Share

SIY-7

PALABAS si Anna sa room na inuukupa ng anak para sana bumili ng makakain sa labas nang makita niya ang sekretarya ni Brett na may kinakausap sa cellphone nito. Ang lalaki ay nakatalikod sa kaniya. Ayaw man sana niyang istorbuhin ang lalaki na kakababa lang ng cellphone nito, pero naisip niya na baka isipin nito na hindi siya namamansin. Tumikhim siya upang kuhanin ang atensyon nito at sakto namang bumaling ito sa kinaroroonan niya. Nagulat pa ito nang makita siya at napabaling pa ulit ito sa cellphone na hawak nito. Nagtataka siya kung ano ang ginagawa ni Aaron sa Hospital.

May pasyente rin ba siya? Tanong niya sa isipan.

"Anna! Oh, n-nandito ka rin pala? Sinong kasama mo? Asawa mo?" sunod-sunod na tanong ng lalaki na tila ba nababalisa pa.

Nangunot ang noo niya sabay na tumingin sa kaniyang paligid kung may kasama ba siya roon na iba.

Nagtataka rin siya sa klase ng tanong ni Aaron. Wala naman kasi siyang katabi ngayon kaya paano nito na tanong na asawa niya ang kasama niya?

Napangiwi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status