Share

CHAPTER 6

Kinuha ni Trood ang sigarilyo sa daliri ng tauhang si Boyting at hinithit iyon.

“Ano’t nandito ka, bossing? tanong nang bahagyang nagulat niyang tauhan sa bigla niyang pagsulpot sa kanatatayuan nito.

Isa pa siyang hithit sa sigarilyo at buga sa nagkorteng bilog na usok.

“Tapos na ba ang pagpapakilala sa iyo ng lola mo sa buong center? Mali ospital na yata ang tawag dito dahil ang lawak-lawak. Ang alam kong center ay maliit lang, eh,” tanong pa ni Boyting.

“Oo. May mga aasikasuhin lang daw saglit si Lola sa opisina niya bago kami umuwi. Sabi niya’y maglibot-libot muna ako habang hinihintay siya,” sagot niya.

“Kung gano’n nakita mo na ang lahat ng parte ng center, bossing? Madami ba tayong mapapakinabangan? Tiba-tiba ba tayo?”

Napangiwi si Trood. “Paano ako maglilibot-libot dito? Lahat na lang ng nakikita ko, kundi manganganak ay kapapanganak. Jeez.” Animo’y naihi siya sa salawal na kinilig. Diring-diri rin ang kaniyang hitsura na nilingon ang center.

“Huwag kang ganyan, bossing. Huwag mong pandidirihan ang mag-aahon ulit sa iyo. Sige ka baka magtampo iyan.”

Huling hithit sa sigarilyo ay ipinitik na niya iyon sa kung saan. “Umaasa ka talaga, ah? Para malaman mo matalino si Lola Isadora. She's the kind of person who won't easily be deceived.”

Hinagod ni Boyting ang kaniyang likuran. “Hindi ‘yan, bossing. Kahit gaano pa katalino ang lola at lolo, mauuto pa rin sila ng kanilang mahal na mahal na apo. Alam ko iyon kasi madalas ko noong mauto ang lolo ko kapag hihingi ako ng pera. Isang lambing ko lang ay maglalabas na agad siya noon ng itinatago niyang pera. Tapos kapag nakita ko kung saan niya itinatago, ninanakaw ko.”

He shot Boyting a ludicrous stare. “Tarantado ka talaga. Pati lolo mo inuutakan mo. Sana multuhin ka niyon.”

Nagtatawa ang kausap at padyaheng nagkamot ng batok. “Bata palang naman ako noon. Saka bumawi naman ako, bossing. Ang ganda ng ipinatayo kong bahay niya sa sementeryo.”

“Gago!”

Nagtawanan silang dalawa.

“Gusto mo pa ng yosi, bossing?”

Oo sana ang isasagot ni Trood pero may natanawan siya na palabas sa main entrance ng center. Si Miss Pakyaw.

Bahagya siyang natigilan bago sumilay ang isang magiliw na ngiti sa labi.

“Chewing gum meron ka?” Inilahad niya ang palad sa tauhan.

“Syempre, bossing.” Dumukot sa bulsa si Boyting at inilagay ang dalawang piraso ng chewing gum sa kaniyang palad.

Nasa kay Miss Pakyaw ang tingin niya na binuksan ang mg iyon. Isinubo parehas at nginunguya na humakbang patungo kay Avely. Nag-plaster sa labi ng matamis na ngiti bago nagpapansin.

“Hi, Miss Pakyaw,” bati niya sa dalaga nang malapitan niya ito. “Saan punta?”

Nakairap na tiningnan siya nito.   

“Woah, ang taray agad,” biro niya. Um-acting siyang natakot.

“Ewan ko sa ‘yo!” Binilisan ni Avely ang paglalakad.

“Where you going?” ulit ni Trood sa tanong.

“Wala kang pake,” pagtataray pa rin ng dalaga.

Hindi iyon pinansin ni Trood. Sa halip iniangat ang kamay para i-check ang oras. “Oh, ala-una na pala. Lunch time mo na?”

Tumigil si Avely sa paglalakad. Marahas na bumuntong-hininga pagkuwa’y kumambyo ng lakad. Nagbago na ang plano niya. Hindi na lang siya kakain dahil tiyak na hindi naman siya makakakain ng maayos dahil sa malaking langaw na sumusunod at papansin sa kaniya.

“Teka, bakit babalik ka na? Hindi ka na kakain?” Nabahala si Trood. Nanlalaki ang mga mata niya sa pagtatakang sumunod pa rin sa dalaga papasok sa center.

“Nawalan na ako ng gana dahil may bangaw,” pasupladang sagot ni Avely.

“Huh?” Sa pagtataka kung nasaan ang bangaw na sinabi ng dalaga ay napatigil sa paglalakad si Trood. Tumingin-tingin siya sa paligid niya. Hinanap niya ang bangaw.

“Teka!” Pero nang ma-realize niyang siya iyon ay nagngitngit ang mga ngipin niyang sinundan ulit ang dalaga. Inunahan niya ito at hinarangan. “Ako ba ang bangaw na sinasabi mo?!”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Avely. “Sinabi ko bang ikaw?”

