Share

CHAPTER 5

"HELLO THERE, SINNERITA."

Sinnerita move back in surprise when she heard a voice. And her eyes widened as her gazed landed on him. Luken, was now comfortably sitting in her chair.

Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at humigpit lang ang hawak sa seradura. Nakangiti ang lalaki sa kanya. He looks good in his new crew cut hairstyle. Bumagay sa mukha nito ang bagong gupit. Hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan ni Luken kahit pa nangingitim ang ilalim ng mata nito.

She blinked many times and pulled herself together. Nagulat lang siya sa biglaang presensya ni Luken kaya hindi agad siya naka-react, iyon lang ang dahilan at wala ng iba pa. Hindi niya lang inaasahang madadatnan niya ito sa opisina niya pagkatapos nitong um-absent ng isang linggo. Ngayon niya lang ulit nakita ito.

'Pero napansin mo ang bagong gupit niya? At paano mong nalaman na absent siya? Stalker ka na?' sabi ng isang bahagi ng kanyang isipan. Nailing na lamang siya sa sarili at napabuntong-hininga.

"Miss me?" Nakangiting sabi ni Luken.

"No," Sagot ni Sinnerita, na ikinanguso nito.

"You're hurting my feelings, don't you know? Miss na miss kita tapos ginaganyan mo ako?" Wika nito sa tila nasasaktang tono. May pahawak pa ito sa dibdib.

Naiiling na isinarado niya ang pinto at naglakad patungo sa mesa niya. Ngiting-ngiti namang tumayo si Luken sa upuan niya, iminuwestra pa nitong maupo siya bago lumipat sa upuang na sa harapan ng mesa niya.

"What are you doing here, by the way? Naligaw ka yata." Nagtatakang tanong ni Sinnerita sa lalaki nang makaupo. Nilapag niya ang gamit sa mesa at pinagsiklop ang mga kamay. "Imposible namang may i-rereport ka."

"I just want to see you," Nakangiting pa rin ang mga labi nito ng sabihin iyon. Nagpalumbaba sa mesa niya si Luken. "Isang linggo kaya kitang hindi nakita." Malambing na sabi nito na ikinataas ng kilay niya.

He sighed and said, "Okay, I'm sorry. Sorry kung ngayon lang ako nagpakita sa 'yo. Something came up, and my twin needs me. Marami siyang inutos sa akin. So, even if I want to see you, I can't. My twin is very strict, especially on work. Kaya tinapos ko nang maaga ang mga dapat kong gawin dahil kung hindi, sa susunod na linggo mo pa ako makikita. Promise babawi ako sa'yo. Sa'yo ako ngayong araw na 'to!" Napatanga si Sinnerita sa biglaang pagpapaliwanag nito.

He even said the word 'sorry' and 'promise'. Guguho na ba ang mundo? Si Luken Aiden Ashford ba talaga ang na sa harapan niya o alien na biglang bumaba mula sa kabilang planeta? Ilang minuto pa ang lumipas bago nagsalita si Sinnerita.

"You don't need to explain, Luken. Wala lang sa akin 'yon." Umayos ng upo si Luken saka pinatong ang isang kamay sa kanyang nakasiklop na mga kamay.

"I know, but I feel I need to explain my side. Hindi kasi ako mapakali, e."

"Wala ka bang pasok?" Sabi na lang ni Sinnerita saka marahang hinila ang kanyang kamay at nilagay iyon sa kanyang mga hita. Walang tunog namang lumapat ang kamay ni Luken sa mesa niya.

Hindi agad nakasagot si Luken kaya napatitig siya sa mukha nito. Wala sa kanya ang tingin ng lalaki kundi sa kamay nitong nag-ta-tap na sa mesa niya. Nagtatagis ang bagang nito habang nandoon ang atensyon.

"Luken?" Nang marinig nito ang pangalan ay inaangat nito ang tingin sa kanya ng nakangiti. Napakurap si Sinnerita sa biglaang pagbago ng emosyon nito.

"Walang teacher, e. May meeting 'di ba? Kaya ako nandito kasi wala naman akong gagawin sa classroom namin saka kung mayroon man akong klase ay hindi na ako a-absent. I want to prove to you that I'm a good boy. No other girls. No escaping classes. Makikibalita rin sana ako kung may nag-rereport pa rin ba sa akin?"

"I want to congratulate you, Mr. Ashford. As for this week, no one is reporting you. Walang babaeng umiiyak na pumasok dito sa opisina ko, last na iyong naka-sex mo," may diin na aniya.

"Ni-report ka niya sa akin." Ngumiwi ang labi ng lalaki sa narinig at nagkaroon ng takot ang kislap ng mga mata nito.

"Kailangan ba kitang palakpakan?" dagdag pa ni Sinnerita.

"About that… I want to explain my part. I'm just frustrated because of you, and I'm just a man, Sinnerita Naghubad siya sa harap ko, e. Kaya natukso ako. What can I do, right?" Umawang ang labi ni Sinnerita sa sinabi nito, hindi makapaniwala sa narinig.

"Ibig mong sabihin... kasalanan ko kaya ka nakipag-sex sa iba? Sinisisi mo ako?"

Nanlaki ang mga mata ni Luken. "No! That is not what I mean!"

"Hindi, e! Iyon ang pagkakaintindi ko sa sinasabi mo. Hindi ko na kasalan kong m*****g ka lang talaga!" Asik ni Sinnerita sa lalaki.

