Share

Chapter 7

Kimberly Ann Martinez

"Hi, girl. I'm Joville Atayde, assistant number 3 ni Mr. McKinney," lumapit sa akin ang isang babae na kanina lang ay kasama ko loob ng office ni Sir Jonathan. Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Hi po. Ako naman si Kimberly Ann Martinez. Kim na lang for short. Magiging personal assistant daw ako Mr. McKinney," pakilala ko at tinanggap ang kamay niya. 

"Really? Wow. First time to," sabi niya. Ngumiti na lang ako ng pilit. "Anyway, ito naman sila Gerald at Paolo, mga security personnel ni Mr. McKinney. Kaya wag kang magtaka kung lagi silang naka black palagi silang kasama sa lahat ng lakad ni Mr. McKinney.  Ako naman ang  secretary slash assistant ni Mr. McKinney."

"Hello po sa inyo," bati ko sa dalawang lalaki na narito. 

"Hello, Miss Martinez, ang ganda mo naman," sabi ni Gerald sa akin. Sa mukha pa lang nito mukhang di na mapagkakatiwalaan, feeling ko may pagkapaliko tong lalaki na ito. 

"Ayan ka naman, Gerald. Spare, Kimberly. Mukhang inosente pa naman," sabi ni Joville sa kanila.

"Sure, pero kong gusto naman niya, bakit hindi," sabi pa ni Gerald.

"Gago. Subukan mo lang makakatikim ka sa akin," bulyaw ni Joville sa kanya na tinawanan lang ni Gerald. Napailing na lang ako, akala yata ng mga ito hindi ko nakuha ang mga pinagsasabi nila. 

"Hi, Kim, I'm Paolo, pagpasensyahan mo lang tong dalawa, parang aso't pusa talaga sila. Hindi magkasundo," wika ni Paolo sabay ngiti sa akin. Inilahad pa nito ang kamay para makipag kamay sa akin. 

Nakangiting tinanggap ko naman ito sabay sabi, "Hi, Pao. Nice meeting you."

"Friends na tayo ah? No worries, mabait naman kami dito lalo na pagtulog," sabi nito. Natatawa naman ako sa sinabi niya. 

"Ako din, mabait kapag tulog. Wag lang gisingin kapag al nyong kakatulog lang baka makagat pa kayo," pagsabay ko sa biro nila. 

Kung ano-anong mga topic na lang ang pinagsasabi namin para lang may mapag-usapan.  Naki join na din sina Joville at Gerald na kanina lang ay nagsisigawan sa isa't-isa. Natigil lang ang biruan namin ng may tumikhim  sa gilid namin. Nakita kong si Mr. McKinney ang may gawa noon. Agad tumahimik ang mga kasama ko at napayuko na lang. Mukhang pati sila ay natakot sa malamig na awra ng huli.

"It's not yet time for monkey business. Go back to  your post." Malamig na sabi ni Mr. McKinney. 

Maging ako ay takot sa kanya. Di ko akalain na ang  lalaki na kanina lang ay pinaligaya ako ay may ganitong personality. Parang may parang may personality disorder ang isang to. Bigla na lang  shift from malambing to bipolar. No wonder, takot ang  mga empleyado dito.

"Alis na ba po tayo, Mr. McKinney?" tanong ni Gerald sa lalaki. 

"Yes. And you, Miss Martinez, should come with me."

Pagkasabi nito ay agad itong naglalakad patungo sa elevator.  Napatingin ako kay Joville dahip hindi ko naunawaan agad ang sinabi nito. Sumenyas lang ang babae na sumunod ako. Kaya naman ay dali-dali kong kinuha ang bag ko at aumunod sa tatlong lalaki. Para kaming susulong sa kung saan sa naging posisyon namin sa  elevator. 

Naging seryoso ang mga mukha nina Gerald at Paolo. Nasa unahan sila dalawa ngunit nasa magkabilang gilid ng elevator. Ako na nasa left side ni Paolo, one step backward. Habang si Mr. McKinney naman sa left side ko, one step backwards. In short, pa triangle ang naging formation namin. 

Nang tumunog at bumukas ang elevator sa ground floor ay unang lumabas si Mr. McKinney na sinundan ko, tapos nong dalawa. Pa-triangle unit ang posisyon namin habang naglalakad. Para kaming mga celebrity na pinagtutulungan ng ilang mga empleyado. Deritsong sumakay si Gerald sa driver's seat habang si Paolo sa front seat. Kaya no choice ako kondi ang katabi si Mr. McKinney sa backseat.

Naramdaman ko pag hawak niya sa baywang ko dahilan upang  mapadikit ako sa kanya. Akmang lalayo ako sa kanya ngunit mas hinigpitan miya ang paghawak sa akin. Nakita ko ang pagsulyap ni Gerald sa amin mula sa rear mirror ng sasakyan. Namula tuloy ako, hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Patuloy lang sa pagmamaneho ai Gerald hanggang sa makarating kami sa isang mamahaling  restaurant.

