Share

CHAPTER 4: HOLOGRAM

"Okay ka lang, Expert?" tanong niya habang naglalakad kaming lahat patungong quadrangle dahil nandito na ang Embassy. Ano bang problema nitong babaeng ito at tinatawag niya akong expert?

"Hindi expert ang pangalan ko. My name is Synecdoche Rochet," maktol ko.

"Okay, ‘yan pala ang pangalan mo, Exp... I mean Synecdoche. Well, Tumingin ka lang sa taas, ‘yan ang pangalan ko. Nice to meet you, itago mo 'yon ha," sabi niya at tumakbo siya nang mabilis.

Tumingin ako sa taas. Wala akong ibang nakikita kundi ang mga ulap. Ulap siguro ang pangalan niya? At saka anong ibig niyang sabihin na itago ko 'yon? Itatago ko talaga 'yong totoong katauhan ko. Hmm.

As we are heading to the quadrangle, nakikita ko ang mga mukha ng mga Grasslings na parang takot na takot, na parang ayaw nilang makaharap ang Embassy.

And now, I heard it again. I saw it again. The big flying silver-gold ship. Papalapag sa district namin.

Nandito na kaming lahat sa quadrangle. Naiipit na ako sa dami namin. Sana hindi maging overpopulated ang Grass.

Nung nakalapag na ang flying ship sa Grass ay biglang bumukas ang malaking pintuan nito with a smoking effect. Aren't they aliens? They are not an alien but they are acting like one. What is good about the Embassy is that they have access to technology. That's all, the rests are evil.

Manjies are in formation habang papalabas sa kanilang sinasakyan. They are holding guns, nakatatakot, ang dami nila, pinalilibutan nila kami. Nakita ba nila kaming gumagamit nung electric device? Parurusahan ba nila kami? Or worst, papatayin? Ano bang ginagawa nila rito?

"There you are. Muntik ko nang makalimutan 'yong mukha mo. Ano, may bumili na sa paninda ko?" Napatingin ako sa bumulong sa tenga ko. 'Yong lalaki sa tunnel kanina. Ang init ng hininga niya, pumapasok sa tenga ko.

Hindi ko siya pinansin. Ang Kapal! Matapos niya akong takbuhan, ha? Scammer siya.

Pero syempre, hindi ako nakatiis.

"Ah, 'wag kang mag-alala. May bibili din doon mamaya," pagkumbinse ko sa kaniya.

"Sana nga. Salamat pala—teka, 'wag kang tumingin sa mga mata nila," sabi niya nung tumingin ako sa mga Manjies kaya sa mata na lang niya ako nakatingin. Nakatatakot talaga 'yong mukha nila, saan kaya sila kumuha ng props nila, I mean their suit? Ang linis tingnan, pero ang papangit ng mga nagsusuot.

Napalingon ang lahat sa dambuhalang sasakyan na ‘yon dahil may papalabas. Isang babaeng matangkad na medyo payat pero may kurba.

Naglakad siya patungo sa stage na gawa sa kahoy na may mga palamuti. Hinawakan niya ang mikropono pero ang limang daliri sa kaliwang kamay niya ay parang nagsasayaw sa hangin na parang isang amazona.

"Ahahahahahaha!" Bigla siyang tumawa na parang isang mangkukulam. Napakatinis ng boses at masakit sa tenga. Wala namang nakakatawa, ah? "Meron na ba kayong clue kung anong pangalan ko?" dagdag pa niya. Ang gara ng intro niya, ah.

"Miss. Happy shalala?" mahinang sabi ng katabi ko. Nakamask pa rin siya ng itim. 

Nagpatuloy 'yong babae sa pagsasalita. "Well, My name is Miss. Ahaha and I am the right hand of Ambassador Hugo Cassidy and we are here to inform you that—"

"Birthday mo po ngayon? Kantahan ka po namin, pamparampampam Happy birthday to you, walang manok puro buto." Tumawa ang karamihan sa amin, at ang iba naman ay inilagay ang kamay sa mukha dahil sa inasta.

