Share

CHAPTER 2

Malikot ang mga mata ni Trood na itinungga ang bote ng alak na kalalapag ng waiter sa inukupa niyang lamesa. May hinahanap siyang tao sa kinaroroonan niya ngayon na bar. At desperado na siya. Katunayan bumubulwak na ang dugo niya kanina pa gawa ng matinding galit.

“Relax lang, bossing. Baka sa sobrang galit mo’y atakihin ka diyan. Mas lalong hindi mo makikita niyan si Boss Mattias,” puna sa kanya ng kasama niyang si Boyting, ang kanyang nanatiling tapat na tauhan sa kabila ng mga nangyari.

Halos dalawang buwan na ang nakakalipas noong pakiusapan siya ng tarantadong Mattias na iyon na protektahan ang pangalawang babae nito na si Monica.

…….“Bakit ako, pare?” nagtaka niya noon na tanong sa kontrolado bagaman gulat na tinig.

“Sa iyo lang ako nagtitiwala, Trood, dahil alam kong matapat kang kaibigan. Ikaw na sana ang bahala sa mag-ina ko habang inaayos ko ang problema sa organisasyon. Hindi sila puwedeng madamay rito. Lalong hindi sila puwedeng maladlad dahil lagot ako sa totoong asawa ko,” paliwanag ni Mattias.

“G*go, nagdagdag ka ng asawa pero takot ka pala sa legal wife mo?” tukso niya rito.

“Hindi naman.” Humithit si Mattias sa nakaipit na tabacco sa mga daliri nito. “Ang iniisip ko lang talaga ay ang ipinagbubuntis ni Monica. Alam mong lalaki ang magiging anak namin, hindi ba? Sa wakas magkakaroon na ako ng tagapagmana.”

Nakangising napailing si Trood. Nauunawaan niya sa bagay na iyon ang kaibigan. Bilang leader ng organisasyon IRON BLADES ay mahalaga na may papalit sa posisyon nito, at pinakamaganda nga naman kung sarili nito iyong kadugo.

“Kailan ba ang balak mo na ilayo si Monica?”

“Balita ko ay reresbak ang mga VIPERS dahil sa nangyaring traydoran sa bagsakan. Tayo ang sinisisi nila sa nagawang malaking buy-bust operation sa China kaya milyon-milyon ang nalugi sa kanila.”

“Hindi ba dapat naririto ako para lumaban din kung sakali?” Naningkit ang mga mata niya. Nabuhay ang dugo niya sa pakikipaglaban. Tulad nila na mga IRON BLADES ay hindi rin kasi basta-basta na grupo ang GOLDEN VIPERS. Delikado sila na kalaban. Konting pagkakamali lang ay tiyak na mabubura silang lahat na kasapi ng IRON BLADES sa underworld.

“Kaya ko na ito, Trood. Walang binatbat ang VIPERS kumpara sa atin kaya huwag kang mag-aalala. Mas ikinababahala ko ang kaligtasan ng mag-ina ko. Nailagay ko na safety na lugar ang unang asawa ko, sila na lang ang hindi dahil nawalan na ako ng panahon. Natatakot din ako na baka gamitin sila laban sa atin oras na makuha sila ng mga VIPERS.”

Natahimik si Trood. Tinimbang niya sa isipan ang nais ipagawa sa kanya ng kaibigan.

“Maaasahan naman kita, hindi ba? Puprotektahan mo ang susunod na leader ng IRON BLADES, hindi ba, pare?”

May pag-aalangan man ay pilit inayos sa isip ni Trood ang lahat. At sa tingin niya, may punto nga si Mattias.

Nang makapagdesisyon ay tumango na siya sa kaibigan, he forced a weak smile and nod. “Sige, ako na ang bahala sa mag-ina mo,” at pangako na nga niya…….

“Siya ‘yung bagong chick ni Boss Mattias, Boss. Si Ava,” nawala sa pagbabalik-tanaw si Trood nang sinabi na iyon ni Boyting.

Agad niyang sinundan ng tingin ang tinitingnan nitong babae sa counter ng bar.

“Ang kapalit ni Monica,” bulong niya nang tinitigan na niya ang babae. Babaeng ubod ng kinis at sexy. Halos kita na ang kaluluwa dahil sa napaka-daring nitong kasuotan.

