Share

4

Halos magpantay ang aking kilay nang marating namin ang lugar na tutuluyan ko para sa misyon. Ang akala ko ay sa isang matayog na gusali ako titira pero mukhang hindi ko nabasa ang mga nakasulat sa folder dahil sa sobrang excitement.

Bumungad sa akin ang dikit dikit na bahay. Gawa ang mga ito sa semento at may iba't ibang kulay. Hindi naman ito kaliitan at mukhang may maipagmamalaki naman.

May sari sari store rin na nasa gitna at may dalawang upuan na nakalagay doon kung saan may mga nakatambay. Sa tapat noon ay isang parke. At sa kabila naman ay mayroong gate. Tanaw mo mula rito ang mga nagtataasang bahay na nasa loob non.

Napailing si Ryan habang nakatingin din sa labas. "Mukhang hindi mo nabasa ng maigi yung misyon mo," sabi nito.

Napailing na lang din ako. "Pasensya na, Ryan. Nangangati na kasi talaga yung kamay ko." Matapos kong sabihin 'yon ay agad kong kinuha ang folder sa likuran.

Halos manlumo ako dahil sa aking mga nabasa.

Kailangan kong magpanggap bilang isang normal na mamamayan. Kailan kong makihalubilo sa kanila para mapagtagumpayan ko ang misyon. Bwisit.

Paano ako makikipaghalubilo sa ganitong estado? Baka matikman lang nila ang bagsik ng bibig ko. Wala pa naman itong preno minsan.

Muli kong tinignan ang bintana. Tanaw ko mula rito ang mga batang naglalaro sa parke. Malapait ng mag-ala-sais sa ng gabi. Napako ang tingin ko sa isang pamilya na masayang nagtatawanan. Pauwi na ang mga ito. Bitbit ng isang ama ang kanyang maliit na anak. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga masasayang ala-ala namin nila Mama. Napailing na lang ako sa mga ala-alang 'yon. Kailangan kong isantabi 'yon para makamtam ang hustisya na hinihiling ko.

Inilahad ni Ryan ang isang baril sa aking harapan dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Para saan 'to?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Para saan ba ginagamit ang baril?" Napailing ito habang tinatanong iyon.

"Alam ko, tang-inang 'to," sabi ko at muling tinignan ang baril. "Meron na kasi ako kaya aanhin ko pa 'yan?"

"Incase na mawala yung baril mo," sagot nito at muling inabot sa akin ang baril. "Ingatan mo sana 'yan. Akin ang baril na 'yan."

Wala akong nagawa kung hindi kunin 'yon. Ilang minuto pa akong nakatitig sa labas bago ko pihitin palabas ang pinto. Lumabas na rin si Ryan at sinundan ako sa likod ng kotse. Kinuha ko ang maleta at bag.

"Bumalik ka, Marky," sambit ni Ryan sa akin nang mailapag niya ang maleta sa sahig. "Hihintayin kita." Mahinang usal nito. Muli kong nasilayan ang malambot niyang ekspresyon.

Sa tagal namin bilang magkaibigan ay hindi niya talaga natutunang kontrolin ang kanyang emosyon. Minsan na siyang pumalpak sa misyon dahil sa pagiging malambot ng kanyang puso. Kaya naisipan ni Panot na ilagay ito sa hanay nila Cyril.

Tumango ako sa kanya bilang sagot. Hinawakan ko ang maleta. Maglalakad na sana ako nang pigilan niya ako.

"P-Promise me you will comeback," sabi nito sa mahinang paraan.

"Oo na." Mahinang sagot ko. Itinaas ko ang aking kamay at inilahad sa kanya ang aking hinliliit. "Promise."

Napangiti ito at tatalikod na sana. Pero sa pagkakataong ito ay ako naman ang pumigil sa kanya.

"Ryan, bantayan mo sana ulit si Cyril."

Tumango ito. "I will."

Umalis na ang sasakyan ni Ryan.

Napabuntong hininga ako.

Ito na ang tamang oras.

Ikukubli ko na naman ang pagkatao ko. Isasantabi ko na naman ang mataray at walang prenong bibig ng isang Marko. Kailangan kong magpanggap bilang Miss prim and proper. Kailangan kong gumalang kahit labag sa loob ko.

