"Bitch, 'di ba bukas ka na papasok sa school bilang isang teacher?" bungad sa akin ni Cyril pagsagot ko ng telepono.
Limang araw na ang nakalipas. Bukas na mag-uumpisa ang mga pinaplano ko. Bukas na ako papasok sa school kung saan nag-aaral ang anak ng isang demonyo. Hindi naman na halata sa edad ko. 24 na ako at halos tatlong taon na ang nakalipas nang tapusin ko ang kolehiyo ko.
"Oo," ang tanging sagot ko.
Inayos ko ang aking pinagkainan. Inipit ko ang cellphone sa aking balikat at sa aking tainga.
"Hoy Lucio, bakit ka nga pala hindi tumatawag kahapon? Bakit hindi ka nagparamdam?"
Rinig ko sa kabilang linya ang katahimikan. "Hoy, tinatanong kita."
"M-May meeting kami," nauutal na sagot nito.
Napataas ako ng kilay. "Meeting your face!" singhal ko.
"B-Basta, dami mong tanong, 'yung misyon mo na lang intindihin mo d'yan!" Pabalang na sagot nito.
"Sasabihin mo sa'kin o hindi ko sasagutin ang mga tawag mo?" pagbabanta ko sa kanya.
"Kuya naman!" pagmamaktol nito.
Hindi ko maiwasang mapangiti. "Naghihintay ako, Lucio. 3 minutes."
Napabuntong hininga ito. "M-May pinuntahan kasi ako," sagot nito. Ramdam ko ang kaba sa kanyang pananalita.
Tuluyan kong nailapag ang mga plato sa lababo. Umupo ako sa upuan at itinapat ang cellphone sa aking bibig.
"Saan ka naman pumunta, aber?" Nakataas na kilay kong tanong.
"S-Sa..Sa may party."
Tuluyang nalukot ang aking noo. "A-Anong sabi mo?"
"P-Pumunta ako sa party," pag-ulit nito sa kanyang sinabi.
Mukhang natakasan na naman niya si Ryan.
Hindi ko maiwasang mainis. "Nang hindi manlang nagsasabi sa amin ni Nicko?"
"Ngayon lang naman," mahinang sagot nito.
Napatiim bagang ako dahil sa inis. "Kailan ka pa natutong sumuway sa batas, Cyril?"
"N-Nag-iingat naman ako."
"Kahit na! Dapat nagsasabi ka sa amin ng kapatid mo!" sa pagkakataong 'to ay hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. "Paano kung may mangyaring masama sa'yo?"
"S-Sorry na. Hindi ko na uulitin."
Napabuntong hininga na lang ako. "Dapat lang."
Muling nanaig ang katahimikan. Hanggang sa marinig kong muli ang boses ni Cyril.
"Kumusta pala yung mga kapitbahay mo?" Tanong nito.
Umikot na naman ang aking mata. "Ayon, napakadaldal. Halos hindi sila mawalan ng kwento," sagot ko na para bang hindi nagalit kanina.
"Bitch, naiimagine ko yung mukha ngayon!" sigaw nito na tila ba hindi ko pinagsabihan kanina. "Paniguradong umiikot na naman ang mata mo!" dagdag nito bago magpakawala ng tawa.
Sa sobrang inis ay pinatayan ko ito.
Kailan ko ng magpahinga. Mamayang hapon ay lalabas na naman ako para makipagplastikan kila Aling Wency. Isa siya sa mga katulong dati ng mga Perez.
Ang dami nilang alam sa totoo lang. Halos makwento na niya lahat ng karanasan niya. Halos malaman ko na nga ang mismong straktura ng bahay ng mga demonyo. Napag-alaman ko rin na nasa kabilang kalsada lang ang tinutuluyan ng target ko. Ang akala ko kasi ay nakahiwalay ang bahay niya.
Nakaidlip ako ng tatlong oras. Tumanaw ako sa bintana ng aking kwarto. Kulay kahel na ang kalangitan tanda na papalubog na ang araw. May mga bata na ring naglalaro sa parke at ang mas nakakairita pa ay abot mula rito ang ingay nila.
Hindi ko maiwasang mapailing.
Hapon na.
Nando'n na sila Aling Wency.
Sigurado ako.
