PUMUNTA sina Anna at Brett sa istasyon ng pulis kung saan naka-duty si Rico. Nag-usap sila at ipinahayag ni Rico ang tungkol sa pinadalang GPS ni Louie. Nang banggitin ni Rico ang bahay ni Lita Lansangan ay walang ideya si Brett kung sino ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Rico.Mukhang naunawaan naman ni Rico ang nasa isipan niya kaya agad nitong ipinaliwanag kung sino ang binanggit."Mga magulang sila ni Tekla, bro. Ayon sa nasagap na impormasyon ng kasama kong pulis, ang bahay na iyon ay kina Tekla. Private property ito kung kaya't walang nakakapasok. Saka matagal nang na abandona ang bahay simula nang mamatay ang parents ni Tekla, ang mga kapatid naman nito ay sa Manila na nakatira. At ang bahay na iyon ang napiling taguan nina Carol dahil alam niyang walang nakakaalam niyon maliban kina Tekla at mga kapatid nito." Paliwanag ni Rico.Naunawaan naman ni Brett."Thanks to Louie dahil bago siya mamatay ay nakuha pa niyang tumulong sa'tin," saad ni Brett."
MARAMING mga pulis ang nakapaligid sa bahay ng Lansangan, sinisigurado ng mga ito na kung sino man ang nasa loob ng bahay na siyang salarin ay hindi ito makakatakas sa kamay ng batas.Sa mga sandali namang iyon ay nakatayo pa rin si Carol, hawak ang sariling baril. Si Tekla na nakaluhod sa sahig hawak ang basahan na puno ng dugo at may tama ng baril sa binti, at si Rico na tinututukan pa rin ng baril si Carol, kasama ang ilan pang mga pulis na nakapaligid sa kanila.“Drop your gun now, Carol, at sumuko ka na,” utos pa ni Rico sa babae.Subalit ngumisi lamang si Carol at hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan nito. Hindi ito natatakot sa mga pulis na nakapalibot sa kanya.“At kung ayaw ko, huh? Ano ang gagawin mo? Babarilin mo ako? Damn, I know you can’t do that, Rico,” kampante na sabi ni Carol at tumawa ito nang malutong. “I’m not afraid of death, Rico!” sigaw ni Carol na nanlilisik ang mga mata. Ang baril na hawak ay itinutok muli kay Tekla at walang ano-anong pinutok ito sa pin
MALINAW na isang hostage taking ang nagaganap sa bahay ng mga Lansangan at nasaksihan iyon mismo ni Anna nang makapasok siya sa mansion at maka-akyat sa rooftop. Naabutan niya ang ilang mga pulis sa paligid at kumukuha ng buwelo para malapitan si Carol. Bumadha ang kaba sa dibdib ni Anna, alam niya na sa sandaling iyon ay hindi biro o madali ang nangyayari. Naroon din ang mga tauhan ni Rico, at nakita niyang sumenyas ito sa isang kasamahan nitong pulis. Ni hindi ng mga ito nakita ang presensya niya. Naiintindihan niya na mahirap ang ganoong sitwasyon dahil hawak ng babae ang bata kung kaya’t ingat na ingat ang mga ito sa bawat galaw na nililikha. Natatakot man siya'y wala siyang magagawa kundi ang lakasan ang loob lalo na ngayong nakikita niya ang anak na hawak ni Carol sa loob ng chopper. Lahat naman ay ayaw malagay sa panganib ang bata, lalo na siya dahil isa siyang ina—ina ni Brave.Bago siya makapasok ng bahay ay nakipag-away pa siya sa mga pulis na nagbabantay sa labas kanina. A
1 year later...Hindi na niya magawang itali pa ang mahabang buhok dahil sa pagmamadali. Basta na lamang niya itong ipinusod paitaas at ang iba niyon ay nakalugay pa sa magkabilang pisngi niya. Sinipat niya ang sariling repleksyon sa salamin. Suot niya ay isang t-shirt na medyo hapit sa kaniyang katawan, at pantalong maong naman na may hiwa sa magkabilang tuhod ang pares. Dinampot na rin niya ang belt bag at kaagad iyon isinuot. Nakarinig siya nang pagbukas ng pintoan, alam niyang si Tekla na iyon. Ang kaibigan niyang bakla."Bruha! Narito ka pa ba?" malakas ang boses na sigaw nito mula sa maliit na sala sa labas.Napangiwi siya sabay baling sa isang taong gulang na anak na napakislot sa higaan nito dahil sa pagsigaw ng kaibigan. Nilapitan niya ito at tinapik-tapik ng marahan sa hita. Kalaunan ay bumalik din ito mula sa mahimbing na pagtulog.Dahan-dahan siyang gumalaw at naglakad palabas sa maliit na silid na iyon at sinalubong ang kaibigan sa labas."Huwag kang maingay magigising s
