Share

Chapter 1

Kusang namulat ang mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Agad akong napabuntong hininga. Bagong araw nanaman.

Bumangon ako at agad inayos ang higaan. Nag inat ako bago pumunta sa banyo para mag ayos. Naghilamos ako at nagsipilyo saka tinali ang buhok ko. Lumabas din ako pagkatapos at lumabas sa banyo para diretso labas sa kwarto.

"Anak, andyan kana pala. Come, eat with us" salubong ni Mommy saken. Nilalapag nya ang baso at sinasalinan ang baso ni Daddy na syang tahimik at nagbabasa ng dyaryo.

Nangunot ang noo ko pero agad ding nawala ng mapagtanto ko.

Oo nga pala.

Binalewala ko yon saka ako dumiretso sa upuan ko at kumain. May pupuntahan pa pala ako ngayon.

"Venice, ano? Kamusta yung pinagkakaabalahan mo?" Tanong ni Daddy na nakatuon na ang paningin sa akin.

Uminom ako ng tubig bago sumagot.

"Wala parin, pa. Pero, ngayon po, aalis ako para sumubok ulit" tahimik lang syang tumango at nabalot na kami ng katahimikan.

"Alam kong kaya mo yan, anak" sabi ni mama saka ngumiti sakin.

Napangiti din ako.

Tama, kaya ko ito.

Tiningala ko ang mataas na building na nasa harapan ko. Sa tingin ko, nasa 20 floors ang building na ito o mas mataas pa. Skyscraper na nga yata eh or hindi na yata, skyscraper na talaga.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko bago nagmulat at dumiretso sa entrance ng building.

"Ma'am, may appointment po?" Tanong ng receptionist. Inabot ko ang folder na hawak ko. "Ah ma'am, sa top floor po ito. Punta nalang po kayo" nakangiting sabi nya.

"Salamat" kinuha ko ang folder at dumiretso sa elevator. Habang nag aantay, in-appreciate ko muna ang interior ng building. Ngayon ko lang kasi napuntahan ito.

May double glass doors sa entrance, ang Isa ay exit at ang isa ay entrance. Ilang hakbang lang ay ang receiving area na may logo ng building sa baba.

Rivera Towers

Yan ang nakapangalan sa building, so, basically, the Rivera's owned this. Halata naman Venice, ano ba.

"Miss? Papasok ka ba?" napakurap ako at napatingin sa elevator na nakabukas na at may sakay na.

Isang lalaking naka suit ang nagtanong sakin non. Matangkad sya at naka suit. 5'10 ang height base sa tantya ko.

"Miss? Ano?" napakurap nanaman ako saka dumiretso sa loob.

Nakakahiya, Venice! Ano bayan.

Katabi ko yung lalaking kumausap sakin at ewan ko kung bakit ramdam ko ang matatalim na tingin ng mga babaeng empleyado sa likod.

Oh wait, is he the CEO of this building? Or not? Pero, paano kung sya nga?

"What floor?" Tanong nya pero di ako sumagot. Hindi naman ako yata yung tinatanong eh.

"Mr. Velozo, sa 15th flo--"

Velozo?

"I'm not asking you.." Ramdam kong kinalabit nya ko kaya napatingin ako sa kanya. "You, what floor?"

Napatunganga ako. Ako pala yung tinatanong nya.

"Uhm, top floor" sabi ko. Tumaas naman ang isang kilay nya at dumako ang paningin sa folder na hawak ko.

"Oh, you're here for that. Akala ko, isa ka sa representatives na kasali sa meeting mamaya" sabi nya saka natawa ng mahina.

"No.." Sagot ko at tiningala ang numero na nagpapakita kung anong floor na kami.

15th floor.

Tumigil ang elevator at saka lumabas ang mga babaeng empleyado. Nabangga pako nung isa or should I say, binangga.

Naiwan ako at yung lalaking kumausap sakin dito sa elevator. Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness.

"Yohan Velozo" sabi nya kaya napatingin ako.

"Ha?"

"I'm Yohan Velozo. Best friend ako ng CEO nitong building" sabi nya at ngumiti.

His genuine smile. Akala ko pa naman masungit. Hindi pala.

Ngumiti din ako. "Venice Ocampo" sabi ko.

Natigilan naman sya pero agad ding bumalik sa normal.

"Venice, huh?"

"Why?"

"Oh, wala naman. Nagandahan lang ako sa pangalan mo. Oh, top floor na" sabi nya kaya tumingin na ko sa harapan.

Okay, Venice. Here it is.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status