Share

Chapter 2

Pagkabukas palang ng elevator, bumungad na saken ang iilang tao na nakahilera.

"So, dito ka?" Tanong ni Yohan na nasa tabi ko pa pala dahilan para tumingin ang iilang taong nasa malapit.

"Uhm, yeah. Salamat" Sagot ko.

"Sure, no problem. Goodluck" sambit nya. Agad naman akong lumapit at naupo sa upuan.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Almost lunch na din pala. Di bale, mamaya ako kakain. Importante ito kaya uunahin ko muna. Isa pa, andito na ko eh, alangang umalis pako.

As time passed, paunti ng paunti ang tao dito. Ang iba ay nakaalis na. Mga nasa 15 nalang siguro kaming natira.

Nang biglang lumabas si Yohan mula sa isang pintuan.

"Okay everyone! Sorry to tell you but the CEO calls it a day. Ipagpapatuloy nalang daw the other time, so for now, you may go home"

Natulala naman ako dahil don. Tapos na?

Nagskip ako ng lunch at naghintay ng halos dalawang oras tapos...di pala ako aabot?

Nagsialisan na ang ibang andito habang ako, nakaupo padin. Ewan ko ba. Naiinis ako!

"Hey, Venice" Napatingin ako kay Yohan na tumayo sa harapan ko.

"Di ka pa uuwi?" Tanong nya.

Tumingin ako sa kabilang direksyon. Ang tangkad nya kase, saka against the light yung direksyon nya. Pag tumingala ako, feeling ko, masisilaw ako sa kagwapuhan nya.

"Ahh, hindi pa. Magpapahinga lang ako saglit bago umalis" Sagot ko kasabay ng pagtunog ng tyan ko.

Oh, bad timing.

"Damn, di kapa kumakain?" Tanong nya saka naupo na den sa tabi ko.

Eh pano ako kakain gayung abala ako dito tapos tatapusin ng ganun lang? Ewan ko ba kung bat inis na inis ako. Grr.

"Not yet" Sagot ko saka sumandal.

"Past lunch time na. Almost 3pm na den. Tara, my treat" sabi nya at tumayo, di na hinintay pa ang sagot ko.

"Teka!" Sigaw ko saka tumayo. Lumingon naman sya sakin pero napako ang tingin nya sa likuran ko.

"Uy Jerwin!" tawag nya kaya agad akong lumingon pero pagsara ng pintuan ang bumungad sakin.

Okay, yun ba yung CEO? Rude.

"Tara na Venice" tawag ni Yohan kaya wala na kong choice kundi sumunod.

"Salamat" sambit ko pagkalapag ng order namin sa mesa.

"Kain kalang, wag kang mahiya" sambit nya saka sinimulan nading kumain. Tahimik nalang akong kumain.

"So, how did you found about Rivera Towers?" Tanong nya matapos ang ilang minutong katahimikan.

Uminom ako ng tubig saka sumandal sa upuan.

Pano ko nahanap ang Rivera Towers?

"Simple, they're all over the news every single day" Sagot ko.

"No, what I mean is. Bakit andun ka for interview? You're looking for a job?"

Don na ko natigilan sa pagkain at mas lumalim ang buntong hininga ko.

Yeah, he's right. I'm looking for a job right now. Funny, right? Dati, kami ang employer, ngayon, ako na ang naghahanap nang employer.

"Yeah, and I found out about that job hiring nung mapadaan ako sa building one time and I tried" sagot ko.

"Oh. Pasensya kana kung hindi ka umabot ngayong araw ah. Nabo-bored na daw kasi si Jerwin eh. Paulit ulit lang naman daw ang tanong nya at ang sagot na nakukuha nya"

Walangya.

"Ayos lang" Sagot ko kahit gusto ko nang sakmalin yung Jerwin na yun.

"Maybe tomorrow, ayos na ulit yun" sabi nya.

"Eh ikaw? What's your position in the company?" Tanong ko.

Well, Rivera Towers are very famous not just nationwide but also, worldwide. They owns a cruise and airport den sa pagkakaalam ko. Biggest shipping lines and airlines are owned by them.

Over 25 countries and may branch ng airport at cruise na pag aari nila.

Based on my researches.

And about the CEO, balita ko, pinakilala sya last last month but I didn't have the chance to see his face. And so? Ano kung makita ko pagmumukha nya? Basta, inis ako sakanya. Tapusin ba naman ang interview dahil lang bored.

"My position? I guess, top"

Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko, may double meaning ang sinabi nya. He noticed it and immediately answered.

"Oh! I mean, top pilot ako ng main branch ng airlines nila" natatawang sabi nya.

"Ah, kaya pala. And, best friend mo yung CEO?" Tanong ko.

"Yes. I met him 3 years ago. He was aloof back then pero unti unti, as time passed, nagiging open na din sya sakin" sambit nya.

"Do you have a company that you owns?" Tanong ko ulit.

"Whoah! Why do I feel na ako yung ini-interview? Diba dapat, ikaw yung interview-hin ko para makapagpractice ka?" Sambit nya.

Oo nga but, gusto kong malaman ang ibang tungkol sa kanya. Or maybe, I need to do some research about him later.

"Sagutin mo muna" Sagot ko.

"Oh well. My family owns a chains of hotels" sagot nya.

Nanahimik naman ako agad. Well, my family used to own a chains of hotels back then.

But, not anymore.

"So, ano? Mind if I ask you now?" Umiling lang ako.

"So, how old are you?" Bahagya akong natawa.

"24 years old" sambit ko.

"Oh, you're with the same age as Jerwin"

At, ano namang kinalaman ni Jerwin dito? Bat ba nasasali yun sa usapan?

Magsasalita pa sana sya ng may lumapit na babaeng naka formal dress. She's wearing a light blue blouse and a white pencil skirt and a white three inches heels.

"Hi, sir" bati nya at napansin ko agad ang paglawak ng ngiti ni Yohan.

"Uy, ikaw pala Tanya" bati ni Yohan bago bumaling sakin. "Tanya, this is Venice and Venice, si Tanya, one of the flight attendants sa main branch ng Rivera Airlines"

Ngumiti sakin si Tanya at di ko itatanggi na ang ganda nya.

"Hi, nice meeting you" sambit nya habang nakalahad ang kamay kaya tumayo din ako at tinanggap ang kamay nya.

"I'm Venice, nice meeting you too" and I smiled.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status