Share

Chapter 01

Request

"Yeah, okay. But damn, man. I can imagine you right now," Inigo said.

The suppressed laugh is very evident in his voice. Mukha namang nainis ang nasa kabilang linya dahil mas lalo pa siyang natawa. Hindi na siya sumagot pa at ibinaba na ang tawag.

"Daan muna tayo sa Southbank." Sinulyapan niya ako na nasa front seat at si Agatha na nasa backseat. Tinanguan ko siya.

"Why? Bibili ka ng inumin?" Agatha asked.

"I'm going to pick up some lost dog," he chuckled.

"Oh... Better be fast, though. Thirty minutes na lang before next class."

Iniliko ni Inigo sa tamang daan ang sasakyan para makapunta sa cafe.

"Gia, tapos ka na ba roon sa isang term paper for Medieval Arts?" tanong ni Agatha sa akin.

"Yeah, just finished it last night," I replied. Nabigla naman siya at nangulit kung pwedeng matingnan iyong outline ko. Pumayag naman ako. Medyo mahirap din kasi iyon at sigurado ako na hindi niya pa nasisimulan iyong sa kanya kasi busy siya sa student council. Agatha is the secretary of the council for Institute of Fine Arts. Understandable naman kung humingi siya ng kaunting tulong sa akin.

"You don't want to check mine?" Inigo asked.

"Oh, please. Your works suck," pang-iinis ko.

"Hey, hey, transferee. You weren't here last year when I was having my best academic life."

He's right. I wasn't. I spent my first year of college in a different university. I just transferred three months ago. And three months ko na rin nararamdaman ang lakas ng hangin ng isang 'to.

"Yeah, right." I rolled my eyes at him.

"Tapos ka na ba?"

"Oo naman! Last night lang din," he said. Mukhang hindi naman naniniwala si Agatha. Ako rin naman. He said he was out for a party last night so I figured much.

Unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan at natatanaw ko na rin ang cafe. Malapit lang ito sa lugar na pinanggalingan namin kanina. Ten-minute drive or so. Ipinarada ni Inigo ang sasakyan at inalis niya ang seatbelt niya.

"Gi, move to the backseat, please," aniya at bumaba na. I obliged without so much so as a protest. Tumabi ako kay Agatha na busy makipag-usap sa kanyang cellphone. Probably one of those secretary duties.

Napatingin ako sa labas at nakita ko si Inigo na may nakasalubong na matangkad na lalaki. Nag high five silang dalawa at mukhang iritado ang itsura noong isa. Inigo, though, was all smiles. Sabay silang naglakad palapit sa sasakyan.

"I'm with my friends," Inigo said as he opened the door. Halos sabay lang din sila na pumasok. "Say hi, dog."

"Tss. Raf's such an ass." 

Muli namang natawa si Inigo. Wow, he's having so much fun. And the guy didn't even look at us. I'm seeing someone pissed as hell.

Natapos na ang phone call ni Agatha at napatingin siya sa harap. "You're back," she said. Medyo nabigla siya nang makita kung sino iyong nakaupo sa kaninang inupuan ko. Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Oh, my God. That's Javi. Inigo's cousin. He's famous sa school," she said, sounding giddy all of a sudden. 

"Really? I don't know him," I said, never minding if the two in front heard me.

Mabilis naman akong tinampal ni Agatha sa braso. 

"Aw!" I exclaimed kasi medyo malakas iyon. Pinandilatan niya lang ako ng mata.

"Transferee ka nga pala," she said in a low voice.

Hindi na ako sumagot pa. The whole ride back to school was spent with Agatha and I being silent at the back while the two guys in front are doing all the talking.

"Ano ba ang sinabi sa'yo ni Raf?"

"Emergency. If I know, he's just off to meet someone and just couldn't ignore the chance to make fun of me," the guy said. This time, calmly.

"You should've brought your own car."