Nagulat ang lahat nung bigla siyang tinapatan ng baril na mga Manjies.

Eh pa'no ba naman kasi, napakapula 'yong si Miss. Ahaha. Mula sa buhok, make up, kasuotan at sapin sa paa nung babae. Kulang na lang habulin siya ng toro.

Nagtaas ng kamay si Miss. Ahaha, hudyat para hindi tapatan ng mga Manjies ng baril 'yong lalaki.

"Look, who's talking to me. Can you spell my name grassboy?" tanong ni Miss.Tawa sa lalaki.

"Hmm. Capital A- J- A- J- A." 

"Mali. Letter H iyon, not J. Simpleng spelling 'di pa magawa. Ganito na ba kabobo ang mga taga bukid? Oh sorry, I mean District G? Well, that's why we are here. We already came from six districts, from Districts A to F, now here in District G and then mamaya 'yong the rests naman. Today is the first day of the class. We are sent here by the Ambassador to inform you all that you have 1 month to find the most intelligent person here to represent and compete for your district on the 2nd Maharlika TwistBee Competition,” may diin ang pagsasalita niya at nagpatuloy, “Ay oo nga pala, nakikiramay ako sa inyong kapamilya sa naganap noong last year, better luck this year,"

"She's talking about Estella Estella." Napalingon na naman ako sa gilid kong lalaking scammer. Alam na alam niya. Napakaganda pala ng boses nitong lalaking ito kapag nagsasalita, napansin ko lang. 

"She's the only tribute of District G. Maganda, matalino, puro libro at dictionary ang hawak. Siya lang 'yong nakitaan na matalino rito sa ating district so siya 'yong tribute sa ating District last year na mag co-compete sana for the first ever MSTB. Pero sadly, the Embassy announced na ang kanilang sinasakyang train ay nahulog sa bangin dahil sa sirang daanan. Marami raw ang namatay, ewan kung totoo dahil wala silang ipinakitang bangkay. What a mystery or a sabotage either." Sabi nitong may-ari ng puso ng saging.

"So who's the winner?" Tanong ko.

"Wala sigurong winner? Wala kaming balita, walang T.v, radio. We are not allowed to use technology or electric devices, diba? Wala ring victory visit na naganap. So hindi na iyon inalam kung sino ang nanalo, dagdag problema lang pero nakakaawa 'yong mga magulang ni Estella Estella. Sa ngayon, sumama sa rebellion 'yong mga magulang niya."

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko kay Miss. Ahaha na busy sa pagsasalita at pakikipag-usap sa aking mga ka-distrito.

"The chosen one in your district will be sent to the word arena. Find the most intelligent person, 'wag niyo ipahiya ang district niyo. If you are asking about the reward, 3 wishes will be granted, tangible or intangible, but the wishes should start from the letter of your District if that person will win. Just a big if. If you lose then it's your district's loss," bumaba siya sa stage at pinagtitinginan at pinagtutro niya ang mga tao at nagsalita siya ulit, "I am encouraging you all to be part of this prestigious competition. Siguradong mag e-enjoy ang mapipili sa district niyo dahil this is a spelling bee competition with a twist. Again, with a twist. Well, malalaman niyo kung ano 'yong twist na ‘yan kapag nandoon na kayo sa Arena." Bumalik na siya sa stage at kikay siyang nag-pivot turn at humarap sa 'min.

"I assure you it will be exciting. To the soon-to-be tribute of district G, familiarize all the words, their origin, definitions, and etymologies in the English dictionary because you will be holding a weapon,soon." Then she laughs.

Hindi na namin narinig 'yong second to the last word na sinabi niya dahil biglang nag ingay ang mga grassling. We will be holding what?

"We will not waste our time here, If you are brave, join the competition. Thank you and enjoy your first day mga taga bukid." Nagsimula na siyang maglakad papasok ng flying ship. Pinitas pa niya iyong palamuting grains sa gilid, tiningnan nang malapitan at bigla na lang tinapon sa gilid.