Sa limang araw na lumipas ay halos alam ko na na ganitong oras nagkukumpulan ang mga tsismosa. Ganitong oras din ako kung bumaba. Ayaw ko mang aminin pero isa na rin ako sa kanila. Hindi dahil sa tsismosa talaga ako. Kung hindi dahil sa misyon na gagawin ko.
Inayos ko ang t-shirt at ang pajama ko.
Gustuhin ko mang hindi pumunta pero kailangan ko pa rin gawin ang bagay na 'yon. Wala pa kasi silang naikukwento tungkol sa anak ng demonyong si Jacob. Iyon na lang ang inaabangan ko para may mabuo na ang plano ko para bukas.
Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita si Mang Allen. Isa ito sa mga tumatambay sa harap ng tindahan ni Aling Wency. Dati itong bodyguard ng mga perez nung mga panahon na hindi pa raw nagagawa ang compound na ito.
"Oh, papunta ka na ba kila Wency?" agad na tanong nito.
"A-Ah, opo," naiilang na sagot ko.
"Tara na, mukhang kakagising mo lang, ah," saad nito habang papunta kami sa tindahan nila Aling Wency.
"Nakaidlip po kasi ako kanina, may pasok na po kasi ako bukas," sagot ko.
"Saan ka nga pala pumapasok, Mel?"
"Sa.." halos manlamig ako dahil hindi ko maalala ang eskwelahan na papasukan ko bukas.
"Oh, buti naman at nakarating na kayo!" sigaw ni Aling Jennie. Asawa ni Mang Greg. Tatlo palang sila na nandito.
Nakahinga ako nang maluwag dahil nakaiwas ako sa tanong ni Mang Allen. Bakit ba kasi hindi ko tinandaan ang eskwelahan na 'yon? Jusq, muntikan na!
Dumako ang tingin ni Aling Jennie sa aming likuran. "Teka, nasaan si Liyang?" tanong nito sa katabi ko.
"Naglalaba pa." sagot ni Mang Allen.
Tuluyan kaming naupo. Nakatitig lamang ako sa mga batang naglalaro sa parke habang sila ay patuloy na nagkukwentuhan. Tinatamad na ako pero kailangan kong magtiis.
"Nako, alam mo bang napakasungit no'n!" rinig kong sigaw ni Aling Wency mula sa loob ng tindahan. "Ewan ko ba naman kasi kay Sir Jacob, sa dinami rami ng babae. 'Yung manananggal pa yung napili," dagdag nito.
Bumaling ang tingin ko sa kanila. Mukhang maririnig ko na yata ang mga bagay na makakatulong sa'kin.
"Hindi ko nga maiwasang maawa sa bata, mas lalong nawalan ng oras si Sir sa anak niya," singit ni Aling Jennie. Nakadilat pa ang mata nito at nakataas pa ang mga daliri na tila ba nagpapaliwanag.
Napaiktad ako nang tumingin sa aking gawi si Aling Wency. "Pasensya ka na, Mel, mukhang hindi ka yata makakasabay sa kwentuhan ngayon," saad nito.
Napairap ako sa aking isipan.
'Nako, ok lang naman po. Wala naman po akong pake.'
Napangiti ako ng pilit. "Ok lang naman po, Aling Wency," sagot ko. Muling bumaling ang tingin ko kay Aling Jennie na nasa kabilang upuan.
"Grabe 'yung babaeng 'yon! Pinatanggal pa sa trabaho si Cheska!" Halos pasigaw na saad ni Aling Jennie.
"Bakit nga ba pinatanggal si Cheska?" singit na tanong ni Mang Greg.
Muli na namang tinaas ni Aling Jennie ang daliri. "Paano, dumapo lang ang tingin ni Sir kay Cheska dahil umiiyak yung anak ni Sir. Eh, nakita ng demonita. Ayon! Kinabukasan nasisante!" Nagtawanan ang mga kasama nito dahil sa paraan ng kanyang pagkukwento.
"Kawawa naman tuloy ang batang 'yon," singit ni Aling Wency.
Sa pagkakataong ito ay sumabat ako. "M-May anak na po yung J-Jacob?" Tanong ko kahit na alam ko naman na ang sagot. Ewan ko ba, pero gusto kong magtanong para humaba pa ang usapan. Mas maraming impormasyon mas maganda.