“Humanda ka,” sabi niya kay Boyting nang mag-isa na ang babae. Pinahanda na niya ito dahil tiyak niya na sa gagawin niya’y magkakagulo.

Tinungga niya ang laman ng wineglass. Bottoms up. Pati ang yelo ay sinubo niya. Ginawa niya iyong mga candy na nilapitan ang babae.

Nagkunwari siyang nag-order ng inumin.

“Hi, handsome,” at pasalamat niya dahil narinig niyang papansin sa kanya ng babae. Ito ang unang nagparamdam. Hindi na niya kailangang um-acting.

Tumabi siya ng upo sa bar stool at papogi na ngumiti. He ensured that the simple stare he directed at her caused her to suddenly feel hot.

“Would you like to have fun tonight with me?” nanghahalina na request ng babae. Ang paa nito’y magaang dumapo sa kanyang hita.

“My pleasure, baby,” bulong niya at walang anumang sinakop na niya ang pulang-pulang mga labi nito. Nagpasikat siya agad, ipinasok niya agad ang dila niya sa loob ng bunganga nito.

Hindi naman nagpatalo ang babae. Nakipag-ispadahan ito ng dila sa kanya. Ipinakitang expert nga ito sa pagpapaligaya sa lalaki.

“Are you alone?” tanong ng babae ng maghiwalay ang kanilang mga lalabi. Napakagat-labi dahil naglalandas na sa sandaling iyon ang malikot niyang kamay sa ilalim ng skirt niya. “Oooh,” mahinang d***g nito pagkuwan. Napakagat-labi at init na init na.

“Yeah, I’m alone. I’m all yours tonight, baby,” bulong niya sa punong tainga nito.

Fuck, she’s very wet and hot.

Naningkit ang mga mata ni Trood. Mukhang may tinira si Ava na gamot.

Natuwa ang babae. Umalis na ito sa pagkakaupo. Hawak ang laylayan ng kanyang suit ay pa-sexy na hinila siya nito sa madilim na parte ng bar.

Umiigting ang mga muscles ni Trood sa katawan na nagpatianod. Syempre, lalaki lang siya, nadadala rin siya sa mga pang-aakit ng babae. Ayaw man niya sana ay naninigas na ang alaga niya.

At agad nagsugpong ang kanilang mga labi nang makarating sila doon sa madilim na parte ng bar. He kissed her greedily. His arms curled around her waist ang held her close. Kulang na lang ay masupsop niya ang lahat ang laway nito sa kanya nang pagkadarang.

“Oh, fuck,” mahina niyang ungol. Napasinghap ang babae nang ipisa niya ito sa dingding. Kumukurba ang katawan nito sa sarap.

“Nasaan si Mattias?” hanggang sa tanong na niya sa totoong sadya niya rito.

“Shit!” bigla-bigla ay naitulak siya nito sa dibdib.

Nginisian niya ito.

“Sino ka?”

Pasabunot na ang ginawa niyang paghawak sa buhok nito. “Huwag ka nang magtanong. Basta sabihin mo na sa akin kung nasaan ang tarantadong Mattias iyon?”

Namilog ang mga mata ng babae.

“Nasaan siya?!” ulit niya.

“Bitawan mo ako!” Galit na itinulak pa siya ng babae.

Hindi na niya napigilan ang sarili. Sinakal na niya ito. “Sagutin mo ang tanong ko! Nasaan siya?! Pagbabayarin ko ang gagong iyon! Hayup siya!”

“Tulong! Tulong!” subalit ay nagsisigaw na ang babae.

“Tang ina, huwag kang maingay!” Nanlilisik ang mga mata ni Trood na diniinan pa niya pagkakasakal dito.

“Boss, bitawan mo siya! Mas malaking problema kung mapapatay mo siya!” Sumulpot na ang kanang kamay niyang si Boyting. Pinilit nitong kinalas ang kamay niya sa leeg ng babae.

Nagkandaubo-ubo ang babae nang mapakawalan niya ito. Mayamaya ay nagtatakbo na.

“Bumalik ka dito, hoy!” Hahabulin niya sana ito pero may mga lalaki nang humarang sa kanya. Mga hindi pamilyar na lalaki kaya natitiyak niyang hindi mga kasapi ng IRON BLADES, unless kumuha ng ibang mga tauhan si Mattias.