Diretso lang ang lakad namin ng makababa sa sasakyan. Pagdating namin sa loob ay pumunta si Mr. McKinney sa isang mesa na may nakaupo ng matandang lalaki. Nagkamay pa ang dalawa bago sumenyas ang matanda na umupo na.  Inalalayan ako ni Mr. McKinney na upo sa isang bakanteng upuan.  Bagay na nakakuha ng atensyon sa matanda. 

"I didn't know that you are now concerned about your secretary, Mr. McKinney?" tanong ng matanda.

"She's not my secretary," tanong sagot ni Mr. McKinney.

"Who is she then? Your whore?" tanong pa nito. 

"Shut up!" Mapanganib na wika ni Mr. McKinney na naging dahilan upang matakot ang matanda. 

Kahit ako ay matakot sa bose nito. Ngunit parang wala lang ito kina Gerald at Paolo na kasalukuyang nakatayo sa gilid namin. Parang sanay na sila laging nakasigaw ang amo nila. Bigla namang natahimik lalaking nagtanong non. Mukhang takot din ito kay Mr. McKinney.

"Anyway, you want to invest in my company right?" tanong ni Mr. McKinney sa kausap nito. Tahimik lang akong nakikinig dahil wala naman akong idea kung ano ang pag-uusapan. 

"Yes," sagot ng matanda.

"How sure are you that you will last long in my company?" tanong pa nito. 

"Hundred percent sure, Mr. McKinney," sagot  ng kausap niya na parang nanginginig ang boses.

"Just make sure, Mr. Funtanel. Once you sign these papers, it's now settled. But once I found out that you do something beyond my control, be ready. Cause I will not hesitate to fire you in my company. And you will get nothing from me, even your capital share you can't get back to me. Understand?" wika pa ni Mr. McKinney.

Ako ang natakot para sa matanda. Grabi naman makipag-deal u***g si Mr. McKinney. Yung siya pa ang naghahanap ng investor, siya pa ang nagbanta. Napailing nalang ako ng makita ang nanginginig na pinirmahan ni Mr. Funtanel ang mga document. Nang matapos ay nagpapaalam na ito kay Mr. McKinney. Nagkamay pa sila bago tuluyang mawala sa paningin namin ang matanda.

Napatingin naman sa akin si Mr. McKinney. Nakakailang ang tingin niya sa akin. "Bakit?"

"Do you want to eat?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa naman ako gutom," Umiling ako sa kanya. 

Pero ang totoo gusto kong kumain lalo na at naamoy ko ang mga masarap na pagkain mula sa kabilang table. Natakam ako ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong mahal ang mga pagkain na narito. 

"Tsk," tanong sabi lang ni Mr. McKinney at nagtawag ng waiter.

 Bigla naman umayos ng tayo sina Paolo at Gerald at yumuko sa amin. Pagkatapos ay naglalakad sila palabas ng restaurant. 

"Teka, saan kayo pupunta?" pigil ko sa kanila ngunit parang hindi naman nila ako narinig. 

"Don't mind them. Choice what you want." Utos nito sa akin. 

Napatingin ako sa menu. Parang gusto kong bitiwan ang mga ito sa sobrang mahal ng pagkain. Dollars ang nakalagay na presyo. Pinakamura na ang 100$. Napaisip tukoy ako, gold ba ang pagkain dito? Kasi kong oo, wag na tayong mangarap na makakain pa sa restaurant na ito.

"Ah, hindi na po. Hindi naman ako kakain," wika ko.

Napailing na lang akong tiningnan ni Mr. McKinney. Sinasabi na niya ang  waiter ang gusto niyang pagkain. Samantalang ako ay tinapik-tapik lang ang mga paa ko sa ilalim ng mesa. Parang gusto kong tumayo at sundan sina Gerald sa labas. Di ko na lang ginawa baka magalit pa si Mr. McKinney.

After 30 minutes ay dumating ang pagkain na inorder niya. Naamoy ko kaagad ang  bango nito. Biglang may nagrambulang mga daga sa tiyan ko senyales na mas lalo akong nagutom sa mga pagkaing narito. Napatingin ako kay Mr. McKinney na nakatutok lang sa tablet nito, binitiwan lang niya ito magpapaalam ang waiter na nag assist para sa pagkain.

"Let's eat. I know you are hungry." Sabi niya. At hinimay na ang pagkain na nasa plato nito.

"Hindi naman," napangisi ito sa naging sagot ko. 

"Come on, baby. Don't be shy. This food is all yours," sabi pa niya at bigla nalang iniumag ang tinidor na may ulam na sa akin. "Here, taste it. It's tasty, I promise."

