Share

CHAPTER 2: EIGHTEEN

Synecdoche’s POV.

Our hearts beat only with their permission. But at least, we have never known a world without them.

I did not know that our nation was divided separately and alphabetically from A to Z—not until I read a dictionary, stopped on its page 143, saw an English word and went outside to see if we have it.

"Sabi nila, ang isang butil daw ng palay ay katumbas ng isang kitil ng buhay. Na ang pagkain ng palay ay paghain ng pagkawalay—kahit kalahati ng isang butil. That's why, I don't want you to go out, Synecdoche. Soldiers—the Manjies, will attack you," Padre Oriel said, lighting up the candle near the altar.

Siya ang paring kumupkop sa akin. I want to thank him a million times for saving my life—several times as how often I recite, recall and reflect on those letters and definitions of the words in the dictionary; sa ilang taon na tumitingin sa labas ng aming bintana.

"Can I be in a state of fear without being afraid of them?" I asked him innocently, looking outside the window. Twenty-three na ako ngayon but I haven't been outside for so long. I just went out to feed our piglet below our bamboo house then went back again.

"Anong klasemg tanomg iyan?" Padre asked me again while he was sitting beside me. Hawak niyang mukha ko. The forehead is puckered but he's smiling. He wants to feel me that they'll not get us.

"Theologically, logically and critically speaking, what's the purpose of humanity?" I kill my curiosity before it kills me.

"To live and let live. To love and be loved. To be treated equally. To know your meaning and fulfill your purpose." Padre squinted, then looked heavenward.

"Just like words in the dictionary, right? 

If I read all those words again and again, can I know my purpose, Padre?"

"If that so you are in the process of knowing your purpose. Kapag tumigil ka sa pagbabasa, you start fulfilling it eventually."

"But as I scan the pages, I stopped when I saw the word Freedom, Padre." I showed him the word in the dictionary which I highlighted last time using the green leaf.

"Back in the days, our ancestors are fighting for our freedom. Our ancestors— Aetas, Negritos, Balúgas, Dumágas, Mamanúas, Manguiánes, Tagals as Soldiers and Sailor. Maharlika. Grass," Padre started.

District G.

We call it Grass. Home of farmers, supplier of grains to Mahar—the capital of Maharlika. That's where we live now—in where we hide.

"Alam mo ba ang pinakamalala?" We went behind the windows and watch its demeanor, "we have our ancestors, and other districts have their ancestors, too. That's why it started the rebellion and created the civil war, they failed—long before you see those green green lush hybrid grasses." Tinuro niya ang mga palay.

"But you know what's the worst of the worsts, Padre?"

"Hindi, ano iyon?" He asked.

"Our ancestors remain in our hearts and the fact that we failed to fight for it, remains in our mind." I looked at him trying to figure out the mole on his cheek looked like grain seeds.

Filled with farmland of Grains, I am not accustomed to unsee them—not the grains, but those Embassy's armies ransacking our grains without reluctance. I don't know why they call them Manjies. Ang alam lang namin ay masasama sila, mga tauhan ni Ambassador Hugo Cassidy na nagpapaka-presidente. Mukha ay walang kadukha-dukha, diwa ay puno ng tuwa—dahil sa aming mga nasa laylayan ng lipunan.

Pati paghinga namin ay walang paglinga. Kada-hinga ay parang inuutang sa kanila. 

The word is Freedom. 

Always...seldom,

No peace, and hope. Abject poverty. Oppression. Controlled.

We are powerless. 

We are afraid.

They have all the resources.

So we need to fight... the locusts, not the Embassy. We need to protect the grains so they have something to eat, bahala nang wala kaming makain kaysa sapilitang patayin.

That's why, one time, I closed my eyes to see if there is a light of hope but... I saw something. Something that can tell that I am unique, that I can go with the flow...let them flow, let them glow. Let the letters let me.