Bago pa man sila kumilos ay inunahan na niya sila. Itinulak niya si Boyting upang hindi ito madamay pagkatapos mabilis na inabot niya ang isang lamesa at itinumba upang maantala kahit paano ang pagsugod nila sa kanya.

Nagkagulo na sa loob ng bar.

Lima laban sa isa; nakipagsuntukan, nakipagsipaan, at nakipagpambuno si Trood. May time na napapasubsob, nalilipad sa mga lamesa, pero bandang huli bumagsak lahat ang limang lalaki sa sahig ng bar.

Hindi pa siya nakuntento, muli niyang ipinatayo ang isang lalaki at sinuntok pa ng ilang beses.

“Bossing, tama na!” awat sa kanya ni Boyting matapos naman nitong hampasin ng silya ang isang lalaki.

Duguan ang mukha ni Trood, hingal na hingal, at kuyom na kuyom niya pa rin ang mga kamao na nagpaawat naman.

“Tara na, Bossing. Baka magdatingan pa ang mas madaming tauhan ni Boss Mattias!” Hinila na siya ni Boyting.

“Sabihin niyo sa amo niyo! Sa tarantadong Mattias na iyon na magkakaharap din kami kahit anong iwas niya! At pasasabugin ko ang utak niya!” bago ang lahat ay duro niya sa mga lalaki.

KINABUKASAN, ang aga-aga ay badtrip na badtrip na naman si Trood. Wala na kasing laman ang kanyang ref.

“This can’t be happening! Damn it!” Matapos pabalibag na isinara ang pinto ng wala nang silbi niyang ref ay sinipa niya naman ang isang silya.

Nanlulumong ibinagsak naman niya ang sarili sa sofa nang naroon na siya sa living room. Napapikit siyang napasandal.

What will he do? How can he retrieve all of his money from Mattias?

Pagbalik niya noon mula sa pagpuprotekta kay Monica na sa kalaunay namatay rin gawa ng panganganak ay itinakwil na siya ng organisasyon. Hindi niya alam kung bakit, pero kahit ano’ng paliwanag niya ay siya ang sinisisi ni Mattias bakit namatay ang mag-ina niya.

Ang masaklap pa’y bilang kabayaran sa nangyari kay Monica at sa sanggol ay kinamkam lahat ni Mattias sa kanya.

Una ang kanyang rangko bilang pangalawang leader ng IRON BLADES.

Pangalawa ay ang koneksyon niya sa organisasyon. Kasama na ang mga tauhan niya.

Pangatlo ang ari-arian niya. Pinasunog ni Mattias ang kanyang bahay, resort, at nadamay pati ang mga motor at mga kotse niya.

At pang-apat ay lahat ng pera niya. Isang araw ay nakita na lang niya na zero balance na ang lahat ng bangko niya. No access pati ang mga credit cards niya.

Kung paano nagawa lahat iyon ni Mattias, hindi niya alam. Ang sigurado lang niya ay ginamit nito ang lahat ng koneksyon nito mapagbayad lang siya sa sinasabi nitong pagpapabaya niya kaya namatay si Monica.

Sa madaling salita daig pa na niya ngayon ang pulubi. Walang-wala. He was totally broke.

Napakalalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Wari ba’y pasan ni Trood ang mundo nang dumilat siya. Pero ang simpleng pagdilat sana lamang ng kanyang mga mata ay lumuwa nang sobra. Isang ngiting-ngiting pangit na nilalang kasi ang kanyang nasilayan na nakatunghay sa mukha niya.

“Ano ba, Boyting!” Gulat na gulat siyang napaayos ng upo. Inihampas niya sa ulo nito ang throw pillow na nadikmat.

“Aray ko naman, bossing,” angal ng parang kinawawa niya agad na tauhan.

“Bakit ka ba nanggugulat kasi?!”

“Sorry, bossing, akala ko kasi’y hindi ka na humihinga,” kakamot-kamot sa ulo na sagot ni Boyting.

“Gusto mo ikaw ang hindi ko pahingahin? Gusto mo dukutin ko ang baga mo?”

“Syempre ayoko, bossing.” Takot na napaatras si Boyting. Napahimas-himas sa bandang dibdib.

“Umayos ka. Huwag mo akong ginagalit at baka ikaw ang nguyain ko ng buhay. Gutom pa naman ako.”

Nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Boyting. Itinaas nito ang supot na dala. “Huwag kang mag-alala, bossing. May mga dala akong pagkain.”

Nagliwanag na ang mukha niya. “Saan mo kinuha ‘yan?”

“May kaibigan ako banda doon, bossing. Umutang muna ako. Sabi ko bayaran mo na lang kapag bumalik ang mga pera mo.”

Umigting ang panga niya. Hindi niya talaga inakala na mangyayari ito sa kanya. Ang uutang ng pagkain para lang magkalaman ang kanyang sikmura.

Tang inang Mattias! Magbabayad talaga sa kanya ng mahal ang tarantadong iyon!

“Ihahain ko na ito, bossing? Kakain ka na?”

Nahihiya siya kaunti na tumango sa tauhan. Nakikitira na nga siya rito ay ito pa ang nagpapakain sa kanya ngayon. Bumaliktad na talaga ang kanyang mundo.

“Okay. Saglit lang, bossing.” Tutungo na sana si Boyting sa kusina nang may maalala ito. “Nga pala, bossing, nagpunta ako sa dati mong bahay. Tiningnan ko kung baka may gamit ka pang makukuha doon na hindi nasunog.”

“May nakuha ka?”

Nakalabing umiling si Boyting. “Wala, bossing. Tupok talaga lahat, eh. Pero sakto na dumaan ulit iyong kartero. Inabot niya sa akin ito. Sulat ulit galing sa lola mo kaya kinuha ko. Heto, bossing.”

Kinuha niya iyon.

“Bossing, hindi naman sa nakikialam ako, ah? Pero baka oras na para basahin mo ang sulat ng lola mo. Higit sa lahat baka oras na para bumalik ka na sa probinsya niyo.”

He sighed and shrugged his shoulders in a helpless kind of a way. “Alam mo kung bakit hindi ako bumabalik o nagpapakita sa kanya.”

“Oo naman, bossing. Hindi ko nakakalimutan ang sinabi mo noon. Sinabi mo hindi ka bumabalik sa probinsya niyo dahil ayaw mong malaman ng grupo na may nag-iisa ka pang pamilya kasi delikado at baka idamay siya.”

Bumuntong-hininga lang ulit siya habang kinikilatis ang sulat. Tinitingnan niya sa harapan at likod niyon pero wala pa ring lakas loob na buksan. Paulit-ulit lang na binabasa ng isip niya ang pangalan ng kanyang lola.

Dra. Isadora Moherra.

Miss na miss na niya kanyang lola.

“Malay mo, bossing, malapit na palang mamatay ang lola mo kaya mas panay na ang sulat sa iyo?”

“Gago!” Kulang na lang ay magdilim ang paningin niya sa kanyang tauhan. Dumampot ulit siya ng isang throw pillow at nakatiim-bagang na inihampas ulit iyon kay Boyting.

“Nakakadalawa ka na, bossing, ah? Kahit unan ‘yan masakit ‘yan,” parang maiiyak na reklamo nito.

“Magpasalamat ka na lang at hindi ko binali ang leeg mo!” dikit ang mga ngiping aniya. Hindi niya talaga alam kung bakit naging tauhan niya ito. Hindi na nga magaling sa pakikipaglaban, ga-monngo pa ang utak. Pasalamat talaga nito at minsan ay iniligtas nito ang buhay niya.

Napalaban siya noon sa mga pulis at napuruhan. Si Boyting ang nagligtas sa kanya. Itinago siya at inalagaan. Mula noon ay kanang kamay na niya ito.

“Sorry, bossing, pero ikaw na rin kasi ang nagsabi na matanda na ang lola mo. Hindi natin maiiwasan ang ganoon. Isa pa, malay mo may ipapamana siya sa iyo. Mayaman siya, ‘di ba? Sabi mo noon may kaya ang pamilya mo, eh?”

Nagsalubong na ang mga kilay niya.

“Kung ako sa iyo, bossing, basahin mo iyang sulat. Malakas talaga ang kutob ko na dahil sa mana iyan. Magkakapera ka na. At kapag magkakapera ka na ulit, mababalikan mo na si Boss Mattias,” pandedemonyo pa sa kanya ni Boyting.

Nag-isang linya na talaga ang mga kilay ni Trood napatitig sa sulat. Matagal na titig. Hanggang sa nakita na nga niya ang sarili niya na binubuksan na niya iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status