Umamo ang mukha ni Luken saka bumuntong-hininga. "Sorry, Sinnerita. Sorry kung 'yon ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko. It's my fault, not yours. Nadala lang ako sa kalibogan ko kaya napatulan ko siya, lalaki lang ako. I promise to you, Sinnerita. Huli na 'to. Itataya ko ang buhay ko. She will be the last girl you will jealous of. Wala ng ibang babae ang makakapasok sa buhay ko kundi ikaw lang. Kaya huwag ka ng magselos pa." Nanunuyo at nanlalambing na sabi nito. His word is too good to be true. That she almost puke. Wait, anong nagseselos?

"Hindi ako nagseselos!" Kunot-noong sigaw ni Sinnerita. Ngumiti lang ang lalaki ng kay tamis.

"I miss you, Sinnerita. Don't you miss me, too?"

"Bakit naman kita mamimiss, aber?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Because I'm your Suitor."

"Marami naman akong suitor pero hindi ko naman sila namimiss, ah? Tsaka hindi kita pinayagang ligawan ako. Ni-reject kita, remember?" Nakangising aniya.

"But you accepted my gifts..."

"Hindi ako ang nang himulos no'n." Binigay ni Sinnerita ang mga chocolates at prutas sa mga batang lansangan dahil hindi naman niya iyon kailangan. Marami siya no'n sa bahay nila. Ang mga bouquet ng rosas naman ay dinonate niya sa simbahan. May itinira lang na isang rosas na kulay pink si Sinnerita para sa sarili. "Binigay ko sa mas nangangailangan."

"What?" Nalukot ang guwapong mukha ng lalaki. "Your so heartless, Sinnerita. Hindi mo man lang ba na-appreciate ang effort ko? Binigay ko iyon para sa 'yo, e." Parang batang sabi nito, nagmamaktol.

Ikiniling niya ang ulo saka tinuro ang pintuan. "I think you have to go, Luken. Pumunta ka sa classroom niyo, sa canteen o saan pa man basta huwag lang dito. You have no business here."

"Meron akong business dito at ikaw 'yon." Nakangusong sabi nito. "Pwede ba munang tumambay dito? I'm not in the mood to wander around. I'm tired from a long trip and I want you feel your presence. Kung pwede lang dito ka sa kandungan ko maupo, e. Pakiramdam ko mawawala ang pagod ko kung malapit ka sa akin."

"Nilalandi mo ba ako?" Naniningkit ang mga matang aniya kay Luken. Ngumisi naman ang lalaki.

"Ngayon mo lang napansin?" Napanganga si Sinnerita sa narinig.

"Umalis ka nga dito! Opisina 'to, hindi tambayan." Inis niyang sabi.

"Hindi kita i-istorbohin, Sinnerita. Pangako! Tsaka isa ako sa may ari ng university na ito, na sa akin na kung anong lugar ang gusto kong tambayan. I will behave here, just do your work, baby."

"Anong baby? Mukha ba akong bata sa'yo?"

"E, 'di honey na lang!"

"Ano ako? Bubuyog?"

"Tart na lang?"

"Ayoko no'n, nang-aagaw ang tawagan na iyan!"

"You want an endearment, ha?" Masayang sabi ni Luken.

Nanlaki ang mga mata ni Sinnerita ng mapagtanto ang sinabi nito.

"Hindi!" Iniwas niya ang tingin sa lalaki saka itinuro ulit ang pinto. "Umalis ka nga dito! Labas!"

"Dito lang ako," pinal na sabi nito.

Napabuntong-hininga na lamang si Sinnerita at hinayaan ang lalaki sa gusto nito. Kinuha na lamang niya ang iniwang folder ni Maree at binuklat iyon, habang nagbabasa ay naiilang siya. Ramdam niya ang titig ni Luken na tumatagos sa balat niya. Pasimple niyang sinilip si Luken at nginitian siya nito ng magtagpo ang kanilang mga mata.

Kakaiba ang mga tingin na binibigay ni Luken sa kanya. Kung makatingin kasi ang lalaki sa kanya para siya ang pinakamagandang tanawin sa mga mata nito.

"P-Pwede b-bang h-huwag mo akong t-titigan ng ganyan?" Nanunuyo ang lalamunan niya ng suwayin ang kaharap.

"Why? Does my stare bother you?" Kumislap sa kapilyunan ang itim na itim nitong mga mata.

"Yes," tapat niyang sagot.

Luken sighed, "Your beauty is sinful, Sinnerita. You are perfect from your eyes, nose, lips, and your face. I can't take off my eyes of you. Can you be mine?" He just looked straight to her green eyes while he's saying those words with an honesty and tenderness. Nararamdaman niya ang katotohanan sa mga salita nito.

Napaawang ang labi ni Sinnerita nang maramdamang nag-iba bigla ang ritmo ng kanyang puso. Malakas. Nakakapanikip ng dibdib. Hindi mapakali. Kumakabog-kabog. Nakakatakot na baka marinig ni Luken ang tunog no'n.

Yumuko siya at pasimpleng sinapo ang dibdib, sa tapat ng kanyang puso.

'This is not good.' She thought and tried to relax herself. Hindi niya dapat maramdaman ang bagay na iyon. Hindi dapat, lalo na kay Luken.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status