"So what happens when you close your eyes, Synecdoche?" curious na tanong ng isang lalaki sa akin. Ang mga bughaw niyang mga mata ay nakatutok sa akin. Ang kanang kamay ay nakahawak sa ilalim ng kaniyang bibig samantalang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa lamesa and its fingers are tapping on it like the sound of a clock. I will not be shocked if I can see an hourglass anywhere around. But I still sit, firmly.

 "I can see them," my voice echoed in this small laboratory room and I am exhausted dahil parang nag-iba ang tono ng boses ko. “I can see them,” I said it again to ensure and I bite my lips as I heard the same voice.

"Who?" he asked while holding a pen and started writing something on a paper. 

Who? What. They are not people. 

"Words. Lots of words!" May diin ang pagkasabi ko nito. When I say Lots, I mean it—as much as the precious golds of power we have. The gold of helplessness. The power to be a slave.

"It seems very exaggerated. Paano nangyari 'yon?" Tumaas ang kaniyang kilay and he paused for a while. 

"Ewan ko? Baka bunga ito ng pagbabasa ko ng mga libro?" sabi ko at parang sumang-ayon siya kasi tumango ang kaniyang ulo. 

"Darling, in the English language, can you spell the 5th longest wor⁠—" I interrupted him.

I closed my eyes, jumbled letters began to flow like pixie dusts forming a word. It's like a magic but It's not fantasy. It is sensory, a thought experiment. It is science.

That's how I imagine.

Kung wala ang imahinsayon, William Harvey wouldn’t have discovered the full circulation of blood in the human body. Sir Isaac Newton would not have defined the concept of gravity and above all, Albert Einstein would not have developed the theory of special and general relativity.

"F- L- O- C- C- I -N- A- U -C -I- N- I- H -I -L- I- P- I- L- I- F- I- C- A- T- I- O- N." I spelled it without a doubt.

Tiniyak niya ang kapasidad ko at sinisiguro kung nagbabasa nga ba talaga ako ng libro o ng dictionary. I think, and I know that people also think, that it is the 5th longest word in the English Language. It is defined as the action or habit of estimating something as worthless.

Are we worthless or are we worthy to be less?

Meron kaming halaga hindi lang nakikita ng Embassy. 

Before he completely says what he wants to say, my brain is functioning. Now, I am the one who is tapping my fingers and each letter I pronounce has one tap on the table. I just want to add some bang effect, it's so tedious.

"And what is the 4th⁠ word—"

"It's Pseudopseudohypoparathyroidism, composed of thirty letters," I grinned which made him feel uncomfortable. He stopped once again. He tried to talk faster but I can still catch it up and his face was triggered. I'm hungry, I love to crack words. Come on!

 "And the definition?" tanong niya pero this time ay mabagal na ang pananalita niya. Wala na, naunahan ko na siya. 

"A mild form of inherited pseudohypoparathyroidism that simulates the symptoms of the disorder but isn't associated with abnormal levels of calcium and phosphorus in the blood." Napahingal ako dahil sa bilis ng pagsalita ng bibig ko.

I can still recall it. It is still fresh in my mind. Sa taas ng sinabi ko ay dali-dali niyang kinuha ang dictionary at naghalungkat doon, nilawayan pa nga niya ang mga papel nito upang malipat sa kabilang pahina. Mayamaya ay lumaki na lamang ang kaniyang mata nang malamang walang kahit isang mali o sablay sa sinabi ko. 

"And what is the longest word that doesn't contain⁠—" Muli siyang nagsalita at hindi pa siya kumbinsido sa mga narinig niya. Buti na lang handa ang utak at bibig ko.

 "Rhythyms is the longest word in the English language that doesn't contain vowels, sir." Muntik pa akong mabulol pero buti na lang nasabi ko ito. 

 "Patapusin mo muna ako. I mean the longest word that doesn't contain conso⁠—" Okay, expected ko na ang susunod na sasabihin niya.

 "It's Euouae. Six letters which composed of exclusively without consonants, Sir." Alam ko, na muhkang na-iintimidate sa presensiya ko itong lalaking ito.  

