Share

CHAPTER 5: SILHOUETTE

"Synecdoche, gising. Gumising ka, oy." Narinig ko ang boses niya.

"Anong nangyari sa 'yo? Gising," dagdag pa niya. Tinapik niya ang likod ko at dahang-dahang bumuka ang dalawa kong mga mata at nakita ko siya, ang napaka-aliwalas niyang mukha.

"Anong nangyari?" tanong ko, sinusuri ang paligid kung nasa'n ako.

"Aba, ewan ko? Nakita lang kita ritong nakabulagta. Saan ka ba nanggaling? Ang dumi-dumi na ng suot mo. Kanina pa kita hinahanap." Tinignan ko ang mga kamay niyang nakapatong sa aking balikat at sunod na tiningnan ay ang aking kasuotan. Totoo nga ang sinabi niya, ang dumi ko, na para bang hinabol ng babay-ramo o toro o ng kahit na anong mababangis na hayop dito sa gubat.

Bigla kong inisip kung anong nangyari sa 'kin. Pagtingin ko sa gilid may well.

Yung well.

Agad akong tumayo at tumingin ako sa loob ng well. Ang dilim ng ilalim. Alam kong nahulog ako rito kanina at saka hinahabol ako ng mga Manjies. Anong pakay nila sa 'kin? 'Yung hologram kaya? O iba?

"Vani, talaga bang nakabulagta lang ako rito sa lupa?" Tanong ko habang pinapagpag ang madumi kong kasuotan. Nagpabalik-balik ang mata ko sa kaniya at sa well. Hindi ako mapakali.

"Oo, ano bang nangyari?" sagot niya na agad naman ikinakunot ng noo ko dahil sa pagtataka.

Hindi. 

Alam kong nahulog ako kanina, eh pero bakit wala akong sakit na nadarama sa katawan ko ngayon? Tanging gasgas lang ang inabot ko. Kung sino mang mahuhulog sa well na ito ay tiyak na mababali ang mga buto. Bakit ako nakalabas ng well? Sinong tumulong?

Kailangan ko ng sagot.

Pero,  I dreaming? Totoo bang hinahabol ako ng mga Manjies kanina? Nahulog ba talaga ako? Wala akong maalala. I mean, hindi ako sure sa aking kutob.

Tingnan ako nang matagal ni Vani, parang may hinihintay. "Ay, oo nga pala. Sorry Vani, walang bumili sa puso mo. Bakit ka ba nagtitinda? Bawal iyon dito sa ating district, baka makita a ng Manjies. Teka lang, kunin ko lang 'yun sa bag ko, ha." Hinalungkat ko ang bag at laking gulat ko sapagkat 'yung hologram lang ang nakita ko.

"Vani, wala rito sa bag ko! Nasan na 'yun? Nandito lang iyon, eh." Lumuhod ako sa lupa upang mas mahalughog ko nang mabuti ang aking bag pero wala talaga?

"Bakit may electronic device ka, babae? Saan mo 'yan kinuha?! Itago mo nga 'yan at baka makita tayo rito," utos niya sa akin at napahinto ako bago nagsalita.

"Hoy, scammer, hindi ako magnanakaw! Hindi ko alam kung bakit nandiyan 'yan. Sigurado akong 'yung babaeng kasama ko kanina sa quadrangle ang naglagay nito dito," pagtatanggol ko sa aking sarili. "At saka, ang isipin muna natin ay kung nasaan ang puso mo?" tanong ko at parang sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari.

Sinong kumuha ng puso ng saging?

Sa makalawa, kinapkap ko muli ang buong bag ko, pero wala talaga akong nakita maliban na lamang sa mga barya.

"Dalawang bente pesos? Bakit may pera sa bag ko? Wala naman akong pera, ah?"

"Ayan naman pala, baka may bumili na sa puso ko at 'di mo lang natandaan." May punto siya pero sa pagkaalala ko ay wala talaga akong kinausap na tao na pinagbentahan ng puso niya.

"Are you sure, Synecdoche? Baka may bumili at nakalimutan mo lang?" Sabi niya. Siguro? Pero wala talaga akong maalala.