Napatingin pa ako sa paligid. Pakiramdam ko lahat napatingin sa amin dahil sa ginawa niya. Kaya wala na akong nagawa kundi ang isubo ang pagkain. 

"Masarap?" tanong niya sa akin. Tumango na lang ako kasi totoo naman masarap ang pagkain. Ngumiti naman ito sa akin at sumubo na rin ng pagkain gamit ang tinidor na ginamit niya sa pagsubo sa akin. "Come on, eat your food."

"Okay po," sagot ko.

Tumango na lang ako at nagsimula na rin kumain. Inalis ko sa isipan ko na gold ang presyo nito. Bahala na ang lalaki na magbayad nito. Hindi naman siguro niya ako paghuhugasin ng plato kong wala akong maibigay na share sa kanya. Matapos naming kumain ay muli kaming nagbyahe pabalik ng kumpanya.

Dahil lunch break nang makarating kami sa kumpanya ay lahat napatingin sa amin ng dumaan kami sa lobby. Gaya ng dati, naka-triangle posisyon kami, but this time, nasa unahan na si Mr. McKinney. Ramdam ko ang mapanuring tingin sa amin ng mga empleyado. Di ko mawari kung anong nasa isip nila. Kung humahanga ba sila, nainggit, or masaya ba.

Walang sinuman ang nag attempt na humarang sa amin. Hanggang tingin na lang sila. Wala ring nangahas na babatiin kami or si Mr. McKinney. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elevator. Wala si Joville sa  mesa niya nang dumating kami sa opisina. 

Diretsong pumasok sa opisina si Mr. McKinney  habang kaming tatlo ay pumunta sa kanya-kanyang mesa. Busy agad ang dalawa sa mga monitor nila samantalang ako ay nakatunganga lang dahil di ko alam anong gagawin ko.  Wala pa naman si Joville upang mapag tanongan ko kung ano ang  gagawin ko.

Naramdaman kong nag vibrate ang bag ko. Kinuha ko ito at nakita kong si Jhy ang tumatawag sa cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot. "Hello."

"Friend, saan ka? Di ka kakain?" tanong niya sa akin pagkasagot ko ng tawag.

"Tapos na akong kumain," sagot ko sa kanya. 

"Agad-agad? Kaka-lunch break pa lang ah?" tang niya sa akin.

"Kumain kami sa labas ni Mr. McKinney," sabi ko sa kanya. 

"Sana all kumain na kasama ang boss," sabi naman ni Jhy. "Ano, may love at first sight bang nangyari?"

Namula ako sa tanong niya. Naalala ko tuloy ang nangyari kaninang umaga lang. Love? Malabo yata yon. Lust? Ito siguro pwede pa. Dahil kung pagbabasihan ang nangyari ay ito ang mas bagay na tawag dito. 

"Gaga, wala. Nagkataon lang na may meeting sa labas," tanggi ko sa kanya.

"Hmmm. Balita ko wala pang nakakasama ang boss natin na empleyado na kumain sa labas. Kahit ang security personnel niya na laging kasama sa lakad ay hindi sumalo sa kanya tuwing may lunch meeting ito," inporma sa akin ni Jhy.

"Talaga? Ang bilis mo naman nakasagap agad ng tsismis," sabi ko sa kanya. Dahilan ko rin ito upang mabago ang topic namin. 

"Ako pa ba? Basta tsismis, mabilis ako dyan," sabi niya na parang proud pa sa pagiging tsismosa niya. Natatawa na lang ako sa kanya. 

"Oh, sige na mag-lunch kana. Baka maabutan ka pa ng time in. Kasalanan ko pa na hindi ka na makakain dahil sa tsismis mo sa akin," sabi ko sa kanya. 

"Okay, friend. Bye. Hintayin kita mamaya na uwian. Marami kang sasabihin sa akin."

Napailing na lang akong  ibinaba ang tawag niya. Ano naman kaya ang sasabihin ko? Na nakipaglaplapan ako sa boss namin? No way. Hindi ko ipagsabi ang mga iyon. Hanggat walang nakakaalam ay mananatiling sekreto yon.

Napatingin ako sa mga kasama ko na narito. Alam din kaya nila ang kababalaghang ginawa namin ng boss  nila? Sana man lang ay hindi ito naghihinala sa amin. At kung sakaling alam nila sana ay  di sila tsismoso at ipagsabi ang mga nalalaman nila. Dahil kung nagkataon ay baka katapusan ko na kapag malaman ng lahat ang ginawa namin sa loob.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
jennylyn legaspi
sweet mo Jonathan ahh,pinapak mo lng nman yung labi ni kim hahaha
goodnovel comment avatar
Jekk'33
Hahaha.. laplapan pa moreee Kim.. ibaon sa baol Kim ang secreto.....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status