangiti ako sa sinabi niya. Ang kyut niya talaga parang bata. “Lalapag na ang eroplano pero hindi pa rin bumabalik ang babaeng 'yon. Saan naman ‘yon pumunta?” saad nito. Hindi ko alam pero bakit parang naiinis ito; parang naisahan siya. "Tch. Tumae siguro,"saad niya.I laughed silently. “Kainis!Ano bang pakialam ko sa babaeng 'yon, damn!Hindi ako interesadong makita ang mukha niya, aish! Pero imposebling hindi ko siya makita. This floor is first-classseat. Kaunti lang ang tao rito, baka bumaba ngsecondfloor?Kainis ginayuma yata ako, no’n ah?” Gusto kong matawa nang malakas. Parang bata kasi
Kinaumagahan ay isang katok ang gumising sa mahimbing kong tulog. Napaunat ako ng katawan; tumayo para pagbuksan ang kumakatok. Isang babaeng nakangiti, mataba at maliit ito. Kumurap-kurap ako para makita ko nang malinaw ang mukha niya. Hindi naman ito katandaan pero mas matanda ito sa akin ng ilan taon. “Magandang umaga, Miss,” bati nito. Sabay abot ng isang malaking supot, bumati ako pabalik at pinapasok ko na siya sa loob. “Salamat. Ano ito?” takang tanong ko sa supot na inabot niya. “Gulay at isda, Miss, pa-welcome namin para sa mga bago dito sa lugar namin at apartment ko.” “Nako! Nag-abala pa kayo! Pero salamat dito.” “Teka, ako nga pala si Elsa, ako ang may-ari ng apartment na ito.” Ngumiti ako at nagpakilala rin, “Ako nga pala si Liah,” ani ko. Tumayo ito at nagsali
Nang makarating ako sa bukana ng kanto ay agad akong bumaba ng kalesa at pumasok na sa eskinita. “Miss, sigurado ka bang ayos ka lang?” habol na tanong ng lalaki. Lumingon ako at ngumiti. Sa isip-isip ko ang gentleman ng lalaking ‘to at ang gwapo pa. “Oo, ayos lang ako, salamat,” ani ko. “Nandito lang ako sa tabi-tabi kapag kailangan mo.” Nagtaka naman ako bakit ko siya kakailanganin? Ngumiti ako bilang tugon sa sinabi niya. Tinahak kong muli ang daan patungo sa unit ko. Muli akong lumingon sa lalaki at nakita ko siyang kumakaway sa akin nang nakangiti. Sandali ay nakaramdam ako ng payapa; ang gaan sa loob ko dahil sa ginawa niya. Kumaway ako at tumalikod na; hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. “Aish!” Kinabukasanng hapon naghanda ako para maghanap ng trabaho. Nagsuot ako ng semi-formal na blouse at black jeans. Pinarisan ko ng itim na doll shoes. Tinali ko naman ang buhok ko pataas. Tumingin ako sa salamin at nang makita
Lumundag ang puso ko nang hawakan ng prinsipe ang kamay ko at napaawang ang mga labi ko nang tumigin ito sa akin nang seryoso at biglang ngumiti nang nakakaloko. “Hi, nice to meet you, my fiancée. I’m Ezekiel,” sabi niya, sabay kindat. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro. Blanko ang mukha niya pero ‘yong mga mata niya ay parang may sinasabi. “A-ano po?” utal-utal kong tugon. Ngayon ko lang nakita na may nunal pala ang prinsipe sa kaliwang ilalim ng mata nito. Mas lalo itong naging kaayaaya. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ko habang pababa kami ng hagdan. Namangha naman ako sa mga libro na naka-display sa matataas na bookshelves, malaki talaga ang empluwensya ng Tudor Era sa kanila. “You can’t speak English?” takang tanong nito. “No. She, can’t speak. Right, Liah?” sabat ng bata, habang nakatingin sa akin. “Shut up, Ezra,” ani ng prinsipe. “Liah? Cute name,” ani nito sa akin.
As the water falls on the lake floor, tears run down. This pain leaves no trace but unseen scars, filling my heart into blue, blue as the sky. Bugs buzz the memories away, fading like a rainbow in the clouds. Tearing me apart, tearing me apart. Nilapagko ang libro at bumagon na ako. Bagong araw bagong karanasan. Nasasanay na ako sa palasyo. Kahit na medyo nakakapagod. At nami-miss ko na sina mama. Tinuruan naman ako ni Nana Senyasa mga gawain bahay, kaya hindi na ako nahirapan sa gagawin ko araw-araw. Nakapagtataka lang kasi one week na, pero hindi ko pa rin nakakausap ang Prinsipe, tungkolsa kung ano ang magiging silbi ko sa kanya. Akala ko ba, he needs an assistant. But here I am doing chores and arranging tables buong araw. Kapagod pero nag-eenjoy na man ako. Dahil bago ang experiences na 'to sa akin, bigla akong na proud sa sarili ko. Next stop, ang bar naman mamaya. Tinapos ko mun