"O ayan, sa 'yo na lang itong pera Vani, alam kong kailangan mo 'yan. " Inabot ko sa kaniya 'yung pera. Wala naman akong panggagamitan niyan. "Pero mas mabuti kung itago mo lang 'yan at baka makita ka ng Manjies." Tumingin ako sa gilid at itaas. Hayun, nakita ko ang mga surveillance na nasa mga puno. Buti na lang at nasa medyo maliblib na lugar kami.

"Act like we're playing hide and seek," I whispered when the camera got its first sight on us. He nodded. Alam kong nakatutok na ang camera sa amin at may mga tao nang tumitingin sa 'min galing sa kung saan man ang facility ng lahat ng mga surveillance cameras dito sa aming districts Alam kong mga bayaran ang nagco-contol at gumagawa ng mga laruang iyon. 

"Thank you, Synecdoche," pabulong na wika ni Vani sa akin habang pasimpleng nilalagay ang mga barya sa kanyang bulsa.

"May scammer palang nagpapasalamat?" maktol ko. Akala niya't nakalimutan ko ang ginawa niya kaninang umaga sa akin, ha. 

"Sorry na, kailangan ko lang kasi—"

"Ano 'to?" putol ko sabay turo sa kanang braso ni Vani.

"Ah, ano, t-this is an art," pautal niyang sagot at tinakpan ang braso.

"Patingin, Is that a tattoo?" tanong ko.

"This is an art," ulit ni Vani.

"Tattoo is an art," paliwanag ko.

"I didn't say it's a tattoo." 

I laughed,"'Wag mong sabihing—"

"Hindi ito libag," defensive niyang sagot. 

"I didn't say it's a libag," ganti ko.

Susungitan ko sana siya kaso bigla siyang umubo. "Malala na 'yang ubo mo, ah? Tara, umuwi na tayo. Gumagabi na, oh, baka hinahanap na ako ni Padre at mas lalong hinahanap ka na ng mga magulang mo," alok ko sa kaniya.

Nag-iba kami ng direksyon at agad naman akong nakauwi nang ligtas.

Pumasok na ako at nadatnan ko si Padre na nakaluhod sa harap ng altar, sa mga malalaking kandila, sa harap ng rebulto ng Goddess of agriculture, Our Mother Ceres.

"Dare libertatem Ad Grass

A Pulchram  Civitatem

Dare libertatem Ad Grass

A Pulchram  Civitatem," rinig kong sabi ni padre Oriel. Ala sais na pala ng gabi at sinasabi na naman niya ang mga katagang iyon.  

Alam kong latin words 'yan.  Hindi na niya kailangan ituro 'yan sa 'kin dahil kabisado ko na 'yan. Parati kong naririnig tuwing magtatakip-silim.

Nung maramdaman niyang nandito na ako, ay agad siyang tumayo.

"O anak, bakit ngayon ka lang? Bakit ang dumi-dumi mo? Magbihis kana para makapaghapunan na tayo. Nagluto ako ng gulay, " paunang bungad niya sa akin habang nakangiti, sinindihan ulit ang kandila kasi namatay.

"Sige po," maikling sagot ko. Dumiretso na ako sa aking kwarto at inilapag ang bag ko. Agad naman akong nagbihis at pumunta pabalik sa hapag-kainan.

Uupo na sana ako ngunit nagulat ako at biglang dinampot ang platong gawa sa kahoy. “Padre naman, alam mo namang bawal bakit ka nagluto ng kanin?” ulat ako nang makakita ng kanin sa lamesa, taliwas sa parati kong nakikita sa hapag.

“Shh, it is not a grain,” kalmado siyang nagsalita, kamay nasa mga labi niyang mapupula.

“Eh, ano ‘to?” tanong ko habang inaamoy ang kanin. It has a distinctive smell. 

“That’s a Quinoa,” Padre told me, wanting me to sit down.

“Qui..quinoa?” sabay tingin sa laman ng plato at pumikit ako bigla, may hinahanap ako sa dilim at ilan segundong nagsalita ulit, “ Q-U-I-N O-A. Quinoa is..is a flowering plant in the Amaranth Family. It is classified as...” napatigil ako, nag-isip at nagsalita ulit, “it is classified as pseudocereal and not… not a grain.” Napaupo na lang ako sa upuan at inilapag muli ang plato sa lamesa.

