Share

CHAPTER 7: CHALLENGE

Hindi ako nakauwi pero may klase pa ako ngayon. Lagot ako kay Padre Oriel nito! Sigurado akong hinhanap na niya ako ngayon. Pansin ko lang, kapag lumalayo ako ng aming bahay parang may mga masasamang mangyayari sa akin na hindi ko maipaliwanag. Kung nakinig lang sana ako kay Padre edi sana, nando'n ako ngayon kasama niya. 

"Nasaan ako? Gusto ko nang umuwi," I said but she just laughed. Teka lang, hanggang sa pag tawa ay parang si Miss Ahaha. Parang magkadugo yata sila, pati boses at pagtawa kopyang-kopya. Nakakapanindig balahibo! 

"I must say you are inside the Embassy's precious property, darling," sabi niya na siyang ikingulat ko. Baka hino-hostage na ako ngayon? Baka nasa isang liblib na lugar na naman ako na ang Embassy lang ang nakaaalam. Nasa isipian ko na baka ay nasa dungeon ako ngayon ikinulong kasama ang babang ito? Baka hostage lang din itong babaeng ito at nagpapanggap lamang na isang tauhan ng Embassy? Ang daming tanong ang bumabagabag sa aking isipan ngayon na dapat hindi ko sana iniisip pero kailngan e, kailangan kong makalabas dito. 

"Bakit ako nandito?" tanong ko habang nagpupumiglas. 

"Because you disobeyed us! You stole something which is owned by the Embassy. Yes, I'm talking about the Hologram, for your information, Darling." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I attempted to get off the cuff but I couldn't, it seems like ako'y nasasaktan dahil sa higpit ng pagkagagapos. I hissed. 

"I did not stole it!" sigaw ako, "ewan ko kung saan napulot nung lalaki kong kaklase 'yung hologram at 'yung isa ko namang kaklase ay nilagay niya yun sa bag ko nang hindi ko alam." pagpapaliwanag ko pero hindi siya naniwala sa akin.

"But still you used the Hologram without the Embassy’s permission. We've been watching you from the surveillance camera. From what District are you?"

"District G," maikling sagot ko pero 'yung tono ng pananalita ko ay parang nagmamayabang. Aba, dapat lang. Proud ako. Kahit walang wala kami ay mahal ko ang aming distrito. 

"Oh, the home of poor farmers,” sabi niya at tumaas ang kilay ko. Mas mataas pa sa kaniya. Talo siya, eyeliner lang 'yong sa kaniya. May problema po ba tayo rito banda Miss? Sarap tadyakan gamit ang pinky finger.

“As far as I can remember, the Embassy declared that, it is a NUOT district or a No Using Of Technology district. Once caught, we will get all your grains for this month." Natawa ako sa sinabi niya, kailan pa nila hindi kinuha ang buong palay namin? Parang baguhan lang ang babaeng ito, ah. "Your district will be getting hungry this month again. What a poor district. How sad, darling," she added. My eyes is bulging and I ball my hand into fist. Hindi maaari na dahil sa 'kin maghihirap ang taga Grass. I will not forgive myself if that happens.

Mahirap na nga kami, pahihirapan pa nila kami ng husto? It's a big impact to me at sa aming industriyang wala kaming kontrol. Where are their humanity?

"Hindi mo na kailangan na ipangalandakan pa na mahirap kami dahil alam na namin 'yon sa simula pa lang. We are also Maharlikas, we belong to Grass, we are not a trash, give freedom to us." I remember our mantra. I need to defend my district from them. Sumusobra na sila. Kung gusto nila ng ganito, aba papalag ako. 

"Enough for the drama. Kunin niyo 'yung freedom niyo sa inyong imahinasyon." Akma niya sanang hawakan ang mukha ko pero nagpumiglas ako. Nakasasakit na 'yung mga sinasabi niya, ha.

"Napakasama ninyong mga taga-Embassy. Pakawalan mo ako rito!" Nagpumiglas ulit ako pero tinawanan niya lang ako. Isang malaking reyalisasyon ang pumukaw sa aking isip.

Mahirap magalit nang walang dahilan, mahirap umindi sa 'di maintindhan at mahirap masaktan nang wala kang karapatan. 

"Not yet. I have some questions. Anong nakita mo sa Hologram?" tanong niya.

"Syempre mapa, 'yon lang naman," tapat kong.

"Sinong mga magulang mo?" I stop before I speak.

"Hindi ko alam pangalan nila pero si Padre Oriel ang guardian ko. Isa siyang pari, kung hindi mo 'ko pakakawalan ngayon sigurado akong magdadasal siya sa rebulto ni Mother Ceres at sasabihing kung sino ang kumuha sa 'kin ay parurusahan." iyon na lang ang nasabi ko at tumawa ulit siya. Walang hiya. Gusto siguro magpatadyak.

"As if totoo 'yang Mother Ceres niyo. Ginawa lang kayong mga uto-uto." Kasabay ng pag-sabi niya ng uto-uto ay sa sa pangalawang pagkakatao'y siya ring pagpindot niya ng remote na siyang nagbigay ng kuryente sa kinalalagyan ko.

Napasigaw ako ng malakas. Kahit anong sigaw ko ay walang makakatulong sa 'kin dahil close na close ang area. Nakakainis siya. Ang sarap niyang tadyakin. I make myself calm and wait to gain energy. I inhaled and exhaled.