Aba loko 'to, ah!

How dare her to call us Grass as magbubukid na parang nandidiri siya? Grain is our industry, and we are proud of it. Without us, the Embassy has no rice to eat, they love to eat it. The Embassy will starve until they die.

And we are hoping for it.

We are hoping they die and vanish in this nation of Maharlika so we can have our freedom back.

So that we can live a normal life,

So that we can do what we want,

So that freedom, peace, equity and unity will be the best things that we will ever see and feel in the Nation of Maharlika.

Nag-iwan ng malaking impact sa aming mga Grassling ang presensiya ng Embassy. Pupunta na naman sila sa kabilang district. I'm sure kikilabutan sila sa tawa ng Miss. Ahaha na 'yon.

"Oy, nakamask. Nakita mo na ba 'yong Ambassador ng Maharlika? Anong mukha niya?" tanong ko.

"Oo, nakita ko na siya, pero noon 'yon. Last year, noong pumunta sila rito sa district natin para sunduin si Estella patungong Word Arena. Teka, nasaan ka ba noon at 'bat nagtatanong ka kung anong mukha niya? 'Di mo siya nakita?"

"Nakita ko na siya pero nakalimutan ko lang." That's a lie. The truth is, hindi pa kasi diba nando'n nga lang ako parati sa bahay. Hindi ako pinapalabas, ngayon pa nga lang ako nakapag-aral sa eskwelahan, eh. Hindi ko na lang sinabi sa kaniya.

"Vani, balik na tayo sa classroom." Sigaw nung lalaki sa 'di kalayuan at itong nasa harap ko ang tinutukoy niya. Vani pala ang pangalan nitong owner ng puso ng saging. "Oh, who's this girl Vani? Spell Chix," tanong ng lalaki kay Vani.

"Hoy George Ferrer, Anong chix, ha? 'Wag mo ngang pagtripan 'tong kaklase kong si Synecdoche. Sasali pa 'to sa MSTB. Sige ka, who you ka talaga kung manalo 'to. Expert 'to." Bigla siyang sumulpot at tumingin ako sa kaniya nang masama. Hindi nga ako expert, kulit ng babaeng ito. At saka anong sasali ako? Sa NSTB? Teka nga, Oo nga no, pwede akong sumali.

Ilang segundong tumingin ‘tong si George at nagsalita. "Hey, I changed my mind Ulap McCloudy, you are more chic than this Synecdoche. Oh, by the way, who gives you your name, Ulap? Are your parents trying to translate your first name by your Lastname? Or baka fan sila ni Olaf ng Frozen?" he laughed, teasing Ulap with a silly face.

I knew it. Ulap is her name. And I loved it.

Ulap rolled her eyes to him and George winked back. Then the chemistry begins.

"Hey Synec, I'm Giovanni Roan Cornetto, kita tayo mamaya, kunin ko 'yong puso ko, ha, saka 'yong ano, " nag money sign siya at nagsalita ulit, "don't forget my name, hanapin kita mamaya or ako hanapin mo, nasa kabilang banda 'yong classroom namin. Punta na kami sa classroom," paalam niya sa amin. 

So ayun, kami na lang nitong si Ulap ang naiwan.

"Kunin ko 'yong puso ko ha, saka 'yong ano." Inulit ni Ulap 'yong sinabi ni Vani na para bang inaasar niya ako. Seryoso? Magkadugo ata si George at itong si Ulap.

"D'yan ka na nga, tayo na lang nandito sa quadrangle. Balik na nga tayo." Bago pa man kami bumalik, lumingon ako at tiningnan ko 'yong siliver-gold flying ship na papalayo sa aming district. Kumikinang siya kapag naaarawan. Hindi kinang ng ginto ang aking nakikita, kundi kinang ng langis. Langis na ayaw makihalo sa tubig na lubog, sa aming mga lubog sa hirap at nasa laylayan ng lipunan. 

Nung nakabalik na kami sa classroom ay agad pumasok ang unang subject teacher namin, si Miss Oomf.