Nagsimula na akong maglakad palapit sa mga taong nagkukwentuhan. Nang makalapit ako ay siyang pagkuha ko sa kanilang mga atensyon.

Tatlong babae na sa tingin ko ay may edad at pamilya na. At tatlong lalake na sa tingin ko ay ang mga asawa nila. Isama mo pa yung Ale na nakasilip din sa butas ng tindahan. Hapon na at mukhang nagtsitsismisan pa rin sila.

Kinuha ko sa aking bulsa ang papel. "D-Dito po ba yung Perez Compound?" Mahinang usal ko. At dito na magsisimula ang pagpapanggap ko.

Agad naman silang tumango. "Dito nga, iho," sabat ng Ale sa loob ng tindahan.

Dumako ang tingin ng isang babae sa maleta na dala dala ko. "Teka, ikaw ba 'yung bagong uupa?" Singkit matang tanong nito.

Gustong umikot ng mga mata ko. Gusto kong sumagot ng pabalang pero dahil nga sa nag-uumpisa na ako sa pagpapanggap ko ay tumango na lang ako.

"Ang swerte mo at ikaw ang naunang kumuha, umalis na kasi diyan sila Teryong. Hardinero iyon ng mga Perez." Mahabang litanya nito.

Tama nga ang hinala ko. Mukhang mga trabahador nga ng mga Perez ang mga nakatira sa pwestong ito.

Magsasalita pa sana ito nang makarinig kami ng boses sa aking likuran.

"Ikaw ba si Mr. Mel Villanueva?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Agad kong nakita ang isang lalaki na may edad na. Puti na ang mga buhok nito pero kita mo pa rin ang malakas nitong pangangatawan.

Labag man sa loob ko ay yumuko ako. "O-Opo."

Bahagya akong nalito nang biglang yumuko ang mga kausap ko kanina.

"Good Morming po, sir."

"Good morning po, lolo."

"Good morning po."

Tsaka lang pumasok sa isip ko kung sino ang taong kaharap ko.

Mr. Renato Baltazar.

Isa sa mga larawan niya ang nahagip ng mata ko sa unang pahina ng folder. Siya ang kasalukuyang namamahala sa lugar na ito. Ang humahawak sa compound na ito. Siya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mga demonyo. Ang kanang kamay ng mga Perez.

Nag-init agad ang dugo ko. Hindi ko maiwasang mapatiimbagang sa isip ko. The bloodline really works, huh?

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. 'Wag kang magpadala sa galit, Marko. Kailangan mong pag-igihan para maisakatuparan mo ang mga pinaplano mo.

Muli kong tinignan ang lalaking nasa aking harapan. Naka polo ito at naka tuck-in iyon sa kanyang itim na pantalon.

Totoo nga ang mga sabi sabi nila.

Mukhang namumuhay nga talaga ng normal ang mga Perez. Hindi na ako magtataka kung ang lahat ng nakatira rito ay puro trabahador ng mga Perez. Ngayon alam ko na kung bakit ito ang pinili nilang tutuluyan ko.

"Sumama ka sa'kin. Ihahatid na kita sa titirhan mo," saad nito.

Sa pagkakatanda ko ay mangungupahan lang ako. Magpapanggap akong bilang isang teacher sa loob ng isang linggo at pagkatapos no'n ay magpapanggap ako na nawalan ng trabaho. At syempre ang huli ay magmamakaawa akong makapasok sa kompanya nila. And after that...boom! Napaka simple.

Kailangan ko lang pag-igihan gaya ng ginagawa ko sa mga nakaraang misyon. Kailangan kong maging maingat. Kailan kong mag-stick sa plano ko.

Sinundan ko ito hanggang sa huminto kami sa isang simpleng bahay. Simple lang ang kulay nito. Mayroong dalawang palapag. Sapat na para sa isang mangungupahan katulad ko.

Inabot nito sa akin ang susi. "Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka, nandyan lang ako sa kabilang kalsada," saad nito.

"S-Sge po."