"Pakawalan mo na ako. May klase pa ako. Ayaw kong mag absent." pakiusap ko sa kaniya. Syempre nagmamakaawa ako kasi wala akong kalaban-laban.

Sa ngayon.

"Well, let's have a game first. I will give you words then you need to spell it backward."

Napatigil ako. Spell it backward? It seems very challenging. But still a trouvaille one for me, it is a nice catch for me.

While waiting for her to give me any word, Iniisip ko kung ano na ang ginagawa ng mga kaklase ko ngayon, especially Ulap and...Vani. Wait, why would I think of him in the middle of...I should have think of Padre Orriel. Nag-aalala na 'yon sa 'kin, hindi pa naman ako nagpaalam sa kaniya. Naku, lagot, kailangan ko nang makauwi.

"Are you ready?" She asked giving me eye contact.

"I'm always not-not ready." Parang naguluhan siya sa sinabi ko.

"Hmm Well, Spell De- No- Man." I know I already heard that word.

A French word. It means the end or result of a story.

Yes, that’s it.

I know na kung papatulan ko 'tong babaeng 'to sa mga kalokohan niya ay masasayang lang ang oras ko. But at the same time, magkakaroon ako ng time upang sirain ang lock sa kamay ko.

I closed my eyes and as usual ang mga daliri ko sa likod ay parang nagpia-piano sa ere. That is my mannerism when I spell words. I don’t know why.

Words begin to jumble in my mind. Letters begin to form and I can see them, I can imagine them and picture them out. Words from the dictionary begin to fly. They don't have wings but it's like a butterfly effect. It's like they were flown by pixie dust. It's like they are having a parade. They are in formation, as what Manjies always do.

But I can’t find De- no- man, yet.

In a short period, my mouth begins to speak letters. There you go.

"T- N- E- M- E- U- O- N- E- D." I think, base on the construction of letters Denouement is farfetched to De- no- man.

Hindi ko alam kung bakit nag-come up ako sa mga letters na iyan. Ganun talaga kapag alam kong hindi ako tanga.

Napabulalas ng tawa ang babae at animo'y inikot-ikutan niya ako.

"Well Darling, I know you can spell it correctly. It is so easy to spell, Isn't it? For, I think, a 15 or 18-year old young lady from the home of poor farmers like you, magagawa mong I-spell 'yon ng tama. Grabe naman kung hindi. So sabihin na nating nagsisimula pa lang ako at.."

"Stop. You're talking too much. Just give me another word. I'm waiting." pagmamayabang ko. Nadisappoint siya sa sinabi ko. Parang gusto niya ng taong naghahamon sa kaniya. To think na bata pa ako ha, Oh, I mean bumata.

"Oh I'm sorry Darling. Hayaan mong magtagal tayo hanggang hindi kana makauwi sa inyong maliit na bahay-kubo at makapasok sa paraalan niyong gawa sa gabok na kahoy." Then she laughed again.

"Kay gabok ng iyong pagmumukha? Na inaanay? Na wala nang silbi? Na pwede nang itapon sa basura at ilagay sa dump site?" And for the third time, she clicked the push button of the remote at ang kuryente ay nanliligaw na naman sa katawan ko. Nanghina ako. Hinang hina. Na para bang wala na akong maipong lakas at enerhiya. Tanging paghinga na lang ng mabilis ang aking nagagawa.

"Spell backward the word Bor- Zwa- Zi."

I do the same thing as what I did earlier. Kahit wala nang gana na magsalita ay pinilit ko pa rin para matapos na ito. Para makaalis na ako sa lugar na ito.

Ilang segundo akong hindi nakaimik. Dahil nag-iisip ako kung ano ang spelling. The way she pronounced the word is very unidentifiable.

She repeat the word louder. Parang isa siyang inang pinapagalitan ang anak niya.

“It spells as…E- I- S...I- O- E- G- R- U- O- B." It's Bourgeoisie, pronounced as Bor- zwa zi. See how complicated the word is.

Pagkatapos kong mag-spell, may napansin ako sa wall, parang nag-iiba ang kulay I mean, parang hindi totoo.

"Darling..it is.. It is.."

"Correct!" Sabay ng pagkasabi ko niyan ay siya ring pagbigay ko ng malakas na pwersa at ang upuan na aking kinlalalagyan ay nasira, pati 'yung posas na nakalocked sa kamay ko. I faced her, nilapitan ko siya and I attempted to smash her with a small but sharp part of the electrocusion chair na nasira.

Tumakbo ako patungo sa kaniya with a full force but she suddenly fades, at nang dahil doon ay dumiretso ako sa pader but there is still a but.

Ang akala ko ay mauuntog o mababangga ako sa pader but dumiretso pa ako. Kaya na-out of balance ako at natumba.

No this can't be. The girl and this room is holographically created.

Nakadapa ako sa sahig and nakalabas na ako sa barrier ng hologram room. To my surprise, maraming nakatingin sa 'kin, wearing white suits. Manjies are not just the ones who wear white suits, including them, wearing formal suits, I think they are lab-workers here or members of the embassy.

Pagtingin ko sa loob ng hologram room ay makikita ko ang electrocution chair na sinira ko kanina. This means na kung nasa loob ka, hindi mo makikita ang labas. It looks like very tinted but on the contrary, dito sa labas ay kabaliktaran. Makikita mo ang loob.

Posible bang, nakatingin sila lahat sa 'kin simula nung gumising ako hanggang sa pag-uusap namin nung hologram na babae?

Are they testing me?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status