"Good morning again class. As the Embassy said earlier, we only have 1 month to find the tribute here in Grass to represent our District on the 2nd Maharlika Spelling TwistBee and malalaman na natin kung sino siya dahil next week na magsisimula ang Grass Spelling Bee. Anyone ages 15 to 20 can join. Show us what you've got, baka isa sa inyo ang hinahanap namin, 'wag nating biguin ang ating district. Prove them wrong na may ikabubuga ang mga taga-Grass. That our district is not just a home for farmers but also a home for educated people. That our district is not just good in planting but also good in spelling," paliwanag ni Miss. Oomf.

"Excuse me Miss.Oomf, bakit ages 15 to 20 lang 'yong pwedeng sumali? Sasali sana ako, intersado naman ako. Magaling po ako sa spelling." Sabi nung babaeng maliit ang buhok sa gilid.

"Well, Abi, wala na tayong magagawa, That is the rule of the Embassy, that only 18 to 20 years old can join the competition in the word Arena. Kung malalaman nila na below 15 or above 21 ka, eh siguro disqualified ka, hindi kana makasasali," pabalik na tugon ni Miss. Oomf habang nag-aayos sa kaniyang salamin sa mata.

Interesado din ako. Masasabi ko bang swerte ako dahil naging 18 years old ulit ako? Pwede akong sumali pero iniisip ko si Padre.

"Bakit po sila nagpatupad ng Maharlika Spelling TwistBee competition? What's the purpose?" curious na tanong ni Abi, isang babaeng maliit na mataba.

"Class, siguro baka para mas makilala pa ng lahat ang bawat district. Imagine, we have 26 districts here, we have different industry, different characteristics, different dogmas and culture, we are living differently, but we are in the same Nation. 'Di nga natin alam kung ano 'yong industry ng ibang districts. So siguro ginawa nila ‘yang competition na ‘yan upang magtipon-tipon ang bawat district, at the same time malaman kung sino ang mas tataas pagdating sa pag spell ng words," punto ni Miss. Oomf.

Sa dami ng pwedeng maging paraan upang mas makilala ang bawat district pero bakit spelling competition?

"This is a spelling bee competition with a twist."

Naalala ko tuloy 'yong sinabi niMiss. Ahahaha. Ano kayang klaseng twist? Mas lalo tuloy akong naging interesado at mas lalo ko ding iniisip si Padre. Papayagan niya kaya ako?

Sana nga.

"So class, let's move on. I am Miss. Tatha Oomf, your advicer and your english teacher. Now, let me test your mind." Biglang naging alerto ang lahat, 'yung iba nagtago kasi baka matawag, 'yung iba handang mag-partcipate at ang ganda ng ngiti.

"Who can spell the word, AK-WI-YI-SENS. It means, the reluctant acceptance of something without protest."

Walang umimik. Bigla akong tinapik ni Ulap.

"Go. I know alam mo." Pagkumbinse sa 'kin ni Ulap. 

Noong una ay nag-aalangan ako pero biglang may sumanib sa buong katawan ko na nag-uudyok upang mag-taas ako ng kamay.

"Ah, Ano... ah," Kinakabahan ako dahil ang lahat ay nakatingin sa 'kin.

Pinikit ko ang aking mga mata at parang naglalaro ng piano sa hangin ang mga kamay ko.

"A- C- Q- U- I- E- S- C- E- N- C- E. Ak-wi-yi-sens." There, I spelled it.

"You are not...wrong, What's your name?" tanong ni Miss Oomf habang nakangiti sa 'kin.

"I'm Synecdoche Rochet," pakilala ko sa lahat, mdeyo nahihiya pero makapal ang mukha ko.

"Your spelling is correct." Agad namang pumalakpak ang mga kaklase ko. Ang sarap sa feeling ng ganito. 

First time.

"Nice one, Expert," bulong ni Ulap at binigyan ko siya ng masamang tingin. Hindi nga ako expert.

"Next, who can spell Koy-no-ni-ya."