NAHIHIYANG nakiusap si Anna kay Manilyn na sisikapin niyang mabayaran ang perang naiwala niya noong isang araw. Umabot iyon ng sampung libo at mahigit kaya alam niyang hindi niya iyon mababayaran ng isang bagsakan lamang, kaya nakiusap siya sa ginang na kung maaari ay pag-iiponan muna niya ang ipapambayad niya rito. At malaki ang naging pasasalamat niya nang walang pagtutol siyang narinig mula sa ginang, bagkus naawa pa nga ito sa sinapit niya."Huwag kang mag-alala, Anna, naiintindihan ko naman. Ewan ko nga kung bakit may mga taong hindi marunong magtrabaho ng patas! Pero, Anna, ang mahalaga ay walang nangyaring masama sayo. Ang pera makikita pa naman natin iyan, pero ang buhay mo ay hindi na maibabalik kung iyon ang kinuha sayo, kaya pasalamat pa rin tayo at walang nangyaring masama sayo."Napaluha siya sa sinabi ng ginang. Bihira ang taong tulad ni Manilyn, na marunong umintindi kaya naman nagpapasalamat siya sa ginang."Maraming salamat po, Ate Manilyn," maluha-luha niyang wika sa
CEO, OFFICENAKAUPO siya sa swivel chair niya at nire-review ang mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya. Sinisigurado na bago iyon pirmahan ay nabasa na niya ito ng maigi. Pero sandali siyang tumigil sa ginagawa nang marinig ang pagkatok sa pintoan ng opisina niya.Napabuntonghininga siya. Ayaw niya ng bisita o kahit na sino. Ang gusto niya ay tahimik lang. Tahimik na lugar, that's all.Narinig pa niya ulit ang pagkatok sa pinto, ngunit hindi siya sumagot. Hanggang sa marinig niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.Si Aaron. Sekretarya niya. Ibig sabihin lang ay ito ang nasa labas ng pinto niya ngayon at kanina pa kumakatok. Iyon ang ginagawa nito kapag hindi siya nagbibigay ng permiso na magpapasok ng tao sa opisina niya—ang tawagan siya nito upang ipaalam na ito ang nasa labas ng pinto."Come in," malalim ang boses na wika niya sa microphone. Konektado iyon sa maliit na speaker na nasa labas ng pin
PARATING palang ng bahay na inuupahan si Anna ay dinig na kaagad niya sa labas ang iyak ng anak na si Brave. Kinabahan siya sa hindi malamang kadahilanan kaya naman binilisan niya ang paghakbang hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Kaagad niyang naabutan si Tekla na sinasayaw-sayaw si Brave. Hindi ito magkamayaw kung paano patatahanin ang bata. Ngunit ang anak niya ay hindi pa rin matigil-tigil sa pag-iyak at mahahalata sa galaw ni Tekla na natataranta na rin ito.Ni hindi nga nito napansin ang presensya niya. Kaya nilapitan niya ito at tinapik sa braso."Diyos ko namang babae ka! Mabuti at nakauwi ka na!" gulat na bulalas nito nang makita siya. Nangunot ang noo niya sa sinabi ng baklang kaibigan."Bakit?" aniya sabay na binalingan ang bata. Inilipat naman nito ang bata sa braso niya at maagap naman niyang tinanggap ang anak, ngunit nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman na ang init ng katawan ng bata. Alam niyang hindi iyon normal. "Anong nangyari? Bakit ang init ni Br
Nakaharap siya sa salamin habang inaayos ang pagkapusod ng mahabang buhok. Sinuri ng maigi ang mukha kung may dumi ba roon o wala. Nang sa tingin niya'y wala naman, at komportable naman siya sa ayos niya, ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi at marahang pinisil ito. Namula iyon at nagmistula siyang gumamit ng blush on. Ang sunod na binalingan niya ay ang kaniyang labi. Kinagat niya ang pang-ibabang iyon at katulad ng nangyari sa magkabila niyang pisngi ay namula rin ito. Pinagmamasdan niya ang sariling repleksyon sa salamin.Okay na 'to!"Gamitin mo na kasi iyang lipstick, dear!" Muntikan pa siyang mapatalon sa kinatatayuan nang biglang may magsalita. Marahas siyang napabuga ng hangin sabay baling sa bagay na ipinatong ni Vian sa ibabaw ng lumang cabinet na may malaking salamin."Hindi ako sanay riyan, Vian," nakangiwi niyang komento.Tawa naman ang isinagot nito sa kaniya sabay pakembot na naglakad palapit sa kaniya. "Naku, dear, kailangan mong gamitin iyan para naman pak na pak