Muling dumako ang tingin ko kay Aling Wency. "Oo, limang taon pa lang ang batang 'yon! Nako, maniwala ka sakin, Mel. Maaawa ka sa batang 'yon!" Histerical na sagot ni Aling Jennie. "Hindi pa nga nagsasalita ang batang 'yon. Natrauma yata dahil sa pagkamatay ng nanay niya, pero alam niyo kung anong mas nakakainis kay sir? Ipapasok na niya sa eskwelahan yung anak niya dahil sinabi lang ng manananggal na 'yon! Isipin niyo! Limang taon pa lang? Imbes na nag-eenjoy sa mga laruan, ayon! gigising sa umaga para pumasok sa eskwelahan," dagdag nito habang napapailing.
Nakaramdam ako ng kung ano sa aking dibdib.
Awa.
Awa ang siyang namuo sa aking puso.
Masyado pa siyang bata para maranasan ang bagay na 'yon. Masyado pa siyang bata para makita ang pagkamatay ng kanyang ina. Pero sabagay, mukhang makakalimutan rin naman niya iyon pagdating ng araw.
Napakedemonyo talaga ng Jacob na 'yan. Hindi na lang hayaan na maglaro ang anak niya.
Sumilay ang buwan sa kalangitan. Napagpasyahan ko na umuwi na para maghanda bukas. Nagbukas lang ako ng delata at kinain ang kanin lamig kanina. Nang matapos ako ay agad akong nagtungo sa kwarto. Kinuha ko ang papel na binigay sa akin ni Ryan bago ako umalis ng korporasyon.
Katulad ng mga nakaraang araw ay muli ko iyong pinagmasdan. Malapit lang ito sa eskwelahan na pupuntaha ko bukas. At mukhang may maganda rin pala akong mapapala ngayong linggo.
Tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot.
"May pinapasabi si Panot sa'yo,"" bungad nito.
Kumunot ang noo ko sa kanyang mga sinabi. "Bakit hindi siya ang magsabi?" Takang tanong ko.
"Ewan ko ba do'n sa panot na 'yon. Daming utos! Akala mo siya may-ari ng lahat ng nasa korporasyon!" gigil na sagot nito.
"Bunganga mo, Lucio."
"S-Sorry, kasi naman, pwede ka naman niyang tawagan. Kailangan pang iutos sa'kin,"
Napairap na lang ako sa kawalan. "Anong pinapasabi niya?"
"Inurong sa tatlong buwan ang misyon mo,"
"H-Huh?"
"Inurong kako sa tatlong buwan. Mukhang nagmamadali yung kliyente ni Panot."
"Sila kamo magpabagsak sa mga Perez. Punyeta sila," naiirita kong sagot. "Sino ba 'yang kliyente na 'yan? Hinanap ko na 'yan sa folder pero hindi ko talaga makita," dagdag ko.
"Isa pa 'yan sa mga gumugulo sa isip ko," mahinang saad nito. "Hayaan mo, iimbestigahan ko rin 'yan."
Maaga akong nagising dahil sa walang humpay na tunog ng cellphone. Gusto kong mainis dahil sa pagputol sa masaya kong panaginip.
Sa panaginip na nga lang nagiging masaya. Hahadlangan pa.
"Ipaalala mo nga sa'kin ngayon na kapatid kita," nagtitimpi kong bungad kay Cyril.
"Bitch! 'Wag mo'kong tarayan! Maghanda ka na para maabutan mo ang pag-alis ng sasakyan ni Jacob!"
Bumalik ako sa katinuan. Nawala bigla ang antok ko sa mga narinig ko mula sa kanya.
Napatayo ako sa kama."Maliligo na ako, mag-almusal ka na," sabi ko bago tuluyang patayin ang tawag.
Madilim pa sa labas. Kita mo mula rito sa kwarto ko ang mga nag kikislapang ilaw ng mga magagarbong bahay sa subdivision ng mga demonyo.
Agad akong naligo. Hinilod ko ang dapag hilurin. Nang makuntento ako sa saking sarili ay agad akong humarap sa salamin ng banyo.
Medyo mahaba na ang buhok ko. Mayroon akong matangos na ilong, manipis na labi ngunit nagmamalaki sa sobrang pula nito. Para akong isang babae sa itsura ko. Kamukhang kamukha ko si Mama. Kaya nga hindi ko madalas magamit ang make-up kit ko noon sa mga nakaraan kong misyon dahil magsuot lang ako ng wig ay ayos na.