“O siya kain na, huwag mo nang i-spell at sabihin ang dipenisyon nito kasi alam kong nagugutom na ang sikmura ng aking pinakamamahal na anak.” Napangiti ako sa sinabi ni Padre at agad kumain. May sabaw din pala siyang niluto kaya saktong-sakto, sabaw ng  dahon sa tabi-tabi, pero malinis namn 'to.

“Alam mo ba padre that Quinoa is rich in B vitamins, protein and dietary minerals in amounts greater than in many grains?” dagdag ko pa kasi alam kong nabasa ko ito.

“At alam mo ba kung saan ko ‘yan kinuha?”

Nagtinginan kaming dalawa bago siya tuluyang nagsalita.

“Sa puso ng krass mo, ayi.”

At talagang nagulat ako, no. Sino ba naman ang hindi magugulat, eh, hindi naman expected iyon tapos galing pa sa bibig ng isang Pari.

“Maharot ha, joke lang po Padre.” Nagtawanan kaming dalawa at Niyakap niya ako nang mahigpit. 'Yung yakap na kailanaman ay hindi ko naramdaman noon.

Ang mainit na apoy na kumakaway sa kandila ay nagsilbing ilaw namin. Ang malamig na hangin na naglalakbay papasok sa bahay namin ang siyang nagsilbing bentilador. I know it's better than electronic devices. Tapos kasama ko pa ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Suddenly, I break the silence. "Padre," napatingin siya sa 'kin. 'Yung kulay bughaw niyang mga mata ay parang nilalamon ako, "tungkol po do'n sa Spelling bee competition. Next week na po ‘yon magaganap. Gusto ko po sumali," pahayag ko sa kaniya habang kinakabahan.

Tumingin siya sa ibang direksyon at biglang uminom ng isang basong tubig. "At pagkatapos?"

"Kung manalo po ako, magiging representative po ako sa district G  at ipadadala sa Word arena to compete for our district," paliwanag ko.

"Hindi ka sasali. Hindi mo alam kung anong klaseng lugar ‘yang word arena na iyan. 'Pag sinabi kong hindi, hindi ka sasali! Mag focus ka sa pag-aaral mo anak. Naiintindihan mo ba?"

"Pero padre," pagmamakaawa ko.

"Hindi ka magaling sa spelling. Maliit pa lang ang nasa loob ng iyong bokabyularyo. Hindi ka mananalo, masasayang lang ang iyong oras sa pagsali mo riyan," palianag niiya sa 'kin. Nag iba na ang expression niya ngayon.

"Pero padre, sabi mo matalino ako, kaya ko naman. Kakayanin ko at makakaya ko. Wala ka bang tiwala sa sa 'kin? Anong bang masama kung sasali ako sa spelling bee?" tanong ko.

"Masama. Napakasama para sa isang batang katulad mo. Hindi lang yan basta-basta isang competition. Wala kang alam." Parang tinusok ng quinoa ang malay ko dahil sa sinabi niya. Na parang nagising ako sa katotohanan.

Anong bagay ang alam ni padre na hindi ko alam? May nalalaman ba siya?

Sabihin mo padre.

Hindi na lang ako nagsalita, sa halip ay dali-dali akong kumain at agad namang natapos. Iniwan ko si padre sa hapag-kainan at dumiretso sa kwarto. Gusto kong mapag-isa. Naiinis ako dahil hindi ako pinayagan ni Padre. Bakit ba ang daming bawal sa 'kin? Malaki na naman ako ah. 23 na ako na naging 18, pero 23 pa din 'yung pag-iisip ko. Dapat sana pwede ko nang gawin ang mga bagay na gusto ko.

'Gaya ng sinabi ko, ang kwarto ko ay puno ng mga libro. Algebra, geography, 21st century Literature and even dictionaries. Halos lahat ay nabasa ko na, wala kasi akong magawa sa buhay.

Pumunta ako malapit sa may bintana at mula rito ay tanaw ko ang kapatagan at ibang bahagi ng district G.

Torches are everywhere.

 Parang mga matang umaapoy. Wala talagang electricity rito sa amin, nagtitiis kami sa pasindi-sindi ng apoy kapag dumating na ang gabi. Nakakaya kaya ito ng konsensiya ng mga taga Embassy? Kailan kaya mabibigyan ng totoong ilaw ang aming district?