Isang lalaki sa pinakagilid na bahagi ng classroom namin ang biglang tumayo at walang dalawang isip na i-spell ang word na iyon.

"K- O- I- N- O- N- I- A."

Naunahan ako.

"Token Arc, You are—"

"Correct," pagyayabang nitong si Token. Inunahan niya si Miss Oomf.

Ang seryoso ng mukha niya, parang may pinagdadaanan. Feeling ko nangangagat siya. Pinalakpakan siya ng lahat pero parang wala lang siya.

Ilang minuto ang nakalipas at natapos na si Miss Oomf sa kaniyang mala-spelling bee na klase. Sumunod namang pumasok ang P.E teacher namin na si Mr.Marsh Mallow. Pangalan pa lang parang pagkain na.

Kaya nga maraming nakinig, eh kasi pogi at ang masaklap kaedad ko siya. 23 din siya. Pero 'di na ako 23 ngayon so wala nang pag-asa. Chos lang.

Nung naglabasan na ay agad akong nagpaalam kay Ulap at naglakad mag-isa pauwi.

Nasa gubat na ako ngayon. Habang nagtatagal ay parang nahihingal ako dahil sa bigat ng bag ko. Saka ko naalala na nasa sa 'kin pa pala 'yong puso ng saging at sabi ni Vani na magkikita kami pagkatapos ng klase.

Tiningnan ko ang loob ng bag ko para tingnan kung buhay pa ba 'yong puso ng saging pero nagulat ako sa nakita ko.

Hindi lang iyon ang nasa bag ko kundi isang bagay, isang electric device. 'Yong hologram.

Hologram? Pa'no napunta 'to rito sa bag ko? 

Naalala ko 'yong sinabi ni Ulap nung papunta kami sa quadrangle.

"...itago mo 'yon, ha." 

Anak ng grass. Tigas talaga ng ulo nung Ulap na iyon. Nakakainis! Kaya pala mas bumigat ang bag ko.

Parang curious ako sa bagay na ito, kung paano ito gamitin. Pinindot ko ang press button at nagulat ako sa nakita ko.

Lumutang ang isang map. A map that looks like a standing woman wearing a combat suit, holding a sword.

Obviously, the map of Maharlika. Naka flash ang lahat ng Districts. I can see the 26 Districts including their seals. Ang liit pala ng District G. Pinaka center ang Mahar. Malaki-laki rin ang lugar ng District A, E, I, O , at U. At malapit sa dagat ang District F. Ang laki talaga ng buong Maharlika, binubuo ng iba't ibang distrito na may iba't ibang pamumuhay.

At pagka-pindot ko pa ng isang beses ito ang naka-flash.

District - Industry 

A- Agriculture

B- Beverage

C- Coal 

D- Defense

E- Electricity

F- Fishing

G- Grains 

H- Holography

I- Ice

J- Jingle

K- Knitting

L- Law

M- Medicine

N- Nature

O- Owl-Hunting

P- Publishing

Q- Quest

R- Robotics

S- Security

T- Transportation

U- Unemployed

V- Vandalism

W- Weaponry

X- Xylography

Y- Youth

Z- Zoology

“Ang bawat districts with their industries!” Napasigaw ako sa nakita ko. 

Napalingon ako sa likod ko dahil parang may papunta sa direksyon ko at nakirinig ako ng mga yabag at kaluskos. Habang tumatagal ay lumalakas ang tunog ng sapatos. Ibig sabihin malapit na.

Tumakbo ako dala ang hologram at nang dahil sa kaba hindi ko namalayan kung saang direksyon ako papunta.

Sumusunod talaga sa 'kin ang mga yabag ng mga sapatos.

Nadapa ako pero kalauna'y nakatayo naman.

Isa,

Dalawa,

Tatlo.

Isang hakbang pa ang ginawa ko…

…at ako'y nahulog.

Nahulog ako sa isang well.

As I am falling down the well, groping in the air, whizzing insects are on the granite moss that is grown on stones, between flagstones and bricks. A group of people is catching their glimpse like I am inside a tomb.

Those white suits.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status