"Holly, molly. You are a crackerjack! Hindi ako nagkamali sa pagpili sa ’yo. I'm impressed, really impressed! Magaling na magaling na magaling ka darling Synec, how old are you?" Masigla niyang tugon sa akin like he got a miracle from the heaven o parang isang bulalakaw na siya lamang ang nakakita, na parang nakakita ng anting-anting o mahiwagang kaban na naglalaman ng mga alahas na may katumbas na malaking halaga.

 "23 years old na po ako⁠—" Napatingin ako sa kaniya nang walang pag-aalinlangan. Buti naman at kalmado na siya ngayon. Minsan lang ako nakikipag-sasalamuha ng mga ibang tao, swerte siya.

"I'm Dr. Connor by the way. So pwede ba kitang matanong about sa 'yo and sa family mo?" walang katapusan niyang tanong. Pero syempre mabait akong tao kaya sumagot ako.

"Wala akong alam sa kanila. As far as I can remember, iniwan nila ako sa tapat ng simbahan and then the Padre, of course he saw me habang hubo't h***d. Lumaki ako sa piling niya, kasama ng mga baboy, ng mga mapuputik na lugar, ng mga malalawak na lupaing maraming mga tanim ng Grains, sa lugar kung saan maraming magsasaka. The District G, we call it Grass. The Padre once said that we are one of the poorest among 26 districts, and our industry are Grains,” panimula ko.

Agad ko namang inisip ang klase-klaseng bigas na mayroon kami kagaya na lamang ng NFA, Ivory, Brown Rice, yellow corn at marami pang iba. Lahat ito masasarap at tatak District G. Ito ang nagsisilbing pamana ng aming mga ninuno na inaangkin ng mga tao sa government.

 “Aha, That’s correct haha haha. Just continue darling,” singit ni Dr. Connor sabay bigay ng putol-putol na halakhak. Ngayon ay nagsimula na siyang tumayo at sinunod naman ng mga mata ko ang mga galaw niya. 

 Nagsalita muli ako, “Hindi ko alam kung ano ang industry ng ibang districts. Kami, taga-tanim lang pero hindi pinapayagang kainin ang kahit isang butil ng bigas. All our rice grains will be exported directly to Mahar, the capital of Maharlika. Only wealthy people has the previlege to live there. Not to mention the Embassy⁠—where Hugo Cassidy is the Ambassador.”

Naalala ko tuloy ang sitwasyon namin. Nakalulungkot isipin na kahit isang butil ng bigas⁠—Oo, isang butil⁠—ay ipinagkakait pa rin ito sa amin.

 “Masamang damo iyan, Synec. Tsk.” Si Ambassor Hugo ang kaniyang tinutukoy. Nagtama ang ibabaw at ilalim na mga ngipin niya at ito ay nangangahulugang may galit o inis siya sa kaniya. “O ano pa, ano pa?” atat na atat niyang sabi. Nakasandal na siya sa dingding. Kay puti ng damit ang kulay ng dingding.  

“Kinukuha ng mga taga-Mahar ang mga bigas na hindi nagbibigay ng bayad sa amin, paraan daw namin iyon sa pagbayad ng tax at hindi raw iyon ibinebenta sa kanila kundi ipamimigay lang. Maraming Manjies ang pumupunta rito sa District namin para bantayan kami, iyong mga armies ng Embassy, iyon sila. Kung may magtangkang kainin ang sariling ani ay papatayin. Tanim namin 'yon, amin 'yon. How could they do that to Grass? They don't have humanity!” Nabagsak tuloy sa lamesa ang kamay ko nang wala sa oras. Talaga namang naiinis din ako. Kayo kaya ang ganyanin nila, no. Makakaya kaya? Matatanggap kaya?

 “They really are. Pero how about you as a grassgirl?” How about me? It is none of his business. Ano ito interview? May thesis ba siyang ginagawa? Nakaka-intimidate na din siya, ha. Pero syempre, mabait ulit ako.

