Verona
Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindi pa rin mapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas, na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa.
“Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?”
“Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.”
“Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah.
“Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.”
“Ano?!” bulalas ng dalawa.
“Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”
Hello! kung na notice nyo po ang mga bagong karakter bahagi po sila ng book 2, ng story ko sana po ay abangan nyo salamat po!
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
"As the sun meets the moon, horizon won't be alone. Waves are raging to the shore, seabirds fly as broken shells, sways along. My love, hold my lips with yours and find my tears in the sea. You filledmy void with the canvass of night. I heard your joyful woes, as I paint your core, with the light of darkness. My love, I yearned more and more to touch and to love you, in the coldness of the sun. *** As the rising sun sets on the moon, my heart won't be alone. I see yearning in your eyes, and passion in your lips. My love, be mine as the noon goes by. As waves rages high, my feet floats on ni
Nang matapos ko ang paglilinis ng katawan ay agad na akong bumaba at tinahak ang lanai kung saan kami nag-aalmusal palagi, maliwalas kasi do’n at masarap ang simoy ng hangin na pumapasok. Ilan sandali pa ay nakarating din ako sa hapag at nakita ko si Mama, nagbabasa ng libro at umiinom ng kape. Nakahanda na rin ang almusal namin. "Good morning,Ma!"masayang bati ko. Tumigin ito sa akin at ngumiti. "Umupo ka na at kumain." "Ma?" tawag pansin ko sa kanya. "Hmm?" tugon niya. “Saan galing ang pagiging mangkukulam natin, Ma?” umpisang tanong ko. "Innate by a curse, your Grandmother is the Queen of Verona, which is also the witches kingdom. Andshe also needs to marry a human but royal to remain the bloodline of royalties…at mapalaya tayo sa sumpa ng kahapon.” “Sumpa ng kahapon?” takang tanong ko. &nb
Bumalik ako sa kama nang masumpungan ko ang librong binabasa ko, parang nag-iilaw ito. Kinusot-kusot ko naman ang mga mata ko baka kasi na malikmata lang ako. Nang muli ko itong tinignan ay naging normal na, kinuha ko ito at dinala sa kama. Muli ko itong binuksan at pinagpatuloy ang pagbabasa. As the sun sets on the throne, mountains shine upon the skies. But rays are captivating every land of joy. I'm hiding beneath the shadow of the moon. Still, I am nothing but vain. *** Hindi ko man masyadong gets ang tulang ‘to pero gusto ko ang pamamaraan niya ng pagsusulat, ‘yong accent niya ang lumanay at halatang mahilig sa kalikasan ang may akda. Ilan oras ang nagdaan ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa at hindi ko na namalayan na malapit nang gumabi. Nanlalabo na rin ang mga mata ko sa kababasa. Minabuti kong buksan ang pinto ng aking balkonahe, agad namang pumasok ang malamig na hangin. “Hmm ang