Agad akong lumabas ng banyo. Nagbihis na agad ako. May damit na nakalagay sa cabinet ko na nakahiwalay sa mga pambahay at panlakad. May note rin na nakalagay na "School Attire". Damit ng isang guro.
Mabilis lang akong natapos. Buti nalang at naihanda ko na kahapon ang mga gagamitin ko. Ni-lock ko ang bahay. Pumunta ako sa gilid ng parke kung saan nakaparada ang e-bike ko. Buti naihatid ito nung isang araw ni Ryan. Hindi ko pinadala yung motor na ginagamit ko. Binalik ko kasi ang sasakyan sa headquarters.
Ang shunga lang kasi nila. Paano ako magpapanggap kung may kotse ako? Ano na lang iisipan nila Aling Wency? Na inuna ko pa ang pagbili ng kotse kesa sa pag-iipon para makabili ng bahay? Paniguradong magtataka sila. Daig pa naman ng mga tsismosa ang mga NBI sa pag-iimbestiga. Mabuti ng nag-iingat.
Nang makasakay ako sa e-bike ay agad kong sinuot ang earpiece sa aking tainga. Pinindot ko 'yon bago isuot ang helmet.
"Bithch, maya maya lang ay may lalabas na apat na sasakyan," bungad sa akin ni Cyril.
Kinuha ko ang cellphone ko. Nagkunwari ako na nagtitipa roon. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang pagbukas ng gate. Tama nga ang mga sinabi ng kapatid ko. May lumabas na apat na sasakyan. Pare-pareho ito ng kulay.
"Akala ko ba laging mag-isa ang anak nung demonyong Jacob?" Takang tanong ko bago buhayin ang makina.
"Boba ka talaga, kuya! Malamang first day of school ngayon!" Singhal nito.
Sasagot pa sana ako pero nag-umpisa nang umandar yung apat na sasakyan.
"Bitch, dumistansya ka sa kanila," sabi ni Cyril sa kabilang linya.
Gaya ng sinabi nito ay dumistansya ako. Lumayo ako. Sapat lang para matanaw ko sila.
"Lucio, kwentuhan mo nga ako tungkol sa eskwelahan na pupuntahan ko ngayong araw," ani ko habang nakatitig pa rin sa mga sasakyan.
Patuloy ko silang sinusundan. Nagkubli ako sa ilang sasakyan na kasabay ko. Kailangan kong mag-ingat dahil kakaunti pa lang ang mga sasakyan sa kalsada. Nagsisimula na ring sumilip ang araw dahilan para malanghap ko ang napakapreskong hangin.
"Maliit na eskwelahan lang 'yon para sa mga kinder. Pero wag ka, dahil lahat ng nag-aaral doon ay puro mayayaman. Halos lahat ay puro anak ng mga may-ari malalaking kompanya. Buti nga at may kapit si Panot kaya naipasok ka," mahabang litanya nito.
Hindi ko maiwasang mapairap. "So puro bata yung tuturuan ko?"
"Malamang! Boba ka talaga, kinder nga diba?" Singhal nito.
Ilang sandali lang ay huminto na ang mga sasakyan sa isang gusali. Tatlong palapag 'yon at halos napakasakit sa mata ng disenyo. Puro pambata. Kulay pink at asul pa ang pintura. May mga nagkalat na ribbon at kung ano anong hayop.
Nakarinig ako ng mga tawa sa kabilang linya. "Bitch, alam kong naiirita ka na pero need mo nang bumaba," sabi nito at muling natawa.
Pababa na ako sa e-bike nang makita ko ang pagbaba ng isang lalaki.
Muling umakyat ang init sa aking katawan. Muling namuo ang galit sa aking dibdib. Naikuyom ko ang aking kamay.
Nakapolo itong itim na hapit na hapit sa kanyang katawan. Nakatuck-in iyon sa kanyang kulay itim na pantalon. Maya maya lang ay bumaba na rin ang isang bata lalaki. Ang puti nito at halos umabot lang siya ng hita ng kanyang ama.
Napatiim bagang ako nang humarap ito. Hindi na siya katulad sa larawan na nasa folder. Halos wala na itong bigote. Ang liwanag ng kanyang mukha.
Dahil doon ay muli kong nakita ang mukha ng lalaking nakatayo sa harapan ng nakahandusay kong ina.