 “Ah, hindi po ako lumalabas ng bahay, the Padre is the only one I have. Hindi ako nakapag-aral sa school but I am educating myself through reading the books which are kept for a long time inside his old box. I always read books at the corner of the house. Hindi ako pinapayagan ng Padre na lumabas unless he wants me to. Baka raw kunin ako ng mga Manjies, iyong mga tauhan ng Embassy na parating nakaunipormeng pang militar with guns on their hand,” medyo nanginginig ang boses ko sa takot. Parang feeling ko kada segundo, kada minuto o oras andito sila nakapalibot sa akin.

 “Bang!” Nagulat ako sa pagbitiw niya ng salita at sabay halakhak. Akala ko baril, nakaka-trauma naman. Naririnig ko kasi iyon eh kapag nagbabasa ako ng mga books at dictionary, ewan ko ba kung totoo ba basta ang naalala ko, biglang nag oink-oink nang malakas 'yung nag-iisang biik namin. Parang iniihaw lang. Ganoon.

 “All districts are controlled by the Embassy. Every district, from A to Z, every people, every industry, everything! It fears me, all of us here in Grass! That is why some grass people join the rebellion," pagpapatuloy ko at medyo huminga nang malalim.

Eh, wala namang mangyayaring ganito if the Embassy has a good relationship with us. How ironic na mas mukhang manipulado nila ang presidente ng Maharlika. Akala nila gold 'yung pagkatao nila. Mukha naman silang goma, lakas buminat ng iba pababa.

"Rebellion? You know, Hugo hates rebel," he paused.

I know it, sir.

Ilang segundo siyang natulala at biglang nagsalita ulit, “They will do everything just to protect the Embassy and the government. People who will be against them will meet their death. Here in Maharlika, the Embassy treated every district differently. Those 'haves' will be safe and those 'have-nots' will suffer from intimate restrictions," he explained.

 Bakit, is it our fault that we have less penny? Is it our fault that we are suffering from abject poverty but ironically, all trade and commerce in our district are forbidden?

 "Kaya ganito ang estado natin ngayon dito sa ating District? Ganun ba?" pagsisiguro ko sa kaniya.

 "Sa inyong district," sabi niya at agad ko namang nakuha ang punto niya. Hindi siya taga rito sa District G. "Well, sabi mo kanina na hindi ka nakapag-aral?" Umikot siya sa aking paligid habang nasa loob ng bulsa ng puting laboratory gown ang kaniyang kamay.

Tumango ako at alam kong alam niya na malungkot ako.

Inayos niya muna ang kaniyang salamin sa mata bago nagsalita, "Gusto mo bang makapag-aral ng high school?"

 Napatingin ako sa malayo na parang nag-aalinlangan. "Yes, but it's too late. 23 years old na ako. Ayaw kong pagtawanan nila ako. Never!" I explained. Iniisip ko 'yung magiging tugon ng iba sa akin, kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nakita ang isang katulad ko na mas matanda sa kanila.

 "Based on my research, it can be gleaned here," kinuha niya ang tablet niya, "that, among all hundred and four million Maharlikas, there were just 6% who haven't sent in school and you are one of them," wika niya at alam kong seryosong-seryoso siya sa mga data na nasa kaniya.

 I am one of them? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil kasali ako sa 6% but when I process what he said, I must be disappointed.

 "So you should be in school and did you know that you are missing for 2 weeks, Synec?" The moment I heard it, parang gusto kong tanungin ang sarili ko kung paano nangyari 'yon? Kung paano ako napadpad dito sa maliit na laboratory room na ito at kasama itong Dr. Connor na ito. Bakas sa mukha ko na walang kaalam-alam pero kalaunan ay parang naalala ko na.

 All I can remember is that, sa isang maaliwalas na umaga, I am reading a book in our house then someone caught my attention.

 A pig.