Marahas siyang napasinghap, walang maapuhap sabihin. He was dumbfounded. Ibang klase talagang babaeng ang pakyaw na ito. Parang walang kinatatakutan.

“Huwag mo na akong susundan para hindi ka magmukhang bangaw!” maanghang na sabi pa ni Avely.

“Sandali nga!” Bago ito makatalikod ay pinigilan niya ito sa braso. Kung hindi lang siya nito tinulungan noon kay Monica ay baka nabali na niya pati iyon. Ang lakas ng loob na taray-tarayan siya.

“Bitawan mo nga ako!” asik nito. Hindi talaga natatakot sa kaniya.

He took a sharp inhale. “Bakit ba ang sungit mo sa akin? Baka nakakalimutan mo na ako ang apo ng nagmamay-ari ng Birthcare Center na ito? Anumang oras na gustuhin ko ay puwede kitang ipatanggal!”

“Eh, di ipatanggal mo nang malaman din ng lola mo at lahat ng nandito kung anong klase ka talagang tao!” subalit ay pananakot din sa kaniya ng dalaga. Nanghahamong nakangisi pa talaga.

Hindi siya pumapatol sa babae pero bumangon ang inis sa dibdib niya. “Subukan mong gawin iyan at makikita mo talaga kung sino ako.”

Subalit kaysa matakot ito, “Hindi ako natatakot sa iyo, Tom Tom!” ay binawi nito ang braso at winalk-out-an na siya.

“Aisst!” ungol niya sa inis dahil parang sumakit ang tainga niya sa tinawag nitong pangalan niya—ang Tom Tom. Handa na siyang pumilipit ng leeg na sinundan niya ulit ang dalaga.

“Makinig ka!” umpis niya.

“Ano na naman? Bangaw ka ba talaga at sunod nang sunod?”

“Hindi ako bangaw lalong hindi na Tom Tom ang pangalan ko. Trood ang pangalan ko naiintindihan mo? Trood ang pangalan ko kaya Trood ang itawag mo sa kin!” mabalasik niyang sabi.

“Ewan ko sa ‘yo!” ngunit sabi lang ni Avely kasunod niyon ay ang pagsara na nito ng pinto.

“Hoy, nag-uusap pa tayo!” Sinubukan niyang buksan iyon pero mukhang naka-lock na sa loob.

“Sir, bawal pong pumasok sa loob ng nursery,” mabuti na lamang at naunahan siyang pagsabihan ng dumaang nurse bago niya warakin ang pinto.

Napahiya siya nang makita niya ang nakasulat sa pinto. NURSERY. Nakarating na pala sila sa nursery na hindi niya namalalayan.

Pinilit niyang ngumiti sa nurse. “Sorry, akala ko puwede,” at palusot niya.

Yumukod sa kaniya ang nurse at umalis na.

Tiniyak muna ni Trood na wala na ang nurse bago niya inis na inis na inundayan ng suntok at sipa ang pinto, inisip niyang si Avely iyon, pero hindi naman tumatama.

“Ang sarap mong i-upper cut,” gigil niya pang saad. Patuloy na kinukutkot ng inis ang kaniyang dibdib. Hindi siya sanay na sinusupladahan ng babae, eh, mas sanay siyang nilalandi ng babae kaya nakakairita.

Saglit ay bumuntong-hininga siya bago nagpasiyang umalis na. Anong pagtataka nga lang niya nang sa pagdaan niya sa isang salaming pader ay nakita niya sa gitna niyon si Avely. Nakapalibot sa dalaga ang madaming bagong panganak na sanggol. Animo’y naging slow motion ang oras sa paligid na pinakatitigan niya ito.

May hawak-hawak si Avely na sanggol. Pinapatahan nito dahil umiiyak. At ewan Trood dahil lalo pang gumanda sa paningin niya ang dalaga sa ganoong hitsura.

Na-imagine ni Trood na anak nila ni Avely ang sanggol na karga-karga nito.

“Hoy!” Hindi pa man nakakalayo ang imagination niya ay nagulat na si Trood nang kumalampag kaunti ang salaming pader at si Avely ang may kagagawan.

Natauhan siya’t nilamon ng kahihiyan. Natulala na pala siya sa panonood sa dalaga. Shit!

“Alis!” hindi man niya naririnig ay nabasa niyang buka ng bibig ni Avely. Pinapaalis siya sa paraang parang… parang bangaw. Grrrrr!

Iningusan niya ito’t lumakad na nga paalis.

No, kahit sa panaginip ay hindi na niya aasamin na maging asawa at magkaroon ng anak sa babaeng iyon.

God, nai-imagine na niya na lagi lang silang nagbubugbugan kung sakali. Tapos… tapos siya ang may madaming black eye.

No way!

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Verralene Samontina
my ghàaaaassssshhhhhhh ang aga mung mag imagine trood......paktay k ngaun ky avely........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status