Ang lalaking nakatingin sa duguang katawan ni mama.
Apat na taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagbabago ang kanyang mukha.
Demonyong demonyo pa rin.
Ilang segundo lang ang binilang bago may bumaba mula sa kaparehong sasakyan.Isang babae na nakapulang dress ngunit nagkulang sa tela. Slim lang ang katawan nito pero nagmamalaki ang kanyang dibdib. Hindi na nakapagtataka. Kaya naman pala nag stay sa kanya ang demonyong si Jacob.Sakto lang din ang height nito para sa isang babae. Hanggang balikat siya ni Jacob pero dahil sa takong na suot nito ay halos umabot na siya sa tainga ng demonyo.Hindi ko maitatanggi na maganda ito. Pero dala ng make-up sa mukha ay halos magmukha na itong clown.Napairap ako sa kawalan. Jusq. Hindi man lang marunong magblend ng eye-shadow."Bitch, kumalma ka lang," sabi ni Cyril sa mahinahon na paraan.Napatiimbagang ako. "May magagawa ba 'ko?"Hindi ba nanonood ng tutorial ang babaeng 'to? Tanong ko sa aking isipan.Tuluyan kong pinarada ang e-bike sa gilid kung
"Good morning," bati ko sa mga bata.Sabay sabay silang tumayo ngunit nanatiling nakaupo ang isa sa kanila. Sabay sabay silang bumati ngunit nanatiling tikom ang bibig nito.Tatlong araw na ang nakalipas at sa tatlong araw na 'yon ay laging ganito ang sitwasyon. Laging tahimik ang anak ni Jacob gaya ng sinasabi nila Aling Wency."Okay, kids!" Masigla kong panimula. Dahil doon lahat sila ay nakatingin na sa akin. "Get your coloring book and coloring materials!"Muli na naman silang nag-ingay. Nagpagandahan sila ng mga coloring books. Nagpasosyalan kumbaga."Teacher Mel! I have many many colors po!" bibong sigaw ni Itzy.Ngumiti na naman ako ng pilit, "Good! Pahiramin mo mga classmate mo kapag nanghiram sila!" Tapos pahiram din ako ng daddy mo.Kahit papaano ay nababawasan ang sakit ng ulo ko kapag kausap ko si Itzy. Nakakaintindi kasi ito ng tagalog at maru
"Bitch, you need to get some files daw as soon as possible," bungad sa akin ni Cyril gamit ang earpiece na suot ko sa aking tainga. "Nalulugi na raw kasi ang ilan sa mga kompanya na hawak niya," dagdag nito.Pero tila ako isang robot na naglalakad papasok ng bahay. Hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado akong nalilito. Kahit sila Aling Wency ay hindi ko nabati kanina. Hindi tuloy ako nakapagplastikan sa kanila.Hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari kanina. Ang pag-aalala sa mukha ni Jacob nang makita niya ang kanyang anak.Hindi ko kasi lubos maisip kung bakit kailangan niyang malungkot sa bagay na siya naman mismo ang gumawa.Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ako 'to.Hindi ko mahina.Hindi ako kailan man naawa."Jose! Baka gusto mong magsalita? Aswang na 'to!" sigaw ni Nicko sa kabilang linya.Mukhang magkasama silang dalawa. At mu
"Kumain ka ng marami, ah." Tumango ito dahilan para mapangiti ako.Nandito kami ngayon sa isang karinderya na malapit sa pinuntahan naming bahay. Buti na lang at hindi maarte sa pagkain itong si Kyro.Sumenyas sa akin si Ryan. Tinaas nito ang cellphone niya na siyang tinanguan ko."Wow, ang cute niyo namang mag-ama," bungad sa'min ng tindera. Nilapag nito ang extrang kanin na inorder ko. "Pareho pa kayong nakapajama," natatawang dagdag nito.Nag-angat ng tingin si Kyro. Ngumiti ito at hindi ko na naman tuloy maiwasang matuwa."Nako, manang. Hindi po kami mag-ama pero salamat po," sagot ko.Ang kaninang ngiti ni Kyro ay nawala. Kaya agad akong napatingin sa tindera. "Joke lang po, mag-ama po talaga kami." Pagbawi ko sa sinabi ko kanina.Lihim akong tumingin sa bata. Muling bumalik ang ngiti nito."Buti na lang at hindi kayo maarte sa