 She's a pretty-dirty pinky piggy, and the pig ran away to the forest. Pumunta siya sa farmlands ng mga Grains. Naghabulan kami, paikot-ikot sa pasikot-sikot, may dala pa akong net upang doon siya ilagay. Muntik na akong masubsob sa putikan, napasubo talaga ako. Baka makita siya ng Manjies. Lintik na biik!

Nakawala kasi siya kaya hinabol ko siya until nahulog ako sa isang sulok, sa isang butas na kasyang-kasya sa akin. I am trapped, sumigaw ako nang sumigaw tapos...tapos naabutan ako ng ulan.

Mayamaya ay dumungaw ang biik mula sa taas, ang mukha niya'y parang gusto niya akong tulungan, kasabay na din ng boses niyang tunog ng pag-aalala.

Dahil sa anyo niya at isa lamang siyang mumunting biik ay wala na siyang nagawa. Pinilit ko na lang umakyat gamit ang mga sanga ng kahoy at mga pinagpatong-patong na bato ngunit nung malapit na ako sa taas ay bumigay ang tinatapakan ko kaya nabalik ako sa baba. Ang sakit talaga dahil sa impact ng pagbagsak ko. My eyes became blurry, then I saw someone, he's Dr. Connor and... here I am.

"You are missing because I have been experimenting you for two weeks. You want to know the result? The good result," pabulong na sabi niya sa tenga ko na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang presensiya.

 Anong experiment iyong tinutukoy niya?

 "Look at the mirror, darling." Bahagya niyang itinapat ang salamin sa mukha ko.

 I looked young. I remember my youth. “Wait, what? Nagmukha ba akong bata...ulit? Anong...paano nangyari 'to?” Napatayo ako nang makita ang mukha ko sa salamin. Gulat na gulat ako habang hawak-hawak ang mukha. Hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Nananaginip ba ako?

 "Anong ginawa mo sa 'kin, Dr. Connor?" Napatayo ako nang wala sa oras. Gusto kong magwala! Feeling ko lumalabas na ang mga ugat ko. Anong nangyayari? Bakit naging ganito?

 "Aren't you surprised, Darling? Well, that is what a scientist does. They experiment. I put you inside the rejuvenation machine and make you part in an experimental program and reverse the aging process. From a 23-year-old lady became an 18-year-old girl. Successful, This is amazing! You are smart Synecdoche, and you are the hope of Grass so I need to do this so you should join," kumbinse niya.

 You should join. 

 Diyan ako na-hook.

 Saan?

I faced the guy again. "You know what, darling? The Embassy in Mahar City is a technologically advanced metropolis, utilizing advanced science and engineering to make life easier for its plutocratic citizens. However, we are set in a dystopian world where it contrasts the lives of us— the poor District residents with those of the cutting-edge Mahar citizens. Despite cataclysmic natural disasters and human-made war, the astounding technological innovations of Mahar appear from area to area in the form of hovercrafts, flying ships, and miracle medicine. In those other districts, Technology development is the primary industry; the citizens are highly adept at engineering, and the district contains factories and establishments that manufacture televisions, computers, electronic devices, and weapons. Here in District G, only Grains which give life to its residents but still taken away. And those rebels back in the days, there were pods, which are obstacles or maze made in Mahar that are used to stop the rebels from advancing into the city," He explained thoroughly.

Hindi ko na narinig ang mga sinasabi niya. "Pwede naba akong umuwi ngayon Dr. Connor? Sigurado akong hinahanap na ako ni Padre!” Atat na atat kong sabi sa kaniya at dahan dahang lumayo sa kaniya at naghandang lumayo.

 "Padre Oriel, right?" Papalabas na sana ako pero narinig ko ang pangalan na sinabi niya. Kilala niya si padre?

"Give this to him," binigay niya ang isang maliit na book or I must say a beige notebook, "go! It'll be getting dark soon. Mag-ingat ka baka makita ka ng mga Manjies," paalala niya sa akin at parang binabalaan niya ako. Na para bang hindi na ako makauuwi ng buhay o kaya ay may mga Mnajies na naghihintay sa akin sa labas. Hindi ko alam kung nasaan ako. Natatakot ako!