I chose not to hear the end of it at nilagay na lang sa tainga ko ang earphones. Ipinikit ko ang mga mata ko sa natitirang minuto ng biyahe. Namulat lang nang maramdamang mabagal na ang takbo. Nakabalik na kami sa university.

"Saan ka, dude?"

"Sa CE parking lot. I'll get my car."

Sinunod naman iyon ni Inigo. "Thanks, man," sabi noong Javi at nakipag high five ulit. Lumingon naman siya sa amin at tipid na ngumiti.

"I'm Javier by the way," pakilala niya.

"Gia," sabi ko at tipid ding ngumiti.

"Agatha," pakilala rin ng katabi ko na halatang pigil ang malapad na ngiti.

Now that I saw his face up close, I noticed his notable features. Medyo similar nga sa features ni Inigo. Genes, huh?

Nagpaalam ito at bumaba na. Kasabay din noon ay naramdaman ko ang kurot ni Agatha sa braso ko. Aba! Napaparami ah!

"Ang gwapo niya talaga!" she exclaimed. I could almost see rainbows in her eyes. I agree with her but I won't show it in a way like that.

"Like me," singit naman ni Inigo. Natahimik tuloy kami sa loob ng sasakyan at nabasag lang iyon nang tumunog ang cellphone ko.

Mayroong message galing sa group chat namin sa isang subject. Galing iyon sa professor namin.

"No classes. Masama raw pakiramdam ni Prof. Alarzar," sabi ko. Nakapagpark na si Inigo sa tabi ng building namin.

Magdiriwang na sana silang dalawa nang basagin ko iyon. 

"He left a pile of readings, though," I continued.

Napabuntong hininga si Agatha at umarte naman na nanghihina si Inigo. We can all agree that lectures are way better than readings.

Bumaba na kami sa sasakyan. "Saan na kayo? Lib muna ako," pagpapaalam ko. Doon na lang ako magbabasa. Kapag umuwi pa ako sa bahay baka matulog lang ako o 'di kaya'y manood ng series.

"Sama na 'ko," ani Agatha.

"I'll go to my brother," paalam din ni Inigo at muling pinatunog ang sasakyan.

"Bili muna tayo coffee. Panlaban antok lang sa readings," sabi ni Agatha.

Sumang ayon naman ako. For sure aantukin kami nito. Sigurado na rin na magpapa-recit ang prof next meeting. I'm really praying na last na 'to na magkakaroon siya ng sakit.

Pagkarating namin sa caf ay nakasalubong namin 'yong president ng student council namin. Mayroon silang pinag-usapan ni Agatha. I took that as a chance na mag-order na ng kape.

"Two Lattes, please," sabi ko. Parehas lang ang lagi naming iniinom ni Agatha.

Kinuha ko ang wallet sa bag ko. Maya-maya lang ay s-in-erve na ang kape. Inabot ko naman ang bayad ko at nagpasalamat.

Bumalik ako sa table kung saan ko iniwan si Agatha at hindi pa rin sila tapos ng president sa pinag-uusapan nila.

"Gi, una ka na sa lib. Sunod ako," aniya.

"Okay. Here," sabi ko sabay abot sa kanya ng inumin.

"Thanks," she smiled. I smiled back at nginitian ko rin ang president bilang paalam.

Dumiretso na ako sa main library. Mas malamig dito at mas malakas ang internet connection. Pumwesto ako sa dulong bahagi. Sa part lang na 'yon kasi pwede magdala ng pagkain o inumin. Inokupa ko ang isang round table. Kinuha ko rin sa bag ang aking laptop at binuksan iyon.

I clicked the link of readings. Binuksan ko rin saglit ang F******k. Mayroong kaunting notifications galing sa mga tagged posts sa akin ng mga kapatid ko.

Bigla namang tumunog at mayroong lumabas na panibagong notification. Kumunot ang noo ko nang mabasa iyon.

Austin Javier Uvero sent you a friend request.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status