Share

Sinnerita
Sinnerita
Author: Aramanthus

CHAPTER 1

SINNERITA STOPPED walking when a man named Luken blocking her way. Matunog ang pangalan ng lalaki sa buong campus lalo na sa mga kababaihan kaya hindi maiiwasang makilala niya ito. Luken smiled beautifully as his hooded black eyes stared at her.

Napataas naman ang isang kilay ni Sinnerita sa inakto ng lalaki. Weird. Bakit gano'n ito makatingin at makangiti sa kanya?

"Hi!" He said and waved his hand shyly.

"Bakit?" Aniya sa nagtataka at mahinahong boses. Nilabanan niya rin ang titig nito sa kanya.

Natigilan naman si Luken at ilang beses na kumurap. Sandali pa itong napanganga sa 'di malamang dahilan. Maya-maya pa ay kumunot ang noo nito at tahimik na nagmura. Naguguluhang napatitig si Sinnerita kay Luken.

Huminga muna ang lalaki ng malalim at matunog na lumunok saka tila nahihiyang kinamot ang batok. Luken smiled at her a little.

"Sorry about that, I'm just mezmerizing about your beauty and soft voice. I captivated an instant. Damn it!" he said and chuckled.

Si Sinnerita naman ngayon ang napakurap-kurap dahil sa sinabi nito. She felt something on her stomach. Hindi naman iyon ang unang nakatanggap siya ng papuri pero hindi niya alam kung bakit iba ang nararamdaman niya ng si Luken na pumuri sa kanya.

"Sinnerita, right?" wika ni Luken na may kaba sa boses.

Kumunot ang noo ni Sinnerita ng banggitin nito ang pangalan niya.

"Oo, pangalan ko 'yan, e. Ako lang naman ang may pangalan na ganyan. Bakit may kailangan ka sa 'kin?"

Malapad na ngumiti si Luken, na kita ang buong ngipin na pangkomersyal. Tila nasilaw naman si Sinnerita sa ngiting iyon.

"Yeah, but let me introduce myself first," Inilahad nito ang kamay kaya napatingin siya do'n. "I'm Luken Aiden Ashford, twenty and single. You call me Luken or Aiden or mine, whatever you want."

"Yeah, I know you." Deretsong usal ni Sinnerita na tumatango pa. Hindi niya pinansin ang nakalahad nitong kamay bagkus ay inangat niya ang tingin sa lalaki. Ayaw niyang magkalapat ang palad nilang dalawa. Mahirap na, baka kung saan-saan iyon dumadapo. 

"Really, you know me?" Luken's eyes twinkled in joy and amazement.

"Yes," Nakangiting sagot ni Sinnerita. Luken sighed as if dreaming of something, then he bit his lower lip while still looking at her.

Ang ngiti ni Sinnerita ay unti-unting naging ngisi. 

"Sino nga ba hindi makakilala sa 'yo? Ikaw iyong Luken Aiden Ashford na playboy 'di ba? Iyong laging nirereport sa office ko dahil sa pambabae? Marami ka ng record sa akin ng mga babaeng pinaiyak. Kung mayroon lang na Guines Record para sa pagiging babaero, ngayon pa lang kino-congratulate na kita." Mahabang wika ni Sinnerita.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Luken, napanganga ang mapupula nitong labi at unti-unting namula ang buong nitong mukha na parang kamatis. Gustong matawa ni Sinnerita sa itsura ng kaharap pero pinigilan niya ang sarili. 

"Hindi ba ikaw 'yon?" Taas-kilay na aniya.

Si Sinnerita ang siyang SCC President nila sa eskwelahan. May sarili siyang opisina at halos araw-araw yata may reklamo lagi kay Luken.

Kaya nakakarindi na sa tenga ang pangalan nitong iniiyakan ng mga kababaihan. Minsan nga ay nakakasawa na rin pakinggan ang mga reklamo nila tungkol sa lalaki dahil paulit-ulit lang naman ang sinasabi nila. Na kusa nilang binigay ang sarili kay Luken at kusa silang umasa.

Umpisa pa lang alam nang mga kababaihan iyon ang status nila sa karelasyong si Luken. Pero gano'n nga siguro kapag na baliw sa pag-ibig at sa gwapong mukha ni Luken. Iiyakan mo talaga kapag nasaktan ka.

"Meron ka pa ngang pictures sa opisina na may malaking pulang ekis sa mukha." Dagdag pa ni Sinnerita.

Napakurap-kurap si Luken saka napapahiyang itinikom ang mga labi. His lips are now between on his teeth. Namumula pa rin ang buong mukha nito. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Sinnerita pagmasdan ang kabuoan ni Luken.

No doubt all girls are crazy over him. His very handsome. Rectangular face, well-defined muscle, pointed nose, hooded black eyes, full lips and a tall man. Kung magpapantay si Sinnerita kay Luken, baka dibdib lang siya nito.

"Seriously?" Nakasimangot na usal nito kay Sinnerita. Bagsak na bagsak ang balikat ng lalaki. Parang hindi iyon ang sagot na inaasahan nito mula sa kanya.

The frowning Luken sighed heavily. "Don't you know how to filter that mouth of yours, no?"

"Totoo naman kasi," Naikot muna ni Sinnerita ang mga mata bago ibinalik kay Luken ang tingin. Tinaasan niya ito ng kilay. "Now, you're done introducing yourself, so I'll ask you again, Mr. Ashford. Do you need anything from me? Or you will report something?"