Napatanong ako sa sarili ko. Dapat ba akong magpasalamat sa kaniya dahil sa bago kong anyo? O dapat ba akong magalit sa kanya dahil ginawa niya akong puppet sa loob ng two weeks?

 Dali-dali akong lumabas sa maliit na laboratory room at dumaan ako sa isang clandistine tunnel dala ang lampara and I ended here up the mountain.

Mountain? Dito niya ako dinala?

But I see my district from up here. The grains, the whole Grass, it is so green and brown. I like how everything looks from up here.

It's like a painting. 

 And the sunset adds aesthetics to its panoramic view.

 My home.

 Pero mayroong parte ng Grass na parang kalbo na. The Manjies, the Embassy. They ruined it!

 How powerless we are.

 Palubog na ang araw at kailangan ko nang makauwi. As I am walking down the mountain, a shadow crosses the hillside, I heard it again, the sound of the big flying ship in the sky. Silver and gold. It signifies the Embassy.

 Nagtago muna ako sa isang liblib na parte. Ang laki ng bagay na ito, isang sasakyang pang-itaas, hindi siya eroplano kasi wala namang pakpak pero parang ganon na nga. Inikot ko ang mata ko sa bahagi nito. Ngayon ko lang napagmasdan nang mabuti. Napakatalino ng gumawa ng bagay na ito. Saan kaya gawa 'to? Metal? Iron? Gold and Silver?

 When the sky is clear, nagpatuloy ako sa paglalakad. No, sa pagtakbo pala. Hanggang hingal na hingal akong nakapunta sa tapat ng pintuan ng bahay ni Padre.

 Kumatok ako... ng maraming beses. Kay bilis ng pagkatok ang pagitbok ng aking puso. Nanginginig ako na hindi ko maipaliwanag. 

 Come on open the door, Padre!

 Nang bumukas ang pinto ay napanganga si Padre. Hindi siya makapaniwala no'ng nakita niya ako. I can't help but to give the book na bigay ni Dr. Connor. Wala akong ibang magawa, eh kundi iyan lang. Pagagalitan kaya niya ako?

 Binasa niya ang nakasulat sa cover ng libro at tumingin sa 'kin.

 "Jusko bata. Te.. teka, Synecdoche ikaw ba 'yan? Anong nangyari, bakit parang pumayat ka? Akala ko kinuha ka ng mga Manjies, saan ka nanggaling?” pautal-utal na sabi niya at ang mukha ay punong puno ng pag-aalala, "two weeks ka nang nawawala! Anong ginawa niya sa 'yo, Synecdoche? Okay ka lang? Pasok, dali! Baka may makakita pa sa 'yo," ang boses niya'y 'di makapaniwala.

 Binasa niya ang laman ng libro at bigla na lang siyang nagsalita.

 "Hindi! Anong ginawa mo sa anak ko, Connor? Dahil naging 18 years old ulit siya nang dahil sa 'yo, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito, pag-aaralin ko lang siya sa Grass University. Hindi ko siya pasasalihin kahit anong mangyari. Mahal ko ang batang ito." Mula sa libro, ay tumingin siya sa 'kin, "oo matalino 'to, pero hindi ko siya pasasalihin sa Maharlika Spelling TwistBee competition. Bakit siya pa? Jusko, sana matauhan si Connor sa ginawa niya." Nag-sign of the cross si Padre at parang may ibinulong sa ere.

Ano ba itong nangyayari? Sana hindi ko na lang hinabol ang biik. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayri sa akin ay hindi na sana ako lumabas.

 Maharlika Spelling TwistBee. 

Parang bago sa pandinig ko. Gusto kong sumali, kaso anong problema? Bakit ayaw ni Padre?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Silencieuxon RS
ang galing po author ...️...️...️...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status