"Mukhang enjoy na enjoy ka sa misyon mo ngayon, ah?" bungad sa akin ni Cyril pagkasuot ko ng earpiece.Kakauwi ko lang at kakaalis lang din ni Ryan kanina. Alas onse na ng gabi ngayon kaya napakabigat na ng talukap ng aking mga mata. Hindi kasi kami nakauwi kaagad dahil kay Kyro. Nag-iiiyak kasi 'yung bata nung sinubukan kong umalis."At talagang pinapunta ka pa niya sa bahay nila?" dagdag nito na tila ba nang-aasar.Nakakagulat isipin na ang demonyong si Jacob ay mag-iimbita sa kanilang bahay. Hindi ko maiwasang mabigla. Masyado siyang padalos dalos. Buti na lang at sinabi ko sa kanya na nasa kabilang kalsada lang ang bahay ko. Nung sinabi ko 'yon ay tsaka lang kumalma na si Kyro."Paano mo naman nalaman, aber?" nagtataka kong tanong sa kanya."Bitch, baka nakakalimutan mong Cyril ang pangalan ko." Rinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Kaya kong gawin lahat ng gusto kong gaw
Halos masabunutan ko na ang aking sarili dahil sa inis. Hindi matigil ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa kaba.Bwisit na demonyo na 'yon. Bakit ba ang lakas ng loob niya? Talagang pumasok pa siya sa bahay ko and worst! Sa kwarto ko pa.Teka?Kwarto?Agad nanlaki ang aking mata.Yung earpiece!Agad kong hinanap ang earpiece at ang baril na ginamit ko kagabi.God, Marco!Paano kung nakita niya? Mabubuking ka nito sa kapabayaan mo!Hinalughog ko ang lahat ng gamit sa kwarto. Mula sa gulo gulong kama hanggang sa cabinet na puro damit.Muli kong nasabunutan ang sarili.Bwisit! Nasaan na ba 'yun!Patuloy ako sa paghahanap. Wala akong pake kung naghihintay pa rin sila sa baba. Huling araw ko naman na sa school na 'yon. Alas syete pa lang naman at mas importante ang misyon ko kesa
Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang kailangan na kailangan niya talaga ako para sa anak niya. Buti na lang talaga at napalapit sa akin si Kyro. Hindi ko akalain na ito ang bunga ng ginawa ko.Kaunting kaunti na lang.Nasaikalawang hakbang na ako sa aking plano at kaunti na lang ang bibilangin ko bago ko maikasatuparan ang lahat. Maipaghihiganti ko na sila Mama at Ate. Mananahimik na ang kanilang mga kaluluwa sa itaas."Good Morning, Sir," wika ng mga gwardya nang makapasok kami sa isang matayog na gusali. Puro salamin 'yon at nagsisisigaw ito sa karangyaan.Hindi nagsalita si Jacob, nagpatuloy lang sila ni Rebecca sa paglalakad na siyang nagpairap sa akin. Mga walang pagmamahal sa mga empleyado. Bumagsak sana kompanya mo.Kasunod nila kami ni Kyro sa likuran kaya naman ako na lang ang bumati sa kanila."Good Morning po kuya," ani ko bago yumuko. Bahagya akong nagulat da
Napangisi ako sa aking isipan. Mukhang kailangan na kailangan niya talaga ako para sa anak niya. Buti na lang talaga at napalapit sa akin si Kyro. Hindi ko akalain na ito ang bunga ng ginawa ko.Kaunting kaunti na lang.Nasaikalawang hakbang na ako sa aking plano at kaunti na lang ang bibilangin ko bago ko maikasatuparan ang lahat. Maipaghihiganti ko na sila Mama at Ate. Mananahimik na ang kanilang mga kaluluwa sa itaas."Good Morning, Sir," wika ng mga gwardya nang makapasok kami sa isang matayog na gusali. Puro salamin 'yon at nagsisisigaw ito sa karangyaan.Hindi nagsalita si Jacob, nagpatuloy lang sila ni Rebecca sa paglalakad na siyang nagpairap sa akin. Mga walang pagmamahal sa mga empleyado. Bumagsak sana kompanya mo.Kasunod nila kami ni Kyro sa likuran kaya naman ako na lang ang bumati sa kanila."Good Morning po kuya," ani ko bago yumuko. Bahagya akong nagulat da