Umayos ng tayo si Luken saka sumeryoso ang mukhang nakatingin sa kanya.

"Yeah, right," marahas muli itong bumuga ng hangin bago ulit nagsalita. "Pwede ka bang ligawan, Sinnerita?" Seryosong saad nito, na ikinatanga ni Sinnerita.

Naglinis naman siya ng tenga pero bakit parang nabingi yata siya sa sinabi nito kahit malinaw naman niya iyong narinig?

"Ano?"

"Sabi ko pwede ka bang ligawan?"

Seryoso ba siya?

Nilibot niya ang paningin sa paligid, pati sa magkabilang gilid niya at likod. Baka kasi magkamali lang si Luken na napuntahang babae o 'di kaya may sumigaw man lang na 'It's a prank', pero hindi iyon nangyari dahil silang dalawa lang ang tao sa hallway. Mabuti na rin sila lang ang tao, baka maging number one topic pa siya kinabukasan.

"Pwede ka bang ligawan?" Ulit nito.

Nagsalubong ang kilay ni Sinnerita at napabuntong-hininga saka sinagot si Luken. "Ngayon?''

"Yes, now." Na sa tono nito ang kompiyansa. 

Napakurap-kurap siya at napalabi. "Hindi pwede, e."

"Huh? Okay. What about tomorrow?"

"Hindi din pwede." Umiiling niyang sagot.

"On the next day, then?" Nalukot ang gwapong mukha ni Luken. Hindi na maipinta ang mukha nito.

Tumiim ang tingin ni Sinnerita sa kaharap. "Hindi pwede ngayon, bukas, sa sunod na araw o buwan o kahit next year pa. Hindi talaga pwede." 

He blinked many times as if he didn't believe what he heard from her. "W-Why?" 

"Hindi kita type, pasensya na." Seryosong usal ni Sinnerita. Parang napapasong napaatras si Luken habang nanlalaki ang mga mata. Parang isang bala na tumatama dito ang  sinabi niya.

"W-What? Why?" Biglang tumigas ang anyo nito at nagtatagis ang bagang. "Hindi mo man lang ba ako gusto?"

"Hindi talaga kita gusto, e."

"Fuck!" Matigas na mura nito.

Nakarinig sila ng halakhakan at sipulan sa gilid. Kaya napabaling ang tingin nilang dalawa doon, kung saan nagkumpulan ang tatlong pamilyar na mga kalalakihan, namumukhaan niya ang mga ito. Ang mga kaibigan ni Luken. Kailan pa sila doon? Hindi niya napansin ang mga ito kanina, ah? Naiiling na iniwas niya ang tingin sa tatlong lalaki saka bumaling kay Luken.

Salubong ang dalawang kilay ni Luken, nakakuyom ang dalawang kamao at masamang masama ang tingin sa mga kaibigan nitong naghahalakhakan. Hindi mapigilan ni Sinnerita ang sarili na purihin ang lalaki. Kahit hindi na ma-itsura ang mukha nito ay 'di mapagkakailang gwapo pa rin ito.

"Boo!"

"Burn Luken! Burn!"

"Basted, nyehehe!"

"Hindi tumalab ang gwapo mong mukha, pre! Nangangalawang ka na talaga!"

"Mahina na 'tong kaibigan natin!"

"Shut up, guys! Tss!" Inis na sita ni Luken sa mga kaibigan nito, na sinagot lamang nang tawa ng tatlo.

Humarap sa kanya si Luken, na seryosong seryoso at puno nang determinasyon ang mga mata. May kung anong init sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"I will still be courting you even if you rejected me today. Believe me when I say, I like you, Sinnerita. I really like you." Usal nito at bagsak ang balikat na tinalikuran siya.

Napatitig na lamang siya sa papalayong likod ni Luken, kasunod ang tatlong kaibigan nito na wala pa ring tigil sa pagtawa. Ilang minuto pa nakatayo si Sinnerita doon habang nakatitig sa nilakaran nila Luken.

Kahit pa nawala na sa paningin niya ang apat na lalaki ay umiikot pa rin sa tenga niya ang sinabi ni Luken.

'Pwede ka bang ligawan?'

Kung isa siya sa mga babaeng nahuhumaling kay Luken baka hindi pa bumubuka ang labi nito ay 'Yes' na ang sagot niya. Pero iba siya. Hindi agad siya maniniwala sa matatamis nitong dila at mga salita.

Nakakapangduda at nakakapanhinala ang bigla nitong pagsulpot sa harap niya at pagtapat nito sa kanya. Hindi kapani-paniwala iyon. 

He never woo a woman, a woman always declared herself as his girlfriend. Ayon sa mga naririnig niya. Walang ligawan na nagaganap pero baka sa kama mayroon. She don't know. She doesn't want to know and she's not interested at all.

Sobrang martir at tanga naman ng mga babaeng dumaan sa buhay ni Luken. Hindi dapat nila hinahayaang tapak-tapakan ang pagkababae nila ng ganun-ganon lang. Dapat alam nila ang kahalagahan nila bilang isang babae. 

Naiiling na lamang si Sinnerita na dumeretso sa paglalakad patungo sa classroom nila bago pa siya malate sa klase niya ngayong umaga.

Hindi niya dapat isipin ang pagtatapat ni Luken sa kanya dahil alam niyang hindi ito magseseryoso kailanman saka allergic si Sinnerita sa mga playboy. Ayaw na ayaw niya sa lalaki nang hilig ay manakit ng puso ng babae--tulad ni Luken Aiden Ashford.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status