Tumalikod ito pero agad ding humarap. "Nga pala, pwede ka ring magtanong sa mga taong narito. Huwag kang mahiya. Mababait naman ang mga taong 'yon," dagdag nito bago tuluyang umalis.

Hindi ko maiwasang matawa sa aking isipan.

Mabait?

Talaga?

May mabait bang pumapatay?

Mga abno.

Tuluyan akong nakapasok sa loob. Hindi ko maiwasang mamangha. Mukhang may say naman ang interior ng bahay.

Mukha itong simple sa labas pero kapag isa kang simpleng mamamayan at pumasok ka sa loob ay talagang mapapanganga ka. Kulay asul na sofa na sa tingin ko ay pinares sa kulay ng dingding. Bilog na lamesa na katulad sa mga kulay na narito ay kulay asul din. Mga paintings sa gilid na nagdagdag aliw sa mga mata ko. May mga halaman sa nakabukas na bintana at may estante ng libro sa gilid ng T.V.

Isinara ko ang pinto at iniwan sa ibabaw ng sofa ang maleta. Naglakad ako patungo sa kusina. Hindi na ako nagtaka sa kulay nito. Kagaya ng nasa sala ay halos karamihan ng mga gamit dito ay asul.

Hindi ko maiwasang mapairap. Jusq! Umay na umay na ako sa asul.

Kumpleto ang mga kagamitan dito. At ang mas nakakatuwa ay halos puno na rin ang refigerator. Mukhang kasama yata 'yon sa binayad ni Panot.

Nagpasya akong kumain na lang ng graham cake. Tinatamad akong magluto dahil sa nakakapagod na byahe. Isa pa kailangan ko pang maghanda ng mga gamit. Baka magulat na lang ako isang araw na may pumasok dito sa bahay at patayin ako. Hindi imposible ang bagay na 'yon dahil nasa lungga ako ng mga Perez.

Nang matapos ako ay agad kong kinuha ang maleta at bag sa sofa. Umakyat ako sa kwarto at sa pagbukas ko ng pinto ay siyang pagtigil ko sa aking paghakbang. Nagtataka kong tinignan ang mga papel na nakalagay sa ibabaw ng kama.

Umikot na naman ang mata ko.

Bakit hindi nalang nila sinama sa maleta kanina?

Mukhang ito ang hardcopy ng misyon ko.

Inilabas ko sa dala kong bag ang aking laptop. Agad kong binuksan at hindi nga ako nagkamali.

Tinignan ko ang mga papel.

Kumunot ang noo ko sa mga nakita. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Dinial ko ang number ni Cyril.

"Naka-uwi ka na?" Bungad nito.

Muli kong tinignan ng papel sa aking kamay. "Totoo bang may anak ang demonyong 'yon?" Agad na tanong ko.

"Hindi ko na nga sana sasabihin sa'yo kaso masyadong pabida si Panot."

Tinignan kong muli ang larawan. Limang taon pa lang ang bata. At sabi rito sa papel na namatay na ang nanay nito. Pero mukhang may eeksena sa plano ko. Sa ilalim ng papel ay mayroong isang larawan ng babae. Sabi rito na ito raw ang tumatayong stepmom ng bata.

Akalain mong nag-stay sa isang babae ang demonyong 'yon?

"Nabasa mo na ba ang mga papel na nandyan?" Tanong ni Cyril na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Oo, punyetang 'yan. Mukhang maiiba ang plano na nasa isip ko," sagot ko.

Rinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Bitch, nagkakagulo na sa ikapitong rehiyon. Gaga ka, madami ng naghahanap sa'yo ngayon! Mukhang ikaw na naman ang laman ng underground site!"

Hindi na ako sumagot at pinatay na ang tawag.

Wala na akong panahon para isipin pa ang underground site. Kailangan kong mag-isip ng panibagong plano.

Muli kong tinignan ang papel. Dumako ang mata ko sa lalaking nakatuxedo. Dama ko mula sa larawan na ito ang napakalas na aura. Mula sa tindig nito hanggang sa bigote niya na nagbibigay dating sa kanyang mukha.

Umakyat ang init sa aking ulo.

Malapit na, Mr. JACOB PEREZ, malapit na malapit na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status