Bigla kong naisip 'yung kanina at bakit may barya sa bag ko? Wala naman akong perang dala o natanggap man lang, ah? O baka guni-guni ko lang na may humahabol sa aking mga Manjies kanina?

Kinuha ko ang Holo sa bag ko at lumutang muli ang map ng Maharlika. Tiningnan ko muli ang bawat distrito at sinuri kung saan sila nakapwesto at ang kanilang lokasyon.

 I wonder if these 26 districts including Mahar, were all connected before. Kung makikita mo ang mapa, all districts are like puzzles na para bang nagkaroon ng malakas na lindol and then they became separated from each other.

Mayroon ding nabuong mga islands malapit sa District F.

Napititig naman ako sa isang napakataas na daan, daanan ng train. Konektado ito sa lahat ng districts, owned by District T, halata namang Transportation ang kanilang industry. Their seal is an image of a train with wings. Sila ang gumagawa ng mga transportasyon, sila rin ba kaya ang gumawa nung big flying ship ng embassy?

Ang district District F, naman their seal has an emphasis of a trident na may tatlong isda na nakatusok sa tatlong matatalim na portion ng trident.

Oh, I remember Poseidon. Obviously, the location of the District F is at the seashore. Malamang sa malamang sagana sa alamang at pangingisda ang tanging hanap buhay nila rito. Their industry is fishing. How I wish I can eat fish.

Nakapapangilabot naman sa bandang ilalim na parte ng mapa. District W. As I see their seal, I can say that W means War. Maybe because their seal is composed of a bullet with two swords. Alam ko na, their industry is Weaponry. They are the weaponmakers here in Maharlika.

Napasigaw ako bigla dahil akala ko tunog ng baril ang bumulaga sa aking tenga, it's the loud melancholic sound of the thunder that getting into my nerves. Umulan ng malakas and then the torches outside were off. Parang 'yung mulat na mulat na mga matang umaapoy kanina ay unti-unting pumikit.

Biglang kumatok si Padre pero hindi ko pinagbuksan. "Anak? Okay ka lang diyan? Sindihan mo 'yung lampara mo para may ilaw ka riyan. Matulog kana din mamaya dahil klase mo pa bukas." Sa halip na sumagot ako ay kumatok na lang ako sa pinto ko as a response at hudyat na narinig ko 'yung sinabi niya. Nagtagampo pa rin ako sa kaniya.

Mga sampung segundo bago siya nagsalita ulit. "Ah, anak, kung nagtagampo ka sa 'kin gusto ko lang malaman mo na ang desisyon ko ay hindi para sa ikasasama mo kundi para sa ikabubuti mo. Alam ng panginoon ang mga hinaing ko para sa 'yo. Gusto lang kitang protektahan dahil mahal kita basta nandito lang ako para sa 'yo. Pag-isipan mo ang iyong iniisip." Ilang saglit ay nawala na ang boses mula sa labas.

Anong bang masama kung sasali ako sa Spelling Bee? Tutuntong lang naman ako sa stage at mag-iispell ng mga salita, ah. Meron pa bang gagawain bukod doon? Wala na naman, ah?

Napabuntong-hininga na lang ako. Malakas ang hangin kaya ang kurtina malapit sa terrace ng aking kwarto animo'y giniginaw nang husto dahil gusto niyang pumasok sa aking kwarto. Papunta na sana ako para isarado ang pintuan ng terrace pero napatigil ako. Dahan dahan akong napahakabang palikod because a silhouette emerged behind the curtain.

Dahan-dahan siyang pumapasok sa kwarto ko. Hindi ko na alam na may bitbit na pala akong tsinelas na bakya at nag-handa upang ipokpok iyon sa kung sino mang tao ang nagtatangkang pumasok dito sa kwarto ko.

Hinawi niya ang kurtina at nakapasok na nga siya. Papaluin ko na sana siya ng bakya pero nakaiwas siya at hayun, natapon ko sa labas ang bakya kong tsinelas.

Gulong-gulo ang buhok niya at basang-basa ang saplot. And now I realized that I am facing a feminine body

… and she is familiar.

"Hi expert," sabi niya sa 'kin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status